Chapter 1

1680 Words
THE sound of my red silhouette heels lang ang maririnig mo sa building na ito, habang ako ay naglalakad. Ang tahimik ng paligid na parang walang tao sa company kahit meron naman. Ang tahimik bakit? Dahil nandito ako, dahil ayaw na ayaw ko ng ingay. Kaya wala sa aking trabahador ang may gusto sa akin, so what. Wala akong pakialam. Basta ang alam ko ay maganda ako at ginagawa ko ang anumang naisin ko, kahit ano pa ang maging tingin nila sa akin ay wala akong pakialam. Nagtataka nga ang mga tao kung biological daughter ba raw talaga ako ng aking mga magulang. Because my parents are very delicate, simple, nice and caring people especially my father the former CEO. Napakadali raw nitong katrabaho, although his had aura na nakakatakot, pero isa siyang dakilang tao. Sayang lang at maaga siyang nag retiro. Nang makarating ako sa aking opisina ay maya-maya lang ay pumasok ang aking matalik na kaibigan at inis na inilatag ang isang file sa desk ko kaya nainis akong nagtanong dito. “And what the heck is this?” galit na tanong ko na nakatingin sa matalik kung kaibigan ang ayaw ko pa naman ay dinadabugan ako. Matalik na kaibigan ko itong si Cassie, funny right? Paano magkakaroon ng bestfriend ang isang tulad ko? Alam kung itatanong ng ibang tao ito sa hindi nakakakilala sa akin. But yes it's true, walang nakakaalam kung paano kami naging matalik na kaibigan. Pero isa lang ang totoo at nakakakilala sa tunay kong ugali, si Cassie lang iyon at wala ng iba. “Basahin mo na lang kasi.” Nakabusangot na sagot nito sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay. “You know I'm not a patient person and I hate wasting time to speak.” Sabi ulit nito kaya no choice ako kundi basahin ang nilalaman ng files na iyon, nanlaki naman ang mata ko sa nabasa ko. “Totoo ba ito?” hindi makapaniwala kong tanong. “Oo, ang mga stock ay bumababa at karamihan sa mga shareholder ay humihingi sa iyo na maghanap ng solusyon dito o kung hindi, sila ay titigil sa pagbili ng mga share at sila ay magsisialisan din bilang mga shareholder ng kumpanya at kung gagawin nila iyon ay mapahamak tayo.” Halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Cassie. “Hindi nila pwedeng gawin iyon.” Galit na sigaw ko. “Okay 'wag ka ng magalit, dahil hindi mareresolba ng bossy attitude mo ang problema natin ngayon. Kailangan natin mag-isip ng solusyon sa lalong madaling panahon at pagkatapos nito magagawa mo na lahat ng gusto mong gawin sa kanila.” Babala ni Cassie, dahil nagagalit na ako kaya hinimas ko ang aking sentido. “God, what the f*ck is going on?” sa isip ko. NAKAUPO ako sa aking upuan sa opisina, habang tinitingnan ko ang mga files na kailangang itama, bago ko permahan ng may tumawag sa akin sa aking cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tumawag at ng makita kong importante ang tawag na iyon ay agad ko itong sinagot. “Tapos na ba ang trabaho mo?” “Tapos na po,” sagot ng nasa kabilang linya sa akin. “Mabuti naman, salamat.” Saad ko rito at hindi ko na ito pinasagot at agad ko na itong binabaan ng telepono. Hindi naman pala talaga mahirap mapabagsak ang taong iyon. Kailangan ko lang gumastos ng pera, para magawa ko itong lahat. Binuksan ko ang isang drawer at inilabas ko ang isang larawan. “Nangako ako sa'yo. Paghihiganti ko ang pagkamatay mo at malapit na mangyari iyon.” Kausap ko sa larawang hawak ko. “Rex, how dare you tell your secretary to tell me to wait outside?” Olive ranted as she barged inside my office na ikinagalit ko. Napatingin ako sa sekretarya ko na naluluha na at nagsusumamo na nakatingin sa akin. “Sir, sinubukan ko siyang kausapin pero. . .” Nagsimulang paliwanag ng sekretarya ko pero pinigilan siya ni Olive. “Get out of here, hindi ka kailangan dito.” Sabi naman ni Olive at tumingin muna ito ng masama kay Stephanie, bago nito ibinaling ang tingin sa akin. Binigyan ko naman ng tingin ang aking sekretarya, hudyat na umalis na ito. Tumango naman ang huli at tuluyan nang lumabas sa office ko. “Bakit ba pinagbabawalan mo akong puma. . .” “Would you, please shut up.” Sigaw ko at agad naman nitong ginawa kahit medyo mababakas din sa magandang mukha nito ang takot sa akin. Pero maya-maya ay tumalim ang tingin nito at nagsalita ulit ito. “You just told me to shut up?” sabi niya na mukhang gulat sa sinabi ko. “Don't do that again. Dahil hindi mo na ako madadala sa kadramahan mo, ayaw na kitang makita sa office ko. Hindi ko na kailangan ng service mo at kung babalik ka pa sisiguraduhin kong masisira ang kalunos-lunos mong buhay. Kaya lumayas ka na!” Sabi ko habang wala na akong pakialam ditong ipinagpatuloy ko na ang pagtse-check ng mga files ko. “R-Rex please, don't do this to me sorry na,” pagmamakaawa nito na para ng maamong tupa. “Don't make me repeat my words Olive, because you won't like it.” Sabi ko na ngayon ay nakatutok na lang sa mga files at hindi ko na ito pinansin pa. Ang sunod ko na lang narinig ay ang tunog ng pagbukas ng pinto at pagsara nito. I think I have had enough of today. Kailangan ko ng umuwi. Inayos ko na ang desk ko at lumabas na ng office ko dahil nawalan na ako ng gana. “WHAT a surprise visit.” Sabi ni mommy ng makita niya ako. Dito kasi ako dumeritso pagkagaling ko sa office. Kasi na miss kong makita si mommy. “Surprise visit, huh? Mom, I do come here often.” I said, rolling my eyes Internally. “Madalas talaga? The last time you came here it was five months ago, so what do you want?” tanong ni mom. “Ouch Mommy, hindi ako pumunta rito kasi may kailangan ako sa'yo. Pumunta ako rito kasi namimiss na kita.” Saad ko habang na luluha kunyari. “Tshh, drama king, still surprised that you came to see me, so hard to believe. But still come give your mommy a hug.” Nakangiting sabi nito, habang binuksan ang mga braso nito para yakapin ako, lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “My best mommy in the whole wide world.” Sabi ko at nagyakapan kami habang natatawa. “So, magpahinga ka na at mamaya ay kakain na tayo ng hapunan,” saad ni mommy nang bitiwan niya ako kaya napangiti ako rito. “Thank you mommy, pasensya ka na gustuhin ko mang makipag-usap sa'yo, but im tired for whole day. Magpapahinga muna ako at mamaya tayo mag uusap.” Nakangiti kong saad dito kaya ngumiti rin ito at tumango. Dumeritso naman ako sa silid ng mansyon na ito upang magpahinga, dahil na stress ako sa Olive na iyon. Masyadong bilib sa sarili na para bang hindi ako mabubuhay na wala ito. BINUKSAN ko ang TV at inilagay ito sa isang balita, pinag-uusapan ng istasyon ang tungkol sa mabilis na pagbagsak ng mga stock ng kumpanya ng SUAREZ CORP. “Wow nakakagulat ito, tulad ng pagbagsak ng mga stock ng kumpanya ng pamilya ni Owen ay ang bilis din itong maibalita sa buong mundo.” Sabi ni mommy at iyon ang gusto kong makita at marinig sa balita. Kasalukuyan kaming nag tsa-tsaa sa living room. “Wow, hindi ko kailanman inaasahan na ganito ang mangyayari sa kanila.” Sabi naman ni kuya Florante, habang pababa ng hagdan. “What are you doing here man? I thought you are busy sa mga babae mo?” Sabi ko kay kuya. “I'm not married yet, kaya karapatan kong mambabae,” sabi ni kuya na nakabusangot ang mukha. “Stop flirting around, hindi na kayo bumabata pareho. Kailangan n'yo ng magpakasal lalo ka na Florante I need to see my grandkids very soon.” Sabi na naman ni mom kay kuya. “Yuck, mommy hindi pa ako handang magpakasal dahil nag i-enjoy pa ako sa buhay binata, hindi ko pa kayang matali sa isang babae,” si kuya na na aasar sa sinabi ni mom. “Ngayon napag-uusapan naman natin ang tungkol sa kasal, mommy may gusto sana akong pakasalan.” Singit ko naman sa dalawa. “Seryoso? Sino? Iuwi mo na siya para makilala ko na. Wow am so happy, pero sana si Olive iyon.” Sabi ni mom na mukhang masaya. “Si Olive, hell no am done with her, well the person is. . ." sabi ko at tumigil sandali. “Si Vina, I guess.” Pabirong sabi ni naman ni kuya. “Syempre hindi,” sabi naman ni mommy. “Oo mommy siya nga ang gusto kong pakasalan.” Sagot ko at seryosong tumingin dito. Na tahimik ang lahat, nakatingin sakin si mommy at kuya na parang nagsasabing nababaliw na ako. “Sigurado ka ba? Okay ka lang? Nagbibiro lang ako ng sabihin ko iyon.” Sabi ni kuya Florante. “Okay lang ako at tama kayo ng narinig.” Sabi ko na may mukhang seryoso, syempre kung hindi ako seryoso hindi sila maniniwala sa akin. “Look Forex, I know you have a thing for her in the past, in fact I know the relationship between the both of you. Marie, told me everything before she died. I don't want the same thing to happen again.” Sabi ni mom. “May mga babae pa diyan na mas maganda sa kaysa sa kanya. Bakit hindi ka na lang pumili ng iba.” Sabi naman ni kuya sa akin. “I want her and that's final. Mom I want you and dad to help me send a contract deal to her dad. Marriage contract actually sa kontratang ito bibigyan mo siya ng pagkakataon na mapapayag agad siya para maging balanse ang kumpanya nila ulit.” Sabi ko kaya nanlaki ang mata ni mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD