Chapter 7

2137 Words
Agad akong napalingon sa kung sino man ang bumunggo sa akin. Isa siyang matangkad na lalaki, mga 6'0 na ang height niya. Blonde ang buhok niya tapos bughaw rin ang kulay ng mga mata niya, g'wapo siya! Napababa ang tingin ko sa t-shirt niya na natapunan pala ng iced coffee na dala-dala niya. Agad akong kinabahan nang makita ang white t-shirt niyang may mantsa. "Hala! I mean, sorry po, hindi ko po sinasadya," nahihiyang saad ko at mabilis na kinuha ang panyo ko na nasa bag ko at dali-dali itong inilapit sa damit niya pero agad siyang umatras. "No, don't touch me with your filthy hand, Miss," malamig na tugon niya, may tigas ang boses niya. Agad niyang itinaas ang white t-shirt niya na ikinagulat ko kaya dali-dali akong tumalikod mula sa kan'ya. Wala, wala akong nakita. "Here, wash this. Kahit white t-shirt man 'yan pero mahal 'yan, it was made of fine fabric that can be found only in Malaysia," saad niya sa likuran ko at naramdaman ko ang t-shirt niya sa gilid ng mukha ko. A mixed of manly scent and aroma of the cappuccino filled my nostrils from his t-shirt. Dahan-dahan ko namang inabot ito mula sa gilid ng mukha ko. Nanginginig ang kamay ko nang abutin ko ang damit niya. "Why are you standing after me? Turn around, Miss," mahinahong saad niya pero malalim ang boses niya. "My body were wrapped already," saad niya pa. "T-Talaga ba?" I nervously said and I hear his chuckles behind me. "Yes!" Masiglang tugon niya. Kaya dahan-dahan akong lumingon paharap sa kan'ya at laking gulat ko na lang ng kung ano ang tumambad sa akin. "Bastos!" Napatili ako sa gulat at mabilis na tumalikod sa kan'ya habang mahigpit na naka-hawak sa t-shirt niya. "Sabi mo nakabihis kana? Bakit topless ka pa rin?!" Asik ko. "Most girls are my fans here, and they really want to see my six packs closely. And you are the most privilege girl in this school dahil ikaw pa lang ang nakakita sa abs ko ng malapitan," mahanging saad niya. "Chee! Magbihis kana!" Sigaw ko at hindi ko pa rin siya nililingon. "Okay," saad niya. Naramdaman ko na lang ang maiinit na hininga niya malapit sa tainga ko at balak ko na sanang umalis nang hawakan niya ang magkabilang braso ko. "Building 1 of Grade 12 STEM, first section, Tesla, see you tomorrow, Miss," walang halong emosyong saad niya at naramdaman ko na lang ang pagkalas ng mga kamay niya mula sa magkabilang braso ko. Nang maramdaman ko na lang na papalayo na ang presensya niya ay agad akong lumingon sa likod ko at nakita ko ang matipunong likod niya na papalayo na sa akin. Anong nangyari? Napatingin ako sa white t-shirt niya na hawak-hawak ko na may mantsa ng kape. Ipapalaba niya ito sa akin? At ihahatid ko sa first building ng Grade 12 STEM sa first section na Tesla? What?! "Moon! Moon!" Isang pamilyar na boses na nagmumula sa likuran ko ang umagaw sa atensyon ko. Dali-dali kong pinasok ang white t-shirt nung lalaki sa bag ko at lumingon sa likod ko. Nakita ko si Lyxeena na magiliw na tumatakbo papalapit sa akin at puno ng ngiti ang mukha. Agad-agad akong naglakad para salubungin siya na may ngiti sa labi. "Oh ano? Tapos na ba ang registration mo?" Nakangiting tanong ko sa kan'ya at tumango siya sabay thumbs up. "Hali ka na? Doon na tayo sa Art Class para makapag-enroll ka na," anyaya niya sa akin. "Paano 'yung Theater Class mo?" Tanong ko sa kan'ya. "Ah, 'yun? Mamaya pa yung 5 pm mag-oopen ng registration kaya sa Art Class na muna tayo," saad niya at hinatak na ako. Hindi na ako pumalag pa kaya nagpatianod na lang ako sa hatak niya. Ilang minuto ang lumipas. Nakarating na kami sa kabilang building. Isang floor lang ito pero malaki at malawak. Pagpasok na pagpasok namin ay nag-aapaw agad sa saya ang puso ko nang makita ko ang iba't-ibang mga paintings at mga portraits na nakasabit sa wall. Parang nagmukhang art exhibit ang building na ito. May mga sculpture then at iba't-ibang architecture na mga maliliit na nakapatong sa mga maliliit at malalaking lamesa. This place is amazing! Puti ang wall ng building na ito na bumabagay sa mga paintings na nandito. "Look! May painting din ng Mona Lisa!" Masayang turo ko sa isang portrait. Gayang-gaya ang painting na ito sa painting ni Da Vinci, ang details, ang kulay, at ang laki. "Sino kaya ang gumawa niyan, 'no? Gayang-gaya nga niya ang panting ni Da Vinci's Mona Lisa," natutuwang saad ko at hinatak ako ni Lyxee papunta sa pinakamalapit na pwesto ng Mona Lisa. Mga ilang metros lang ang layo namin mula sa painting. Hindi kasi p'wedeng lumapit ng husto sa mga ito at baka masira. May mga boundaries naman kung hanggang saan lang kami tatayo mula sa painting. "Hindi ba may nagawa ka ring Mona Lisa dati?" Tanong sa akin ni Lyxee. "Ah 'yun? Naiwan doon sa school sa Italy," kamot-ulong tugon ko. "Ba't mo naman naiwan? Ipapalit sana natin dito. Look, this painting was very identical to Da Vinci's, pero kung pagbabasihan natin ang texture ng painting na ito mula sa 'yo at kay Da Vinci, mas parehas pa ang texture ng painting mo kay Da Vinci kaysa nito," saad ni Lyxeena. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Wait? That's already ten years ago, pero naaalala mo pa rin ang bawat detalye ng painting na 'yun?" Naguguluhang saad ko. Actually, totoo naman talaga ang sinabi niya na mas parehas pa ang texture ng sa akin sa painting ni Da Vinci kaysa sa painting na ito, pero hindi ko agad napansin 'yun, pero siya, napansin niya agad. "You know, I'm not good at arts unlike you and Tita Zya, pero I'm good at remembering details lalong-lalo na kapag paintings mo," nakangiting tugon niya. Napahampas naman ako sa braso niya. "Tara na nga, baka pipila na naman tayo sa enrollment," saad ko sabay hatak. Actually, may banner naman dito tungkol sa enrollment, buti nga rito diretso na magpa-enroll, 'di gaya sa Music at Theater Class na registration pa lang, well, kailangang-kailangan nga naman ng screening sa dalawang class na 'yan. Nakarating na rin kami sa Registrar Office dito sa loob ng building na ito. Wala ng nakapila, mukhang tapos na yata ang iba. Pumasok na ako sa opisina habang si Lyxeena ay naiwan doon sa labas. Pagpasok ko ay isang sopistikadang babae ang bumungad sa akin na naka-upo sa table niya. "Good afternoon po, Ma'am, magpapa-enroll po ako sa Art Class," nakangiting saad ko at naglakad papunta sa swivel chair na nasa harap ng table niya at umupo roon. Nabaling ang atensyon ng babae mula sa laptop niya papunta sa akin kaya sumandal siya sa sandalan ng swivel chair niya at walang emosyong tiningnan ako. "Uhm, Hija, may sample artworks ka na ba?" Tanong sa akin ng Registrar. "Yes po," nakangiting saad ko. "Then, p'wede ko bang makita? I mean, did you bring one of it?" Nakataas na kilay na saad ng Registrar sa akin. "P-Po?" Teka, need pa pala ng sample? Maygas, nasa Art Exhibit sa school sa Italy pa naman ang ibang mga artworks ko, tapos wala akong ni-isang naiwan sa bahay namin sa Italy kasi puro napunta sa iba't-ibang exhibit sa Italy at sa iba pang bansa ang mga 'yun. Napakamot naman ako sa ulo ko. "Ah, kasi, Ma'am, hindi ko naman po alam na need pa pala ng sample," nahihiyang saad ko. "Hindi mo ba napansin 'yung tarpaulin sa labas?" Mataray na tanong niya. "Napansin po," sagot ko naman. "Then bakit hindi mo napansin 'yung nakasulat sa baba na 'bring your sample artwork'?" Nakataas na kilay na saad niya sa akin. Hindi ko kasi napansin 'yung nakasulat sa baba kasi hanggang sa opening date lang ng enrollment ang binasa ko. "Eh kasi, Ma'am, naiwan po, eh," saad ko at napakamot sa batok ko. "Then bring it, open for enrollees pa ako tomorrow," saad niya at binalik ulit ang tingin niya sa laptop niya. "S-Sige po," nahihiyang saad ko. Ano ba naman 'yan? Gagawa na lang ako ng bagong painting, hindi naman p'wedeng kunin ko 'yung mga artworks ko na naka display na sa mga exhibit, binili na 'yun ng mga Art Galleries mula sa akin. Lumabas na ako na matamlay ang mukha. Sinalubong ako ni Lyxeena ng nakangiting mukha hanggang sa mawala ang ngiting 'yun nang mapansin ang mukha ko. "Oh? Ba't matamlay ang Moon ko? Dapat naka ngiti ito kagaya ng isang crescent moon," malungkot na saad niya. "Eh kasi... Paano ba naman kasi, tingnan mo," saad ko sabay turo sa baba ng tarpaulin na may nakasulat na 'Bring your sample artwork/s'. "Ay hala, paano 'yan, binili na ng mga Art Galleries lahat ng paintings mo? So, gagawa ka ulit?" Saad niya kaya tumango na lang ako. Napangiti naman ako nang may kung anong pumasok sa isip ko. "Alam ko na, Lyxee! May gagawin akong painting na ikakatuwa ng Registrar!" Masiglang saad ko. "Talaga? Ano 'yun?" Interesadong saad niya. "Basta, hali ka na, uuwi na tayo kasi bibili pa ako ng mga materials sa Lyxeeries Mall," masiglang saad ko at patakbo ko siyang hinatak. Nang makalabas na kami sa building ay napahinto naman ako nang may kung ano na namang kumirot sa dibdib ko kaya napahawak ako rito. "Moon, ayos ka lang?" Nag-aalalang saad niya at dali-daling humarap sa akin sabay hawak sa magkabilang balikat ko. "O-Oo, ayos lang, tawagan na lang natin sila Yaya Feliz at Yaya Monique para puntahan na tayo rito," saad ko pero kumikirot pa rin ng kaunti ang dibdib ko. "Sige, sige," saad ni Lyxee at kinuha ang phone niya na nasa bag niya. "Hello, Yaya, nandito po kami sa labas ng building ng Art Class. Magkasama po ba kayo ni Yaya Monique? Sige po, sige po, mag-aantay po kami ni Moon sa inyo rito," saad niya at binaba na niya ang phone niya. Nang medyo umayos na rin ang pakiramdam ko, saka ko na rin kinuha ang phone ko para tawagan si Ninong Gio, siya kasi ang kukuha sa amin ni Brian at Lyxeena, eh. "Hello, Ninong? Papunta ka na po ba? Sige po," saad ko at binaba ko na ang cellphone ko. "Anong sabi ni Ninong?" Tanong ni Lyxee sa akin. "Ah, dadaan na muna siya kay Brian kasi siya na muna ang unang susunduin tapos dadaanin lang niya tayo rito," saad niya. Tumango naman siya. Mga ilang minuto ang nakalipas. Kasalukuyan na kami ngayong nasa byahe habang si Brian ay nakasandal sa balikat ko at mahimbing na natutulog. Sarap ng buhay, ah, antukin kasi ang batang 'to. Mga ilang minuto ang nakalipas, nakarating na kami sa Lyxeeries Mall, ito kasi ang pinakamalapit na Mall mula sa EU. Lumabas na kami ni Lyxeena at siya 'yung sumama sa akin papasok sa mall. Nagtungo agad kami sa second floor kasi nandoon ang mga kakailanganin kong mga gamit. "Sandali lang muna, Moon, ah, mag c-cr lang muna ako sandali," paalam ni Lyxee sa akin. "Sige lang, doon lang ako, magtitingin-tingin lang ako sa mga bibilhin ko at canvas na gagamitin ko," sagot ko sa kan'ya at tinuro ang area kung saan nandoon nakalagay ang mga materials na gagamitin ko sa painting ko. Nagtitingin-tingin ako ng magandang klase ng canvas na gagamitin ko. Puro magaganda naman ang nandito kaya medyo nahihirapan ako sa pagpili. "If you are looking for a perfect canvas to use, choose this," saad ng isang lalaki sa gilid ko kaya napalingon ako sa kung sino man ang nagsasalita. Isang lalaking matangkad, mga 6'0 ang height niya at nakasuot siya ng hoodie jacket pero hindi nakatalukbong ng hood ang ulo niya. He have this black hair, pointed nose, white skin tone, and sharp jawline. Gumalaw ang panga niya at saka siya tumingin sa akin na nakangiti. He's handsome. An ocean blue eyes caught me. His eyes were smiling! "This one," nakangiting saad niya habang nakaturo ang hintuturo niya sa isang canvas na nasa gilid niya lang. Natuon ang atensyon ko roon. "It was made of fine fabric na once magamit mo na ay hinding-hindi matatanggal ang pintura kahit ilang taon na ito. Hindi rin masisira ang kulay nito kapag mahaluan ng tubig o kahit anong liquid ang painting mo, so choose this one," saad niya at kinuha ang canvas na 'yun at inabot sa akin at tinanggap ko naman agad. "I'm also an artist, I paint portraits especially actors and actresses here in the Philippines," nakangiting pakilala niya sa akin. "You?" Nakangising saad niya. "An artist also, I paint sceneries, portraits, landscapes, and realistic paintings," sagot ko naman at mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Then, we are match, an artist to an artist," nakangiting saad niya at naglahad ng kamay sa harap ko at tiningnan ko ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD