Chapter 4

2467 Words
"Mala Del Brenta," patuloy na saad ni Lyxeena habang binabasa ang pangalan ng section namin. "Bakit Mala Del Brenta?" Tanong ko sa kan'ya. "Mala Del Brenta was known as the most richest surname in the world like Mom. Mommy is the most richest person on earth and she owns that surname, your Mom owns that surname also. Dito sa EU, ang name ng mga section sa Grade 12 sa ABM Strand ay mga apelyido ng mga pinakamayamang tao sa mundo, at dahil si Mom ang top 1 richest person and richest billionaire on Earth kaya Mala Del Brenta ang pangalan ng first section sa Grade 12. Sa Grade 11 naman ay ang pinakamayaman at pinaka-sikat na mga company sa mundo, ang name ng first section sa Grade 11 ABM ay Lyxeeries na pinagmamay-ari ni Zetian Mala Del Brenta," mahabang paliwanag ni Lyxeena sa akin kaya naintindihan ko na. "So ibig sabihin, ang Grade 12 ABM sections ay mga apelyido ng mga sikat at pinakamayaman na mga CEOs sa mundo, like ni Tita, kagaya rin nila Elon Musk, Jeff Bezos, Bernard Arnault, Mark Zuckerberg, Bill Gates?" Hindi makapaniwalang saad ko. "Exactly!" Saad niya at napa-snap naman siya sa daliri niya. "At sa Grade 11 naman ay kagaya ng Lyxeeries, Empress, R Empire, Space X, Chanel, Louis Vuitton, Gucci?" Saad ko at nag-snap ulit siya sa mga daliri niya. "Tama! And, lahat ng Empress University ay pare-pareho ang pangalan ng mga section lalong-lalo na sa ABM," tugon naman niya na ikinamangha ko. "Eh, 'di ba everyday nag-iiba ang mga ranking ng mga company at mga tao sa Forbes, paano na sa mga section niyan?" Naguguluhang tanong ko. Every day kasi sa Forbes, nag-iiba ang mga ranking ng mga top richest person at top richest company sa mundo. "Exactly, ang ways ng EU niyan ay magbabase sila yearly, for example, this school year, titingnan nila ang ranking ng mga tao at company sa Forbes kung sino ang palaging nasa top 1 within the span from June–May last year, so dahil ang mas maraming top 1 within that months ay ang Lyxeeries, which is ang palaging top 1 sa mga company kahit may times na nasasapawan siya ng Empress sa pwesto niya at si Mom naman ang palaging nasa Top 1 ng mga mayayamang tao at hindi pa napapalitan sa puwesto niya simula pa noon, two years before tayo pinanganak, at dahil sila ang Top 1 sa span ng June–May kaya ang mga pangalan nila ang ginamit this school year," paliwanag niya "Wow, paano mo nalaman 'yun?" Saad ko at napasinghap sa mangha. "I do research kanina habang nasa byahe, bumabagabag kasi sa akin kung ano ang mga pangalan ng mga section sa Grade 12 ABM para hindi tayo mapagod kakahanap saan ang first section, sa dinami-rami ba namang room at buildings dito baka maubos ang buong araw natin kakahanap nasaan ang first section ng Grade 12 ABM. Then, nag-dig deeper na rin ako tungkol sa section ng Grade 11 kaya alam ko," nakangiting saad niya at pumalakpak naman ako sa tuwa. "Naks, basta talaga mga Einsteins na utak, 'no, hindi talaga mapakali hangga't hindi mahahanap ang sagot sa mga tanong sa isip nila," asar ko naman. "Baliw, mas mataas pa nga ang IQ mo kaysa kay Einstein kaya tigil-tigilan mo talaga ako, Moon," saway niya sa akin. Napatingin ulit ako sa maliit na glass na nasa pinto kung saan masisilip ko ang loob. May glass window naman na nakaharap sa corridor pero tinabunan ng kurtina at 'yung katapat lang na glass window ang walang kurtina na nagsisilbing nagbigay-liwanag mula sa labas ng building. Medyo kaunti pa ang mga estudyante sa loob dahil subrang aga pa talaga, alas otso pa ang simula ng class tapos kaka-7 am pa ngayon. Pipihitin ko na sana ang door knob nang biglang pigilan ni Lyxee ang kamay ko. "Wait, there's 100% possiblity na ang doorknob na 'yan ay maraming mga bacteria at viruses na p'wedeng makahawa sa atin, and there's 75% possibility na hindi nila ito na di-disinfect, so for the security, I bring a card here to open this door without holding that filthy door knob," mabilis na saad niya at kinuha ang isang matigas na card na parang credit card niya yata at sinuksok ito sa gilid ng pinto at mabilis niya itong pinadulas sa gilid kaya nabuksan niya ang pinto na hindi hinahawakan ang door knob. "Paano mo nalaman ang tricks na 'yan, Lyx?" Interesadong tanong ko. "YT," nakangiting saad niya at naunang pumasok at sumunod naman ako. Nagpunta kami sa pinakalikuran dahil hindi kami p'wede sa unahan uupo dahil likod lang namin ang makikita ng mga kaklase namin na naka-upo sa likuran namin. Sa tangkad ba naming ito? Syempre, we also consider the struggles of having a Filipino Height dahil below average lang talaga ang height ng mga Filipino, especially sa girls, and we, a model-like height ay kailangang rumespeto sa mga taong mababa pa ang height sa amin. I don't want to call them 'pandak' because it's a mock to Filipino kahit totoo naman talaga. Even calling someone as tangkad, payat, taba, rocky road ang mukha, is a mock at hindi tinuro sa amin sa Italy na magsalita ng gan'yan, pero itong si Lyxeena lang talaga ang basagulera at nang-aasar dati lalo na kay Kuya ET na pandak. Inilagay na ni Lyxeena ang black back pack niyang Lyxeeries na binili niya rin sa Lyxeeries Mall. Syempre, supportado siya sa pangalan niya, sa Lyxeeries pa naman kinuha ang pangalang Lyxeena. Tita Zet told me, na kaya Lyxeeries ang pinangalan niya sa company niya noong 16 pa siya kasi looking forward na talaga siya sa magiging anak niya na babae at papangalanan niya itong Lyxeena dahil ipapamana niya sa anak niyang babae ang Lyxeeries, at 'yun nga, nagkatotoo, nagkaanak siya ng babae at pinangalanan niyang Lyxeena. Inilagay ko na rin sa upuan ko na nasa tabi lang ng upuan ni Lyxeena ang bag kong Empress na kulay black din. Ang set up ng room namin dito ay tigdadalawang upuan sa isang table na good for two naman. When it comes to quizzes and exams, may dudukutin ka lang na divider na nasa gitna ng table at itataas niyo lang ito kapag magq-quiz na at magsisilbi itong harang sa inyo ng katabi mo. Ginawa ang ganitong set up para maka-less sa space since ang seating capacity ng isang room ay good for 40 students lang talaga at 'yan na ang maximum limit at hindi na p'wedeng babawasan at dadagdagan ng mga estudyante. Mabuti nga talaga at kahit last week pa lang kami nagpa-enroll ay naka-abot kami sa first section. We are VIPs kasi at kailangan na kami talaga ang mas pagbigyang pansin. Sa first section, pili lang din ang mapapasok dito, it's either you got 160+ IQ or isa kang With Highest Honors na nakakuha ng 99 to 100 ang grades ang makakapasok sa mga first section dito sa EU, ang mga 98 na grades ay nasa second section, ang mga 97 ay nasa third and so on and so forth, that's why students in this school were craving for academic validation para mapunta sa mataas na section. At dahil lagpas pa sa 160 ang IQ namin ni Lyxeena, kaya napunta kami rito. There's a different treatment kasi rito sa EU towards some students para mas mag-crave sila ng Academic Validation. Ang mga nasa first section ay palaging nangunguna lalo na sa cafeterias, ang mga taga first section ay makakagamit ng VIP na palikuran, ang taga first section ang kinikilalang mga tigre at leyon sa EU, taga first section ang palaging pini-praise sa lahat ng event, taga first section palagi ang nakakakuha ng VIP treatment ng mga stakeholders, teachers, and students dito sa EU kaya subrang pressured at subrang stress ng mga estudyante rito para lang maka-abot sa first section next school year. Sa mga students sa first section, may sarili silang badge na palaging nakadikit sa damit nila para mas makilala sila ng mga estudyante at mga teachers. Every strand has unique designs sa mga badge, for example sa ABM Strand, ang design ng badge ay building at kulay pula ito, sa HUMSS ay libro at kulay brown, sa STEM ay neurons at kulay blue, sa GAS ay sigma symbol at kulay green, sa sports track ay bola at kulay orange, sa Arts & Design ay palette at kulay white, sa TVL ay depende sa kung anong kukunin mo sa TVL, either ICT, Automotive, Agriculture, Home Economics, and etc. Pero makukuha lang nila ang badge na ito at the second day of school kaya wala pa kaming suot na badge ngayon. Uupo na sana ako sa upuan ko nang kalabitin ako ni Lyxee kaya napa-angat ang tingin ko sa kan'ya. "Yes?" Tanong ko. "Samahan mo ako sa cr, gusto ko lang mag cr, 'te, na we-wiwi na kasi ako," nakangiting saad niya habang himas-himas ang puson niya. "Hali kana, baka puputok pa 'yang pantog mo," anyaya ko sa kan'ya at dali-dali agad kaming umalis at iniwan namin ang mga bag namin sa loob. Wala naman silang mananakaw roon dahil dala naman namin ang wallet at cellphone namin. Nakarating na kami sa cr para sa first section dito sa Building 1, nasa fourth floor lang din naman ito since nasa fourth floor naman ang 1st section habang ang cr ng second section and below ay nasa first floor kaya subrang nakaka-stress talaga isipin, that's why students here was craving for high academics performance para hindi na sila mahirapan lalo na sa pag-iihi. Hindi naman siguro racism sa section ang tawag nito since ginagawa naman nila itong disiplina sa mga estudyante para mas lalo nilang i-enhance ang performance nila para makatuntong man lang sa first section, 'di ba? Umihi na rin ako sa isang cubicle para hindi na kami lalabas mamaya kapag magsisimula na ang class. Napansin ko ang dalawang babae na pumasok sa cr at pumasok sa katabing cubicle ang isa habang ang isa naman ay nandoon sa harap ng lababo at parang naghuhugas ng kamay. Nakikita ko kasi ang mga sapatos nila kung saan sila pumunta. "Grabe, kailan ba kasi ako papansinin ni ET?" Sabi nung isang babae na nasa loob ng katabing cubicle. Parang pamilyar sa akin ang boses niya. "Alam mo, Sis, mapapansin kana sana ni ET kung hindi lang talaga pake-alamera ang magpipinsan na 'yun," sagot naman nung isang babae na nasa lababo. "Kaya nga, ginalingan ko na nga ang acting ko para mas paniwalaan pa tayo ni ET na tayo talaga ang biktima that time pero mas kinampihan niya pa 'yung dalawang babaeng 'yun na hindi naman niya ka-ano-ano," sagot nung nasa cubicle. "Next time, sis, galingan mo ulit, dapat 'yung medyo kapani-paniwala na acting talaga," suhestyon naman nung nasa labas ng cubicle. "Hindi naman kasi masyadong effective 'yung acting natin sa restaurant two weeks ago, masyadong pake-alamera 'yung singkit," saad naman nung nasa cubicle, agad kumunot ang noo ko dahil sa pinagsasabi nila. Parang, kami ba 'yan ni Lyxeena? Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto ng katabing cubicle ko kung saan nandoon si Lyxeena. Oh my gosh, h'wag muna ngayon Lyxee, first day of school pa naman. "Are you two dogs barking about me and Moon?" Boses ni Lyxeena ang narinig ko mula sa labas ng cubicle ko. No way, nakikinig din pala siya. "Oh, speaking of singkit, nandito nga siya!" Saad nung nasa labas ng cubicle na kaharap ni Lyxee. "Nandyan ang bruha? Oh em gee!" Tili nung nasa loob ng cubicle at biglang bumukas ang katabing cubicle at lumabas doon ang isang babae at hinarap si Lyxeena. Nakikita ko sila ngayon mula sa ilalim ng pinto ng cubicle, nakikita ko ang mga sapatos nila. "Oh there she is!" Saad nung babaeng kakalabas lang sa katabing cubicle. Agad akong nag-ayos para matigil ang kung ano man ang binabalak ng pinsan ko ngayon. "Sa EU ka rin pala nag-aaral para makipag flirt kay Ezekiel, 'di ba?" Saad nung isang babae. "Actually, hindi po ako katulad ninyo na mga higad na makakati," saad naman ni Lyxeena at agad kong binuksan ang pinto ng cubicle at bumungad sa akin ang naka-side view na si Lyxeena. Nakita ko ang pag-galaw ng pisngi niya at alam kong nagngalit na ang mga ngipin sa gigil. "Lyx, tama na," bulong na saway ko sa kan'ya at hinawakan ang braso niya. Nakadungaw lang ang tingin ni Lyxeena sa dalawa dahil sa height nila. "Oh, nandito rin ang isa," natutuwang saad nung Alessia, siya pala 'yung pumasok sa katabing cubicle kanina. "Lyx, tara na," bulong ko ulit at pinipigilan ang braso ni Lyxeena. "Hindi kami makikipag-away sa inyo," mahinahong saad ko sa kanila at nilagpasan sila at dumaan ako sa mga harap nila sabay hatak kay Lyxeena. "Ganun pala ah, ayaw mong makipag-away!" Narinig kong sigaw nung Alessia. Bago pa namin maabot ang doorknob ng cr ay may humablot na sa buhok ko. "Ah!" Pagsisigaw ko dahil sa sakit. Pilit na hinihila ng kung sino man ang humawak sa buhok ko. "Bitawan mo si Moon!" Rinig kong sigaw ni Lyxeena at tinatampal ang braso ni Alessia. Hindi pa rin ako binibitawan nung Alessia at pilit niyang hinihila ang buhok ko. "Sabing bitawan mo!" Isang malakas na sigaw mula kay Lyxeena ang narinig ko bago mabitawan ni Alessia ang buhok ko. "Alessia!" Sigaw nung isang babae, si Scarlett. Agad akong napalingon sa likuran ko at nakita ko si Alessia na naka-upo sa sahig ng cr at hawak-hawak ang pisngi niya. Nakangiwi ang labi niya at parang nanginginig ang kamay niyang hinahawakan ang kabilang pisngi niya. Napalingon ako kay Lyxeena na ngayon ay galit na galit na tiningnan si Alessia sa sahig. Naluluha na si Lyxeena at gigil na gigil na ang mga mata niya sa babae. "L-Lyx, a-anong ginawa mo?" Kinakabahang saad ko. "What have you done?!" Sigaw nung Scarlett kay Lyx. "What I have done?! Syempre, sinampal ko! Hindi ka naman siguro bulag, 'di ba?!" Singhal ni Lyxeena kay Scarlett. "L-Lyx," nanginginig na saad ko. "Kung sabi kong bitawan mo si Luna, bitawan mo, hindi 'yung magmamatigas ka pa, ayan ang natamo mo! Deserve! Strega! (Witch!)" Pagsisigaw ni Lyxeena kay Alessia sa baba. Agad hinila ni Lyxee ang kamay ko at dali-dali kaming lumabas sa cr. "Lyx, teka," pigil ko nang makalabas na kami sa cr. "What, Moon?" Kunot-noong saad ni Lyxeena at bigla na lang kumalma ang ekspresyon niya. "Sorry, I-I'm sorry," mahinahong saad niya at hinawakan ang kabila kong kamay. "Lyx, the consequences, alam naman natin ang consequences sa ginawa mo, sa guidance ang bagsak natin tapos face the wall na naman tayo mamaya," kinakabahang saad ko. "E 'di guidance at face the wall ulit, kaysa naman ikaw 'yung kawawa? Dedepensahan kita, at hinding-hindi kita ipapahiya sa counselor," tugon niya at hinatak ulit ako. Naku talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD