Sa wakas ay natupad na rin ang pangarap ni Eunice, isang modern 2 storey house na may apat na kuwarto, parking garage na kasya hanggang tatlong sasakyan, malawak na bakuran at malaking swimming pool, ang ngayon ay pag-aari na niya. Ito ang iniregalo ni Roman sa kaniya noong kaarawan niya, kaya naman sobra-sobra ang kasiyahan niya.
May tatlong kasambahay pang kinuha sa agency si Roman para makasama niya na magsisilbi sa kaniya at magbibigay ng mga pangangailangan niya.
Ito ang buhay na pinapangarap niya noon pa. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip na magagawa niyang mabuhay ng marangya ng hindi kailangan na magtrabaho at mangamuhan.
Alas singko ng hapon noon at nakatambay lang siya sa gilid ng swimming pool. Sa ilalim ng malaking payong ay nakahiga siya sa sunlounger, suot ang kaniyang 2 piece red bikini ay talaga namang kumikinang siya sa kaputian. Alaga niya ang kaniyang katawan at kutis dahil ito ang kaniyang puhunan para mabuhay ng marangya.
She's now living her dream life. What more can she ask for? Well, nasa kaniya na ang lahat, may magandang bahay, mamahaling sasakyan, mga branded na bag, damit, sapatos, at mga alahas. Ang lahat ng iyon at ang karangyaan na tinatamasa niya ngayon ay nakuha niya dahil sa pagiging kabit. Masyado siyang silaw sa materyal na bagay, iyon kasi ang nagpapasaya sa kaniya. Kailan lang nang dumating galing sa business trip sa London si Roman ay marami na naman itong pasalubong sa kaniya.
-
Kaalis lang ng kaniyang kasambahay na si Digna, hinatiran siya nito ng meryenda, vegetable salad at malamig na orange juice.
Napadilat ang kaniyang mga mata ng may maramdaman siyang humaplos sa binti niya, paakyat ang kamay nito hanggang sa umabot malapit sa singit niya.Makaramdam siya ng matinding pangingilabot, nagtayuan ang balahibo niya sa katawan.
"Roman! How did you get here? Akala ko ba nasa Germany ka ngayon?" Talagang nagulat siya ng makita ang kalaguyo, hindi niya namalayan ang pagdating nito, pati ang tunog ng makina ng sasakyan nito ay hindi rin niya narinig.
Ngumiti si Roman, ngunit ang ngiti nito ay para bang pilit at hindi umabot sa kaniyang mata. "Pack your things, Babe! Olivia knows everything about us, any moment ay darating siya para sugurin ka. I just came here to warn you."
Napabangon siya sa labis na pagkabigla.
"Huh! Akala ko ba ikaw ang bahala sa akin. Akala ko ba ipaglalaban mo ako sa asawa mo?"
Umiling si Roman. "I'm so sorry, aside from you ay may iba pa akong girlfriend, pero ikaw lang ang alam ni Olivia na kabit ko. I can give you up, marami pa naman akong naka-reserve."
Naningkit ang mga mata niya sa sobrang galit, pinaghahampas siya sa balikat si Roman at nang magsawa ay pinagbabayo naman niya ang dibdib nito.
"How could you do this to me?" galit na sabi niya.
"Patawarin mo ako, ayan lang ang masasabi ko. Kung ayaw mong masaktan ka na naman ni Olivia ay aalis ka na rito." Tumayo na ito at walang pasabing iniwan siya.
Ilang minuto pa lang na nakakaalis si Roman ay dumating na ang asawa nitong si Olivia. Hindi nagawang makatakas agad ni Eunice.
"Ikaw haliparot na babae, na walang ginawa kung hindi amg lustayin at magpakasasa sa pera ng asawa ko, ito ang nababagay sa'yo!"
Pak!Pak!Pak!
Hindi lang isa, kung hindi tatlong malalakas na sampal ang isinalubong sa kaniya ni Olivia. Nayanig ang utak niya sa lakas ng mga samapal nito. Hindi pa nakuntento si Olivia, hinila siya nito dahilan para mapatayo siya sa canopy chair, kinaladkad siya nito at hindi niya inaasahan nang itulak siya nito nang malakas sa swimming pool. Halos lumipad siya at lumubog sa pinakailalim, nagkakawag ang mga paa niya. Pinilit niyang umahon ngunit hindi siya makalangoy, hindi niya maipadyak ang kaniyang mga paa. Gusto niyang sumigaw para makahingi ng tulong, ngunit sa tuwing ibubuka niya ang kaniyang bibig ay napupuno lang ito ng tubig, dahilan para mahirapan siyang huminga. Sa utak niya ay sumisigaw siya at humihingi ng saklolo, ngunit wala ni isa man ang lumapit para tulungan siya. Nakikita niya buhat sa itaas si Olivia, masama ang tingin sa kaniya at para bang hinihintay nito na tuluyan siyang malunod. Nawawalan na siya ng lakas, unti-unti nang pumikit ang talukap ng kaniyang mga mata.
-
"Ma'am Eunice, gising! Gumising ka, Ma'am!"
Malalakas na yugyog sa balikat ang nagpamulat kay Eunice. Pagdilat ng kaniyang mga mata ay nabungaran niya ang kasambahay na si Digna.
"Huh! Anong nangyari? Nasaan ako?" agad na tanong niya.
"Nasa swimming pool ka po, Ma'am. Dinalhan kita ng meryenda. Ginising kita, kasi parang binabangungot ka, panay ang ungol mo kanina."
"Huh, panaginip? Isa lang palang panaginip, akala ko totoo na," mahinang sabi niya.
"Ang ano po 'yon, Ma'am? Bakit ano po bang napanaginipan ninyo?" tanong ni Digna na narinig pala ang sinabi niya.
Sunod-sunod ang naging pag-iling niya. "Wala, hindi naman importante, sige bumalik ka na sa loob at gawin mo ang trabaho mo," may halong inis na sabi niya. Sa lahat ng ayaw niya ay ang mga tsismosa. Si Digna kasi ay may pagka-tsismosa, kung sa trabaho lang ay wala naman siyang maipipintas dito ang problema lang talaga ay mahilig itong makiusyoso sa buhay ng iba.
"Si-sige po, Ma'am, sabi ko nga po may gagawin pa ako sa loob." Kakamot-kamot na tumalikod si Digna at iniwan siya.
Hindi pa man nakakalayo ang kasambahay ay napakislot si Eunice nang biglang mag-ring ang cellphone niya kaya doon nabaling ang kaniyang tingin. Kinuha niya ito sa kaniyang tabi. Nakita niya buhat sa screen ang pangalan ni Roman, ito pala ang tumatawag kaya agad niyang sinagot.
"Hey, Babe, how are you doing? Sorry, hindi ako makakapunta d'yan ngayon, may family gathering kami ngayon. Tumawag lang ako para hindi ka na maghintay sa akin. I'll make it up to you, tomorrow," sabi nito.
Kapag ganiyang mabilis at tila ba nagmamadali ang boses ni Roman alam ni Eunice na nasa 'di kalayuan lang ang asawa nito at nagnanakaw ng oras para makapuslit.
"Ah, ganu'n ba? It's okay, hon. Just enjoy the party. Huwag mo akong isipin, I'm okay here. Magpapahinga lang ako rito sa bahay at manunuod ng movies," aniya.
Sa totoo lang ay mas gusto niyang wala si Roman. Napipilitan lang siyang pakisamahan ito at asikasuhin kapag magkasama sila, para lang kunwari ay mapagmahal siya, sweet at maasikaso kaysa sa asawa nito, nang sa ganun ay mas lalo pang mahulog ang loob nito sa kaniya. Ang lahat ng ipinapakita niya kay Roman ay pagpapanggap lang, dahil ang totoong mahalaga sa kaniya ay ang mga materyal na bagay na naibibigay nito sa kaniya hindi si Roman mismo.
"Okay, see you tomorrow then. I miss you and I love you!" anito.
"I love you too, Honey!" maagap na tugon naman niya, nilambingan pa niya ang timbre boses para magmukhang sincere.
"I'm sorry, Babe. Gotta go, Olivia is coming!"
Hindi na siya nakasagot dahil agad na siyang pinatayan nito ng cellphone.
Tama siya ng hinala, ang asawa nito ay nasa paligid lang.Natatawang naiiling na lamang siya.
Sa kabilang banda ay nakahinga siya nang maluwag. Dahil napatunayan niyang hindi totoo ang kaniyang panaginip. Mahal siya ni Roman, dama niya iyon, gumagawa ito ng effort na makausap pa rin siya at i-update kahit pa nasa tabi-tabi lang ang asawa nito. Na-appreciate niya ang effort nito. Hindi siya dapat matakot dahil sigurado siyang maliban sa kaniya ay wala na itong iba pang nilalandi at alam niyang kaya siya nitong ipaglaban sa asawa niya.
"That's the power of my charm and beauty," may halong pagmamalaki na sabi niya. Mas lalo pang tumaas ang kumpiyansa niya sa sarili ng dahil doon.