Chapter 16

1762 Words
“Dad! I’m going back to Spain tomorrow, meron ka bang ipagbibilin tungkol sa negosyo natin doon?” Umangat ang ulo ni Emmanuel para lingunin ang anak. Ngumiti ito sabay iling. “You’re doing great, son. Maganda ang pagpapatakbo mo sa kumpanya natin, what else can I ask for? Just take good care of yourself, okay. Iyon lang ang gusto namin ng mommy mo, lalo na at malayo kami sa iyo.” “Yes, Dad, lagi ko namang inaalagaan ang sarili ko, kayo rin po, ingatan ninyo ang kalusugan ninyo at alagaan ninyo si mommy.” Tumango si Emmanuel. “We’ll going to miss you, son. Ilang taon na naman tayong hindi magkikita.” “Yeah, but I will visit if I have time.” “Okay. Kung hindi ka naman makakauwi ay kami ang pupunta ng mommy mo sa Spain to visit you.” “I have to go, Dad, aayusin ko na ang mga gamit na dadalhin ko, maaga pa ang flight ko bukas.” Tumayo si Emmanuel at niyakap ang anak. “I’m so proud of you, son,” sambit nito sabay tapik sa balikat ni Joaquin. “Thanks, Dad,” aniya. Sa America nag-aral ng college ang binatang Montoya na si Joaquin at pagka-graduate nito ay agad ding tumulak patungong Spain para mamahala sa marketing and production ng kompanya nila ng mga alak. Sa bansang iyon ginagawa ang mga alak na ibinibenta nila sa iba’t-ibang panig ng mundo. Si Joaquin ay isang vinter. Karamihan sa mga alak na ibinibenta nila sa mercado ay siya ang nakadiskubre. Namana niya ang galing sa paggawa ng alak sa kaniyang ama, dahil bata palang siya ay namulat na siya sa kanilang negosyo. Noon ay ang kaniyang amang si Emmanuel ang namamahala ng Destilleria de Montoya sa Espanya, at nang siya na ang naging in-charge ay bumalik na ang ginoo sa Pilipinas para mag-focus naman sa asian market. Sikat na sikat ang kanilang mga produktong alak na una naman talagang ipinakilala sa asya, ngayon ay buong bansa na ang tumatangkilik dito. - “Tol, bakit ba parang hindi ka excited na bumalik sa Spain?” tanong ni Nikko. Pasakay na sila ng eroplano ng mga oras na iyon. “Dahil hindi na kagaya ng dati ang sitwasyon ngayon, wala nang sasalubong sa akin sa airport pagdating ko. Wala na kami ni Madeline at pagbalik natin doon, maaalala ko lang ang mga memories namin together. Mas nakakalungkot na kahit na ayaw mo nang balikan ang mga alaalang iyon ay may mga bagay pa rin na pilit nagpapaalala sa’yo. We’ve been together for three years kaya halos lahat ng memories ko sa Spain ay kasama siya.” “Sa tingin mo ba ay hindi na talaga kayo magkakabalikan ni Madeline?” Umiling siya. “I don’t know, si Madeline lang ang makakapagsabi niyan. Handa pa rin naman akong maghintay sa kaniya.” Buong biyahe ay tahimik lang si Joaquin habang nakikinig sa mga kanta ng dating nobya. Si Nikko naman ay inabala ang sarili sa panunuod ng mga pelikula. Naka business class flight ang magkaibigan kaya kompartableng-komportable ang mga ito kahit mahaba pa ang biyahe. - “Let’s go to Spain, I have a friend who lives in Barcelona and he invited me there. Gusto kong samahan mo ako pagpunta ko roon,” masayang pagbabalita ni Roman kay Eunice, isang hapon iyon nang dumating ito sa bahay niya, pagkatapos ng trabaho ay dumiretso ito kay Eunice. “Friend? Kaibigan mo? Ibig sabihin kilala niya ang pamilya mo. So, bakit mo ako isasama roon? Baka mamaya niyan ay isumbong niya tayo sa asawa mo,” sabi ni Eunce habang minamasahe ang likod at balikat ni Roman. Iyon ang madalas niyang ginagawa sa tuwing dumarating ito. “Excuse ko lang ‘yon kay Olivia para makalabas ulit tayo ng bansa, makikipagkita naman ako sa kaibigan ko pero hindi kita isasama kapag nag-meet kami. Sa apartment tayo mag i-stay at hindi sa bahay niya.” Napangiti si Eunice. “Matagal na rin simula ng huli tayong mag-travel at iyon ay noong magpunta tayo sa Paris, I like the idea. Okay, sige, kailan ba ang plano mong umalis tayo?” “Two days from now, kaya ihanda mo na ang mga gamit mo. Inutusan ko na ang secretary ko na mag-book ng flight para sa atin.” - Naging sobrang excited ni Eunice sa lakad nilang iyon ni Roman. Kinabukasan ay nag-shopping siya para bumili ng mga damit na dadalhin niya. Binigyan siya ng budget ni Roman para sa kaniyang pang shopping. “Kailan naman ang balik ninyo n’yan?” tanong ni Rhema na siyang kasama niya sa pamimili. Sa kaniyang tatlong kaibigan ay ito lang ang available. Si Cristy ay naka out of town kasama ang partner nito. Si Janet ay may family gathering naman. “One week kami roon,” tugon niya. “Sana all, ipinapasyal hindi iyong laging tinitengga lang sa bahay,” may halong pagdaramdam na pasaring ni Rhema. “Bakit kasi hindi mo pa hiwalayan si Harry, marami naman d'yang iba, mas mayaman at mas kaya kang gastusan?” Tiningnan siya ng makahulugan ni Rhema. “Akala mo ba kaya ako nakikisama kay Harry dahil lang sa pera?” tanong nito. “Bakit hindi ba? Iyon naman talaga ang dahilan natin kaya tayo pumapatol sa mga lalaki ‘di ba?” Umiling si Rhema. “Hindi ako katulad ninyo, mahal ko na si Harry at hindi na lang ito tungkol sa pera. Ikaw ba kahit konti wala kang nararamdaman para kay Roman? Napakabait niya sa’yo at binibigay niya ang lahat ng gusto mo. Hindi ba man lang nahulog ang loob mo sa kaniya?” Saglit na napaisip si Eunice, kinapa niya sa puso niya ang sagot sa tanong na iyon ni Rhema. Umiling siya. “Wala… wala akong nararamdaman na espesyal para sa kaniya. Noong una pa lang na makilala ko siya, itinanim ko na sa isip ko na hindi ako dapat mainlove sa kaniya dahil kahit kailan ay hindi naman niya ako magagawang seryosohin. Hindi gagawin ni Roman na ipagpalit ang pamilya niya para lang sa akin.” “So, hanggang kailan ka kakapit sa kaniya?” “Hangga’t hindi ko nauubos ang pera niya,” mabilis na sagot niya sabay tawa, natawa na rin si Rhema. “Ingat ka lang. Huwag mong maliitin ang kakayahan ng asawa ni Roman. Kung ako sa’yo tama na, tutal wala ka namang pagmamahal sa kaniya at marami na rin naman siyang naibigay sa’yo. Siguro naman sa loob ng isang taon na magkasama kayo ay maramirami ka na ring naipon?” “Hmp! Kung magsalita ka naman parang napakalinis mo. Okay, sabihin na nating mahal mo na si Harry, pero katulad mo pa rin ako, katulad mo pa rin kami nila Cristy at Janet, pare-pareho lang tayong maninira ng pamilya.” “Alam ko. Nakokonsensya na nga ako kaya lang mahal ko eh. Ikaw, may pag-asa ka pa, habang wala ka pang pagmamahal na nararamdaman kay Roman, bakit hindi ka na lang lumayo? May pag-asa ka pang magbago, Eunice. Huwag mo kaming gayahin, bata ka pa. Ni minsan ba sa buhay mo hindi mo pinangarap na maikasal. Ni minsan ba sa buhay mo hindi mo ba pinangarap na maging legal? Gusto mo bang habang buhay ka na lang na maging kabit?” “Bakit sa tingin mo ba may seseryoso pang lalaki sa akin kapag nalaman niya ang nakaraan ko? Ayoko nang mangarap ng mga bagay na sinasabi mo, Rhema,” may halong pait na wika niya. “Malay mo naman meron.” “Huh! Huwag na nga nating pag-usapan ang bagay na ‘yan.” Binalewala na niya ang pinagsasabi ng kaibigan.Ipinagpatuloy niya ang pamimili, panay lang turo niya ng mga gusto niya at mabilis naman siyang ina-aasist ng sales lady na nakasunod sa kanila. Bago siya umuwi ay dumaan muna siya sa bangko. Sa tuwing binibigyan kasi siya ng pera ni Roman ay nagtatabi siya para sa mga kapatid niya. Sa tuwing inaabutan kasi niya ng pera ang kaniyang ina ay hindi nito tinatanggap at ibinabalik lang din sa kaniya, kaya naman naisip niyang itabi na lang ang pera na para sa mga ito at iipunin na lamang niya para sa future ng kaniyang mga kapatid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapatawad ng kaniyang ina at hindi nito matanggap ang buhay na pinili niya. Naiintindihan naman niya ito dahil wala namang magulang na gustong mapasama ang kanilang anak. Ang ginagawa niya ay isang paraan na rin ng pagre-rebelde sa kaniyang ina, dahil hanggang ngayon ay ipinagkakait pa rin nito sa kaniya ang makilala niya ang tunay niyang ama. Halos mapuno ang kotse niya sa dami nang shopping bag na dala niya. Hindi magkandaugaga ang mga kasama niya sa bahay sa pagbuhat ng mga iyon at pagdala paakyat sa kaniyang silid. Nang gabing iyon ay inayos na niya sa maleta ang kaniyang mga dadalhin. Gustong-gusto niya ang nagta-travel abroad, masaya siya sa tuwing aalis sila ng bansa ni Roman dahil kapag nasa malayong lugar sila, pakiramdam niya ay malaya siya. Tinapos lang niya ang ginagawa at ang sarili naman ang kaniyang inasikaso. Bukod sa mga iniinom na vitamins, exercise at pagkain ng masustansyang pagkain, ay marami pa siyang inilagagay ng kung ano-anong pampaganda sa mukha at katawan. Alagang-alaga niya ang kaniyang sarili dahil ito ang kaniyang puhunan. Ilang oras din ang kaniyang ginugol para sa kaniyang beauty regimen. Habang nakahiga ay hindi siya dalawin ng antok. Pumasok sa isip niya ang pinag-usapan nila ni Rhema kanina. Nagkunwari siya sa kaibigan nang sabihin niyang hindi siya nangarap na lumakad sa altar at maikasal sa taong mahal niya. Walang sinumang babae ang hindi nangarap na makapagsuot ng wedding gown at maikasal, kaya lang hanggang pangarap na lang sa kaniya ang bagay na iyon. Ni minsan ay hindi pa niya naranasan na mainlove ng totoo, kaya hindi niya alam ang pakiramdam. Ewan niya,manhid yata ang puso niya, sa dami ng naging ka-relasyon niya ay wala ni isa man sa kanila ang natutunan niyang mahalin. Tumagilid siya at niyakap ang malaking unan. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nagpatugtog. Nitong mga nakaraang araw ay may nagustuhan siyang mga awitin. Nagustuhan niya ang mga kanta ng international pop star na si Madeline. Sikat ito sa mga kabataan dahil bukod sa magaling itong kumanta ay siya rin mismo ang gumagawa ng mga kanta niya. Hinayaan lang niyang pumailanlang ang awitin nito sa apat na sulok ng kaniyang silid. Hindi niya namalayan na habang pinapakinggan niya ang malamyos na tinig ng singer na iyon ay dinalaw na pala siya ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD