Chapter 18

1245 Words
Naging masaya ang bakasyon ni Eunice kasama si Roman sa Spain. Namasyal sila, nag-shopping at kumain ng mga masasarap na pagkain. Wala sa kanilang dalawa na nakapansin sa lalaking panay ang buntot sa kanila saan man sila pumunta. Natapos ang isang linggong bakasyon ng dalawa at bumalik na rin sila sa Pilipinas. "This is the most memorable vacation we had together, baby," ani Roman. May sumundo sa kanilang sasakyan, tauhan ni Roman ang nagmamaneho at hinatid sila sa bahay. Hindi muna dumiretso si Roman sa pamilya niya. Ang plano nito ay magpalipas muna ng gabi kasama si Eunice. Humilig ang dalaga sa balikat ng mayamang negosyante. "Yes, I agree, ito nga ang pinakamasayang bakasyon natin together, sana maulit pa." Alas diyes nang gabi ng makarating sila sa bahay at hindi nila inaasahan na mabubungaran nila si Olivia, kanina pa pala ito nakaabang sa pagdating nila. Isang malakas na palakpak ang umalingaw-ngaw sa malawak na sala. "Bravo! Ang kakapal talaga ng mga mukha ninyo. Lalo ka na babae ka, makati ka pa sa higad. Hindi ka talaga mapigilan, sige ka pa rin. Hindi ka ba titigil hangga't hindi mo nauubos ang pera ng asawa ko? Isa kang gold digger, mapanira ka ng pamilya, wala kang kahihiyan!" Pinagduduro ni Olivia si Eunice, kumapit naman ang dalaga sa braso ni Roman na para bang nanghihingi ng saklolo. "Ma'am, pasensiya na po, hindi po namin siya pinapasok pero nagpumilit siya. Tinakot po kasi niya kami. Siya raw po ang may ari ng bahay na ito," pagsusumbong kay Eunice nang isa sa mga kasambahay niya. Sinamaan ni Olivia nang tingin ang kasambahay. "I am not threatening you, totoo ang mga sinasabi ko. Ang pag-aari ng asawa ko ay pag-aari ko rin, at ang kabit na 'yan ay walang karapatan sa kahit na anuman na mayroon si Roman, naiintindihan mo? Ang ahas na pinagsisilbihan mo ay isang kabit... mang-aagaw ng asawa at maninira ng pamilya!" may diin sa bawat salitang binitawan ni Olivia, bakas sa mukha nito ang labis na galit. "Olivia, huwag kang manggulo rito!" saway ni Roman sa asawa kaya naman siya ang binalingan nito. "Ako pa ang sinabihan mo ng gan'yan, ha, Roman. Masyado ka na talagang nahumaling sa babaeng 'yan. Ang lakas ng loob mo na sabihan ako nang ganiyan. Sino ba ang nanggugulo rito, 'di ba ang babaeng 'yan? Ginulo niya ang tahimik nating pagsasama. Hanggang kailan ka ba magpapadala sa tawag ng laman, ha? Akala mo naman ay mahal ka ng babaeng 'yan, pera mo lang ang habol niyan. At nagpapauto ka naman, ang bahay na 'to, ang lahat ng meron ang ahas na 'yan, ultimong panty niyan ay galing sa'yo. Nilulustay mo ang lahat ng pera mo para lang sa haliparot na 'yan. Hindi mo ba alam na ang pera mo ay pera ko rin dahil mag-asawa tayo? Hindi ako makakapayag na ang babaeng iyan lang ang makikinabang sa mga pinaghirapan ko. Hindi ka yayaman ng ganiyan kung hindi dahil sa akin at sa impluwensiya ng pamilya ko Roman, tandaan mo 'yan." Lumapit si Olivia kay Eunice at tangkang hahablutin ang buhok nito ngunit mabilis na naitago ni Roman ang dalaga sa likuran niya. "Umalis ka d'yan, huwag kang umasta na para bang tagapagligtas ka niya. Sasaktan ko ang babaeng 'yan, para maramdaman niya rin ang sakit na idinulot niya sa akin. Ano bang ginawa ko sa'yo Roman, para ganituhin mo ako? Bakit hindi ka makuntento? Balewala na lang ba sa'yo ang tatlumpung taon na pinagsamahan natin? Sino ba ang nasa tabi mo noong mga panahon na nag-struggle ka pa sa buhay. Sino ba ang sumuporta sa'yo at naniwala sa kakayahan mo noong pati ikaw ay hindi naniniwala sa sarili mo? Wala ka sa kinatatayuan mo ngayon kung hindi dahil sa akin, hindi ka magiging successful sa buhay kung hindi dahil sa akin, tapos ngayon itsapwera na ako sa buhay mo at ang babaeng 'yan na wala namang naging ambag sa pagkatao mo ang tumatamasa ng lahat ng karangyaan. Paano ang mga anak mo? Hindi mo ba iniisip ang mga anak mo, ha, Roman. Paano ang future nila kung unti-unti ay inuubos na ng makapal na mukhang babaeng 'yan ang mga perang pinaghirapan mo? Ano, para lang sa tawag ng laman, para lang sa s*x? Iiwan ka rin niyan kapag naubos na niya ang kayamanan mo at ano, saka ka magsisisi, babalik sa amin na pamilya mo kapag walang-wala ka na, ganu'n ba?" "Tama na, Olivia! Tumigil ka na!" sigaw ni Roman. "Ikaw ang tumigil... kayo ng babae mo!" galit na singhal ni Olivia. Napabuntong hininga ng malalim si Roman, binitawan nito si Eunice at lumapit sa asawa para sana pakalmahin ito. "Halika na, umuwi na tayo, nakakahiya sa mga kapitbahay," mahinahon na sabi niya. "Huh! Nahihiya ka sa mga kapitbahay, pero sa akin hindi?" sarkastikong tanong ni Olivia. Napahilamos ng sariling mukha si Roman. "Let's talk about this at home, halika na umuwi na tayo!" Hinawakan nito ng mahigpit sa braso ang asawa at halos kaladkarin na ito palabas. "Bitiwan mo ako, Roman! Hindi pa ako tapos sa babaeng 'yan!" Nagpupumiglas si Olivia, sa sandaling makatakas siya sa mga kamay ng asawa ay wala talaga siyang pangingimi na saktan ang kabit nito, sukdulan ang galit niya sa ginagawang panloloko ng mga ito sa kaniya. "Stop it! Let's go!" Napilitan na si Roman na kaladkarin ang asawa palabas hanggang sa mapagtagumpayan niya ito na maisakay sa kaniyang sasakyan at mailayo sa lugar na iyon. Naiwan si Eunice na nanghihina, napaupo siya sa sofa, pilit niyang pinakakalma ang sarili. Nakita niya kung gaano kagalit ang asawa ni Roman. Kahit anong ingat nila at kahit anong pagtatago niya ay may paraan pa rin si Olivia na makita siya. Hindi pa siya handang iwan si Roman. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang tunay na nararamdaman para rito, pero isa lang ang sigurado niya. Hindi niya kayang mabuhay na wala si Roman sa tabi niya. Masyado siyang naging komportable rito, ibinibigay nito ang lahat sa kaniya pati ang pagmamahal at pag-aalaga na hinahanap niya. Ito na ba ang sinasabi ni Rhema? Nagkakaroon na nga ba siya ng damdamin para kay Roman? Simula't sapul ay alam niyang mali ang ginagawa niya. Noon ay ayos lang sa kaniya na sugurin ng mga asawa ng karelasyon niya, ngunit ngayon ay bakit parang iba na ang pakiramdam niya sa ganu'n? "Ma'am, ayos ka lang ba? Gusto niyo po ba ng tubig?" tanong ni Nene, ang isa sa kaniyang mga kasambahay. Umiling siya. "No thanks, I'm okay. Aakyat na muna ako sa kuwarto ko, pakilagay na lang ang mga gamit ko at nang Sir Roman ninyo sa guest room." "Sige po, Ma'am, kami na po ang bahala." Tumango siya at inumpisahan na ang lumakad, inakyat niya ang hagdan para makarating sa second floor kung saan naroon ang kaniyang silid. Hindi pa rin nawawala ang panghihina niya. Nang makarating sa kaniyang silid ay humiga siya sa kama, namaluktot at niyakap ang sarili. Naguguluhan na siya sa takbo ng kaniyang buhay. Nakaramdam siya ng kahungkagan. Napapatanong siya sa sarili kung ito nga ba talaga ang buhay na gusto niya? Masaya ba siya sa buhay niya ngayon? Oo nasa kaniya na ang lahat pero parang hindi pa rin siya lubusang masaya. Ano nga ba talaga ang makapagpapasaya sa kaniya? Ang buong akala niya ay ang mga materyal na bagay na pangarap niya ang makapagpapasaya sa kaniya, ngayon nakuha na niya ang lahat ng naisin niya ay hindi pa rin sapat iyon para maging masaya siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD