NAIWAN ako sa kwarto na umiiyak. Nag-walk out ang asawa ko matapos ang aming matinding pagtatalo. Para akong nanghihina na napaupo sa kama, humihinga nang malalim at pilit na pinapatahan ang aking sarili.
Nagbihis na lamang ako nang matapos akong umiyak. Nasasaktan ako sa tuwing nag-aaway kami ni Tres, hindi ako masanay-sanay dahil hindi naman kami dating ganito.
Siguro gano'n talaga, parte lang ito ng pagsasama bilang mag-asawa. Kilala ko naman ang asawa ko eh, mahal na mahal ako no'n. Nadala lamang siya ng galit niya, alam ko naman na hindi niya sinasadya ang mga nasabi niya.
Matapos kong magbihis, agad akong humiga sa aming kama upang makapagpahinga. Malalim ang bawat paghinga ko dahil sumisikip ang dibdib ko, hindi ako sanay na natutulog nang may sama ng loob, kahit kailan ay hindi ako pinatulog ni Tres nang magkagalit kami, kaya naman hinihintay ko siyang pumasok at suyuin ako.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko, tumagilid ako, tumalikod sa pwesto ng asawa ko. Iniisip ko lang ang mga bagay-bagay, kagaya na lang ng... kung paano kami magkakaanak ni Tres, mga plano para sa therapies at kung ano-ano pa.
Ilang sandali pa ay narinig kong bumukas ang pinto ng aming kwarto. Narinig ko ang mga yabag ng paa na pamilyar sa 'kin—syempre, asawa ko eh.
Sunod kong naramdaman ang paglundo ng kama, bumilis rin ang t***k ng puso ko bigla sa hindi ko malamang dahilan lalo na nang maamoy ko ang panlalaki niyang pabango. Walang nagbago, kahit pa naging bilyonaryo siya't naging matagumpay sa buhay, gamit pa rin niya ang mumurahing pabango na gamit niya na noong highschool pa lamang kami.
Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa balikat ko, kasunod ay naramdaman ko naman ang labi niya sa aking sentido.
"I'm sorry, Hon," mahinang sabi niya. "I know you're still awake, mag-usap muna tayo bago tayo matulog."
Napangiti ako. Sabi ko na eh, alam ko naman na hindi niya ako hahayaang matulog na may sama ng loob.
Humarap ako sa kaniya, huminga ako nang malalim, ngunit gumaan na ang pakiramdam ko, kahit hindi pa man kami nag-uusap, pakiramdam ko ay ayos na kami.
"I love you," mahina niyang sabi, malungkot ang buo niyang mukha, lalong-lalo na ang mga mata niya. "Nadala lang ako ng galit ko, nawalan ako ng kontrol. It's my fault, I'm so sorry."
Tumango at ngumiti nang bahagya tyaka ko siya niyakap.
"Okay lang, I understand," sabi ko sa kaniya nang makakalas ako sa yakap. "Totoo naman ang sinabi mo... a-ako naman talaga ang may problema kaya hindi tayo magkaanak eh."
Hindi siya umimik, nakatingin lamang siya sa 'kin.
"P-Pero..." Parang may bumara sa lalamunan ko nang maisip ko ang mga salitang binitawan niya kanina. "Alam mo naman 'di ba na iningatan ko nang mabuti ang baby natin? Alam mo naman na... hindi ko siya pinabayaan 'di ba? Mahal na mahal ko ang anak natin... h-hindi ko naman sinasadya na magkaroon ng deperensya eh—"
"Hon," masuyo niyang sambit at mabilis na pinunasan ang luha ko na tumulo na pala. "I know. I'm sorry, I really regret saying those words. Pasensya na."
Tumango akong muli. Dumukwang siya't hinalikan ang aking noo.
"I love you," bulong niya na s'yang pumawi nang tuluyan sa sakit na naramdaman ko. "I love you so much, Hon."
"I love you more," nakangiting sagot ko.
Umayos kami ng higa. Niyakap niya ako nang mahigpit kagaya lamang ng palaging nangyayari kapag siya ay naglalambing. Ilang minuto lang ay pareho kaming dinalaw ng antok, wala na masyadong gulo dahil pareho kaming pagod sa mahabang araw na ito.
KINABUKASAN ay nagising ako nang maaga, tulog na tulog pa si Tres. Kaya naman mabilis na akong bumangon upang masigurong may maayos siyang maisusuot na damit sa kaniyang trabaho.
Araw-araw ay ganito ang buhay ko. Mas maaga akong nagigising upang maasikaso ko siya at pareho kaming makapasok sa aming mga trabaho.
Pinlantsa ko ang mga damit na susuotin niya pang-opisina, may mga katulong naman kami dito sa bahay na pwedeng gumawa nito, ngunit mas gusto kong ako na ang gumawa dahil ako naman ang asawa niya, kaya kahit sobrang busy ko, sinisigurado kong nagagawa ko pa rin ito.
Pagkatapos kong mamalantsa ay tyaka ako naligo at nagbihis tyaka ako bumaba at tiningnan kung may agahan na ba kami ng aking asawa.
Mabuti na lang maagang nagigising ang aming mayordoma, si Nanay Pening, siya ang nagsisilbing magulang namin ni Tres dito sa bahay, may katandaan na rin kasi siya, at kumpara sa 'min ni Tres, mas marami na siyang karanasan lalo na kung tungkol sa buhay mag-asawa. Isa pa, si Nanay Pening ang nag-alaga kay Tres mula no'ng maliit pa lamang ang aking asawa kaya hindi na rin iba para sa 'min lalo na sa asawa ko si Nanay Pening.
"Good morning, Nay," nakangiting bati ko sa kaniya, nadatnan ko siyang nagluluto. "May agahan na po ba?"
"Ay oo," bigla siyang naging aligaga nang makita ako. "Maupo ka na doon, maya-maya ako ay maghahain na. Nasaan ba ang iyong asawa?"
"Tulog pa po, Nay," nakangiting sabi ko. "Saglit, gigisingin ko nang makapaghanda na rin siya. Salamat po."
"Oh sige-sige," sambit niya naman.
Bumalik ako sa taas at dumiretso sa aming kwarto, nadatnan kong tulog pa ang aking asawa, siya naman talaga itong tulog-mantika palagi, palibhasa mas nakapapagod ang kaniyang trabaho kaya lagi siyang hapong-hapo.
"Hon," sambit ko. Umupo ako sa kama tyaka ako lumapit sa kaniya at mahina siyang inalog sa balikat. "Hon, gising na, may trabaho ka pa."
Hindi siya gumalaw kaya ginising ko siyang muli. Sa ikalawang pagkakataon ay dahan-dahan niya nang iminulat ang kaniyang mga mata at nagtama agad ang aming paningin.
This is one of those happy morning moments of being married with the man I love. Seeing him here with me is what I considered a blessing from God above.
"Good morning, Honey!" nakangiting bati niya bagaman antok na antok pa ang boses bago siya ngumuso, nakangiti ko naman siyang hinalikan sa labi. "Hmm, you smell nice."
Tumawa ako nang mahina. "Bangon na, mali-late ka na sa trabaho."
"I'm tired," inaantok niya pang sabi, pumikit siyang muli at hinila ako para yakapin nang mahigpit. "Let me have my peace and rest first."
Hindi ko napigilan ang sarili kong matawa muli, pigilan ko man na ipakita ang kilig ko, wala na, humilagpos na. Grabe, hanggang ngayon, ilang taon na kami, ang nararamdaman kong saya at kilig sa kaniya ay hindi man lang nagbago.
Dumagan ako sa kaniya sa mas komportableng posisyon, nakadapa ako sa kaniyang ibabaw habang nasa kaniyang dibdib nakapatong ang aking ulo at nalibang ako habang pinapakinggan ko ang mabilis na t***k ng puso niya. So far, this is my favorite spot.
Pero kahit na pareho kaming komportable, kailangan na talaga naming bumangon dahil nga may trabaho kami.
"Hon," sambit kong muli. "Sige na, bumangon na tayo, maligo ka na para sabay na tayong kumain, okay?"
"Five more minutes," sabi niya, naramdaman ko pa ang vibration sa kaniyang dibdib nang magsalita siya, hinihigpitan niya lalo ang yakap niya sa 'kin at hinaplos-haplos niya ang aking buhok. "Thank you, God, for this new day, I got to see my very beautiful wife."
Napangiti ako sa kaniyang sinabi, I always hear such words from him and it always sends butterflies in my stomach.
Bumangon ako nang bahagya at hinalikan siya sa labi. "I love you, Tres Luis Antonio Alfonso."
"I love you, Mrs. Alfonso."
Tumawa ako at tinampal ko ang kaniyang dibdib. "Bumangon ka na, CEO, tama na muna ang paglalandi."
"Opo, Attorney," sabi niya at tumawa tyaka siya bumangon na naisabay pa ako kaya napatili ako sa gulat. He carried me in a bridal style as he jump out of bed and walked towards the bathroom's door.
"Hon, tapos na akong maligo!" sabi ko.
"I want to make love with my wife, come on," nakangising sabi niya, tinawanan ko na lamang siya at pinagbigyan ang kaniyang hiling. Sabay na kaming naligo dalawa, of course hindi lamang ligo ang nangyari.
Nang matapos kami ay sabay na rin kaming nagbihis, kinailangan ko na naman magbihis ng bagong damit dahil nabasa ang suot ko kanina.
"I'll drive you to your office," sabi niya nang makalabas kami ng kwarto, magkahawak ang mga kamay namin habang bumababa ng hagdan. "Then let's have a lunch together later. I'll tell Mia to book a reservation in a restaurant."
Napakunot-noo ako nang marinig ang bagong pangalan sa aking pandinig, nilingon ko naman siya.
"Mia? Who's Mia?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Oh, my new secretary," nakangiting sagot niya sa 'kin habang maingat na bumababa kami ng hagdan. "Haven't I told you about Chloe resigning?"
Si Chloe ay ang dati niyang sekretarya na naging kapalit ko nang magtrabaho ako sa Justice Server Law Firm. Matagal na rin si Chloe bilang kaniyang sekretarya ang akala ko nga ay hindi na 'yon aalis.
"Nabanggit mo naman, hindi ko lang alam na umalis na pala talaga siya."
"Oh well, we're too busy the past few days that we barely talk about things," sabi niya. "But Mia is an effecient secretary I can see. You should meet her... I'm sure you'll get along, you know she's like the young version of you."
Napakunot-noo ako sa kaniyang sinabi, lalo na nang marinig ko siyang mahinang natawa.
"Nakakatuwa siya," dagdag niya pa. "She really reminds me of you. She's a fresh college graduate by the way."
Ngumiti na lamang ako sa kaniyang sinabi at hindi na nag-isip pa, dati pa man ay mabait na talaga ang asawa ko sa kaniyang mga empleyado, isa 'yon sa naging dahilan ng kaniyang tagumpay, kaya naman normal na para sa 'kin na may kinatutuwaan siyang empleyado.
"Well then, I should meet her," nakangiting sabi ko. "Mia? Her name sounds cute 'no?"
"Yeah," pagsang-ayon niya tyaka ngumisi. "But I like your name better. Freya Alesandra, sounds like a queen's name, yeah? Our baby should be named after you, Hon."
Ngumiti ako at pabiro siyang inirapan upang itago ang aking kilig. "Bakit? Ayaw mo ba ng Fourth Luis Antonio Rivera Alfonso?"
Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa pisngi, pinaghila niya ako ng upuan dahil nasa dining area na kami.
"I want a baby girl who will look exactly like you," sabi niya. "But a baby boy isn't bad either, as long as you're the mom and I'm the dad, I can't wait for that, I'm so excited."