Chapter 8

2010 Words
Tatanggapin ko na sana ang kamay niya nang biglang makarinig ako ng mga sigawan ng mga babae sa likuran ko. Napa-angat ang tingin nung lalaki sa mga babaeng nagsisigaw sa likuran. "And, I'm an Actor also, kaya Miss, sorry sa disturbo, aalis na ako, maraming humahabol sa akin, sorry talaga, see you next time!" Saad niya sabay taas ng hood niya at tumakbo papalayo sa akin. Agad akong gumilid nang magtatakbo rin ang mga babaeng nagsisigawan at sinundan ang lalaking 'yun kung saan ito papunta. "Actor din pala 'yun? Kaya pala subrang g'wapo," hindi makapaniwalang saad ko. "Uy!" Gulat ng kung sino man sa akin. Agad akong napalingon sa likod ko para makita ko kung sino man ang kumalabit sa balikat ko at nakita ko si Lyxeena na humihingal. "Anong nangyari sa 'yo, Lyxee?" Kunot-noong saad ko dahil sa mukha niya ngayon, hingal na hingal siya. "M-May..." Hinihingal na saad niya kaya hinipo ko ang likod niya. "Huminga ka muna, baka mapaano ka pa riyan," saad ko habang himas-himas ang likod niya. "T-Thanks," saad niya at saka huminga ng malalim. "Sige, ano bang nangyari sa 'yo?" Tanong ko ulit nang makita kong maayos na ang lagay niya. "May nagtatakbo at nagsisigawan kasing mga babae kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa 'yo baka kasi napano ka, ano ba kasi nangyari sa mga babaeng 'yun?" Tugon niya. "Paano ba naman kasi, nakakita sila ng sikat na actor kaya ayon hinabol nila," sagot ko naman. "Tsk, mga babae talaga, ey!" Nakangiwing saad niya. Yeah, she don't like boys nga naman, lalo na kapag lalaki 'yung hahabulin ng mga babae, parang nandidiri siya kung iisipin niya 'yun. "Nakapili ka na ng canvas, hanap na tayo ng gagamitin mong mga kulay," saad niya at hinatak na ako paalis. Ilang oras ang nakalipas. Kasalukuyan ako ngayong nasa art room dito sa CZ habang nagpipinta. Sa mansion kasi, may music studio dito pero organ at grand piano lang ang laman, pero sa music studio may malaking salamin doon kung saan ka p'wedeng magsasayaw. Mahilig kasi mag yoga at mag zumba si Mom at Tita sa music studio noon, kaya ayun, may music studio rin dito. "Moon," boses ni Mom ang tumawag sa akin. Napalingon ako sa kan'ya na ngayon ay nasa pintuan at nakatayo at may dalang gatas. "Mom!" Nakangiting saad ko kaya lumakad siya papalapit sa akin. "Here, drink this, parang kanina ka pa riyan, ah, bumaba ka lang para mag-dinner tapos bumalik ka agad dito," saad ni Mom sa akin sabay abot sa gatas ko. "Ilagay niyo lang po sa table, Mom, tatapusin ko na muna sandali ang part na 'to," saad ko, tukoy sa labi na kinukulayan ko ng pulang pintura. "Sino pala 'yan?" Tanong ni Mom sa akin, tukoy niya sa realistic portrait na ginawa ko. "Ah, kanina kasi Mom, magpapa-enroll na sana ako sa Art Class sa EU pero kailangan pala ng sample artwork ang dapat ipakita sa Registrar sa Art Class tapos lahat ng masterpieces ko ay nasa exhibit lahat tapos hindi ko na 'yun p'wedeng kunin, kaya ayon gumawa na lang ako ng painting para ipapasa ko sa Registrar bukas ng hapon," paliwanag ko. "O... kay... So, sino pala ang babaeng 'yan?" Tanong ulit ni Mom sa akin. "Ang Registrar po ng Art Class, Mom," nakangiting tugon ko. "Naks, kahit wala kang ginagamit na picture or reference para gayahin ang mukha niya, pero kuhang-kuha mo pa rin ang mukha niya," nakangiting saad ni Mom. "Yes po, isang beses ko lang po siyang nakita kanina, tapos naisipan kong gawan ko siya ng portrait para ibigay ko sa kan'ya bukas," nakangiting saad ko. Hindi sa pagmamayabang pero naaalala ko pa rin ang bawat detalye ng mukha ng Registrar kanina kahit isang beses ko pa lang siyang nakita kaya kuhang-kuha ko ang mukha niya kahit hindi na ako gumamit ng pagbabasehan ko. If Lyxee has the ability of remembering a composition or a song in the piano even if it's the hardest composition of all, and she hears it for the first time but she can play it well like a master, I have also the ability of remembering every details of my subjects I used for my paintings for the first time I saw them. We have this photographic memory, we remember every details of the things we saw and we hear for the first time. Pero iba-iba kasi kami ng abilidad ni Lyxee, eh, she's a master in music and I'm a master of art. Ang damit na suot ng Registrar sa portrait ko ay ang sinuot niya kanina. Naka-coat siya na itim at pinaresan niya ito ng pulang blouse sa ilalim. Papatapos na rin ako, kaunting enhance na lang ang kulang nito at tapos na. "Sige, Moon, kapag tapos kana, pumasok ka na sa room ninyo ni Lyxee, h'wag mong antayin na si Lyxeena na ang susundo sa 'yo rito, kilala mo naman 'yun," habilin ni Mom sa akin. Yes, Lyxee got her mother's sweetness and being a clingy every night, at sa akin niya 'yun ginagawa gabi-gabi, like, nag-iibang tao talaga si Lyxee sa gabi, kung tigre man siya sa umaga, nagiging kuting naman siya sa gabi. "Yes, Mom," tugon ko naman at pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Ang milk mo, ah, h'wag mo kalimutan," habilin ulit ni Mom sa akin. "Yes po," tugon ko at naramdaman ko ang labi ni Mom sa ulo ko. "Love you, Moon," saad ni Mom sa akin. "I love you, too, Mom," saad ko pero hindi ko na siya tinapunan ng tingin para matapos na itong trabaho ko. Naramdaman ko na ang papaalis na presensya ni Mom mula sa pwesto ko. Mga dalawang minuto ang lumipas. Hininto ko muna ang ginagawa ko para mainom ko na ang gatas ko. Mabuti nga at hindi pa ito lumamig kasi parang bago pa ito tinimpla ni Mom. Mga kalahating oras ang lumipas. Natapos na rin ang trabaho ko, patutuyuin ko na 'to para p'wede na itong dalhin bukas ng hapon. Ipapadala ko na lang ito ni Ninong Gio o ni Ninong Sevy, kung sino man sa kanila ang hahatid nitong painting ko sa EU. Subrang realistic ng painting na ito. Parang malaking picture lang na dinikit sa canvas kung tutuusin pero it's a one-hundred percent made of paint and color pencil. Inayos ko muna ng kaunti ang mga kalat ko. Sila na lang ang maglilinis nito bukas kapag mawala na ang painting dito. I give a rule to our housemaid na hindi p'wedeng kahit sino ang p'wedeng pumasok sa art room at linisin ang kalat ko roon hanggang sa nandoon pa ang painting ko at hindi pa napapasa sa Registrar. I'm afraid if it will be ruin or destroy, I put sixty-five percent of my hard work on it. I don't usually put one-hundred percent of hard work sa painting kapag hindi ilalagay sa exhibit or hindi bibilhin ng client. Ibibigay ko lang kasi ito ng libre sa Registrar bukas kaya hindi na ako masyadong naglagay ng isang-daang porsyentong pagpupursige ko rito. Pero it looks like a one-hundred percent hard work na rin kung titingnan ng mga rookies. Pumunta na ako sa room namin ni Lyxeena. Binuksan ko na ito ng dahan-dahan dahil baka tulog na siya. Nang tuluyan ko ng mabuksan ang pinto, nakabukas pa pala ang maliit na chandelier sa room namin at nandoon pa si Lyxeena sa bed namin naka-upo tapos nagbabasa ng libro. "Lyxee," tawag ko sa kan'ya kaya nabaling ang atensyon niya sa direksyon ko. "Moon!" Masayang bati niya at ngumiti. Dali-dali siyang umalis sa higaan at patakbong lumapit sa akin. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Kunot-noong saad ko. "Hindi pa ako makatulog, eh, kasi wala ka pa, tapos ka na sa trabaho mo?" Tugon niya at tumango na ako at ngumiti. "Hali ka na," saad ko sa kan'ya at hinawakan ang kamay niya at hinatak ko na siya papunta sa higaan namin. Magkatabi talaga kami matulog ni Lyxee, simula pa noong bata pa kami, ayaw niyang humiwalay sa akin kahit sa pagtulog at ayaw ko ring humiwalay sa kan'ya dahil parang subrang laking kawalan sa puso ko kapag 'di ko siya kasama, 'di ko siya katabi sa upuan at pagtulog, at kapag hindi ko siya makita bigla kapag hindi siya o ako magpapaalam kung aalis. Humiga na ako sa higaan at sumunod naman siya. Agad niya akong dinaluhan ng yakap, mahigpit na yakap at parang yakap na wala ng bukas. Ganito talaga siya gabi-gabi. Natutuwa naman ako sa mga ginagawa niya kasi nagpapasaya 'yun sa aming dalawa. Mas higit pa nga sa pinsan, kaibigan, at kapatid ang turing ko kay Lyxeena. Mas higit pa nga ang pagmamahal ko sa kan'ya kaysa sa totoo kong kapatid na si Brian. Kasi, kami lang naman talagang dalawa ang nagkaka-intindihan sa lahat ng bagay, kami lang talagang dalawa ang nakaka-alam sa mga sekreto namin sa isa't-isa, kami lang dalawa ang palagi naming pinagsasabihan ng kung ano-anong mga bagay, kami lang dalawa ang nagkakaroon ng saya na hindi naiintindihan ng ibang tao. Minsan nga, kung hindi lang talaga kami medyo magkahawig, napapagkamalan na nga kaming mag-jowa nitong si Lyxeena sa ibang tao na hindi nakakakilala sa amin. Wala namang malisya 'yun kasi babae siya, babae ako, pinsan ko siya, pinsan niya ako, magkadugo kami, at kilala ko si Lyxeena, kahit subrang sweet man nito sa akin, alam kong hindi niya talaga ako papatulan. Ayaw nga niya sa mga lalaki kasi parang nakakagulo lang daw sa buhay niya, ako pa kaya na pinsan niya at kadugo niya. Madaling araw akong nagising. Tulog pa si Lyxee nang magising ako. Bigla kasing pumasok sa isip ko 'yung t-shirt na binigay sa akin nung lalaki kahapon, hindi ko pa naman 'yun nalalabhan. Napatingin ako sa digital clock na nasa bedside table namin. Alas kwatro na pala ng madaling araw, 5 am kasi kami ni Lyxee usually gigising kapag normal days lang, pero kung tatambakan kami ng mga school works, minsan hindi na kami natutulog or kung matutulog man kami, gigising kami ng alas tres ng madaling araw. Binuksan ko ang isang ilaw ng room namin, 'yung ilaw na hindi masyadong malakas ang liwanag na binibigay, parang dim light lang siya. Nagtungo ako sa mahabang sofa kung saan nandoon ang dalawang school bag namin ni Lyxeena at kinuha ko 'yung akin. Binuksan ko na ito at kinuha ang t-shirt ng lalaki. Bakit ba kahit minsan minamalas din ako? Lalaki pa talaga, tapos t-shirt pa, tapos ako pa talaga maghahatid sa STEM nito mamayang umaga. Nagtungo agad ako sa cr at sinimulan ko ng banlawan ang damit niya. Medyo matigas ang mantsang natapon dito kaya kailangan ko rin ng malakas na detergent para rito. Binuksan ko 'yung maliit na drawer na nasa cr at saka kumuha ako ng one-eight teaspoon na detergent at nilagay ko sa maliit na folding washing machine. Mga ilang minuto ang nakalipas at natapos na rin sa pag-iikot-ikot ang damit sa loob ng maliit na washing machine. Dinrain ko na ang bula at saka ay binanlawan ang t-shirt at nilagay ko na agad sa dryer at pina-ikot na ulit ito. "Anong ginagawa mo?" Isang pamilyar na boses ang umagaw sa atensyon ko habang sinasampay ko ang t-shirt para tuluyan na itong matuyo. Napatingin ako sa pintuan ng cr at nakita ko si Lyxeena na nakatayo roon at humihikab pa habang kinukusot ang singkit niyang mata. "L-Lyx," kinakabahang saad ko habang hawak-hawak ang t-shirt na nakalagay sa hanger. "Bakit may dala kang panlalaking t-shirt?" Kunot-noong saad niya at naglakad papalapit sa akin. Hindi ako makasagot dahil kumakalabog ang puso ko sa kaba, bakit ba kasi kinakabahan ako ng husto? Hindi naman ako umiinom ng kape, ah. "Kaninong damit 'to?" Naka-kunot noong tanong niya sa akin at hinawakan ang t-shirt. "At medyo basa pa ng kaunti, nilabhan mo 'to?" Tanong niya pa. "Hoy, Luna Amara Adelaine Mala Del Brenta Derioso, bakit hindi ka sumasagot? Na-pipi ka na ba?" Kunot-noong tanong niya at tinapik ng mahina ang balikat ko. "L-Lyx, l-let me explain," kinakabahang saad ko at mahigpit na nakahawak sa hanger at iilang higpit pa nito ay parang mababali na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD