"NAKAKAPAGOD talaga magsuot ng sapatos na may takong," wala sa sariling sabi ko. Malalim akong huminga nang maramdaman ko ang napakasarap na pakiramdam nang sa wakas ay maisuot ko ang aking malambot na tsinelas, gawa sa manipis na goma na binalot ng cotton.
"Kung nanatili ka lang sana sa tabi ko kanina, edi sana hindi na sumakit ang paa mo," narinig kong pasiring na sabi ng aking asawa.
Napakunot-noo ako at nilingon ko siya, nakatalikod siya sa 'kin habang hinuhubad niya ang kaniyang damit pang-itaas.
"Hon, nakipag-usap lang naman ako sa mga kakilala ko—"
"Admit it, Ale!" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang pagtaas ng kaniyang boses. Humarap siya sa 'kin at rumagasa ang bilis ng t***k ng puso ko nang makita ko ang galit niyang mga mata. "Umalis ka kanina dahil tinakasan mong mapag-usapan ang tungkol sa anak!"
Napapantastikuhan ko siyang tiningnan, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Tres! Tapos na ang usapan tungkol do'n nang umalis ako! Ano bang sinasabi mo?"
"That's what you think! Pero no'ng umalis ka sa table, they mocked me! They insulted me telling me I'm infertile!" panunumbat niya sa 'kin. "Alam mo ba ang hiyang naramdaman ko do'n kanina?! Ako pa talaga ang baog?! Alam naman nating pareho na ikaw 'yon at hindi ako!"
"Tres!" Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ko akalain na maririnig ko ito ngayon mula sa kaniya. Akala ko ay naiintindihan niya ang sinabi ng doktor namin noong nagpatingin kami, pero bakit sinusumbatan niya ako ngayon? "Tres, my condition is not permanent! Narinig mo naman ang sinabi ng doktor, 'di ba? May treatment para dito—"
"Na hindi mo na dapat pagdaanan pa kung iningatan mo lang sana ang anak natin!" sigaw niya ulit. Ang mga salita niya ay parang mga karayom na tumusok sa dibdib ko. Ang masama niyang tingin ang s'yang nagpapakaba sa 'kin lalo. Ngayon ko lamang siya narinig na ganito kagalit. "Kung hindi ka sana naging pabaya, may anak na sana tayo ngayon! Pero dahil sa lintik na ambisyon mo, Ale! Nawala pati ang anak natin!"
Tuluyang tumulo ang luha ko sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na sa kaniya ko pa mismo maririnig ang lahat ng 'to. Ang akala ko ay suportado niya ako sa mga naging desisyon ko. "Are you blaming me?"
"Bakit? Kasalanan mo naman talaga 'yon 'di ba?! It's your fault! You and your ambition, Ale!"
Nang malaman naming nawalan ng heartbeat ang 7-month old baby namin sa loob ng t'yan ko, hindi ko ito narinig sa kaniya. Naramdaman ko ang lungkot niya, ngunit hindi ko akalain na sinisisi niya pala ako, ngayon ko lang ito nalaman.
"We both know how much I love the baby, Tres!" naninikip na ang dibdib kong sabi sa kaniya, hindi na siya malinaw sa paningin ko dahil sa umaapaw na luha sa mga mata ko. "Iningatan ko siya dahil anak ko siya, hindi ko siya pinabayaan gaya ng kung anong iniisip mo! Saksi ka sa kung paano ko alagaan ang pagbubuntis ko!"
"But I told you to stop working, didn't I? I told you to prioritize your pregnancy pero hindi ka nakinig! Nawala ang anak natin nang dahil sa 'yo! Dahil sa 'yo, Ale!" dagdag niyang sumbat sa 'kin at ilang beses pa akong dinuro sa bawat pagdiin niya ng mga salita.
Napaupo ako sa kama dala ng panghihina ng aking mga tuhod. Tahimik na lamang akong umiiyak dahil hindi matanggap ng sistema ko ang mga narinig ko.
"Tres, I worked too hard for my promotion, alam mo 'yon di ba?" Halos manginig na ang boses ko habang nagsasalita. "The doctor allowed me to work during my pregnancy so I didn't risk my job! Pinakahinihintay ko ang promotion ko which happened before we learned about my pregnancy and I thought you were happy about it! I achieved it on my own, Tres! Hindi mo man lang ba kayang maging masaya para sa 'kin?"
Nanatiling galit ang mga mata niyang nakapukol sa 'kin. Umigting lalo ang panga niya at naging mas madiin ang pagkakalapat ng mga labi niya.
"Ano pa bang gusto mo, Ale?" tila nanghihina niyang tanong sa 'kin. Mas kalmado ang tono ng boses niya ngunit imbes na makahinga nang maluwag ay mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. "Binibigay ko naman sa 'yo ang lahat! I'm working hard for you, to provide for your needs! Bakit hindi mo mabita-bitawan 'yang trabaho mo?!"
"Tres, this is not about money! This is about the fulfillment that I want to feel as a person! I always feel useless being just your wife! Naiintindihan mo ba 'ko?"
"Edi sana hindi ka na lang nagpakasal sa 'kin kung may iba ka palang gusto!" malupit niyang sumbat sa 'kin. "You know what, Ale?! Babaan mo ang pangarap mo! You have to consider that you have a responsibility to me as my wife at isa na do'n ang bigyan ako ng anak!"
"Bakit? Hindi mo ba responsibilidad na suportahan ako sa mga bagay na ikakasaya ko, Tres?" nanunumbat kong tanong sa kaniya.
"Hindi ba kita sinuportahan sa mga gusto mo, Ale?" tanong niya. "When you wanted to practice law, hindi ba't pinatigil kita sa pagiging sekretarya ko at hinayaan kitang maging parte ng legal department? Pero hindi ka nakuntento! Gusto mong magtrabaho sa iba, pero may narinig ka ba sa 'kin?! See?! Sinuportahan kita, Ale!"
"Bakit mo sinusumbat ang lahat ng 'to sa 'kin, Tres?" umiiyak kong tanong sa kaniya. "You know it from the very start that I'm not that kind of woman who settles herself at home waiting for her husband to be home from work! Bago mo ako pinakasalan, alam mo na 'yan—"
"And that's my greatest regret! I regret that I married you—"
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang lumagapak sa pisngi niya ang palad ko matapos kong atomatikong mapatayo. Hindi ko akalain na aabot ako sa punto na masasaktan ko siya nang pisikal.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" nanghihinang tanong ko sa kaniya. Natahimik siya, nag-iwas ng tingin. Parang pinilipit ang dibdib ko sa sakit na hindi ko na maintindihan kung saan babaling para maibsan lang 'to.
"Hindi na ako masaya, Ale," mahinang sabi niya ngunit may diin, may diin na umabot pa sa puso ko ang sakit.
Hindi ko inaasahan na maririnig ko ito sa kaniya. Ilang taon kaming nagsama, mula high school ay kami na, naging maganda at maayos ang takbo ng relasyon namin kaya hindi ko akalain na aabot kami sa puntong 'to na maririnig ko ang mga katagang 'yon mula sa kaniya.
"Pagod na ako sa 'yo! Pagod na ako kahihintay kung kailan maisip mo naman ang pangarap nating dalawa at hindi ang pangarap mo lang!"
"Tres, mahal na mahal kita—"
"Patunayan mo! Kung talagang mahal mo ako, Ale, ibigay mo ang gusto ko!"
"I'm trying!" sigaw ko sa kaniya, gulong-gulo na at punong-puno na ng sakit. "Sinubukan ko, sinusubukan ko at susubukan ko pa rin na ibigay sa 'yo ang gusto mo! Pero hindi ko 'to kontrolado, Tres! Kasi kailangan din kita! Kailangan ko ang suporta at pang-unawa mo!"
"Tumigil ka na lang sa trabaho mo," sabi niya na may diin bawat salita.
"Tres! No! Hindi, ayaw ko!" sabi ko sa kaniya. "Makukulong ako sa lungkot dito sa bahay natin, mahal ko ang trabaho ko—"
"Mamili ka, Ale!" sigaw niya na umalingawngaw na sa bawat sulok ng kwarto namin. "Mamili ka! Ako o ang trabaho mo?!"
Umawang ang labi ko sa tanong niya. "Tres, I can't choose!"
"Well then, you better start choosing now! Ayaw ko nang makipagkompetensiya sa ambisyon mo! You can't have us both! It's either me or your job! Think about it and choose!"