Chapter 17

1209 Words
Matapos dumalaw sa kanilang plantasyon ng mga tubo sa Andalusia ay bumiyahe pabalik nang Barcelona si Joaquin. Inabot na siya ng gutom, alas kuwatro na ng hapon ng mga oras na iyon, kaya naman tumigil muna siya sa isang restaurant para kumain. Malapit lang ang restaurant sa kaniyang bahay. Hindi siya nakapag-hapunan kanina dahil sa sobrang pagkaabala, marami kasi siyang inasikaso sa farm. Habang siya ay kumakain ay bigla siyang napalingon sa entrance door ng restaurant. Hindi niya inaasahan kung sino ang makikitang pumasok. Si Eunice iyon, may kasama itong may edad nang lalaki. Noong una akala niya ay ama ng dalaga ang kasama nito, ngunit napaawang ang bibig niya nang ang lalaking kasama nito ay bigla na lamang halikan si Eunice sa labi ng sila ay makaupo na. Hindi siya napansin nito dahil ang puwesto niya ay sa nasa gawing dulo, malayo sa lamesa na napili ng mga ito. Hindi niya alam na may asawa na pala si Eunice, ang buong akala niya ay dalaga pa ito at hindi niya rin inaasahan na ang tipong lalaki pala nito ay iyong parang father figure na. Minadali niya ang pagkain, hindi siya komportableng makita ang ganung eksena sa pagitan ni Eunice at nang kasama nito. Pakiramdam niya kasi ay parang may mali. Hindi niya maipaliwanag. Sa dinami-dami naman ng lugar at si dinami-dami ng tao sa mundo ay kung bakit ba kahit saan na lang ay nakikita niya ang babaeng ito? Paglabas niya ay umagaw ng pansin niya ang lalaking nakatayo sa gilid ng restaurant. Nakasilip ito sa bintana, may dalang camera at tila ba may kinukuhanan ng larawan. Ewan ba niya kung bakit bigla siyang naging curious sa ginagawang iyon ng lalaki. Sinundan niya ng tingin ang pinupuntirya ng camera na hawak nito at nalaman niya na ang kinukuhanan pala nito ng larawan ay si Eunice at ang kasama nitong lalaki. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari ngunit wala naman siya dapat na pakialam. Ayaw na niyang magkaroon ng kaugnayan sa babaeng iyon dahil napapasama lang ang buhay niya kapag nadidikit dito. Binalewala na lamang niya ang nakita, tinungo niya ang parking para kuhanin ang kaniyang sasakyan. Dahil hapon na rin naman ay hindi na siya babalik ng opisina, uuwi na lang muna siya ng bahay para makapagpahinga. - Maaga pa lang ay gising na si Eunice para asikasuhin si Roman, paalis ito upang dalawin ang kaibigan na nag-imbita sa kaniya rito sa Barcelona. Dalawang araw itong mawawala kaya naman maiiwan na mag-isa ang dalaga sa kanilang nirentahang apartment. "Take care of yourself, okay? I'll be back soon," sabi ni Roman, hinawakan siya nito sa batok at hinalikan sa kaniyang labi. Tumango siya. "Ikaw rin, mag-iingat ka," sagot naman niya. Nang makaalis na si Roman ay nakaramdam siya ng kasiyahan. Balak niyang samantalahin ang pagkakataon na wala ito para makapamasyal nang mag-isa. Nag-stretching muna siya at pagkatapos ay nag-almusal, ginawa pa rin niya ang mga daily routine niya kahit nasa ibang bansa pa siya. Nagpatugtog siya ng music habang naliligo. Magaan ang pakiramdam niya ngayong malayo sila kay Olivia. Panay ang kanta niya habang naliligo. Ilang minuto lang ang lumipas ay handa na siyang umalis. Maganda ang panahon ngayon kaya naman kaswal at komportableng damit lang ang suot niya. Short na maong, spaghetti strap blouse na puti na pinatungan ng blazer coat na beige at boots para sa kaniyang pansapin sa paa. Isinukbit niya sa balikat ang kaniyang mamahaling crossbody bag, pinasadahan muna ang sarili sa salamin bago tuluyang lumabas ng pinto. Napahinto siya ng makita ang isang pamilyar na lalaki. Mukhang katatapos lang nitong mag-jogging, pawisan ito ngunit hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan nito. Mas lalo pa ngang nakadagdag sa malakas na appeal nito ang basang katawan. Napahinto ang lalaki ng makita siya. "Hmp! Huwag mong sabihin na magkapitbahay tayo?" May halong pang-uuyam na sabi niya. Nakita kasi niya ang lalaki na binubuksan ang pinto sa tabi ng apartment na tinutuluyan niya. Nangunot ang noo ng lalaki. "Who are you?" walang ganang tanong nito. Napabuga ng hangin si Eunice. "Who are you, ka d'yan? Bakit nandito ka? Ano naman ang ginagawa mo rito sa Barcelona?" tanong na naman niya na hindi pinansin ang pang-iisnab sa kaniya ni Joaquin. "It's none of your business. I've lived here for almost six years, and I've been in this building for the longest time. I've just seen you now, so don't act like you've been living here for ages," asar na sabi ni Joaquin, hindi kasi niya nagustuhan kung paano siya kausapin ni Eunice na akala mo naman ay close sila. "Huh! Nagtatanong lang naman ako bakit ba ang sungit-sungit mo?" Napikon ang dalaga sa kasungitan ni Joaquin. "I don't understand why I keep running into you everywhere I go. I don't want to believe you bring bad luck, but it feels that way. Didn't we agree to act like strangers when we meet again? Why are you paying attention to me now?" "Ito naman napakasungit, magkababayan naman tayo, bakit masama bang pansinin ka? At saka tayong dalawa lang naman dito wala namang nakakakitang ibang tao." "Akala mo lang wala. Who really are you, Eunice Mendoza? Kung meron ka mang issue ay ayokong madamay sa issue mo." "Huh! Issue? Ano'ng issue? Ano ba'ng pinagsasabi mo d'yan?" naguguluhang tanong niya. "Someones following you at ang kasama mong lalaki. The guy is taking pictures of the two of you and even filming you. Look, I don't know what's your relationship with the man you're with, whether he's your boyfriend or husband, I don't care. I simply don't want to talk to you because being around you brings bad luck to me." Napamaang si Eunice sa sinabing iyon ni Joaquin. "Ha? At sino naman ang lalaking tinutukoy mo na sumusunod sa amin?" alanganing tanong niya. "At saka bakit mo ba sinasabing malas ako? For your information, ikaw nga ang malas sa buhay ko eh." Umiling si Joaquin. "Forget what I've said. Just leave me alone and don't talk to me, okay?" Hindi na nito hinintay na makasagot pa si Eunice, tuluyan na nitong nabuksan ang pinto at pumasok na ito sa loob, naiwan naman ang naguguluhang dalaga. "Tsk! Ano ba'ng nangyayari sa lalaking 'yon? Napaka-weird naman niya!" Lumakad siya at binalewala na lamang ang mga sinabi ni Joaquin, hindi niya alam kung nagsasabi nga ba ito ng totoo o pinagti-tripan lang siyang lokohin? Naglakad-lakad siya at nilibot ang mga lugar na malapit lang sa apartment na tinitirahan nila. Nalibang siya sa katitingin sa magagandang lugar na naroon at sa mga taong paroo't-parito. Ito ang unang pagkakataon na nakapunta siya sa Barcelona. Sa lahat ng nakarelasyon niya ay si Roman lang ang bukod tanging nakapagdala sa kaniya sa maraming bansa, kahit mahigpit ang asawa nito ay nagagawa pa rin na makapag-travel sa ibang bansa na kasama siya. Kahit na papaano ay may puwang na rin sa puso niya si Roman, dama naman niya na mahal siya nito at ang mga effort nito para lang mapasaya siya at maibigay ang lahat ng gusto niya ay na-appreciate niyang talaga. Kaya lang ay kinondisyon na niya ang sarili na huwag umibig dito at may katapusan din ang relasyon nilang ito, hindi panghabang buhay at walang kasiguraduhan. Isang hingang malalim sabay pilit na ngiti. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pamamasyal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD