"Son, what's wrong? Parang malungkot ka, hindi ka ba masaya na nakauwi ka na at kasama mo kami ng Daddy mo?" tanong ni Veronica sa anak.
Napansin kasi niya na simula ng dumating ito ay tahimik lang ito at parang laging may malalim na iniisip.
"May problema ba sa negosyo natin?" tanong na naman niya nang hindi umimik ang anak.
Umiling si Joaquin. "Wala Mom," matipid na sagot ng binata.
"Kung ganu'n ano ba ang bumabagabag sa isip mo? Hindi ako sanay na tahimik ka."
Bumuntong hininga nang malalim si Joaquin, tumayo siya buhat sa kaniyang kinauupuan, lumapit sa kaniyang ina at Inakbayan niya ito.
"Broken hearted ang anak mo, Mom," pagsusumbong niya.
Nangunot ang noo ni Veronica. "Huh! Bakit nag-away ba kayo ni Madeline?"
Tumango si Joaquin. "Nakipag-break na siya sa akin."
"What?! Mahal na mahal ka ni Madeline, paano niya magagawa na makipag-break sa'yo, not unless may ginawa kang kasalanan sa kaniya." May pagdududa ang mga tingin ni Veronica sa anak.
Marahang tumango si Joaquin. "Yes, Mom, I did something terrible."
"Huh! Ano ba'ng ginawa mo? Huwag mong sabihing may ibang babae ka at nahuli ka ni Madeline, that's why she broke up with you?"
"Mom, hindi ko magagawa 'yon, you know that I'm a one woman man. Tsh! Saka ko na nga lang sasabihin sa'yo ang tungkol sa nangyari. Dad is waiting for you downstairs, 'di ba may dinner date kayo ngayon?"
"Ay, oo nga pala. Sige bukas na tayo mag-usap. But, are you sure you're okay? Bakit hindi ka na lang kaya sumama sa amin ng Daddy mo?"
"I'm fine here, Mom. Huwag mo akong alalahanin, ayokong i-spoil ang date ninyo ni Dad. Just go ahead and enjoy your night with Dad." Humalik siya sa pisngi ng ina, hinawakan niya ang magkabilang balikat nito, pinihit paharap sa pinto ang ina at bahagya niyang itinulak para lumakad, hinatid niya ito palabas ng kaniyang silid.
Bago umalis si Veronica ay ginagap muna nito ang magkabilang pisngi ng anak.
"I want you to be happy, Joaquin. I know how much you love Madeline. I wish na magkaayos pa kayo. Kung ikaw ang may kasalanan be humble enough to admit your mistake and ask for her fogiveness.If she truly loves you, she will forgive you and give you another chance. Huwag mo lang tigilan na suyuin siya, pasasaan ba at lalambot din ang puso niya, basta ipakita mo lang na sincere ka sa paghingi ng tawad sa kaniya," mahabang payo nito.
"Yes, Mom, iyon nga po ang ginagawa ko. Don't worry, I will win her back, I promise." Kinuha niya ang kamay ng kaniyang ina na nasa kaniyang pisngi at pagkatapos ay ginawaran ng halik iyon.
"You're the best, Mom, in the whole world, you know that."
Napangiti si Veronica sa sinabing iyon ng anak. "And you're the most handsome, kind and sweet son in the universe. Sana nakikita ni Madeline 'yan, she's so lucky to have you. Pagsisihan niya kapag pinakawalan ka pa niya."
"Yes, Mom, she will regret it for sure," sabi ni Joaquin sabay pilyong kindat sa ina.
Napahalakhak si Veronica sa ginawing iyon ng anak. "I need to go, siguradong naiinip na ang Daddy mo sa ibaba."
Tumango si Joaquin."Okay, take care."
Nang makaalis ang ina ay bumalik sa kaniyang silid si Joaquin. Kahapon lang siya nakauwi galing London, hindi naging matagumpay ang ginawa niyang pagsunod kay Madeline doon. Hindi siya ginawang harapin nito, hindi rin naman siya makalapit dito dahil napakahigpit ng mga bodyguard nito.
Isaang sikat na international pop star si Madeline. Nagkakilala sila ng magpunta siya sa Spain para asikasuhin ang kanilang plantasyon ng mga tubo roon. Dahil hindi naman siya mahilig manood ng tv at madalas ay sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo niya ibinubuhos ang kaniyang buong atensiyon ay hindi niya alam na sikat na celebrity pala si Madeline. Nang una silang magkita ay simple lang naman amg suot nito at wala man lang itong make-up, pero humanga na agad siya sa aking ganda nito na para bang isang manika.
Tumatakas ito sa mga paparazzi na pilit na humahabol sa kaniya para makakuha ng ibabalita. Paalis naman siya noon para um-attend ng business meeting. Pagpasok niya sa kaniyang kotse ay hindi niya namalayan na nakapasok din pala ang noon ay tumatakas na si Madeline. Pumuwesto ito sa backseat at doon nagtago. Nadala niya ang dalaga hanggang sa lugar na pupuntahan niya. Namalayan na lang niya na may tao pala sa likuran ng sasakyan niya, nang pababa na kasi siya ay may narinig siyang cute na hilik. Nagulat siya ng sumilip sa backseat at makita ang magandang babae na may maamong mukha.
Hindi niya alam kung bakit parang nakaramdam siya ng awa sa babae, mukha kasing itong pagod. Nang araw na iyon kahit naroon na siya mismo sa lugar na dapat sana ay pupuntahan niya ay kinansel niya ang kaniyang meeting. Binantayan lang niya ang babae habang natutulog at hinintay na magising.
Makalipas ang isang oras ay nagulat pa ito ng makita siya. Nagpakilala siya rito at nagpakilala rin ito sa kaniya, ngunit hindi nito sinabi na isa siyang celebrity. Nagkwentuhan sila ng kung ano-ano lang sa loob ng sasakyan. Napansin niyang magaan ang loob niya kay Madeline, masaya itong kausap at hindi nawawala ang ngiti niya sa labi tuwing nagkukwento ito.
Hindi siya naniniwala sa love at first sight pero ang pakiramdam niya sa unang kita pa lang niya kay Madeline ay na inlove na ahad siya rito.
Ang unang pagkikita nila ay nasundan pa, hanggang sa madalas na silang magkita at naging magkaibigan. Alam niya sa sarili niya na mahal niya si Madeline at dama naman niya na pareho sila ng nararamdaman para sa isa't-isa.
Isang araw isinama siya ni Madeline sa isang concert. Nagtataka siya kung bakit nang nasa venue na sila ay iniwan siya nito.
Naroon siya nakapuwesto sa front seat, abot kamay na niya ang stage, napakaraming tao at halos lahat ay kabataan.
Nang magsimula na ang konsiyerto at pumailanlang na ang masayang tugtugin ay napaawang ang bibig niya ng makita si Madeline na lumalabas sa likuran ng stage. Ibang-iba na ang itsura nito sa Madeline na kilala niya. Napakaganda nito at sexy. Lalo siyang napahanga ng marinig niya ang magandang boses ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na ganu'n kagaling kumanta at sumayaw si Madeline, kapag nasa stage ay nag-iibang tao na ito sa paningin niya. Kahanga-hanga ang pagiging total performer nito.
Nang matapos ang concert ay tumakas sila ni Madeline, pumunta sila sa lugar na walang ibang tao kung hindi sila lang na dalawa. Desidido na siyang magtapat kay Madeline ng tunay niyang nararamdaman para rito, kaya lang ay nauna na itong magtapat sa kaniya na gusto siya nito at mahal siya nito.
Dahil lumaki siya sa banyagang lugar ay normal na sa kaniya ang ganun, ngunit ginawa pa rin niya bilang lalaki na ligawam si Madeline. Hindi rin nagtagal at naging opisyal na ang relasyon nila ngunit patago lang iyon. Naiintidihan niya si Madeline sa desisyon nito na hindi siya ipakilala sa publiko bilang nobyo nito, dahil ayaw rin niya na pati ang private life niya ay ma-invade dahil sa magulong buhay ng showbiz. Hindi siya sanay sa limelight, kung papipiliin siya ay simpleng babae lang naman ang gusto niyang maging nobya kaya lang ay na-inlove siya sa isang celebrity, kusa na lang tumibok ang puso niya para kay Madeline at hindi niya kayang pigilan iyon.
Tatlong taon na sana sila ngayon, kaya lang nauwi sa wala ang masaya nilang relasyon dahil sa isang pagkakamali na hindi naman niya sinasadya.
Umaasa pa rin naman siya na magkakaayos pa sila ng nobya. Hindi siya nawawalan ng pag-asa, sa ngayon ay hahayaan na muna niya itong makapag-isip.