Chapter 5

3119 Words
"Sino ba ang nagsimula sa gulo?" Tanong ng Guidance Counselor sa aming apat. Pina-guidance agad kami nung Scarlett, buti na lang talaga at hindi pa nag-sisimula ang class, 30 minutes na lang bago mag 8 am. "Sila," turo ni Lyxeena sa dalawa. "Kami?! Hoy babae, ako 'yung sinampal mo, 'di ba?" Depensa naman nung Alessia. "Sinampal kita kasi hindi mo binibitawan ang buhok ni Luna, hindi naman ako nananampal ng aso kung hindi maunang mangagat," depensa ni Lyxeena. "Pero sinampal mo pa rin ako!" Singhal nung Alessia. "Oo, sinampal nga kita, pero 'te, umalis na nga kami sa harap mo para walang gulo tapos ikaw naman 'tong humablot sa buhok ni Luna, so sino ba ang unang nanakit sa atin, 'di ba ikaw?" Depensa ulit ni Lyxeena. "M-Ma'am, nagsisinungaling po sila," turo nung Scarlett sa amin kaya agad akong tumayo. "Hindi kami sinungaling at hindi itinuro ng mga magulang namin 'yun sa amin na magsinungaling. Ma'am, sila po ang unang nanakit sa akin, denepensahan lang ako ni Lyxeena," depensa ko. "Are you sure, Ms. Derioso? Kilala mo ba kung sino sila?" Tanong nung Counselor sa akin. Napatingin ako sa dalawa at umiling. "No, I don't know them," saad ko naman. "They are one of the shareholders of this Empress University here in Quezon City! Ang mga magulang nila ang shareholders ng Quezon City Empress University!" Sigaw nung Counselor sa akin kaya nabaling ang tingin ko sa kan'ya at binalik ulit ang tingin ko kay Alessia at Scarlett at nakita ko sa mukha nila na mapang-asar na mukha at naka-ismid ang mga labi nila. "And we are—" "Lyx!" Putol ko sa balak na sasabihin ni Lyxeena. "What, Moon? What?!" Kunot-noong saad niya. "Don't," mahinahong saad ko at bumuntong-hininga siya sabay cross arm at sinandal ang likod sa swivel chair na nasa harap ng table ng Guidance Counselor. "Sorry," mahinahong saad niya at umupo ulit ako sa swivel chair. "Kayong dalawang magpipinsan, tawagan niyo ang mga magulang ninyo at papuntahin dito sa Guidance Office, first day of school nanggugulo kayo, mga transferee pa naman kayo!" Sumbat nung Guidance Counselor sa amin. "At bakit mo naman sinali ang pagiging transferee namin, Ms? Are you a student-biased counselor? Dahil sila ang shareholders ng Quezon City Empress University ay sila na ang kakampihan mo kahit na kami naman talaga ang biktima rito?" Prangkang saad ni Lyxee sa Counselor. "Lyx, tama na," bulong ko sa kan'ya. "No, Moon, dapat malaman nila na tayo ang totoong biktima rito at hindi ang dalawang pa-victim na ito!" Turo-turo ni Lyxeena sa dalawang babaeng naka-upo sa harap namin. "Call your parents, Ms. Trevisani!" Sumbat nung Counselor kay Lyx. "Fine? Gusto niyo bang makita ang mga magulang ko? Sige ba!" Banta ni Lyxeena. No, no. "Lyx, si Tito Zac at si Dad na lang tawagan mo, h'wag 'yung mga Mom natin," pigil na bulong ko kay Lyx nang muntik na niyang pindutin ang call button sa number ni Tita Zet. "Or ang mga yaya na lang natin," patuloy ko pa. "Pero..." Saad ni Lyx. "Argh! Fine!" Naiiritang saad niya at inirapan ako at tinawagan si Yaya Feliz, alam kong nasa cafeteria ngayon si Yaya Feliz at 'yung Yaya ko. "Hello, p'wedeng puntahan niyo po kami ni Moon dito sa Guidance Office?" Tanong ni Lyxee kay Yaya Feliz. "Sige na, para matigil na 'to, ilang minuto na lang magsisimula na ang class namin," sagot ni Lyxeena. "Sige po, mag-aantay na lang po kami sa inyo," nakangiting saad niya at saka binaba ang tawag. "Papunta na ang parents namin," saad ni Lyxeena. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Mga limang minuto ang nakalipas at dumating na rin si Yaya Monique at Yaya Feliz. Dali-dali silang lumapit sa amin. "Anong nangyayari?" Tanong ni Yaya Monique sa akin. "Kayo ba ang mga nanay ng dalawang ito?" Tanong ng Guidance Counselor. "P-Po? Kami ang mga—" "Yes, they are our Mothers," putol ni Lyxeena sa sasabihin ni Yaya Feliz. "P-Pero..." Saad ni Yaya Monique at napatingin siya kay Lyxeena at tumingin din si Lyx sa kan'ya sabay kindat. Hinatak ko ang braso ni Yaya Monique at nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya. "Just go with the flow, kaysa naman malaman ng mga magulang namin ang nangyayari ngayon at baka puting pader na naman ang kaharap namin mamaya," bulong ko kay Yaya. "Patay talaga ako sa nanay mo, Ma'am Luna," bulong ni Yaya Monique sa akin. "Then, don't tell her about what happened," bulong na sagot ko at dahan-dahang inilayo ang mukha ko sa tainga ni Yaya Monique. Kita ko sa mukha ng dalawang yaya ang pagiging mapakali at parang kinakabahan. "Tate, fingetevi prima di essere le madri di Moon e I per non distruggere il nome e la reputazione dei nostri genitori. E quando facciamo un casino qui a scuola, non dire ai nostri genitori cosa facciamo qui e tienilo segreto così possiamo evitare di affrontare la punizione del muro, per favore? (Nannies, first pretend to be Moon and I's mothers so as not to destroy our parents' name and reputation. And when we make a mess here at school, just don't tell our parents what we do here and keep it a secret so we can avoid Face The Wall punishment, please?)" Nakangiting saad ni Lyxeena at kinindatan ang dalawang yaya namin. Kahit kailan talaga, Lyxee. Napa-iling na lang ako dahil sa mga iniisip ko. "Sí sua altezza! (Yes, Your Highness!)" Tugon naman ni Yaya Feliz kay Lyxeena. "Maraming salamat po, Mom," nakangiting saad ni Lyxeena at pa-irap na binaling ang tingin papunta sa Counselor. "Ma'am..." Saad ni Lyxeena at napatingin sa pangalan ng Guidance Counselor na nakasulat sa isang maliit na kahoy na ipinatong sa table. "Ashley Cruz, we have to go. May class pa kami. Kayo na lang po ang makipag-usap sa parents namin ni Moon. Pasensya na po sa abala, Ma'am," patuloy pa ni Lyxeena at tumayo sabay kuha sa kamay ko at hinatak ako kaya tumayo na rin ako. "Let's go, Moon," walang emosyong saad niya at hinatak ako palabas ng Guidance Office. "Ho chiuso con quelle due streghe. Hanno recitato per tutto questo tempo nelle ultime due settimane! E quel consulente di orientamento prevenuto li protegge perché i loro genitori sono azionisti della Quezon City Empress University? Non sanno nemmeno chi siamo e chi sono i nostri genitori! Non sanno nemmeno che siamo le figlie di Zet... (I'm done with those two witches. They've been acting this whole time for the last two weeks! And is that biased guidance counselor protecting them because their parents are a shareholder of Quezon City Empress University? They don't even know who we are and who our parents are! They don't even know we're the daughters of Zet—)" "Calmati, Lyxee. Non parlare in fretta, anche se è italiano, non sappiamo se qualcuno qui può capirci, sai che l'Empress University ha un corso di lingua, (Calm down, Lyxee. Don't speak in a hurry, even if it's Italian, we don't know if anyone here can understand us, you know Empress University has a Language Class,)" putol ko sa sasabihin niya. Mabuti na lang din at wala masyadong tao rito sa hallway mula sa Guidance Office. "Sorry," mahinang saad niya at bumuntong-hininga. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa elevator papuntang fourth floor ng building. May Guidance Office din kasi ang bawat building dito sa EU, nasa second floor lang din naman ang Guidance Office. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa room namin at medyo marami-rami na ang mga nagdatingang estudyante. Mabuti naman at walang pumalit sa pwesto namin. Hatak-hatak ko si Lyxeena papunta sa chair namin at umupo na rin kami roon. "Moon, sasali ka ba sa Art Class?" Tanong sa akin ni Lyxee nang maka-upo na kami sa upuan namin. "Oo, ikaw ba? Anong class ang sasalihan mo?" Tanong ko pabalik sa kan'ya. She was good at three things, music lalo na sa piano, choir, she's an opera singer, too. Napa-isip siya, "Hm, I guess, Music Class at Theater Class." "Sabay na tayo magpa-enroll mamaya after class!" Masiglang saad ko at ngumiti naman siya. Bigla na lang nawala ang ngiti niya dahil may kung anong nakita siya kaya napalingon ako sa entrance door ng room namin at ginulat na lang ako nang kung sino man ang pumasok dito. "E le streghe sono in realtà le nostre compagne di classe, (And the witches are actually our classmates,)" puno ng tensyong saad niya kaya napalunok ako ng ilang beses nang bumaling sa direksyon namin ang dalawang babae. Sabay pa talaga silang umismid at naglakad papunta sa table namin. Agad napunta sa bawat gilid ang mga kaklase namin nang dumaan sa harap nila ang dalawa. Ang iba ay pini-praise pa sila dahil maganda raw sila at matalino. "H'wag kang makipag-away, Lyx, please lang," bulong na saad ko kay Lyxeena bago pa makalapit ang dalawa sa pwesto namin. "And they are our classmates, Scarlett, parang araw-arawin tayo nito, ah," asar na saad ni Alessia. "Speaking of these two dogs, anong ginagawa ninyo rito?" Mataray na saad ni Lyxeena kaya agad ko siyang siniko. "Bakit? Mala Del Brenta is our section, dito nilalagay ang mga taong katulad namin na mga matatalino," sagot ni Alessia. "I know about this section, pero hindi ko lang maintindihan at bakit ang mga bobo, bingi, at daig pa ang mga artista kung umacting ay napunta rito? Dapat nasa Theater Class kayo or 'di kaya nasa pinaka huling section ng Grade 12 ABM," asar na saad ni Lyxeena kaya pinisil ko ng mahina ang braso niya. "Lyx, sabi kong h'wag kang makipag-away," bulong ko. "Nope, hindi po ako nakikipag-away sa kanila, Moon, I'm just trash talking them since they are a spazzatura, (trash,)" natatawang saad ni Lyxeena. "Tama na kasi, Lyx, ano ba?" Awat ko. "H'wag mo nga kaming chini-chingchong, nasa Pilipinas tayo, okay?!" Asik nung Scarlett. Padabog na tumayo si Lyxeena at agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya. "Mga bobo nga talaga kayo, 'no? Hindi Chinese, Korean, or Japanese 'yang sinasabi ko, Italian 'yan! Italian!" Singhal ni Lyxeena at balak na sana siyang sampalin nung Alessia nang biglang may sumigaw. "Si Sir! Papunta na siya!" Sigaw ng isang lalaking kaklase namin. Agad-agad nagpuntahan sa kani-kanilang mga upuan ang mga estudyante maliban kay Scarlett at Alessia na nandito pa sa harap namin nakatayo. "Hindi pa tayo tapos, naiintindihan niyo ba?!" Gigil na saad ni Alessia at pinandilatan niya kami ng mga mata. Agad na akong umupo sa upuan sabay hatak kay Lyxeena para maupo na rin. Umalis na sa harap namin ang dalawa at umupo sa kabilang column na medyo malapit lang din sa pwesto namin. May apat na column kasi ang room na ito at bawat column ay may sampung estudyante na naka-upo, kami nasa ikalawang column kami mula sa pinto at umupo sa pinakahuling dalawang upuan. Ang dalawa naman ay nasa pangatlong column at umupo sa ika-apat na dalawang mga upuan, so it means, second to the last na mga upuan sa ikatlong column. Pumasok na sa loob ang isang matangkad at medyo may edad na na lalaki. Nakasuot siya ng eye glasses at naka-kunot ang noo at makikita mo talaga sa mukha niya ang pagiging estrikto. Mayroon siyang makakapal na kilay at medyo makapal na mga bigote, makikita mo na rin sa physical appearance niya na may edad na siya dahil sa kaunting mga puting buhok na nasa ulo niya. Padabog na nilagay ni Sir ang dala-dala niyang libro sa lamesa at masamang tumingin sa aming lahat dito sa loob. Subrang tahimik at wala ni isang boses o ingay ang lumalabas sa bibig naming lahat dahil puro tensyon ang atmosperang bumabalot sa buong silid. Kahit may aircon naman at parang naka-full na ay parang mainit pa rin dahil sa mga pawis na nanalaytay sa noo ko. Kinakabahan ako, ewan ko ba, hindi naman ako madaling kabahan dati pero ang puso ko subrang lakas ng t***k nito na parang hihimatayin na ako dahil sa kaba. "Sino sa inyo ang napunta sa Guidance Office ngayong umaga?!" Sigaw agad ni Sir sa malalim na boses, subrang lalim nito na parang isang kulog na pumasok sa room namin. Agad kaming napatuwid sa pag-upo ni Lyxeena dahil sa sinabi ng adviser namin. Nakita ko sa paligid ang mga taong nagbubulung-bulungan at parang hindi nila alam kung sino ang tinutukoy ni Sir. "Answer me!" Sigaw ulit ni Sir kaya napatigil ang bulung-bulungan sa paligid. Napatingin ako sa pwesto nila Scarlett at Alessia na ngayon ay pasilip na lumingon sa amin at inismiran pa kami. "Nasa Mala Del Brenta section kayo! First section, first day of school, pero Guidance agad ang naabot ng estudyante rito?! Sino ang na guidance?!" Panunumbat ni Sir kaya dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko. "Moon, ano ba?" Mahinang pigil ni Lyxeena sa akin at kumunot ang noo niya. "Yes, Miss? Ikaw ba ang na-guidance?" Mahinang saad ni Sir pero nanggigil pa rin ang boses nito. Tumayo na ako. "Tumayo ka," bulong na saad ko kay Lyxeena at tumayo naman siya agad. "Kayong dalawa?" Kumunot ang noo ni Sir. "Y-Yes po," mahinang tugon ko. Napa-pisil si Sir sa bridge ng ilong niya at nagmartsa papunta sa amin. "Mga babae pa talaga kayo? Nasa first section kayo, at alam niyo namang napakalaking eskandalo ito sa section natin dahil sa inyo, alam niyo ba 'yun?" Nanggigil na saad ni Sir at nag-cross arm. Napayuko naman ako pero si Lyxeena ay tuwid na tuwid ang mukhang humarap sa adviser namin, wala ba siyang takot? "Eh kasi, Sir, t-trans—" "Ano naman kung transferee kayo?! You should know the rules of this school at lalong-lalo na sa section na ito!" Panunumbat ni Sir at dahan-dahang sinilip ng mga mata ko ang pwesto nila Alessia at Scarlett at nakita ko silang tawang-tawa pero pinipigilan lang nila ito. "S-Sorry, Sir, h-hindi na po mauulit," mahinang tugon ko. "Next time, kung malagay ulit kayo sa guidance, hinding-hindi ako magdadalawang isip na i-expel kayong dalawa sa EU, nagkakaintindihan ba tayo?!" Asik ni Sir at tumango naman ako. Napansin ko rin ang pagtango ni Lyxeena pero hindi pa rin siya yumuyuko. "Sit down," ma-awtoridad na saad ni Sir kaya agad-agad akong umupo at hinatak si Lyxeena para pa-upuin ulit. Naglakad pabalik si Sir papunta sa harap ng white board at saka tumayo sa harap ng table niya. "Again, hindi lang kayong dalawang baguhan ang dapat makarinig nito, all students here must hear this again. Nasa first section tayo, first section students are competitive, tayo ang humahawak sa apelyido ng pinakamayamang tao sa mundo, si Ms. Zetian Mala Del Brenta, we know she's already married pero hindi niya binabago ang apelyido niya sa Forbes just for the sake of Mala Del Brenta para hindi ito mawala. It's a mock to her kapag may ibang section or lower section ang magsabi sa atin na 'May na guidance daw sa Mala Del Brenta', no, hindi p'wedeng may kahit sinong estudyante ang makapag-sabi niyan towards Mala Del Brenta. Mala Del Brenta section has been praised for how many years, pero dahil sa nangyari, sana lang talaga at hindi ikakasira ng reputasyon ng Mala Del Brenta section ang nangyari ngayong araw, nagkaka-intindihan ba tayo?!" Saad ni Sir. Yes, hindi ginagamit ni Tita Zet at Mom publicly ang apelyido nila nang ikinasal na sila. They still use their maiden name, the Mala Del Brenta, pero sa marriage contract nila, syempre nandoon ang apelyido nila after nilang ikasal. Hindi dahil hindi sila proud sa apelyido ng asawa nila, sadyang ayaw lang talaga nilang mawala ang Mala Del Brenta sa public. Their surnames after they get married is hidden privately. Kaya, kung nasa mga public event and gatherings sila, instead of calling them Mrs. Derioso and Mrs. Trevisani, people call them Ms. Mala Del Brenta. And most of the people especially in this country don't know their surnames after they get married, unlike other country who knows pero hindi talaga nila ina-allow ang press at media na i-feature ang apelyido nila nang ikinasal na sila. They use money for it, they can manipulate people with money, that's their power. Kaya dito sa Pilipinas, walang nakakilala sa amin na anak nila kami at Derioso at Trevisani ang mga apelyido nila kahit i-search pa sa Google kung ano ang apelyido ni Mom at Tita after nilang ikasal, wala talagang makikita roon. Pero sa ibang bansa kilala kami na anak nila, since pagdating sa mga International Competition ay kasama namin ang mga magulang namin, and they are proud to announced to the press that we are their daughters. People in the other countries knows that Mom is Derioso and Tita is Trevisani, sadyang dito lang talaga sa Pilipinas ang walang nakakakilala sa amin. Dahil sa social media sa Pilipinas na palaging politics at kahit ano-ano pa ang sinasabi at hindi rin kami fini-feature sa mga news dito sa Pinas. They don't care about the daughters because they care about the mothers kasi sila lang ang kilala ng mga tao rito sa bansang ito at hindi kami. "Sir, yes, Sir!" Sabay na saad naming lahat. "Good," mahinahong saad niya at tumikhim. "Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin lalong-lalo na sa dalawang transferee natin from other dimension, I am Kenneth Marquez, I am your Fundamentals of Accountancy and Business Management 2 teacher," pakilala niya sa amin. "Good morning, Mr. Marquez!" Sabay na saad ng lahat. "I'm 65 years old and I am a retired Head Accountant of Empress Company from Finance and Accounting Department of Empress, and because of my retirement and due to the love of Empress Company, I'm here teaching you some of the basics of Accounting in Empress University since our subject called Fundamentals of ABM, so fundamentals, basics, that's it," saad niya pa. Mga 30 minutes ang lumipas at turn ko na para mag-introduce yourself. More on introduction pa kasi sa first to third day of classes kaya wala muna masyadong mga class ngayon. "I'm Luna Amara Adelaine M. Derioso, just call me Moon, I'm from Venice, Italy and we moved here in the Philippines two weeks ago, we live in Forbes Park Subdivision Quezon City, and I'm 17 years old," nakangiting pakilala ko sa lahat at pumalakpak naman ang ibang mga kaklase namin. Umupo na ako at kasabay ng pag-upo ko ang pagtayo ni Lyxeena. "I'm Lyxeena Lauren M. Trevisani, at kung ano man ang lahat ng sinabi ni Luna sa intro niya, ganoon din po ang sasabihin ko," diretsahang pakilala ni Lyxeena at umupo. "Wait a minute, hindi ko lang maintindihan, ano ba itong MDB sa middle name ninyong dalawa?" Kunot-noong tanong ni Mr. Marquez sa amin ni Lyxeena habang hawak-hawak ang class record niya na nasa malaking tablet niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD