Chapter 2

2413 Words
"No, ayos lang, need ko lang siguro ng pahinga," nakangiting saad ko at nag-pout naman siya. Bumuntong-hininga si Lyxeena. "Okay, halika," nakangiting saad niya. Kagaya talaga ni Tita Zet ang mga mata niya, singkit tapos kapag ngingiti ay nawawala ang mata. I look closely on her ocean-colored blue eyes. Parehas kaming bughaw ang mga mata kahit brown eyes si Tita Zet pero blue eyes naman si Tito Zac. Tita Zet has a blood of blue eyed person since blue eyes naman daw ang lolo namin pero hindi niya nakuha ang blue eyes ni Lolo kaya kay Mom ito napunta, at ngayon, kay Lyxeena na napunta ang kulay bughaw na mga mata. I nodded as a response. Inalalayan na niya ako papunta sa isang room. A nostalgic feelings hit me as I entered this room, it's been 12 years already. Kahit malamig na aircon ang bumungad sa amin sa loob but the warmth from my heart I feel in every nerves of my body. Dumadaloy ang maiinit na haplos sa mga kaugatan ko, para akong maiiyak dahil bumabalik ang mga ala-ala ko noon, 'yung mga ala-ala na kay sayang balikan. Dahan-dahan akong dinala ni Lyxeena sa king size bed. Kahit maayos lang naman ang lakad ko pero ginagawa naman niya akong lola dahil sa pag-alalay niya sa akin. "Higa ka muna, sasabihan ko na lang si Tita Zya na nagpapahinga ka para malaman nila," nakangiting saad niya kaya mas lalong sumingkit ng husto ang mga mata niya. Kinagabihan. Nandito kami ngayon sa living room habang nanonood ng live streaming sa laro ni Brian. Kasalukuyan ngayong nag-aagawan ang dalawang team sa bola. Ang team nila Brian ay may 2 points score na habang ang kalaban nila ay 1 point pa. Napasigaw naman kami sa tuwa nang makita naming malakas na sinipa ni Brian ang bola papunta sa net at nag-goal ito. "Woh! Anak ko 'yan!" Natutuwang saad ni Mom at pumalakpak naman ako sa tuwa. "At anong ganap dito? Bakit ang saya-saya ng mga Mala Del Brenta?" Isang boses ng babae ang umagaw sa atensyon namin kaya mabilis kaming lumingon sa labas ng living room, agad nanlaki ang mga mata ko sa tuwa nang makita ko kung sino ang tatlong tao na nakatayo sa labas ng living room. "Tita Nems, Tito Nex, Kuya ET!" Masayang bati namin ni Lyxeena sa kanilang tatlo at sabay kaming tumayo ni Lyxeena sa sofa at sinalubong ng yakap ang tatlo. "Hello my dearest Princesses, kamusta na kayo? Ang laki niyo na talaga!" Masiglang saad ni Tita Nemesis. It's been 5 years since huli ko silang nakita, ngayon nakita ko na ulit sila. Hanggang social media at video call na lang kasi ang connection namin sa kanila at hindi na sila nakakapunta sa Italy dahil busy rin silang tatlo rito sa Pilipinas. Kumalas kaming dalawa ni Lyxeena sa yakap nilang tatlo sa amin. Napa-angat naman ang tingin ko kay Kuya ET, nasa mga 6'0 na ang height niya habang kami ni Lyxeena ay 5'10. "Ang tangkad mo na! Anong vitamins mo? Vita J?" Asar na saad ni Lyxeena kay Kuya ET at agad ko naman siyang siniko sa sinabi niya. "Baliw! Tumatangkad naman talaga ang mga lalaki," saad niya sa malalim na boses at tumawa. Lumalim na rin ang boses niya at umaalon na ang adams apple niya kapag nagsasalita at tumatawa. "Moo! Moo!" Asar ulit ni Lyxeena. Ito talagang si Lyxeena subrang hilig mang-asar pero kung siya naman ang aasarin ang bilis niyang mapikon. Pinitik ng mahina ni Kuya ET ang noo ni Lyxeena kaya napangiwi naman si Lyxeena sa sakit at hinipo ang noo niya. "Tumigil ka nga. Noon, ako pa inaasar niyo na pandak hanggang sa tinawag niyo na akong panda, ngayon kayo na ang aasarin kong pandak," asar ni Kuya ET at hinampas naman ni Lyxeena ang balikat niya. "You shut up, pandak ka pa rin kapag si Daddy na ang kaharap mo. And for your information, Ezekiel Thunder Blythe, tatangkad at tatangkad pa kami ni Moon kahit hindi na nagpo-produce ng growth hormones ang katawan namin since 17 na kami pero the genetics, our genes mga matatangkad kaya alam kong tatangkad pa rin kami at lalampasan ka namin," sagot naman ni Lyxeena at umirap. "Oo na, oo na, tatangkad ka pa, kaya itigil mo na 'yang kaka-irap mo at baka mapunta sa likod ng mga mata mo 'yang eyeballs mo," asar ni Kuya ET. "Oh, siya, itigil niyo na 'yang asaran ninyo at baka magpatayan pa kayong dalawa riyan, may dala akong pagkain kaya kumain na muna tayo," awat ni Tita Nemesis sa dalawa. "Saktong-sakto, hindi pa kami naghapunan kakapanood namin ng laro ni Brian," saad ni Tita Zet. "Brian? Yung musmusing anak ni Zyanya? Bakit wala rito ang damuhong 'yun?" Kunot-noong saad ni Tita Nems kaya tumayo si Mom at binatukan niya si Tita Nems. "Aray! Noon ka pa talaga bumabatok sa akin bruha ka, 'pag ako makabatok sa 'yo baka tanggal 'yang lahat ng buhok mo sa katawan," asar ni Tita Nems habang hipo-hipo ang batok niya. "Nasa TV ang anak ko, babaeng pinaglihi sa dyosang si Nemesis, ayan!" Turo ni Mom kay Brian na nasa TV ngayon. "Naks naman, pumo-pogi naman ang pamangkin ko. Ba't 'di niyo sinama 'yan?" Nakangiting saad ni Tita Nems. "Naglalaro siya ng football ngayon, kaya 'yang mga dala ninyo, dalhin niyo na sa dining area para makakain na tayo," saad ni Mom at nag-salute naman sa kan'ya si Tita Nems. "Yes masusunod po, mahal na Prinsesang pinaglihi sa pulang araw!" Asar ni Tita Nems kay Mom, nakalayo na si Tita kasama si Tito Nex at Kuya ET bago siya mabatukan ulit ni Mom. "Mamaya ka sa akin, Nemesis, magiging skin tone na talaga 'yang buhok mo sa ulo," pagbabanta ni Mom kaya tumayo na si Dad mula sa sofa at inakbayan si Mom. "Chillax, Love, ang puso, okay, ang puso," saad ni Dad at nagda-drama siyang nasasaktan ang puso habang hipo-hipo ang dibdib niya. Hinampas naman agad ni Mom ang braso ni Dad na naka-akbay sa balikat niya. "Tigil-tigilan mo 'ko, Karlos, kakalbuhin talaga kita!" Pagbabanta ni Mom at umalis mula sa akbay ni Dad. "P'wede mo naman akong kalbuhin, Love, pero sa gitna lang," natatawang saad ni Dad at napangiwi naman si Lyxeena na nasa tabi ko. "Disgusting, Tito!" Nakangiwing saad ni Lyxeena. "Tigil-tigilan mo talaga ako, Karlos!" Sigaw ni Mom habang nagmartsa papunta sa dining area. "Hindi ako si Karlos, Love! Ako ito, si Karl na mahal na mahal ka!" Saad ni Dad at lumakad paalis at sinundan si Mom papuntang dining area. "Hali na kayo girls, hayaan niyo na ang dalawang 'yan, gutom lang nila 'yan," saad ni Tito Zacxheus. Inakbayan naman niya si Lyxeena at hinatak palayo sa akin habang ang matitigas na braso ni Tito ay nakapulupot sa leeg ni Lyxeena. Ni-headlock niya si Lyxee. "Awat, awat, hindi ako makahinga, D-Dad!" Nahihirapang saad ni Lyxeena at tinapik-tapik ang brasong nakapulupot sa leeg niya kaya napa-iling na lang ako. Bigla na lang may humawak sa braso ko at padulas itong lumakbay papunta sa mga palad ko at pinagtiklop niya ang mga palad namin. Agad akong napalingon sa matangkad na babaeng nakatayo sa tabi ko. Bumungad agad sa akin ang malilinaw at kulay putik na mga mata niya, singkit ito at parang papatay ng tao kung makatitig. "Let's go, Moon?" Nakangiting anyaya ni Tita Zet sa akin kaya ngumiti ako sabay tango. Dahan-dahan niya akong hinatak hanggang sa makarating na kami sa dining area. "So, magiging schoolmate mo na pala ang mga ika-anim na henerasyong pinsan mo, Ezekiel!" Masayang saad ni Tita Nemesis kay Kuya ET habang nandito kami ngayon sa mahabang dining table at masayang kumakain at nagku-kwentuhan. "6th Generation? Bakit ang layo na naming magpinsan, Mom?" Kunot-noong saad ni Kuya ET kay Tita. "Yes, kasi kami ng mga Tita mo, pinsan ko sila sa ikalima, so 'yung lolo Axel mo at Tito Pablo ko—lolo nila Moon at Lyx, magpinsan sila sa ika-apat, ang lolo ko at lolo ni Tita Zya at Tita Zet mo ay magpinsan sa ikatlo, at—" "Oo na, oo na, ang dami mo pang paliwanag, Nemesis, kumain kana at baka maubusan ka pa ng ulam na dala ninyo," saway ni Tita Zet pagkatapos niyang sumimsim ng wine. "At ikaw naman, tigil-tigilan mo na kaka-inom ng wine at baka masira atay mo," saway pabalik ni Tita Nems. "Nope, it's a red wine, it's healthy and I choose a liver-friendly wine, Mrs. Blythe," tugon naman ni Tita Zet at inirapan si Tita Nems. "Mag-ina talaga kayong dalawa ni Lyxeena, irap kayo ng irap at baka magkatotoo 'yung sinabi ni ET," saway ni Tita Nems at tumawa naman kaming lahat dito. Kinabukasan. Nandito kami ngayon sa R Empire Mall at nag-shopping ng mga school supplies, ang ibang school supplies namin ay doon namin bibilhin sa Lyxeeries Mall at Empress Mall. Katulad ng uniform namin ni Lyxeena, sa Empress Mall namin ito bibilhin tapos ang sapatos namin ay sa Lyxeeries Mall. As I expected, hindi libre ang pagbili namin dito kahit nanay ko pa ang may-ari nitong R Empire Mall, pero may 70% discount naman daw kami ni Lyxee rito since card naman ni Mom ang gamit ko at card ni Tita Zet ang kay Lyxeena. Sa totoo lang, may sarili naman talaga kaming black card ni Lyxeena at may milyones na nga kami roon. Saka na raw namin lagyan ng billion ang card namin kapag sarili na naming pera. Mom said, ako raw ang magmamana sa 50% shares ng Empress, dahil ang 50% kay Lyxeena since si Tita Zet at Mom naman ang may-ari ng Empress Company. Ang R Empire daw ay shares ang mana sa akin, 60% kay Bryan at 40% ang sa akin since may 50% shares naman ako sa Empress. Si Lyxeena, 50% ang mana niya sa Empress at 100% naman ang mana niya sa Lyxeeries. Her name was derived from Lyxeeries, Lyxeena–Lyxeeries. She even told me na bubuo rin siya ng sarili niyang Theater Company pagdating ng panahon at excited ako sa plano niya since she was great at singing choirs, she's an Opera Singer, at isa siya sa pinakamagaling na pianist sa Italy and International. While me, I'm one of the great painters in Italy and International also. Sa murang edad namin ni Lyxeena ay tinatawag na kami sa Italy na Talented Princesses since we have the blood of Mala Del Brenta and especially the blood of Augustus Romulus, the last emperor of Rome. At mga nanay namin ang binansagang The Czarina o Princesses of Italy. At our young age, naka-ilang punta na rin kami sa mga international competition and we always won. My masterpieces were now exhibited in the most expensive art galleries in the world kung saan nandoon ang mga painting nila Da Vinci, Picasso, Gogh, and many famous Renaissance and Medival Painters. Kahit sa murang edad namin ni Lyxeena ay nakakatanggap na kami ng pera mula sa mga competitions at mga performance lalo na sa akin kapag may magpapa-commission sa akin ng portrait. My paintings were now worth of tens or hundred thousands, it depends on my clients and also the materials I used for their portraits. And as we expected here in the Philippines, people don't know us, hindi nila kami kilala ni Lyxeena rito kung sino kami. Mom said, we rarely or never seen or featured in the news, social medias, magazines, and newspapers here in the Philippines dahil ang focus palagi dito sa Pilipinas ay politics, paninira ng tao sa social media, memes, scandals, weather news since daanan pa naman ng bagyo ang bansang ito. And that's the reality. Sometimes, Philippine Government don't support people like us, we are living in Italy for 12 years kahit 75% Filipino Blood pa ako. Dad was a full blood Filipino, while Mom, she's half Italian, one-fourth Filipino and one-fourth Chinese. Pero dahil mas maraming taon pa kaming nakatira sa Italy, kahit 100% Filipino man ako, basta kung nasa ibang bansa ako at hindi ko ginagamit ang watawat ng Pilipinas bilang pagkilala ko, hindi pa rin nila ako kikilalanin. Italy kasi ang dinadala ko sa mga competitions at dahil subrang competitive ng Italy, hindi nila kami hinahayaan ni Lyxeena na gamitin ang Pilipinas since may representative naman ang Pilipinas sa mga competitions na sinasalihan namin. Kasalukuyan kami ngayon ni Lyxeena kumakain sa Restaurant sa loob ng Mall. Sinamahan kami ni Kuya ET para mamili ng mga gamit dahil hindi pa kami sanay rito sa Pilipinas at baka mawala pa kami. Kami lang dalawa ni Lyxeena rito at papatapos na rin kaming kumain, si Kuya ET ay nasa restroom pa at nagji-jingle. Tapos na rin naman 'yun kumain, daig pa si Ninong Sevy nu'n kung pabilisan kumain. Pero kahit mabilis kumain si Kuya ET, mabilis din naman siyang mabusog. "Tara na, Lyxee, sa labas na lang tayo mag-aantay kay Kuya ET kasi baka may papalit pa rito sa table natin," anyaya ko nang matapos na kaming dalawa ni Lyxeena kumain. Tumango naman siya at uminom ng juice at kumuha ng tissue sabay pahid sa bibig niya. "Wait, tingnan ko muna kung need ko pa ba ng retouch," nakangiting saad niya at napa-irap naman ako. "Lyxee, sa totoo lang, no need mo na ng retouch kasi maganda kana talaga kahit walang make up, you owned that red and kissable lips already, you have that crimson cheeks already, white skin tone, long and curve eyelashes, and thick eyebrows so you don't need for retouch," saway ko at ngumuso. She's indeed beautiful, she have this masungit na tingin pero it's her normal face. Her siren eyes is indeed sharp and beautiful, and she doesn't need any eyeliner for it. "Okay, sabi mo," saad niya at tumayo kaya tumayo na rin ako. Saktong pagtayo ko ay biglang may nasagi ang balikat ko at may napasigaw na lang sa gilid ko. "What in the world?!" Sigaw ng babaeng nakatayo sa gilid ko kaya napalingon ako sa kan'ya na puno ng gulat. Galit na galit ang mukha ng babae at basang-basa ito ng dala-dala niyang soup na natapon dahil nasagi ng balikat ko. "Oh my gosh, Alessia!" Tili ng isang babae kaya napalingon naman kami ni Lyxeena sa direksyon ng isang babaeng tumili. "Scarlett!" Naiiyak na saad nung Alessia sa babaeng tumawag sa kan'ya. "What have you done to my blouse, Miss?!" Asik nung Alessia sa akin at napatingala siya sa akin. Mas matangkad pa kasi ako sa kan'ya, I guess nasa mga around 5'6 siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD