Chapter 13

1357 Words
Wala si Roman, nasa ibang bansa ito ngayon at nagbabakasyon kasama ang kaniyang pamilya. Dalawang linggo itong mawawala, dahil walang magbabawal sa kaniya, kaya naman sinamantala ni Eunice ang pagkakataon na iyon para makagala at magawa ang lahat ng gusto niyang gawin. Nang gabing iyon ay nagpunta siya sa isang bar, naimbitahan siya ng mga kaibigan para uminom at magsaya. "Sige pa, Eunice uminom ka pa!" sabi ni Janet, isa sa mga kaibigan niya. Ang mga kasama niya ngayon ay mga nakilala lang niya noong nagsisimula pa lamang siyang mag-modelo at nagtrabaho bilang escort ng mga big time na lalaki. Ang gawain nila noon ay magpunta sa mga party at sosyalan para makabingwit ng mayaman. Si Janet, Cristy at Rhema ay katulad din niyang binabahay ng mga lalaking mayayaman na may mga asawa na. In short pare-pareho silang mga kabit. Wala siyang pagkakaiba sa mga ito, dahil iisa lang naman ang gusto nila, ang maibigay ng mga lalaking iyon ang mga luho at kapritso nila. Matagal-tagal na rin simula ng makatikim ng alak si Eunice, kaya naman ngayon ay parang takaw na takaw siya. Kinantiyawan siya ng mga kaibigan na i-bottoms up ang isang malaking mug ng beer. Hinamon siya ni Cristy ng pustahan at hindi naman siya umurong.Tatlong mug ng beer ang kailangan nilang ubusin at ang mananalo sa kanilang dalawa ay magkakaroon ng 100 thousand pesos na pa-premyo, samantalang ang matatalo naman ang siyang magbibigay ng 100 thousand sa mananalo. Sayang ang pera kaya naman hindi siya nagpatalo. Panay ang cheer sa kanila ni Janet at Rhema. Ginawa lang niyang tubig ang beer. "Go, Eunice! Kaya mo 'yan!" sigaw ni Rhema na pumapalakpak pa. "Cristy, huwag kang magpapatalo, nakasalalay sa'yo ang pusta ko!" ganting sigaw naman ni Janet. Nagpustahan din kasi ito at si Rhema, kaya naman ganun na lang ang kagustuhan nilang manalo ang kani-kanilang mga pambato. Halos maduling na sa sobrang hilo si Eunice ngunit hindi pa rin siya sumuko. Paubos na ang ikatlong mug niya samantalang si Cristy ay nasa ikalawang mug pa lang. Sinaid niya ang laman ng kaniyang baso hanggang sa kahuli-hulihang patak at pagkatapos ay itinaob iyon sa ere. "Panalo kami! Ang galing-galing mo talaga, Eunice!" tuwang-tuwang sabi ni Rhema at niyakap pa siya sa sobrang tuwa. Halos ingudngod naman ni Cristy ang mukha sa lamesa sa labis na pagkadismaya. Kung tuwang-tuwa si Rhema ay kabaliktaran naman nito si Janet. Ang dalawa kasi ay kapwa talo at mapipilitang maglabas ng malaking halaga ng pera. "Hay pambihira naman talaga!" dismayadong napakamot na lamang ng ulo si Janet. "Teka lang, iihi muna ako!" Tumayo si Eunice, hindi na niya hinintay na sumagot ang kaniyang mga kaibigan, pasuray-suray siyang lumakad para magtungo sa banyo. Lasing na lasing siya, bago pa kasi magsimula ang challenge nila ni Cristy ay marami na rin siyang nainom. Umiikot ang paligid habang siya ay naglalakad. Hindi naman talaga siya naiihi, ang totoo ay nasusuka siya. Habang naglalakad siya ay panay ang duwal niya ngunit wala namang lumalabas. Sa sobrang kalasingan niya ay hindi niya namalayan na hindi naman pala pinto ng banyo ang nabuksan niya kung hindi ang emergency exit door ng bar kaya naman dumiretso siya palabas kung saan naroon ang parking area. "Oh my gosh! Kailan pa nagkaroon ng mga sasakyan sa loob ng banyo?" bulalas niya. Nagulat siya ng pagbukas niya ng pinto ay mabungaran niya ang maraming sasakyang nakaparada sa malawak na parking. Dahil sa kalasingan ay akala niya namamalikmata lamang siya kaya ipinilig niya ang kaniyang ulo ngunit hindi naman nagbago ang kaniyang nakikita naroon pa rin ang mga sasakyan. Nakaramdam siya ng pagbaliktad ng sikmura kaya naghanap siya ng lugar kung saan pwede siyang sumuka, dumiretso siya sa likod ng pader at doon nagduduwal.Sa dami ng alak na nainom niya ay talaga namang punong-puno ang tiyan niya. Matapos sumuka ay hilong-hilo pa rin siya at hinang-hina, naubos ang lakas niya. Kahit nanginginig ang mga tuhod ay pinilit pa rin niya ang maglakad. Habang naglalakad ay biglang nagdilim ang paningin niya at nawalan siya ng malay at natumba ngunit bago pa iyon ay naramdaman niya na may mga kamay na sumalo sa kaniya kaya hindi siya bumagsak sa semento kung hindi sa bisig ng kung sinong lalaki. - Hindi na nagtagal pa sa bar si Joaquin at nagpaalam na rin siya sa kaniyang mga kaibigan. Ginawa na lamang niyang excuse na pinababalik siya ng kaniyang ina sa hotel para pumayag ang mga ito na umalis siya. Ang totoo ay gusto na niyang umuwi dahil inaantok na siya. Hindi siya gaanong uminom kaya naman matinong-matino pa ang utak niya at kayang-kaya pang mag-drive. Habang naglalakad siya sa parking para kunin ang kaniyang sasakyan ay may nakita siyang babae sa hindi kalayuan na pasuray-suray ang paglakad. Nangunot ang noo niya, para kasing may kakaiba sa babae, hindi lang ito basta lasing na lumalakad sa tingin niya anumang oras ay babagsak na ito kaya mabilis pa sa ipo-ipo na tinakbo niya ang kinaroroonan nito. Mabuti na lamang at maagap siya kaya bago pa ito tuluyang bumagsak sa matigas na semento ay nasalo na niya ito. Nawalan ng malay ang babae dahil sa kalasingan. Laking gulat niya ng makita ang mukha ng babae. "Huh! Eunice!" bulalas niya. Hindi siya makapaniwala na ang matagal na niyang hinahanap na babae ay kaharap niya ngayon. Tinapik niya ito sa pisngi para gisingin. "Hey, wake up!" Bahagya pa niyang niyugyog ito ngunit ayaw pa ring magising. May kailangan siya sa babaeng ito kaya hindi niya puwedeng basta-basta na lamang iwan. Wala na siyang pagpipilian. Binuhat niya ang babae at dinala sa kaniyang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ihahatid ito, hindi niya alam kung saan ito nakatira. Inihiga niya ito sa backseat. Kinuha niya ang maliit na bag na nakasabit sa balikat nito at tiningnan ang laman sa loob kung meron ba siyang makikita para malaman kung saan ito nakatira, kaya lang ay walang laman ang bag maliban sa cellphone at pera. May password naman ang cellphone kaya hindi rin niya ito mabuksan. Wala na siyang ibang maisip kung hindi ang dalhin na lang ito sa kaniyang penthouse. Simula ng dumating siya ay hindi pa siya nadadalaw roon dahil sa mansiyon nila siya naglalagi, kaya lang ay hindi naman niya pwedeng dalhin ito roon dahil tiyak na kukwestiyunin siya ng kaniyang mommy at daddy kapag nalaman na nag-uwi siya ng babae sa pamamahay nila. Sinigurado niyang maayos ang pagkakahiga ni Eunice bago siya bumalik sa driver seat. Buo na ang desisyon niya na iuwi na lamang ito sa kaniyang penthouse. Habang binabagtas ang daan patungo sa kaniyang pad ay panay ang tingin niya sa dashboard mirror. Inaalam lang niya kung ayos pa ba ang sakay niya sa likod dahil baka nahulog na ito sa upuan or worst ay hindi niya mamalayan na natakasan na pala siya nito. Inis na inis siya dahil kailangan pa niyang buhatin ito at isakay sa elevator. Hindi biro ang tagal ng pagbuhat niya rito mula ground floor hanggang sa pinakatuktok ng apartment building na iyon kung saan ang buong floor ay pag-aari niya. Sa isip niya ay minumura niya si Eunice, kung wala lang siyang kailangan dito ay hinayaan na lamang niya ito na makatulog sa semento. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng pagkadismaya sa babaeng ito dahil sa pagiging lasenggera. Ni hindi man lang kasi nagtira ng kahit konti sa kaniyang sarili talagang sinaid ang kalasingan niya. Pagpasok sa loob ng kaniyang penthouse ay idiniretso na niya ito sa guest room. Ni hindi man lang ito nagising, dinig pa niya ang malakas na paghilik nito, ang ikinaiinis pa niya rito ay amoy na amoy niya ang alak sa katawan at sa hininga nito. "Wasted!" sabi niya matapos ibaba sa kama si Eunice. Nakapamewang siya habang pinagmamasdan ito na para bang wala man lang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kaniya. Napapailing na lamang na iniwan niya ito. Magpapahinga muna siya sa kaniyang silid, sigurado naman siyang hindi siya matatakasan nito kahit na magising pa ito, dahil hindi ito basta-basta makakalabas. May passcode ang main door niya sa labas at loob kaya bago pa ito makalabas ay kailangan muna nitong mahulaan kung ano ang passcode niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD