Chapter 6

2263 Words
"That's our middle name, Mr. Marquez," tugon ni Lyxeena. "Then can you spell out your middle name, Ms. Trevisani and Ms. Derioso?" Nakataas na kilay na saad ni Sir sa amin. Tumayo agad ako at baka may kung ano pang masabi si Lyxeena. "Our parents don't want us to spell out our middle name publicly, Sir," tugon ko naman. Naramdaman ko ang paghila ni Lyx sa kamay ko kaya umupo na ako sa tabi niya. "What are you saying? Wala namang sinabi si Mom at Tita n'yan, ah?" Naguguluhang saad ni Lyxeena. Actually, wala naman talaga silang sinabi, nagsinungaling lang talaga ako na sinabi sa amin 'yun ng mga parents namin para hindi masira ang reputasyon ng mga ina namin. "Wala nga, pero it's really necessary na hindi nila malaman kung ano ang ibig sabihin ng MDB kasi baka masira ang apelyidong Mala Del Brenta," bulong na tugon ko kay Lyxeena. "Okay? Masyado bang private ang middle name ninyo kaya ayaw ipa-spell out ng mga magulang ninyo?" Nakataas na kilay na tanong ni Sir sa amin pero hindi kami makasagot. "Well, I guess, pero makukuha ko rin naman ang mga NSO ninyong dalawa or kukunin ko rin mamaya sa Registrar Office ang NSO ninyo para mailagay ko na sa class record ko dahil binigyan niyo lang ako ng MDB sa middle name ninyo sa one-eight crosswise na hiningi ko," saad ni Sir. "MDB din ang sinulat mo sa papel ko, Moon?" Tanong ni Lyxeena sa akin. Ako kasi ang nagboluntaryong isulat ang name niya sa one-eight para MDB ang mailagay ko sa middle name niya at baka Mala Del Brenta pa ang isulat niya roon kung siya ang magsusulat sa pangalan niya. Mapang-asar akong ngumiti sa kan'ya. "Hayaan mo na 'yun, mas mabuti na rin 'yun," saad ko. "Baliw, kukunin niya rin naman ang NSO natin sa Registrar, malalaman niya pa rin ang middle name natin," bulong na saad niya. "H'wag kang mag-alala, ako bahala. If our Moms can manipulate people with their money, so as we, too," ngising saad ko at napahalakhak naman siya ng mahina dahil sa sagot ko. She get it already, ang bilis niya ring makuha ang kung anong nasa isip ko. "Parehas talaga kayo ni Tita Zya, ang daming paraang naiisip," iling-iling na saad ni Lyxeena sa akin at tumawa ng mahina. Syempre, saan ba ako nagmana? E 'di sa nanay ko. Natapos na ang buong araw ng klase. Papalabas na kami ni Lyxee sa room. Ginulat na lang kami nang bumungad sa harap namin ang dalawang babae, nanaman? "At saan kayo pupunta?" Nakataas na kilay na saad ni Alessia. Nakayahat ang mga ulo nila sa amin dahil sa tangkad namin. Dire-diretso lang ang lakad ni Lyxeena at binunggo si Alessia sa balikat kahit alam niyang nakita niya na may tao sa harap niya. "Ay hala, sorry, hindi ko napansin, eh, akala ko kasi basurang poste lang ang nasa daan ko, pandak ka kasi kaya 'di kita napansin," asar na saad ni Lyxeena at agad kong pinisil ang kamay niya. "Lyx," saway ko sa kan'ya. "Tara na, Moon, h'wag na tayong makipagbardagulan sa mga AsKal na 'yan at baka makagat pa tayo niyan, mas marami pa namang rabies ang mga AsKal," asar na saad ni Lyxeena at hinila ako. Mabilis kaming umalis para hindi na kami maabutan ng dalawa. Mabilis kaming nakarating sa elevator at pumasok na roon. Mga ilang minuto ang lumipas, mabilis kaming nakarating sa Registrar Office. "Sir!" Masayang tawag ko sa Registrar nang makita namin siya sa hallway. "Uy! You two!" Masayang bati niya sa amin. Sinalubong niya agad kami at nakipag-shake hands sa kan'ya. Nagtungo agad kami sa opisina niya para sabihin ang pakay namin. "So, gusto niyong bigyan ko ng pekeng NSO ang Adviser ninyo?" Hindi makapaniwalang saad ng Registrar nang malaman na niya ang pakay namin. "Sige na, Sir, it's just for the sake of Mala Del Brenta," panghihingi ko ng pabor. "Just put MDB on our fake NSO instead of Mala Del Brenta, kailangan na hindi malaman ng Adviser namin ang totoong middle name namin dahil magkakagulo, na guidance kami kaninang umaga," saad naman ni Lyxeena at nagpipigil sa pagtawa ang Registrar. "Kayo? Na guidance?" Hindi makapaniwalang saad ni Sir. Actually, hindi pa matanda si Sir, nasa mga early 20s pa siya kaya parang ang casual lang namin kung makipag-usap sa kan'ya. "Oo nga, Sir, dahil dun sa mga war freak naming kaklase, 'yung mga shareholders daw ng Quezon City Empress University ang magulang nila," saad naman ni Lyxeena. "Ah, si Ms. Alessia Dela Cerna at Ms. Scarlett Santos?" Saad ni Sir kaya napatango naman kami ni Lyxeena. "Sige na, Sir, babayaran ko po kayo," saad ko. "No, I don't took bribes on students, and your parents helps me a lot kaya sige, tutulungan ko kayo, sa isang kondisyon," saad ni Sir kaya napatango kami ng sabay ni Lyx at nag-aantay ng sasabihin ni Sir. "In one condition, h'wag na ulit kayong magpa guidance, ah? Mga Mala Del Brenta pa naman kayo, baka pagalitan kayo ng mga magulang ninyo, okay? Good girl dapat, hmm?" Habilin ni Sir sa amin at siniko ko si Lyxeena. "Ba't ako?" Iritang bulong niya sa akin. "Ikaw lang kasi 'yung pala-away sa ating dalawa," asar na saad ko. "Oo na, oo na, totoo naman 'yun, ginagawa ko lang naman 'yun para sa 'yo, eh," depensa niya at tumawa ng mahina. Mga ilang minuto ang nakalipas, naglalakad na kami papunta sa isang building kung saan magpapa-enroll si Lyxee sa Theater Class at Music Class. Dumaan kami sa mga silid dito sa building ng Music Class. Nakikita ko sa loob ng isang silid ang iba't-ibang klaseng mga instruments na ginagamit usually sa mga Orchestra, like mga Violin, Cello, Viola, Harp, Flute, Bugles or mga malalaking trumpets, Piano, at marami pang iba. Manghang-mangha naman si Lyxeena habang sinisilip ang mga iba't-ibang instruments sa silid na ito pero doon napako ang mga mata niya sa pinaka-paborito niyang instrument sa loob, ang Grand Piano na kulay black. Nakita ko sa mga mata niya ang sigla, saya, at pagkasabik nang makita na niya ito. "This place feels like heaven!" Masayang saad niya at parang naluluha siya. Na-miss niya siguro ang mga ganito since noong pumunta kami rito sa Pilipinas. Last International Orchestral Competition na sinalihan niya last month ay 'yung sa Germany, at pinatugtog nila ang Ode To Joy ni Ludwig Van Beethoven doon sa pinakamalaking Theater House sa Germany at nanalo naman sila dahil siya ang Pianist. Sa mga Orchestra kasi, usually ang Pianist ang nagsisimulang magpatugtog at susunod sa kan'ya ang mga Violas, Violins, Cellos, at marami pang iba. Dumiretso na kami sa isang silid na kung saan nandoon din ang ibang mga estudyante, mukhang magpapa-enroll din sila rito. Pagpasok namin sa room na iyun ay napansin ko agad ang mga estudyante na tahimik. Music Class ito pero subrang tahimik ng mga tao rito. Actually, hindi pa raw as in totally na enrollment ito, parang magpa-register ka muna tapos screening, tapos kung pasok naman p'wede ng magpa-enroll. Umupo kami ni Lyxeena sa mga upuan sa waiting area habang ang iba ay nandoon na sa unahan dahil mas nauna pa sila roon. Dalawang upuan na lang din ang bakante rito kaya umupo na kami. Ilang sandali ang lumipas, may lumapit sa amin, siguro parang Assistant yata siya, lalaki siya pero may pagka feminine or p'wedeng sabihin kong medyo bakla siya base sa galawan niya. "Magpapa-register kayong dalawa?" Tanong sa amin nung lalaki. Napalingon naman ako kay Lyxeena na naka-upo sa tabi ko. "Siya lang po, ang pinsan ko lang po," nakangiting sagot ko. "Siya lang naman pala? Bakit ikaw ang umupo rito? Tumayo ka riyan kasi may mga mas importante pang tao o magpa-register kaysa sa 'yo," mataray na saad nung lalaki sa akin kaya hindi na ako nag-protesta pa at tumayo na agad. "Lyx, sa labas na lang ako mag-antay sa 'yo, ah? Doon mo lang ako mahahanap doon sa room kung saan nandoon ang mga instruments," nakangiting paalam ko sa kan'ya ngumiti naman siya sa akin pabalik at tumango. Agad na akong umalis. "Ms. Davina, dito ka," tawag nung lalaki sa isang babae na kakapasok lang sa silid. Napatingin naman ako sa kan'ya, matangkad siya, mga 5'10 din ang height niya, singkit din ang mga mata na parang si Lyxeena pero kung makatingin ay parang si Tita Zet, mahaba ang itim at rebonded niyang buhok at layer ang pagkakagupit nito. "Sige po," malamig na saad niya at naglakad papunta roon sa inuupuan ko kanina katabi ni Lyxeena. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa tabi ng pinsan ko. Tumingin din si Lyxeena sa akin at kumaway kaya kinawayan ko lang siya pabalik at nag-senyas na lalabas na sa silid. Tumango naman siya sa akin at lumabas na rin ako. Nagtungo ako sa room kung saan nandoon ang mga instruments. May babae namang kakalabas lang doon kaya dali-dali akong lumapit sa babae, siguro in-charge siya rito. "Miss, p'wede po ba akong makagamit sa piano?" Paalam ko sa babae. "Nagpapa-register kana ba sa Music Class?" Tanong niya sa akin. "Hindi, sinamahan ko lang po ang pinsan ko, inaantay ko lang din siya matapos magpa-register, so ayos lang po ba na makahiram sandali?" Nakangiting tugon ko. Ngumiti naman siya sa akin. "Mabuti at maganda ka, sige lang, Hija, p'wede kang makagamit sa piano kahit kailan mo gusto," masiglang saad niya. Lumawak ang ngiti ko. "Maraming salamat po," masayang saad ko at masayang-masaya na pumasok sa silid. Dali-dali akong nag-lakad papunta sa harap ng piano. Sa totoo lang, marunong ako ng kaunti sa piano pero hindi talaga ako katulad ni Lyxeena na subrang galing. May mga mahihirap na mga composition na napapatugtog niya, katulad ng Hammerklavier ni Beethoven, ang pinaka-mahirap na composition niya na parang hindi basta-basta napapatugtog ng mga best concert pianist pero isang beses lang na narinig ni Lyxeena ito noon, nakuha niya agad ang mga nota ng kantang ito. Ang talino at ang galing niya, 'di ba? Umupo na ako sa maliit na upuan na nasa harap ng malaking piano at binuksan na ang maliit na takip na nakatabon sa mga piyesa. Nagsimula na akong magpatugtog, ito ang kantang palagi kong nirerequest ni Lyxeena na palagi niyang ipapatugtog sa akin, ang ganda kasi ng kantang ito. "Ima no subete wa Mirai no kibou Kanarazu oboeteru Inochi no kioku de~" kanta ko sa pinaka-huling verse ng kanta. Ito lang kasi ang alam ko tapos hanggang sa medyo na memorize ko na ang last part ng kanta. "Inochi no kioku," nakangiting saad ko nang matapos ko ng pumindot sa mga piyesa. Inochi no kioku. Narinig ko naman na may pumalakpak sa akin. Agad akong napalingon sa kung sino man ang pumalakpak doon sa labas ng silid. Nakita ko 'yung babaeng naka-usap ko kanina na tuwang-tuwa dahil sa ginagawa ko. Masaya siyang naglakad papunta sa akin habang nakapalakpak ang mga palad niya. Agad akong tumayo nang tuluyan na siyang huminto sa tabi ko. "Naks naman, ang ganda naman ng boses mo, Hija, kaso bitin nga lang 'yung kinanta mo, mukhang last part na 'yun ng kanta siguro, tama ba?" Nakangiting saad niya at tumango naman ako. "Mag-register kana sa Music Class," anyaya niya sa akin. "H-Hindi na po, hindi naman kasi ako ganoon ka fond sa music and instruments, I'm more on paintings and art," nakangiting tugon ko at medyo nahiya pa. "Ganoon ba? Sayang naman ng boses mo," malungkot na saad niya. "Ay hala, Miss, h'wag po kayong mag-alala, mas magaling pa po kumanta ang pinsan ko kaysa sa akin, alam kong magugustuhan niyo po siya, promise!" Nakangiting saad ko at ngumiti naman siya. "Ganoon ba? Sige, sige, ano ba pangalan ng pinsan mo para makilala ko siya kapag mag-screening na?" Nakangiting tanong niya sa akin. "Lyxeena Lauren Trevisani po, magaling po 'yun kumanta lalo na sa mga Opera at mga choirs, hindi niyo po siya pagsisihan, pero medyo suplada lang ng kaunti pero mabait po 'yun, promise," nakangiting saad ko. "Sige, sige, tatandaan ko ang pangalan niya. Isa ako sa mga judge sa screening," nakangiting saad niya. Napangiti naman ako dahil kahit sa ganitong bagay ay natutulungan ko rin pabalik si Lyxee. "Salamat po!" Masiglang saad ko. "Ano pala pangalan mo, Hija?" Tanong sa akin nung babae. "Luna Amara Adelaine Derioso po, tawagin niyo lang po akong Moon," nakangiting pakilala ko. "Ang haba naman ng pangalan mo, hindi ko alam asan doon ang pangalan mo at apelyido mo pero sabi mo na tatawagin na lang kitang Moon," nakangiting saad niya. "Ganoon na nga po, Luna kasi first name ko tapos Moon ang tawag sa akin ng pamilya ko," masayang tugon ko. "Paano kapag may mga quizzes? Paano kung nasa number 5 na sila tapos ikaw nagsusulat pa sa pangalan mo?" Kunot-noong tanong niya sa akin. "Wala naman pong problema sa akin 'yun dahil naaalala ko pa rin naman 'yung mga questions kahit nasa number 10 na sila tapos ako nasa pangalan ko pa," saad ko at natawa. "Grabe naman 'to, pero kung totoo man 'yan, ang talino mo talaga," puri niya sa akin. "Joke lang naman po 'yun," natatawang saad ko. "Oh siya, sige mauna na ako, Moon, may lakad pa ako, eh," paalam niya sa akin. "Sige po!" Masiglang saad ko at kinawayan na siya nang maglakad na siya palabas ng room. Lumabas na rin ako at baka papalabas na rin sila Lyxeena. Napatingin ako sa kabilang side ng corridor kung saan nandoon ang mga magpa-register. Bigla na lang may bumunggo sa akin. "Oh ems," matigas na saad ng isang lalaki na ikinalingon ko sa likuran ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD