Chapter 3

2539 Words
Dali-daling lumapit 'yung Scarlett kay Alessia at kinuha niya ang tray at mga natapong bowl at plates sa sahig. Nakakuyom ang mga kamao nung Alessia at masamang tumingala sa akin. "I-I'm sorry, I-I didn't mean it," kinakabahang saad ko, unang beses pa kasi akong nasigawan ng tao lalo na ngayon na hindi ko pa talaga kilala. People respect us in Italy pero Philippines is a very big different kasi hindi kami kilala ng mga tao rito. Napalibot ang tingin ko sa paligid at pinagtitinginan na kami ng mga tao habang ang iba ay nagbubulung-bulungan at the worst part is, may nagt-take ng video. Patay talaga kami nito kapag kakalat ito sa social media sa bansang ito. Sasampalin na sana ako nung Alessia nang biglang may sumalo sa braso niya. I slightly close my eyes when her hand nearly hit me, and now her hand was hanging in the air, and it was hold by Lyxeena's. "Don't you dare touch your filthy hands on her kung ayaw mong isasampal ko sa pagmumukha mo ang kamay mo!" Asik ni Lyxeena at pabagsak na binitawan ang kamay nung Alessia. Napadaing naman sa sakit si Alessia dahil sa lakas ng pagbagsak ng braso niya. "What's happening here?" Boses ng isang pamilyar na lalaki ang umagaw sa atensyon naming lahat dito. Napasinghap naman 'yung Scarlett nang makita niya kung sino ang lalaking ito. "Te, si ET!" Tili nung Scarlett at siniko si Alessia. Agad nalipat ang tingin nung Alessia sa lalaking nakatayo sa tabi ko. "Oh em gee!" Tili nung Alessia at napayuko dahil sa hiya. "Te, itago mo ako, nakakahiya!" Nahihiyang saad ni Alessia at nagtago sa likod ni Scarlett. "Moon, Lyx, what happened?" Tanong ni Kuya ET sa amin kaya sabay kaming napalingon ni Lyxee sa kan'ya. "Eh kasi..." Kamot-batok na saad ko. "Sila, sila, tinapunan nila ako ng soup, ET!" Turo-turo nung Alessia sa akin at nagtago ulit sa likod ni Scarlett. "Totoo ba 'yun, Moon?" Tanong ni Kuya sa akin. "P-Po? Nasagi ko lang naman 'yung tray niya, eh, hindi ko naman sinasadya," depensa ko. "Hindi naman pala sinadya, eh," saad ni Kuya. "Hindi, hindi, sinadya niya talaga para mapahiya ako dahil nand'yan ka," asik naman nung Alessia. "Bingi ka ba? Hindi nga sinadya ng pinsan ko, at kitang-kita ng dalawang mata ko ang buong pangyayari kaya h'wag kang magdahilan at pagmukhain si Luna na siya ang masama rito!" Singhal ni Lyxee kaya hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito para patigilin siya. "Hali kana, Moon, h'wag na tayong makipag-sumbatan sa mga taong bingi at sarado ang isip dahil magmumukha lang tayong masama rito," mahinang saad ni Lyxee at hinatak niya ako palabas ng restaurant. "Sorry talaga, Miss, I have to go," saad din ni Kuya at sinundan kami ni Lyxeena. "At magkakilala pa talaga sila?! Ang kapal!" Sigaw nung Alessia bago kami tuluyang makalayo at makalabas ng restaurant. Ilang oras ang nakalipas at gabi na. Gabi na rin kami naka-uwi dahil pagkatapos namin mag-shopping ay pumunta pa kami sa amusement park para naman mabaling ang isip ko sa nangyari kaninang umaga. Hinatid na rin kami ni Kuya ET sa CZ gamit ang kotse niya since sa susunod na linggo pa dadating 'yung mga sasakyan namin. May sarili rin kasi kaming sports car ni Lyxeena at doon kasi sa Italy ay ina-allow na kami na gumamit ng kotse sa publiko, ewan lang dito sa Pilipinas, kasi sa pagkaka-alam ko ay dapat legal age na raw pero hindi naman siguro kami mukhang 17 dahil sa height naming 5'10, 'di ba? So, ayos lang sigurong magdala ng kotse sa school. Pumasok na kami sa mansion at nakakabigla agad ang bumungad sa amin. Ang kambal naming nanay, nag-aantay pala sa amin sa loob at parehas pa talaga silang dalawa naka-cross arm at masamang tumingin sa amin. "Lauren, Luna!" Sabay na tawag ng dalawa sa amin. Kapag second name na nga ni Lyxeena ang itatawag sa kan'ya at real name na ang itatawag sa akin lalo na sa mga magulang namin, alam na this. "Face the wall!" Sabay na sigaw ng magkapatid naming mga nanay. Kambal nga talaga sila. At ayun nga, nakaharap na kami sa puting pader. 30 minutes pa naman ang parusa sa amin, naku naman, wala bang republic act ang Pilipinas tungkol dito? Kung mayroon man, useless pa rin dahil hindi pa kami certified Filipino Citizens dito sa Pilipinas. "Ano itong kumakalat sa social media ngayon?" Boses ni Tito Zac, kinakabahan na talaga ako kapag si Tito Zac na ang magsasalita dahil sa lalim pa naman ng boses niya. "Eh kasi, Dad..." Kinakabahang saad ni Lyxee. "What, Lauren?!" Asik ni Tito Zac. "Warfreak kasi ang dalawang 'yan, Dad, muntik pa ngang sampalin si Moon kanina, mabuti nga at nasalo ko ang kamay nung babae," sagot naman ni Lyxeena. "At bakit kayo ang nagmukhang masama rito?" Sabat naman ni Dad. Lord, help us! "Dad, Philippine Social Media only sees the bad side or the one sided story of the people and they immediately judge what was common and what was more controversial and what was more filthy on their eyes without knowing the real story, that's Philippine Social Media," depensa ko naman. "Social Media in the Philippines was most likely used on gossiping and destroying someone's reputation, that's cyber bullying and Philippines sometimes can't handle them kaya mas umiiral ang mga gan'yan sa panahon ngayon," sagot naman ni Lyxeena. Tama, tama talaga lahat ng sinasabi namin. "So please, it's not our fault why that video became viral, some Filipino judge other people by using social media and taking video because that's make them popular because sometimes, some Filipino are social climbers and attention seeker in social media," saad ko naman. "And right now, they were defending that two ladies because Kuya ET defended us lately, at kami ang pinagmukhang attention seeker dahil sa amin kampi si Kuya ET. Kuya ET is one of the popular and good-looking guy in EU that were dreamed by most of girls in Empress University," depensa naman ni Lyxeena. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Tito Zac sa likod namin. "Fine, pero magf-face the wall pa rin kayo hanggang sa matapos ang 30 minutes at kailangan pa naming pag-usapan ito ng mga Mom ninyo," saad naman ni Dad. At kahit anong depensa namin ni Lyxeena basta kapag 30 minutes face the wall ay kailangan talaga naming tapusin ang 30 minutes na 'yun. "At h'wag na h'wag kayong lilingon o aalisin ang tingin ninyo sa pader at h'wag na h'wag talaga kayong aalis sa puwesto ninyo at baka ma-extend 'yang face the wall ninyo, understood?!" Asik ni Tito Zac. "Yes po!" Sabay na saad namin ni Lyxeena. "Pinagmamasdan ko kayo rito," habilin ni Tito Zac. Nag-side eye ako kay Lyxeena at saka ngumisi kasi natatawa ako sa mukha niyang nakasimangot. Nag-side eye din siya at parehas kaming natawa ng mahina. "Ss!" Saway ni Tito Zac kaya sabay ulit kami ni Lyxeena na tumingin sa pader. "Mga bruha kasi 'yung dalawang 'yun, kapag talaga makita ko sila ulit..." Nanggigil na bulong ni Lyxeena na ikinatawa ko ng mahina. Sa totoo lang, si Lyxeena naman talaga ang palaging may kaaway at nadadala lang niya ako kasi palagi kaming magkasama at kahit pala-away man siya pero hindi ako galit sa kan'ya, in that way she can defend me, she use her pagiging maldita at pala-away to defend me from the people who were trying to hurt me, she's really my saviour in many ways. Kaya nga napapa-face the wall na lang kaming dalawa dahil sa kan'ya, pero ayos lang 'yun, sanay na rin talaga kami sa ganitong set up. "Sorry, Moon, 'yung dalawang 'yun kasi," bulong ulit ni Lyxeena sa akin. "Ayos lang 'yun, Lyxee, sanay na tayo sa ganito, nasa Italy pa lang tayo," bulong na tugon ko naman. "Parang mapapadalas siguro ang face the wall natin dito sa Pinas, Moon, lalo na't hindi pa naman tayo kilala ng mga tao rito kung sino talaga tayo," bulong pabalik ni Lyxeena na ikinatawa ko naman ng mahina, ang babaeng 'to talaga. "Sst! Ano 'yang pinag-uusapan ninyo?" Saway ni Tito Zac sa amin. "Wala naman po," sabay na saad namin ni Lyxee. Parang mapapadalas nga talaga siguro ang face the wall, ikalawang araw pa lang namin dito sa Pilipinas nakahanap na agad kami ng kalaban, pano pa kaya sa EU na nandoon si Kuya ET at parang mapapasubo talaga kami sa school na 'yun? What if, nandoon din ang dalawang 'yun kasi kilala nila si Kuya ET? Patay talaga kami ni Lyxee nito araw-araw. Dalawang linggo ang nakalipas at pasukan na. Tapos na rin kaming magpa-enroll one week ago. Syempre, ABM ang kinuha naming strand sa Grade 12 kasi Business class 'yung sa amin doon sa Italy nung Grade 11 pa lang kami. Iniyakan pa nga ni Lyxeena 'yung Head ng Registrar Office last week kasi gusto niyang magkaklase kami kasi ayaw niyang humiwalay sa akin at ayaw ko ring humiwalay sa kan'ya. She even said na babayaran niya ng limpak-limpak na pera ang Registrar para magka-klase kami pero dahil hindi tumatanggap ng bribes ang Registrar kaya nag-okay na lang din siya. Hindi rin naman naka-palag ang Registrar nang sabihin ni Lyxeena kung sino talaga kami, and the Registrar was amused at hindi makapaniwala. Well, nasa NSO namin 'yun kung sino ang mga magulang namin, but no one knows us here and we don't want people knows us. And yes, pasukan na nga talaga. Pumasok na kami ni Lyxeena sa malaking gate ng EU sakay 'yung Limousine namin, at si Tito Gio ang nag-drive nu'n sa amin. And, having this car in this University is already common kaya hindi na masyadong na-amuse ang mga students nang pumarada ang Limo namin sa harap nila. Sabay kami ni Lyxeena na bumaba sa Limo at si Brian naman ay ihahatid pa sa kabilang side ng EU kasi nandoon ang JHS kasi Grade 9 pa 'yun. Mayayaman din naman kasi ang mga estudyante rito, eh, some students owned their own car, at kami may sarili naman kaming kotse pero dahil hindi pa talaga kami totally nasanay sa mga pasikot-sikot sa mga lugar dito ay magpapahatid-sundo pa rin kami hanggang sa masanay na kami ni Lyxeena at dadalhin na namin ang sarili naming kotse rito. Some students here also actors and actresses, ang iba pa nga ay anak ng mga CEOs and known business person sa Pilipinas, ang iba naman ay anak ng mga sikat na tao kagaya ng mga basketball players or mga sports superstars, and some are sons and daughters of a politician. Mas marami kasi ritong mga gan'yang klaseng tao since nasa Quezon City kami, Star City kasi ang Quezon City sa Pilipinas kung saan nakatira ang mga kilalang mga tao sa bansang ito. Kasalukuyan na kami ngayong naglalakad papunta sa section namin ni Lyxee, sinabi na rin ng Registrar sa amin last week kung saang section kami, and as I expected, nasa first section kami, hello? We are intelligent and smart kaya kailangang nasa first section kaming dalawa ni Lyxeena. Malaki at malawak ang school na ito, mayroon din silang garden or park kung saan doon tumatambay ang ibang mga estudyante lalo na kapag nag-aaral sila sa mga upcoming exam and that garden was filled with lavenders na mas nakakatulong ang fragrance sa mental health ng mga tao at subrang nakakabigay ito ng peace of mind. Matatayog din ang mga building dito. Ang mga grade level dito sa EU ay simula pre-school hanggang college. Kasalukuyan naming binabaybay ni Lyxee ang sementado at maliit na daan papunta sa Building 1 ng Grade 12 ABM, marami kasing buildings ang bawat grade level sa school na ito. For example sa Grade 12, mayroong limang building ang Grade 12 ABM na kung saan puro Grade 12 ABM lang din ang mga estudyante, same with other strands like STEM, HUMSS, TVL, GAS, A&D, at Sports Track, mayroon ding five buildings ang Grade 11 ABM and so on and so forth, it's too many to mention. Dito rin sa EU, maliban sa mga Strands sa Senior High School, may iba rin silang mga classes, like Music Class, Theater Class, Art Class, Language Class, at iba't-ibang mga Class. May mga estudyante rin na pumapasok d'yan, ang iba ay may Strand din sa Senior High School at nagse-set in lang sila sa mga classes na 'yan, may iba naman na simula Grade 11 pa lang ay d'yan na talaga sila pumapasok at wala silang kinuha na Strand sa Senior High School, pero mostly kasi, ang mga estudyanteng pumapasok d'yan ay mga set in lang mula sa ibang strands tapos sumasali na lang sila sa mga gan'yan to enhance their skills and talents. Pero ang mas ikinababahala ko, ang first section ay nasa 4th floor pa ng building, ang pinakahuling floor sa Building 1. Kaya ko bang akyatin ang hagdan papuntang 4th Floor? Kasi napapansin ko sa katawan ko, madalas na akong hinihingal kapag aakyat palang sa hagdan ng CZ na second floor lang, paano pa kaya itong sa building namin na araw-araw aakyat at bababa tapos 4th floor pa? Saddest part is, si Lyxeena pa lang ang nakaka-alam sa nararamdaman ko na medyo hinihingal ako kapag aakyat ng hagdan habang 'yung mga parents namin ay wala pang alam kahit si Kuya ET. Pumasok na kami ni Lyxeena sa glass door ng Building 1. Namangha naman ako sa ganda ng building na ito nang tuluyan na kaming pumasok sa loob, subrang modernized niyang tignan, may mga LED TV pa na nakadikit sa pader at fini-feature ang EU at nandoon din ang mga SSG Officers habang ina-advertise nila ang EU at ang mga bagay-bagay rito sa University. Sa paglalakad namin ay nakarating na rin kami sa hagdan papuntang second floor. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Lyxeena dahil kinakabahan ako. "Kaya mo ba?" Tanong niya sa akin sabay lingon sa direksyon ko. Lumingon naman ako pabalik kay Lyxeena at mapait na ngumiti. "Kakayanin," nakangiting saad ko. Hihilain ko na sana siya paakyat nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at parang nasamento naman ang mga paa niya sa kinatatayuan niya. Kunot-noo akong lumingon sa kan'ya, "B-Bakit?" May tinuro siya sa right side niya kaya napasilip ako sa corridor kung saan nakaturo ang hintuturo niya. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko ang tinuro niya. "Hay salamat, may elevator," magaang saad ko sa sarili at ngumiti kay Lyxeena. Hinatak na niya ako papunta sa pinakadulong parte ng corridor sa first floor kung saan nandoon ang elevator. Akala ko katapusan ko na talaga, mabuti naman at may elevator itong school namin. "Mabuti na lang talaga at napansin ko ang elevator, kasi kung hindi, baka 'di ka na makaka-abot sa fourth floor," asar ni Lyxee sa akin at sabay kaming natawa. "Bastos," tugon ko naman at tumawa ulit. Nakarating na kami sa harap ng elevator at pumasok na roon. Pinindot niya ang panghuling floor ng building at ilang segundo lang ay nakarating na agad kami sa fourth floor. "Sabi ng Registrar, malapit lang daw sa hagdanan ang first section, baka ito 'yun," saad ni Lyxee sabay turo sa isang room nang makarating na kami malapit sa hagdanan. "Mala Del Brenta," patuloy na saad ni Lyxeena habang binabasa ang pangalan ng section namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD