Chapter 1

2322 Words
"Mom, Dad! Kailan tayo babalik sa Pilipinas?" Tanong ko agad kay Mommy Zyanya at Daddy Karl. "Baby Moon, next week, babalik na tayo roon, tapos kailangan ko pang ayusin ang mga papers dito lalo na si Tita Zet mo," nakangiting tugon ni Mom sa akin. "H'wag mo na ako tawaging Baby Moon, Mom, malaki na po ako, 17 na ako, eh!" Pagmamaktol ko. "Kahit na, ikaw pa rin kasi ang Baby Moon namin kahit 17 ka na," nakangiting saad ni Dad at pinisil ang pisngi ko kaya napangiwi naman ako na ikinatawa naman nilang dalawa kaya ngumuso ako. "Kasama rin po sila Lyx, Tito Zac, at Tita Zet sa atin pabalik doon?" Masiglang tanong ko nang hindi ko na maramdaman 'yung sakit sa pisngi ko. "Of course, lilipat kayo ni Lyxeena doon sa Empress University since 'yun naman ang napagplanuhan namin ni Tita Zetian mo na doon kayo mag-aaral ng Grade 12 ni Lyxeena," nakangiting tugon ni Mom. "How 'bout si Brian?" Tukoy ko sa bunso kong kapatid. "Ah si Brian, susunod lang sa atin 'yun kasi may sports fest pa siyang sasalihan next week, eh," tugon ni Mom kaya mapait na lang akong ngumiti. Brian is 14 years old pero excel na siya sa sports, he is good in Football at siya ang captain nila sa laro, sayang hindi ko mapapanood ang sports fest next week dahil aalis na kami, pero may live naman daw kaya makikita pa rin namin siya. Empress University, ang kompanya nila Mom at Tita Zetian. Sa pagkaka-alam ko, ang Empress ay maraming mga company ito, katulad ng R Empire at Lyxeeries. Empress includes different types of company, like Empress Cosmetics, Empress Hotel, Empress University, Empress Mall, Empress Restaurant, Empress Bank, Empress Hospital, Empress Airline, Empress Cruise Ships, Empress Port, Empress Airplanes, Empress Gas Station, Empress Publishing Company, Empress Law Firm, Empress Motors, Empress Mobiles, Empress Real Estate, Empress Condo Unit, Empress Home Appliances and Furnitures, at Empress Net Working Company, at kung ano ang Empress Company ay ganoon din ang R Empire at Lyxeeries. "Yes! Alam na rin po ba ito ni Lyxee, Mom?" Napakurap-kurap ako dahil sa excitement. "Of course, alam na niya ito," saad ni Mom. "Makikita rin po ba natin si Kuya Ezekiel doon?" Tanong ko ulit. "Yup, sa Empress University na rin siya nag-aaral simula pa noon," tugon ni Mom. Kuya Ezekiel Thunder, ang anak ni Tita Nemesis at Tito Nexus, he's 18 years old and he's a first year college sa EU ngayon. Kagaya namin ni Lyxeena, Business din ang kinuha niya sa College since 'yun ang gusto ng mga magulang niya at gusto niya rin ito. We call him Kuya since siya naman talaga ang pinakamatanda sa aming tatlo ni Lyxeena. I'm 17 at magtuturning 18 na ako for the next 3 months, this September, while Lyxeena kaka-17 niya pa lang last March this year. Isang linggo ang lumipas. Nandito na kami sa airport, Lyxeeries Airport ang nilandingan ng private plane namin dito sa Pilipinas. I remember, 5 years old pa lang ako noong huling punta ko rito sa Pilipinas, I mean, this is my hometown, dito kami pinanganak ni Lyxeena pero sa Italy naman talaga kami lumaki at nag-aral. Hawak-hawak ni Lyxeena ang kamay ko habang hatak-hatak naman ng yaya niya ang maleta niya habang ako, syempre sa yaya ko rin. Malaki rin pala itong Lyxeeries Airport, pero mas malaki pa rin sa Italy. May isang pamilyar na dalawang lalaki ang nakatayo roon sa hindi kalayuan namin. Dali-dali kong hinatak si Lyxeena papunta sa dalawang lalaki na 'yun habang masaya kaming nagtatakbo papunta sa kanila. "Ninong Gio, Ninong Sevy!" Sabay na tawag namin sa kanila. Masaya silang lumingon sa aming dalawa ni Lyxeena at sinalubong agad nila kami. "My two beautiful Princess!" Masayang saad ni Ninong Gio at niyakap niya kaming dalawa ni Lyxeena. "Kamusta? You already grown up!" Saad naman ni Ninong Severo. "Last time namin kayong nakita, ang liliit niyo pa," asar ni Ninong Gio na agad ikinasimangot ng mukha ni Lyxeena. "Hoy, 16 pa kami noong huli mo kaming nakita ni Moon!" Supladang saad ni Lyxeena at nag-pout. "Kahit kailan talaga, 'no? Ang suplada mo pa rin, Lyxee, manang-mana ka talaga sa nanay mo," asar ni Ninong Severo. "No way, sabi ni Mom sa akin, kay Tita Zyanya raw ako nagmana kasi sa kan'ya niya raw ako pinaglihi!" Sagot ni Lyxeena na agad ikinatawa naman namin. Sinimangutan ako ni Lyxeena ng mukha. "Mom! Hindi ba kay Tita Zyanya mo naman ako pinaglihi, 'di ba?!" Sigaw ni Lyxeena sa mom niya na nandoon pa sa unahan, papalapit pa sila sa pwesto namin. Agad namang tinawanan ni Mom si Lyxeena. "Ang papangit niyo!" Singhal ni Lyxeena at nagmartsa paalis. She's indeed maldita talaga pero mabait naman siya sa akin, sa amin, minsan napipikon lang talaga siya kapag inaasar. Tama rin naman talaga sila, kay mom naman daw talaga pinaglihi si Lyxeena sa ugali at sa mukha pero hindi ko alam paano nangyari 'yun, kaya nga medyo magkamukha pa si Lyxeena at si mom kaysa sa akin, pero hindi naman ako nagseselos kay Lyxeena kasi ako naman talaga ang totoong anak ni Mommy Zya at Daddy Karl. Sinundan ko na siya agad dahil baka mawala pa siya. Agad kong nahawakan ang kamay niya nang maabot ko na 'to. "H'wag kana magtampo, Lyxee," nakangiting saad ko at pinisil ang pisngi niya. Hindi niya ako pinansin at nakasimangot ang mukha habang nakatingin sa harap. Ilang minuto ang nakalipas. Kasalukuyan na naming binabaybay ang subdivision ng Forbes Park, sa Forbes Park kasi ang bahay nila Mom at Tita, 'yung CZ o Casa Z. Sa Forbes Park nakatira ang ilang mga kilalang celebrities, politics, and known CEOs or Business tycoons dito sa Pilipinas kaya ang mga bahay na dinadaanan namin dito ay puro malalaki at mga modernized. Mga ilan pang minuto ang lumipas, nakarating na kami sa pinakasulok na parte ng Forbes Park. May malaking gate na automatic na bumukas at may naka-ukit sa gate na malaking letter C at Z. It's already 12 years since huli kong punta rito but the memories are still vivid on my mind. Naalala ko pa itong mga cherry blossoms at mga mahogany trees na nasa bawat gilid ng daan pagpasok namin sa malaking gate. This 4000 square meter lot, right and left, was owned by my mom and tita. These trees are still standing, hindi kasi pinapaputol ni Tita Zet, just for the sake of Mother Earth. Ilan pang minuto ang nakalipas at nakarating na ulit kami sa isa pang malaking gate na may naka-ukit na malaking CZARINA na automatic ding bumukas. Nang bumukas na ang gate ay bumungad sa amin ang subrang laking bahay, dalawang floor lang ito pero subrang laki at subrang lawak. Ang lupang tinatayuan nito ay subrang laki rin at subrang lawak. Sa pagkaka-alam ko, 400 square meter ang lupang ito, parang kasing laki ng football court pero parang mas malaki pa yata ang lupang ito kaysa sa football court. Binabaybay pa namin ang mahabang daan pagpasok namin sa gate papuntang veranda ng bahay. Sa bawat gilid namin ay mga berdeng d**o at mga bulaklak. Naalala ko pa, dito naka-park ang mga sasakyan nila mom at tita, pero sabi ni mom, susunod lang daw sa amin 'yung mga sports car nila sakay nung private plane nila na sinakyan din namin pabalik dito sa Pilipinas. Ilan pang sandali ang lumipas at nakarating na kami sa tabi ng isang malaking fountain, at sa veranda nandoon nakatayo ang iilang mga maids namin para i-welcome kami. Bumaba na rin kami sa van na sinasakyan namin na minaneho ni Tito Gio at dumating na rin ang isa pang van na dala ni Tito Sevy at nandoon ang mga maleta at mga gamit namin. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Lyxeena at ayaw niya rin akong bitawan. Napalibot ang paningin ko sa paligid at mas lalong naging maliwanag ang paningin ko. This place feels nostalgic, I feel some warmth and peace of this place. Dito kami ni Lyxeena naging marunong magsalita, maglakad, at maglaro. "Good afternoon, Ma'am Luna and Ma'am Lyxeena!" Masayang bati ng mga maids namin at ngumiti ako sa kanila habang si Lyxeena naman ay inirapan sila. "Ang suplada naman," bulong ng isang maid sa kasamahan niya. Naramdaman ko ang tense ni Lyxeena kaya hinipo ko ang braso niya gamit ang kabilang kamay ko para pakalmahin siya. "Ang init naman dito! Kasing hot ko! Hindi niyo naman sinabi sa akin na mainit pala ang Pilipinas para makapaghanda naman ako ng aircon dito," mahanging saad ni Lyxeena at napapaypay sa sarili. "Ms. Tanda, can you open that door for me? Baka kasi may bacteria sa door knob at mahawaan ako sa inyo," supladang utos ni Lyxeena at agad naman akong napa-iling sa inasal niya, sanay na talaga ako sa babaeng 'to. Agad naman sinunod ng isang maid ang sinabi ni Lyxee sa kan'ya. "Hindi pa naman ako matanda, 40 years old pa ako," mahinang bulong ng maid. Agad tumikhim si Lyxeena, "Excuse me? You say, '40 years-old'? See, matanda kana, unlike me na bata pa, so I can call you 'tanda' since it's suit for your age," nakataas na kilay na saad ni Lyxeena. "Ah, mga ate, hayaan niyo na lang po si Lyxeena, pagpasensyahan niyo na, gan'yan talaga siya," nakangiting saad ko sa mga maids at una kong pinapasok si Lyxeena sa loob. "Ayos lang po 'yun, Ma'am Luna, ang bait-bait niyo naman po," nakangiting saad ng isang maid sa akin at ngumiti lang ako pabalik sa kan'ya at dumiretso na sa loob. "È quello che voglio! Freddo! (That's what I want! Cold!)" Masiglang saad ni Lyxeena nang maramdaman na niya ang lamig sa loob ng bahay. "Hindi niyo naman sinabi sa akin na malamig pala rito sa loob, e 'di sana dito na lang sa loob pinark ang van para paglabas ko ay lamig pa rin ang bubungad sa akin," patuloy niya pa. "Lyxee, h'wag kana magreklamo kasi araw-araw na tayo makaramdam ng init dito sa Pinas, kasi dito na tayo titira," saway ko naman at gulat siyang lumingon sa akin at napalaki naman ang singkit niyang mga mata. "What in the world? So, araw-araw na tayo makakaranas ng init? Assolutamente no, no, no, no, assolutamente no! (No way, no, no, no, no, way!)" Maarteng saad niya. "Mom! Mag-order na lang ako ng aircon para araw-araw kong ipapadala ni Yaya Feliz everytime na papasok ako sa school kasi mamamatay ako sa init dito, it's 38° degrees Celsius ang init ngayon!" Tawag ni Lyxeena kay Tita. Pati ba naman ang degrees ng init ngayon ay calculated niya? "Bruha, manang-mana nga talaga sa 'yo ang batang 'yan, pati pag-calculate ng degrees sa init ay alam niya kahit wala siyang dalang thermometer," saad ni Mom kay Tita. Lyxeena is indeed smart and intelligent at nakuha niya talaga ang talino niya sa mom niya. Parang si Lyxeena ang little version ni Tita. Matalino din naman si Mom Zyanya, pero sa pagkaka-alam ko, mas matalino pa rin talaga si Tita kaysa sa kan'ya. According to Tito Gio, Mom got 180 IQ while Tita has 220 IQ. At nung kami naman ni Lyxeena ang nagpa-IQ test sa Italy last year, I got 170 and Lyxeena got 200. "Anak, hindi naman p'wedeng araw-araw mong papabuhatin ng aircon ang Yaya Feliz mo. P'wede ka namang magdala ng pamaypay imbes na aircon or 'di kaya 'yung mini fan," saad ni Tita at bumuntong-hininga. "No need, Mom, Yaya Feliz is 35 years-old and I know she can't carry an aircon 12 hours a day for 10 months but I know she can carry an umbrella for 2 hours and 15 minutes everyday at school, so I understand, magdala na lang din ako ng so-called mini fan na sinasabi ninyo," walang emosyong saad ni Lyxeena at dumiretso na sa mahabang hagdan na pa-kurba at iniwan na ako. Sa gitna ng dalawang hagdanang pa-kurba ay mayroon doong medium size na fountain pero mas malaki pa rin 'yung fountain sa labas ng bahay. "Moon, come with me!" Tawag ni Lyxeena sa akin nang makarating na siya sa second floor, ang bilis naman niyang maka-akyat doon, kani-kanina lang nasa tabi ko pa siya, pero ngayon nasa taas na siya. Napatingin ako sa mahabang hagdanan at tumango. "Mag-ingat ka, Moon!" Habilin ni Mom sa akin at tumango naman ako. Hinawakan ko na ang bars na nasa gilid ng hagdan at nagsimula ng umakyat. Kalagitnaan pa lang ay hinihingal na ako. Bakit nararamdaman ko ito ngayon? Ngayon ko lang naramdaman na hihingalin ako sa pag-akyat sa hagdanang ito. Napatingin ako kay Lyxeena na nandoon sa ibabaw at nakangiti sa akin habang inaabangan ako na makarating sa taas. Sa bahay namin kasi sa Italy, hindi naman kasi ganito ka-haba ang hagdanan, 'yung haba nga nu'n ay kalahati lang sa hagdanang tinatayuan ko. Bumaba si Lyxeena at sinalubong ako. "Are you okay?" Nag-aalalang saad niya at hinawakan ang balikat ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko para habulin ang hininga ko. "Y-Yes, I'm okay," sagot ko at pilit na ngumiti. "Alalayan na kita," boluntaryo niya at hindi na ako nag-protesta pa. Hinawakan niya ang libre kong kamay at dahan-dahan niya akong iginiya paakyat. "Ayos ka lang, Moon?" Tanong ni Dad sa akin kaya napalingon naman ako, nandoon sila sa baba at pinagmamasdan pala nila kami. "A-Ayos lang po, Dad!" Nakangiting saad ko at binaling ulit ang atensyon ko sa harap ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makarating na kami sa second floor. Naglakad na kami ni Lyxeena sa corridor papunta sa room naming dalawa, share kasi kami ni Lyxeena ng room dahil ayaw niyang humiwalay sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa kan'ya sabay hinto nang hinihingal na naman ako. Biglang kumirot ang dibdib ko. "Ayos ka lang, Moon? Need mo ba ng tubig? Kukuha ako para sa 'yo," sunod-sunod na saad niya at ngumiti lang ako pero masakit ang dibdib ko, ngayon ko lang ito naramdaman, it's my first time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD