MIIWAC 13- SAPA

1038 Words
TUMIRIK sa gitna ng maputik na daanan ang motorsiklo ni Nexus kaya napilitan silang bumaba ni Divina. Bumaon din ang gulong niyon sa putik at dahil may kalaliman ang pagbaon ay hindi iyon matulak-tulak ni Nexus. "Itulak mo sa likod habang susubukan ko naman paandarin," utos ni Nexus kay Divina. "Ano? Ako? Itutulak ko 'tong bulok mong motorsiklo? Hindi mo ba nakikita ang ayos ko ngayon? Puro putik na nga ako tapos gagawin mo pang taga tulak!" reklamo ni Divina na hindi sumang-ayon sa sinabi ni Nexus. Sa ingay ng boses ng babae ay napatakip sa tenga si Nexus. "Kung hindi mo ako tutulungan gagabihin tayo rito sa daan. Ikaw rin, marami pa namang aswang dito." Pananakot ni Nexus kay Divina. Nakitaan ni Nexus ng takot ang itsura ng dalaga kaya naman kaagad itong tumalima sa iniutos niya. "S-sige na nga. Saan ba ako hahawak?" aniya. Itinuro ni Nexus ang puwetan ng motor. "Diyan. Sige humanda ka na. Bibilang ako ng tatlo pagkatapos no'n itulak mo nang buong lakas." Humanda naman si Divina. Isa… Dalawa… Tatlo! Itinulak ni Divina ang motorsiklo at kasabay niyon ay piniga ni Nexus ang manibela. Umandar at umabante ang motorsiklo pero tumilamsik naman ang putik sa mukha at damit ni Divina. "Aahhh! Ano ba!" Dahil sa pagkataranta ni Divina ay napabitaw siya sa motor dahilan upang mapasubsob siya sa putikan. "Hahahahaha! Para kang kalabaw!" tawang-tawa namang komento ni Nexus nang makita ang dalagang nakasubsob sa putikan. "Ahhh! Buwesit! Nakakainis ka! Bakit pa ba ako sumama-sama sayo!" angil ni Divina na pilit pinupunasan ang itsura ng kamay niya pero lalo lamang dumudumi dahil maging ang kasuotan niya ay puro putik na rin. "Gusto mo maglinis, miss beautiful?" Tumango si Divina. Sino ba ang hindi gustong linisin ang itsura? Eh, mukha siyang kalabaw na naligo sa putikan ngayon. Sayang lang ang puting-puti niyang damit dahil nagkulay chocolate lang ito. Kung bakit kasi sa dami ng daanan ay doon pa dumaan ang Nexus na ito. Hindi nga niya alam kung saan siya nito dinala. "Oo. Saan ba puwedeng maglinis ng katawan?" masungit niyang tanong kay Nexus. "Doon oh," sabay turo ni Nexus sa isang sapa na sa gilid ng kalsada. "Ano?! Diyan ako maghuhugas ng katawan? Ano bang akala mo sa'kin kalabaw?!" reklamo ni Divina. Sa dami ng puwedeng paglinisan ng katawan sa sapa pa talaga? Eh, mukhang doon nga yata naliligo ang kalabaw eh! "Ayaw mo? Edi, huwag. Aalis na tayo. Bahala ka kung pagtitinginan ka ng mga tao dahil diyan sa itsura mo. Mahaba-haba pa naman ang lalakarin natin dahil sira itong motorsiklo ko." Saad ni Nexus at nauna nang naglakad habang tinutulak ang motorsiklo. Wala namang choice si Divina. Mukha siyang baliw sa ayos niya kaya kailangan niyang hugas ang katawan niya kahit nandidiri siya sa isiping doon pa siya sa sapa maglilinis. "Sige na! Pero samahan mo ako at baka may ahas diyan at matuklaw ako!" pagpayag niya. "Don't worry, miss beautiful. Sasamahan ka ng gagong Nexus!" natatawa namang biro ni Nexus. Nauna na siyang bumaba sa pampang ng sapa saka niya iniabot ang palad kay Divina. "Come, miss beautiful, come." Inikotan ni Divina ng mga mata niya si Nexus na pa english-english pa. Kaysarap nitong batukan sa isipan niya. Nakakairita. Inabot naman niya ang palad sa lalaki at dahan-dahan siyang bumaba dahil maputik din ang lupa doon. Pero sa kasamaang palad ay nadulas si Divina dahilan nang pagbagsak niya ng buong lakas kay Nexus. "Ahhhh—" "Putangina!" hiyaw din ni Nexus nang tumama sa noo niya ang ulo ni Divina na saglit ikinawala ng kaluluwa niya. Ang dalawa ay bumagsak sa sapa. Tumilamsik ang tubig at umingay naman ang kalabaw na nakatali sa ilalim ng puno na animo'y nasisiyahan sa nakitang eksena. "Ahh!" Habol ni Divina ang paghinga nang makaahon siya sa tubig. Napasukan ng tubig-sapa ang ilong niya kaya napapasinga siya at napapaubo. Samantalang si Nexus nama'y hindi nakaahon mula sa tubig bagay na ikinakunot ng noo ni Divina. Nakikita niya si Nexus—ang katawan nito sa tubig dahil hindi naman iyon ganoon ka lalim pero bakit hindi pa ito umaahon? "Nexus!" tawag niya sa lalaki. Paubo-ubo siyang nilapitan ito saka hinila paitaas. Subalit ganoon nalang ang pagkunot ng noo niya nang nakapikit ito at tila hindi na…humihinga? Hindi nga nagkamali si Divina dahil mukhang hindi na nga humihinga si Nexus. Buong lakas niya itong hinila papunta sa damuhang pampang saka ito pinagmasdan. "Nexus? Hoy, gising ano ba!" tawag niya rito sabay sampal sa pisngi nito. Subalit hindi kumibo ang lalaki. Kinabahan na si Divina. Inilagay niya ang daliri sa ilong ni Nexus para malaman kung humihinga ito, pero hindi nga. "Nexus, ano bang nangyari sayo? Gumising ka na at padilim na oh!" aniya na tila maiiyak na. Padilim na ang paligid, wala pang street lights sa daan mula sa kung saan sila. Wala rin halos dumadaan na sasakyan dahil nga siguro maputik doon at malubak ang daanan. Binalingan muli ni Divina si Nexus. Naisip niya na hindi kaya nalunod ito? Malakas kasi ang paghampas nila sa tubig, nagkabukol pa nga yata ang noo niya dahil nagbanggaan sila kanina. Napabuga ng hangin si Divina. Kapag hindi gumising si Nexus paano siya? Baka anong mangyari sa kaniya sa daan na ito. Wala sa sariling hinawak niya ang pisngi ni Nexus para bigyan ito ng mouth to mouth resuscitation. Nang magtagpo ang labi nila ay agad niya itong binigyan ng hangin. Pero laking gulat ni Divina nang biglang may humawak sa labi niya at pinalalim nito ang paghalik. Animo'y hinigop nito ang lakas niya, pero mayamaya pa'y natauhan siya at malakas na itinulak ang binata saka ito binigyan ng malakas na sampal sa pisngi. "Walanghiya ka! Akala ko ano nang nangyari sayo. Nagbibiro kalang pala!" umiiyak niyang sumbat rito. Naupo naman si Nexus sa lupa na tatawa-tawa. "Hahah. Malay ko bang gagawin mo iyon. Pero, puwede bang ulitin natin? Masarap eh." Galit na binalingan ni Divina si Nexus saka ito pinaghahampas sa dibdib. "Bastos ka! Walang modo! Badboy ka!" Pero laking gulat ni Divina nang hawakan siya ni Nexus at ihiga sa lupa saka ito pumaibabaw sa kaniya. "Puwede rin akong maging rapist ngayon kapag ginusto ko, miss beautiful." Nanlaki ang mga mata ni Divina sa sinabi ni Nexus. "H-huwag…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD