Chapter 11

1275 Words
Habang nakatambay sa kaniyang silid at nanonood buhat sa mga random na palabas sa tv ay umagaw sa pansin ni Joaquin ang eksena na iyon sa telebisyon, nang ang isang lalaki ay magpo-propose sa kaniyang girlfriend. Tuwang-tuwa naman at mangiyak-ngiyak pa ang babae na tinanggap ang marriage proposal ng boyfriend nito. Habang isinusuot ng lalaki ang singsing sa daliri ng kaniyang nobya ay hindi na ginawang tapusin pa ni Joaquin ang palabas, kinuha niya ang remote at pinatay ang tv. Nakaramdam lang siya ng inis, para naman kasing nang-aasar ang palabas na iyon. Biglang tuloy nag-flash back sa kaniya ang masamang nangyari sa relasyon nila ni Madeline dahil sa kaniyang palpak na marriage proposal. Napahilamos siya sa kaniyang mukha sa labis na pagkadismaya sa sarili. Nang dahil sa kaniyang pagkakamali ay hanggang ngayon hindi pa rin siya kinakausap ni Madeline. Mahal niya ang nobya at ayaw niya itong sukuan, kaya lang ay masyadong matigas ang puso nito at ayaw makinig sa mga paliwanag niya. Bigla tuloy pumasok sa isip niya ang babaeng may suot ngayon ng kaniyang singsing. Nabuo ang desisyon niya na hanapin ito, tutal ay narito na rin lang siya sa Pilipinas ay makikipagkita na lang siya sa babaeng iyon para mabawi rito ang singsing. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at hinanap sa gallery nito ang picture ng kamay niya kung saan nakasulat ang contact number ng babaeng iyon. Agad din naman niyang nakita, tinandaan niya sa isip ang number at dinayal. Ilang beses niyang sinubukang tawagan ngunit hindi nagri-ring, 'out of coverage area', iyon ang paulit-ulit na sinasabi sa tuwing tatawagan niya ang numero. Nabuo ang pagdududa sa kaniyang isip, tumayo siya para kunin ang kaniyang laptop sa study table. Hindi niya ito ma-contact kaya hahanapin niya ang social media account na ibinigay nito sa kaniya. Nang i-search niya ay hindi lumalabas ang pangalan nito, may mangilan-ngilan na kapangalan nito ngunit kapag binubuksan niya ay hindi naman ang babaeng iyon. "f**k! She fooled me!" galit na bulalas niya. Niloko siya ng babaeng iyon. Isa na lang ang natitirang paraan para mahanap ito, ang address ng condominium tower kung saan sinasabi nitong doon ito nakatira. Nagmamadali siyang naligo, pupuntahan niya ang lugar na tinitirahan nito. Sa 8th floor ng Infinity Tower siya nagtungo, nakatayo siya sa harap ng pinto kung saan nakatira raw ang babaeng iyon. Huminga muna siya nang malalim bago pinindot ang doorbell. Ilang pindot ang ginawa niya bago may nagbukas ng pinto, isang babae na sa tingin niya ay nasa edad kuwarenta ang sumilip sa nakabukas na pinto. "Yes, Sir, ano po ang kailangan nila?" tanong sa kaniya ng babae. "Ah, itatanong ko lang kung nand'yan ba si Eunice—Eunice Mendoza, kaibigan niya ako, may kailangan lang ako sa kaniya," tugon niya. "Ay, Sir, wala pong Eunice na nakatira rito, lalaki po ang amo ko at wala po siyang asawa, may girlfriend po siya pero hindi Eunice ang pangalan at hindi po rito iyon nakatira." Nabigla siya sa sinabi ng kaniyang kausap. "Ganu'n ba? Matagal na bang nakatira sa unit na 'to ang amo mo?" "Opo, Sir, mga limang taon na po siyang nakatira rito." Napakamot ng ulo ang binata. Malinaw na isa na namang panloloko ang ginawa sa kaniya ng babaeng iyon. - Sumama si Eunice sa out of town business conference ni Roman. Habang nagaganap ang conference ay nagpaiwan lang siya sa hotel dahil hindi naman siya maaaring sumama roon at humarap sa mga negosyanteng kakilala ni Roman. Hindi niya alam kung anong oras ito babalik. Nainip na siya sa kaniyang silid sa paghihintay kaya naisipan niyang mamasyal, may mall na walking distance lang ang layo sa hotel na kinaroroonan niya. Dahil summer at talaga namang mainit ang panahon ngayon kaya maiksing maong short at crop top na puti lang ang isinuot niya. Ang pinili niyang isapin sa paa ay flat shoes na puti, dahil alam naman niyang mapapasabak siya sa lakaran. Ang bawat taong makasalubong niya sa daan ay hindi mapigilan na lingunin siya. Kumikinang kasi siya sa kaputian, napakakinis ng kaniyang mamula-mulang kutis. Maganda siya at sexy kaya sino ba namang lalaki ang hindi hahanga sa kaniya? Ang tingin ng mga babae sa kaniya ay may halong inis at inggit, pero deadma na lamang siya. Ang totoo ay gustong-gusto nga niya na kinaiinggitan siya ng mga kababaihan. Lihim na lamang siyang natatawa sa tuwing may mga babae siyang nakakasalubong na sinasaway minsan pa ay hinahampas ang mga boyfriend o asawa nila sa balikat kapag napapalingon sa kaniya ang mga ito. Habang naglalakad ay napalingon siya sa magarang sasakyan na bigla na lang pumarada sa tapat ng building kung saan siya naglalakad. May bumabang lalaki sa driver seat at nagmamadaling binuksan nito ang pintuan sa backseat. Lumabas doon ang isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa mahigit singkwenta anyos na ang edad. Kahit na may edad na ito ay matikas pa rin ang tindig nito. Matangkad ang morenong lalaki at mababakas pa rin ang kagwapuhan sa mukha nito. Nagulat si Eunice nang mapalingon sa kaniya ang lalaki. Ilang segundo rin itong napatitig sa kaniya at pagkatapos ay hindi niya inaasahan na bigla na lamang siyang ngitian nito. Alanganing gumanti rin siya ng ngiti rito. Bahagyang yumukod ang ulo ng lalaki na para bang nagbibigay galang sa kaniya at pagkatapos ay dire-diretso na itong lumakad kasunod ang iba pang mga lalaki na nakasuot ng coat and tie. Sinundan niya ng tingin ang mga ito habang naglalakad, pumasok ang grupo sa hotel kung saan siya naka-check in. Nagkibit balikat na lamang siya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Ipinagkatiwala sa kaniya ni Roman ang extension card nito kaya naman nang makarating aa mall ay binili niya ang lahat ng magustuhan niya. Totoo ngang nakaka-adik ang mag-shopping, nangangati ang mga kamay niya kapag hindi nakakagastos. Habang kumakain siya sa restaurant ay tumawag si Roman, nakauwi na pala ito galing sa conference at kasalukuyan nang nasa hotel. Hinanap siya nito dahil hindi siya nakapagpaalam na aalis, hindi niya kasi ma-contact ang number nito kanina. Binilisan na lamang niya ang pagkain at bumalik na sa hotel, iniiwasan niya na magalit sa kaniya si Roman. Ayaw na ayaw niya na pag-iisipan siya nito ng masama. Kahit naman nakikipagrelasyon siya sa may asawa na ay hindi niya ginagawang mag-entertain pa ng ibang lalaki. Kahit wala siyang pagmamahal kay Roman at pera lang nito ang habol niya ay nirerespeto pa rin niya ito. Nang makabalik siya sa hotel ay naabutan niya itong nanonood ng tv sa sala. Agad siyang lumapit dito at humalik sa labi nito. "How's your shopping? Mukhang marami ka na namang napamili ha," nakangiting sabi ni Roman habang nakatingin sa mga shopping bag na bitbit niya. Ngumiti siya rito.Ibinaba niya ang mga bitbit sa sahig at kumalong kay Roman. "Sorry kung umalis ako, naiinip kasi ako rito," sabi niya sa may malambing na boses. Niyakap siya nito sa bewang habang inaamoy-amoy ang leeg niya. "It's okay, baby. Maghanda ka at mamaya-maya ay aalis tayo." "Huh! Bakit saan tayo pupunta?" takang tanong niya. "Sa labas tayo magdi-dinner." "Ha! Pero baka may makakita sa atin na magkasama," may pag-aalalang sabi niya. "Don't worry, may pina-reserve akong restaurant na para lang sa ating dalawa." Napangiti siya. Ngayon ay napatunayan niya kung gaano siya kamahal ni Roman, handa nitong gawin kahit ang imposible para lang makasama siya. Yumakap siya rito at gumanti rin ito ng mahigpit na yakap sa kaniya. "Thank you. I love you, honey!" sabi niya. Sanay na siyang sabihan ito ng ganun kahit hindi naman totoo ang nararamdaman niya para rito. "I love you more, Baby!" tugon naman ni Roman at pagkatapos ay hinalikan siya nito sa labi na hindi naman niya tinutulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD