Story By Eunice Urbano
author-avatar

Eunice Urbano

bc
Blankong Papel
Updated at Apr 17, 2024, 08:14
Jonathan's POVSabado ng gabi, kakauwi lang namin ni papa galing sa paglalaro sa labas. Unang pumasok si papa upang buksan ang pinto sa kanilang kwarto.Ang malaking likod ni papa ay ang pader na tumatakip sa kanyang nakita. "Bakit?? ...Hon bakit?!" Paulit ulit niyang sinasambit habang nangingilid ang kanyang luha. Isang magandang damit and naaninag kong nakasabit sa kisame. Nagpakamatay si mama.Niyakap ni papa habang nasa likod niya ang bangkay ni mama. Sumasabay sa ihip ng hangin sa nakabukas na bintana, tanaw ang araw na nagtatago sa dulo ng mundo.Sa mga panahon na yun pitong taon pa lang ako at wala akong kaalam-alam bakit ginawa niya yun.Masaya naman kami.Walang nakapansin sa mga sugat ni mama na siya din ang mismong may dulot. Walang nakakaalam sa sariling laban na pinagdaanan niya. At simula ng namatay si mama araw-araw nag pagkalunod sa alak at trabaho si papa. Sabi niya gusto niya na lang makalimutan si mama pero parang nakalimutan niya na din ata ako. Tila wala na ding buhay si Papa dahil sa pagkamatay ni mama kaya kung tutuusin parang ako na lang din ang nagpalaki sa sarili ko.Sa araw na yun parang nawalan din ako ng ama.
like
bc
Ang Pari At Ang Prosti
Updated at Apr 17, 2024, 04:27
Sa tapat mismo ng simbahan nagbebenta ng katawan ang mga babaeng bayaran at bumibili naman ang mga hayok sa laman. Isa 'kong babaeng bayaran, isang puta. Disinuwebe anyos na ko at apat na taon na kong nag bebenta ng katawan. Noong nagsisimula pa lamang ako ay para akong tupang binalatan at itinambog sa apoy. Siguro ay sanayan lang o naging manhid na ko sa mga nangyayari.Dito sa bayan pag patak ng umaga ay magsisimba ang mga tao, pero pagsapit ng dilim ay parang wala na silang sinasanto.
like