Chapter 12

1158 Words
Isang engrandeng kasiyahan ang nagaganap ngayon sa loob ng isang five star hotel kung saan nagse-celebrate ng kanilang 40th wedding anniversary ang mga magulang ni Joaquin na sina Veronica at Emmanuel Montoya. Halos lahat ng kanilang mga bisita ay mga importanteng tao, mga mayayamang negosyante, mga taga alta sa soseyedad, politiko, celebrity at iba pa. Masayang-masaya si Joaquin na nakikita ang mga magulang niya na hindi nawawala ang pagmamahal sa isa't-isa kahit matagal na silang mag-asawa. Ang totoo ay ang mga ito ang kaniyang inspirasyon sa pangarap niyang pagbuo ng sariling pamilya. Iniidolo niya ang kaniyang ama sa pagiging mabait, mapagmahal at responsableng haligi ng tahanan. Namulat siya sa magandang pagsasama ng kaniyang mga magulang, ni minsan ay hindi niya nakitang nag-away ang mga ito. Nang lumaki na siya at nagka-isip ay napagtanto niya na wala namang perpektong pagsasama, siguro ay may pagkakataon din na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang kaniyang mga magulang kaya lang ay hindi nito ipinapakita sa kaniya. Mas higit niyang hinangaan ang mga ito nang dahil doon. Gusto niya na kapag nagkaroon siya ng sarili niyang pamilya, kung paano siya pinalaki ng kaniyang mga magulang ay ganuong pagpapalaki rin ang gagawin niya sa kaniyang mga magiging anak. Umuwi siya para sa anniversary at renewal of vow ng mga ito. Hindi puwedeng wala siya sa espesyal na okasyon na iyon. Kaninang umaga ay ginanap ang kasal ng mga ito sa isang sikat na simbahan, ito ang ikatlong beses na ikinasal sila. "Ano na, tol? Ngayong single ka na, baka naman pwede ka nang sumama sa gimik ng barkada." Isang malakas na tapik sa balikat ang natanggap niya buhat sa kaibigang si Nikko. Nawala ang atensiyon niya sa kaniyang Mommy at Daddy at agad nabaling ang tingin niya sa kaibigan. Kasabay niya ito ng umuwi sa Pilipinas. Si Nikko ay nagtatrabaho sa kaniyang kompanya na nakabase sa Spain. Ito ang tumatayong marketing manager ng kanilang kompanya. "Kababalik lang natin puro gimik na ang inaatupag mo. Ginawa mo na ba ang pinagagawa ko sa'yo? Nahanap mo na ba ang babaeng 'yon?" tanong niya, ang tinutukoy niyang babae ay si Eunice. Hindi na lang dahil sa singsing kung bakit gusto niya itong makitang muli. Galit siya rito dahil sa panloloko nito sa kaniya. Gusto niyang bigyan ng leksiyon ang babaeng iyon. "Wala pa. Sigurado ka ba kasi na iyon talaga ang tunay niyang pangalan? Baka naman imbento rin iyon. Alam mo kasi ang mga manloloko marami 'yong paraan para mapaniwala ang mga tao. Sa tingin ko ay gawa-gawa lang din niya ang pangalan na iyon." Napatiim bagang si Joaquin. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya naloko. Segurista siya at maingat lalo na pagdating negosyo kaya matagumpay siya at hindi siya nagagawang maloko ng kahit na sinong tao. Hindi niya akalain na isang estrangherong babae lang pala ang makakagawa noon sa kaniya. Naiinis siya sa mapagkunwaring babaeng iyon na nagpapanggap na hindi interesado sa kaniyang singsing. Siguro talagang siya ang puntirya nito, hindi lang naman kasi iyon ang una nilang pagkikita. Ang insidente sa airport, na napagkamalan niya rin itong si Madeline. Iyon ang patunay na marahil matagal na siya nitong minamanmanan at naghahanap lang ng tiyempo na makalapit sa kaniya. Hindi rin biro ang mahigit limang milyong piso na halaga ng singsing na nawala sa kaniya. "You have to find her and bring her to me. I'll make sure she gets what she deserve. I am Joaquin Montoya at hindi ako papayag na basta na lang naagrabyado at niloloko ng ibang tao. Kung nagagawa niya iyon sa iba puwes sa akin ay hindi. Humanda siya kapag nakita ko siya." Seryoso ang mukha at tumatagos ang mga tingin ni Joaquin habang sinasabi iyon. "Okay, don't worry, may binyaran na akong mga tao para hanapin siya. Madali lang sanang makita kung narito siya sa bansa natin, pero paano kung hindi naman talaga siya rito naka-base?" Napaisip siya sa tanong na iyon ni Nikko. Paano nga kaya kung sa ibang bansa pala ito nakatira? Paano kung taga France talaga ito? "Kahit saang lupalop siya ng mundo naroon, ay hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita," determinadong sabi niya. "I'm just curious, ano ba ang itsura ng babaeng iyon?" Buhat sa entrance ng hotel kung saan ay labas pasok ang mga bisita kung saan nakatutok ang kaniyang mga mata ay nabaling ang tingin niya kay Nikko. Ano nga ba ang itsura ng babaeng iyon? Binalikan niya sa kaniyang alaala ang ilang beses na encounter niya rito. "Maganda ba siya, sexy? Bata pa ba? Sa tingin mo mga ilang taon na siya?" "Yes, she's beautiful. I think she's in her early 20's. Sa tingin ko naman ay maganda ang katawan niya kahit sa tuwing nakikita ko siya ay nakabalot siya ng makapal na coat," tugon niya habang binabalikan sa alaala niya ang itsura ng babae. "Base sa mga sinabi mong physical appearance niya, naniniwala ka ba talagang ang ganuong klaseng babae ay ugali na talagang manloko ng tao para lang sa pera?" "Hindi lahat ng gwapo at maganda ay mapagkakatiwalaan, Nikko. Hindi ako humuhusga base sa panlabas na anyo ng isang tao. Minsan ang iba ay ginagamit ang ganda at karisma nila para makapangbiktima ng ibang tao and that's what that girl do. She's trying to pretend like she's naive and innocent para pagkatiwalaan ko siya." "Let's just hope na makita pa nga natin siya para mabawi mo ang singsing sa kaniya. You're right, it's not for her and she doesn't deserve your ring." Natahimik si Joaquin. Isa lang ang gusto niyang mapatunayan kung talaga nga bang sindya nitong ilihis siya para hindi na niya makita pa itong muli. Hindi na nila tinapos ang party sumama siya kay Nikko, tumawag kasi ang isa nilang kaibigan, nasa bar ito malapit lang sa hotel kung saan sila naroon kaya naman sinaglit narin nila. Pagdating nila roon ay agad nilang nakita ito at iba pa nilang kaibigan na naroon nakapuwesto sa mahabang lamesa at may mga kasamang babae na sa tingin niya ay nakilala rin lang ng mga ito sa bar. Alanganing lumapit siya sa mga ito, kung hindi pa siya hinatak ni Nikko ay balak na lang sana niyang bumalik sa hotel, akala kasi niya ay all boys lang sila. Hindi naman sa ayaw niyang makisalamuha sa mga babae, ang gusto lang sana kasi niya ay makapag-usap sila at makapagkwentuhan nang sila-sila lang. Sa tagal nilang hindi nagkita-kita ay tiyak marami silang mga bagay na mapag uusapan. Naupo na rin siya, kahit naiilang sa mga kasama ng mga ito na babae na hindi pamilyar sa kaniya ay ginawa na lang din niyang makisama. Sa una pa lang ay napansin na niya na ang mga babaeng kasama nila sa lamesa ay interesado sa kaniya. Mga gwapo at mayayaman din naman ang kaniyang mga kaibigan, ngunit sa kanilang lahat, siya ang pinaka nakalalamang, bukod sa siya ang pinakamayaman, pagdating sa itsura at lakas ng karisma ay walang-wala ang mga kaibigan niya sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD