Chapter 15

1453 Words
"Huh!" Napakislot si Eunice nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Ang sarap-sarap ng higa niya sa inflatable bed na nakapatong mismo sa ibabaw ng swimming pool, muntik na nga siyang makatulog kaya nga lang ay nagising siya sa malakas na tunog na iyon na nagmumula sa kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon sa kaniyang tabi, hindi na niya inabalang tignan kung sino ang tumatawag agad niya itong sinagot. Maliban kay Roman ay ang kaniyang mga kaibigang sina Janet, Cristy at Rhema lang naman ang nakakaalam ng number niya, kaya inaasahan na niya na isa sa tatlong iyon lang naman ang tatawag sa kaniya, dahil si Roman ay hindi pa bumabalik mula sa European tour nito kasama ang kaniyang pamilya, kaya imposibleng tawagan siya nito. Nagpalit siya ng number pagbalik na pagbalik nila ni Roman mula sa Paris. Nalaman kasi ng asawa nito ang numero niya at palagi siyang ginugulo sa tawag nito. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Olivia ang cellphone number niya. Nag-iingat lang siya na hindi na maulit pa na sugurin siya nito. "Hello!" walang ganang sabi niya. "Where are you? I want my ring now! Pumunta ka na rito ngayon din kung ayaw mong ipapulis kita!" Inalis niya ang cellphone sa kaniyang tenga. Hindi siya maaaring magkamali, ang aroganteng si Joaquin ang kausap niya sa telepono, ngunit nagtataka siya kung paano nito nakuha ang number niya. Tiningnan niya ang kaniyang screen, napaawang ang bibig niya dahil hindi lang basta number nito ang nakikita niya kung hindi pati ang pangalan ng binata. Sa madaling salita ay naka-save sa phonebook niya ang numero ni Joaquin. Hindi niya maalalang nagpalitan sila ng number ng lalaking iyon kaya laking pagtataka niya kung paano siya natawagan nito. Magsasalita pa sana siya para tanungin ito ngunit nawala na ito sa screen, pinatayan na siya nito ng telepono. Ang hindi alam ni Eunice, kahapon habang natutulog siya ay pinakialaman ni Joaquin ang cellphone niya, nabuksan nito ang telepono niya ng wala siyang kaalam-alam, ginamit nito ang finger print niya para mabuksan iyon at ang binata mismo ang nag-save ng number nito sa phonebook niya. Nawala sa isip niya ang tungkol sa atraso niya rito, kung hindi pa ito tumawag ay hindi papasok sa isipan niya iyon. Inis na bumagon siya at bumaba sa inflatable bed at dumiretso sa tubig, iniwan niya ang cellphone niya roon at pabalik-balik na lumangoy. Pinagsawa muna niya ang sarili sa tubig bago umahon. Kung hindi lang sa singsing na 'yon at sa makulit na si Joaquin ay wala sana siyang balak na umalis ngayong araw, kahit kanina pa nagyayaya ang kaniyang mga kaibigan ay hindi siya sumama sa gimik ng mga ito, kaya lang ay napilitan na lamang siyang umalis para puntahan si Joaquin at ibigay rito ang hinihingi nito. Mabuti na rin siguro na ibigay na niya ang gusto nito para hindi na siya guluhin pa nang lalaking iyon. Bago siya umalis ay nakatanggap siya ng text message mula kay Joaquin. Sinasabi sa text na pumunta siya sa Queens Tower dahil naroon ito ngayon at doon na raw niya dalhin ang singsing. Nakaramdam siya ng inis sa lalaking iyon dahil kung makapag-utos ito ay akala mo naman ay empleyado siya nito, masyadong demamding. Isang oras ang biyahe mula sa bahay niya papunta sa Queens Tower, kung isasama ang traffic na na-encounter niya sa daan ay kulang dalawang oras din ang ginugol niya bago nakarating sa meeting place nila ni Joaquin.Hinabaan na lamang niya ang pasensiya, tutal naman ay ito na ang huli nilang pagkikita ng lalaking iyon dahil sigurado namang hindi na siya gagambalain pa nito matapos niyang maibalik dito ang pahamak na singsing. Pagpasok niya sa loob ng mataas na building ay hinanap pa niya kung nasaan ang elevator, sa 8th floor kasi ang tungo niya. Nakita naman niya agad ang hinahanap sa gawing kanan, may apat na elevator ang naroon na kapwa mga nakasara kaya naghintay siya ng bubukas, tama namang bumukas ang pinto na nasa harapan niya. Napa-awang ang bibig niya ng makitang palabas ng elevator ang lalaking nakita niya noon na bumaba sa magarang sasakyan malapit sa hotel kung saan siya naka-check in. Ang may edad nang lalaki ngunit matikas pa rin at gwapo. Gaya ng una niya itong nakita ay marami pa ring nakabuntot dito na tila ba mga executives, dahil nakasuot ang mga ito ng coat and tie at mga mukhang kagalang-galang. Hindi niya kilala ang lalaking iyon, ngunit sa tingin niya ay hindi ito basta-basta, mukhang mayaman at bigatin. Ganun ang mga tipo na target niya, kaya lang ay meron na siyang Roman kaya pass na muna siya sa pang-aakit sa mga lalaki. Hindi niya inaasahan na lilingunin siya ng ginoo at lalong hindi niya inasahan na ngingitian siya nito at kakausapa para bang kilala siya nito. "Good morning!" bati ng ginoo sa kaniya ng matapat ito sa kinatatayuan niya. "The weather is nice. I hope you have a great day today, young lady!" dagdag na sabi pa ng ginoo. Napangiti siya. "You too, Sir, have a nice day," ganting wika niya. Muli ay nginitian siya ng ginoo sabay yukod. Isinenyas nito na siya ay aalis na at tinanguan naman iyon ni Eunice. - "Here is your ring, wala na akong atraso sa'yo, siguro naman hindi mo na ako guguluhin!" Inilapag ni Eunice ang singsing sa ibabaw ng lamesa. Naabutan niya si Joaquin na nag-aalmusal sa malawak na dining table. Iyon lang naman talaga ang sinadya niya roon at wala siyang balak na magtagal kaya pagkaabot niya ng singsing kay Joaquin ay tinalikuran na niya ito. "Hindi ka pa pwedeng umalis!" Narinig niyang sabi ni Joaquin kaya natigil siya sa paglalakad at nilingon ito. Nangunot ang noo niya. "Huh! Nasa iyo na ang singsing, ano pa ba ang kailangan mo sa akin?" inis na tanong niya. "Bumalik ka rito at umupo ka. Sa tingin mo ba hahayaan kitang umalis na lang ng hindi pa nasti-check kung totoo nga itong singsing na ibinigay mo sa akin? Malay ko ba kung nagpagawa ka replika nito." Huminga ng malalim si Eunice, pinigilan niya ang inis na nadarama para sa aroganteng binata, pamartsang lumakad siya palapit dito, humila ng upuan at naupo katapat nito. "Pwede ba tigilan mo na ang kaka-akusa sa akin ng kung ano-ano! Go ahead and check the ring. Kung gusto mo tumawag ka pa ng expert sa mga alahas para mapatunayan mo na totoo ang singsing na 'yan," inis na sabi niya. "Hindi mo na kailangang utusan ako kung ano ang dapat kong gawin. I already contact a jewerly expert at parating na siya ngayon." Kampante lang si Joaquin, habang nagsasalita, samantalang si Eunice ay nagngingitngit na sa galit dito. "May trust issue ka rin noh! Wala kang tiwala sa tao. Alam mo hindi naman ako dapat nandito ngayon at naii-stress ng ganito kung hindi rin dahil sa'yo, eh. Kailan mo ba tatanggapin sa sarili mo na ikaw naman talaga ang may kasalanan sa mga nangyayari? Nanahimik ang buhay ko ginugulo mo. Huwag mong isisi sa akin ang lahat. Ito lang ang masasabi ko, kaya pumalpak ang proposal mo dahil ang universe na mismo ang gumawa ng paraan para hindi kayo magkatuluyan ng girlfriend mo. Hindi kayo para sa isa't-isa, ganu'n lang kasimple 'yon, kaya huwag mo nang ipilit." Masamang tingin ang ipinukol ni Joaquin kay Eunice, hindi niya nagustuhan ang mga pinagsasabi nito. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay biglang dumating ang hinihintay niyang bisita. "Good morning, Sir. Ako po ang pinadala ng J&J Jewelry Shop para i-check ang authenticity ng alahas ninyo," sabi ng bagong dating. "Yes, I'm expecting you, please come in," ani ni Joaquin at lumapit naman agad ang inaasahang bisita nito. Hinayaan lang ni Eunice na mag-usap ang dalawa at suriin ang singsing. Tiwala naman siya na ang original na singsing ang ibinigay niya kay Joaquin. Sa huli ay napatunayan naman na ang totoong singsing talaga ang ibinigay niya rito. "Aalis na ako, wala ng dahilan pa para magtagal ako rito," wika ni Eunice nang sila na lamang dalawa ni Joaquin ang naroon, umalis na kasi ang alahero. Buhat sa pagkakaupo ay tumayo na siya at handa nang umalis. "I hope we never meet again, Ms. Mendoza. If we happen to see each other in the future, let's act like strangers. I hope it will be clear to you." "Mabuti pa nga na iyon ang gawin natin dahil hindi naman maganda ang naging pagkakakilala natin. Ayoko na rin na magkaroon ng kaugnayan sa'yo. Sige na aalis na ako." Walang lingon likod na tinalikuran ni Eunice si Joaquin. Naiwan naman ang binata na nakatitig sa hawak niyang singsing. Wala na ring halaga iyon sa kaniya, inilapag niya iyon sa lamesa at iniwan na para bang isa lang itong basura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD