CHAPTER 50 Hindi nagtagal ay nakarating na nga si Castiel sa ospital. Noong una ay hindi niya pa alam kung nasaan ang kwarto ni Breigh dahil nga nung umalis siya kaninang umaga sa ospital ay nasa emergency room pa ito. Buti na lang at hindi siya nahirapan na magtanong sa lalaking nurse na nakasalubong niya sapagkat namukhaan siya nito. Yun din kasi yung nurse na sumalubong sa kanila kanina nung sinugod nila si Breigh. Hindi na nga nagtagal at nasa harapan na siya ngayon ng private room ng dalaga. Bumuga muna siya ng isang malalim na pag hinga bago siya tuluyang kumatok sa nakasarado na pinto ng kwarto. “Come in.”Mahinang sagot ng isang babae sa loob at alam niya agad na si Breigh yun. Agad niya nang binuksan ang pinto ng kwarto at mabilis na nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa.