MIIWAC 14-Meet the thorns

1328 Words
NGUMISI si Nexus. Kitang-kita niya ang takot sa itsura ni Divina. Dahil pilyo siya ay mas inilapit pa niya ang mukha sa mukha nito. "H-huwag please…" pakiusap ni Divina na nakapikit ang mga mata. Lalong napangisi si Nexus. Akala ba talaga ng babaeng ito kaya niyang manggahasa? Gago lang siya pero hindi siya rapist. Kay Joed ang titulong iyon at hindi kaniya. Kaya niyang pumatay ng benteng tao sa isang araw pero ang gawin ito ay hindi niya magagawa. Bakit pa siya manggagahasa ng babae kung kaya naman niyang magbayad sa club para paligayahin siya? Lumayo si Nexus kay Divina. Ang babae ay nakapikit pa rin ang mga mata. "Hindi kita gagahasain dahil hindi ako ganoong tao. Saka hindi kita type kaya bumangon ka na riyan at aalis na tayo bago pa magsilabasan ang mga aswang." Ani Nexus na nauna nang umakyat sa kalsada. Napamulat naman ng mata si Divina saka mabilis na bumangon. Abot niya ang kaba kanina sa isiping gagawin iyon ni Nexus. Mabuti nalang at hindi ito ganoon ka demonyo. Iniabot nito ulit ang palad sa kaniya, wala na siyang pag-alinlangang inabot iyon. "Teka… nasaan ba tayo ngayon?" tanong ni Divina sa lalaki habang naglalakad na sila sa maputik na daan at tanging liwanag ng buwan lang ang nagbibigay ilaw. "Nandito tayo sa Igang road. Shortcut ang daan na ito patungong highway. Dito ko mas piniling dumaan kanina dahil alam kong hindi nila tayo masusundan dito. Sino ba naman ang nanaising dumaan dito eh, maliban sa lubak-lubak at malalim ang lupa eh maputik pa." Wika ni Nexus na kasamang naglalakad ang motorsiklo. "Ganoon ba? Wala yatang pamamahay rito. Puro palayan at napakalawig na sapa lang ang nakikita ko." Komento ni Divina habang panay ang baling niya sa paligid. Madilim na rin kasi at tanging huni ng hangin at insekto lang ang naririnig niya. Nakikita niya naman sa kabilang banda na may nag-iilaw na kabahayan. Pero sa kinaroroonan nila ni Nexus ngayon walang bahay sa tabi ng daan kundi puro palayan lang. Malayo pa sa kanila ang kabahayan. "Mayroon. Doon pa sa dulo iyon. Pagnaka akyat tayo doon, hindi na maputik ang daan saka magpapahangin ako ng gulong doon. Maliban kasi sa mahirap itong paandarin eh, na flat din ang gulong." Natatawang sabi ni Nexus. "Ang sabihin mo bulok na talaga 'yang motor mo. Bakit ba hindi ka bumili ng bago eh, ang yaman mo na yata diyan sa pagnanakaw mo," sabi ni Divina. Hindi nakasagot si Nexus. Kaya naman binalingan ito ni Divina. Saglit natigilan si Divina. Para kasing biglang sumeryuso ang binata. "May… may nasabi ba akong hindi maganda? Baka bigla mo nalang akong itumba ha, hindi ako prepared." Saad ni Divina. Hindi pa rin umimik si Nexus. Si Divina ay nakaramdam ng kaba sa biglang pananahimik ng lalaki. Hindi na lamang siya nagsalita ulit. Tahimik nalang siyang naglakad kasabay ni Nexus. Pero mayamaya pa'y biglang nagsalita ang lalaki. "Hindi dahil bulok na ay kailangan palitan. Kung minsan ang bulok na ay nagbibigay pa rin buhay. Katulad nito," Tiningnan nito ang motorsiklo. "Bulok na pero buhay pa rin at napapakinabangan. Hindi mapapantayan ng bago ang luma na marami nang memoryang iniwan." Seryuso ito na animo'y may mas malalim na ibig sabihin sa sinabi nito. Hindi na umimik si Divina. Tahimik nalang siyang naglakad, hanggang sa makarating sila ni Nexus na sementadong daan na ang karugtong ay highway na. Nagpahangin muna ng gulong si Nexus at pinainit ang kaniyang motorsiklo. Nang umandar ito ay binigyan abiso si Divina na sumakay na. "Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Divina kay Nexus. Pinatakbo muna ni Nexus ang motorsiklo bago siya sumagot. "Sa lungga ng grupo namin." Gulat naman ang lumarawan sa itsura ni Divina. "A-ano? A-ayaw ko!" "Kung ayaw mo, edi bumaba ka ngayon din. Umuwi ka sa inyo at ituloy mo ang kasal niyo ng hayop na iyon." Ani Nexus. Hindi nakasagot si Divina. Ayaw na niyang bumalik sa kanila pagkatapos ng lahat. Tiyak din na hindi na siya tatanggapin ng parents niya dahil sa ginawa niya. May iba pa ba siyang pupuntahan? Sa tingin niya'y wala na. Sa Bacolod pa rin si Illinois at ayaw naman niyang humingi ng tulong sa kaibigan dahil baka madamay pa ito. Wala siyang choice kundi ang…sumama nalang kay Nexus. "S-sige. Sasama na ako sayo. Pero mangako ka na hindi mo ako hahayaang galawin ng mga kasama mo, Nexus. Sasama ako kaya kargo mo ako ngayon." Wika niya. "Akong bahala sayo, miss beautiful. Basta ang kay Nexus, walang nangingialam." Napabuntonghininga si Divina. Sana nga'y hindi siya pababayaan ni Nexus. Wala na siyang mapupuntahan ngayon. Kung ano man itong naging desisyon niya, sana ay hindi siya magsisi sa huli. NAKARATING sina Divina sa isang bahay na medyo malayo sa bayan. Masasabi niyang malayo iyon base na rin sa biyahe nilang kay tagal. Hindi kalakihan ang bahay na gawa sa bato, nasa gitnang gubat din iyon. Sa katunayan ay nilakad nila ni Nexus papasok doon dahil hindi kayang pumasok ng motorsiklo kaya iniwan iyon ni Nexus sa gilid ng isang malaking puno at tinakpan ng dahon ng saging. Tumambad sa mga mata ni Divina ang grupong thorns, nakaupo palibot sa isang lamesa habang naglalaro ng baraha. Nang makita sila—lalo na nang makita siya ng mga ito ay walang kasing talim na tingin ang ipinukol sa kaniya. "Bakit ka nagdala ng babae rito, Nex?" maangas na tanong ng isang lalaki na nagngangalang Sylvester. "Syempre para sa'kin si Ganda. Matagal na ako nanggigigil diyan eh." Ang komento naman ng isang lalaki na pamilyar ang itsura kay Divina. "Huwag gagalawin ang hindi iyo, Joed kung ayaw mong maputulan ng ari," maangas naman na sabi ng nag-iisang babaeng naroon. Si Zandra. "Naku, nagseselos pa ang Zandra ko!" ani Joed sabay kindat sa babae, pero tinutukan lang ito ng baril ni Zandra. "Tumigil ka kung ayaw mong basagin ko ang bungo mo." Matapang ang babae. Iyon ang nakikita ni Divina. Nang tingnan nga siya nito kanina ay tila kakainin siya nito ng buhay. Ramdam niya agad na hindi nito gusto ang presensya niya. "Easy lang, Zandra. Sayang ang bala," wika naman ng isang lalaki na kakarating lang. Maaliwalas ang itsura nito, animo'y anghel kung tingnan, pero kung sa mata ka titingin ay makikita mong demonyo rin ito. Siya naman si Hex Montemayor. Ang pangalawang leader ng grupo, pumapangalawa ito kay Nexus pero mas gusto ni Nexus na si Hex ang mas mamuno kaysa kaniya. Maliban kay Hex ay mayroon pang pinakapuno sa kanila sa grupo, pero wala sa kanila ang nakakakilala kung sino ito. Nginitian ng Hex si Divina kaya pilit din gumanti ng ngiti si Divina kahit ramdam niya na peke ang pinapakita ng lalaki sa kaniya. "Guy, huwag naman kayong ganiyan sa bisita ni Nex. Saka ikaw, Joed. Umayos-ayos ka. Alam ko ang naglalaro diyan sa isipan mo ngayon, at ito ang sasabihin ko sayo. Huwag mong gawin kung ayaw mong masira ang buhay mo." Pahayag ni Hex. Tumahimik ang nasa upuan at bumalik sa paglalaro ng baraha. Binalingan naman ni Nexus si Hex. "Dito na muna siya, tol. Runaway bride 'to eh. Walang mapuntahan kaya aampunin ko muna," "No problem. Basta siguraduhin mong wala tayong magiging problema." Sabi ni Nexus na seryusong nakipagtitigan kay Nexus. "Oo naman. Kapag nagpasaway si Miss beautiful, ako mismo ang magpapaalis sa kaniya." "Alam mong hindi lang iyan ang dapat gawin, Nex." Tila kinilabutan si Divina sa tono ng pananalita nito kaya napahawak siya sa braso ni Nexus. "Oh, siya, ikaw na ang bahala sa kaniya. Bigyan mo ng damit, bihisan mo. Mukhang basang sisiw eh." Wika ni Hex saka tumungo sa kinauupuan ng mga kasama nila. "Tara sa kuwarto ko," sabi naman ni Nexus ky Divina. Walang reklamo namang sumunod si Divina kay Nexus. Nakuha niya pang balingan ang kalalakihan sa sofa habang naglalakad sila ni Nexus. Nakita niyang nakatitig si Hex sa kaniya—masama at hindi niya gusto ang klase ng tingin na iyon. Para bang kamatayan ang nais nitong ipahiwatig sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD