Divina is now facing her parents. Pinapanood ng mga ito ang video scandal nina Leon. Nakaupo naman si Divina paharap sa mga magulang niya, waiting for their response ukol sa nasambit na scandal.
"Iyan po ba ang matinong lalaking sinasabi ninyo na dapat kong pakasalan, Ma, Pa? Matagal na po akong niloloko ni Leon pero hindi naman po kayo naniniwala sa'kin. Ayoko po pakasal sa kaniya. Ayokong gawin niya akong punching bag at parausan. Kaya please po, huwag na nating ipagpilitan ang kasal."
Umaasa si Divina na sa pagkakataong iyon ay makikinig na sa kaniya ang parents niya. Iyon ang dasal niya. Pruweba na ang scandal ni Leon patunay kung anong klaseng tao ito. At ayaw niyang magpakasal sa ganoong klaseng lalaki. Hindi niya masikmura si Leon.
Divine looked at Divina seriously, her eyes seemed like there was no belief in what her daughter just said.
"At sino'ng gusto mong pakasalan? Ang kriminal na iyon?"
Bumadha ang pagkalito sa itsura ni Divina. Anong sinasabi ng Mama niya?
"Ma, hindi po iyan ang ibig kong sabihin. Sinasabi ko lang po kung anong klaseng lalaki ang gusto niyo para sa'kin. Maliwanag po sa video na iyan kung ano ang ginawa ni Leon," buong tapang na sabi ni Divina.
"Exactly, hija. Leon is a man. A man with needs. Hindi niya iyon makuha sayo sa ngayon dahil hindi pa kayo kasal kaya sa iba niya kinuha. Pero kapag kasal na kayo hindi na siya m************k pa sa iba."
Umawang ang labi ni Divina sa itinuran ng amang si Romulo. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
"P-pa? Anong sinasabi mo? Na okay lang na makipagtalik si Leon sa ibang babae kasi hindi pa naman kami kasal? Pa, nasisira na ba ang utak mo?"
"Ayusin mo ang pagsasalita mo, Divina. Huwag mo akong sabihan ng ganiyan!" Galit na si Romulo at kumuyom pa ang kamao nito.
"P-pa—"
"Enough, Divina! Wala kang karapatan pagsalitaan ng ganiyang ang taong nagbigay ng buhay sayo! How dare you? At ano naman ngayon kung nakipagtalik si Leon sa ibang babae? Kung sana pinagbigyan mo siya hindi na sana siya titingin pa sa ibang babae! At ikaw ha, ano'ng ginagawa mo kanina kasama ang kriminal na iyon? Hindi ba't maliwanag na nagtataksil ka rin kay Leon?!"
Napuno ng kalituhan si Divina. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya. Ang akala niya ay paniniwalaan na siya ng parents niya, pero nagkamali siya ng akala. Wala sa sariling napahagulhol siya ng iyak at walang pasabing tumayo para pumanhik na sa kuwarto niya.
"Matutuloy ang kasal niyo ni Leon, Divina. Kahit ano pang gawin mo!" Ang sabi ni Divine sa kaniyang anak.
Hindi na kaya ni Divina. Tumakbo na siya paakyat sa kaniyang kuwarto.
*****
Wedding day
Katulad ng ibang bride, puno ng saya at excitement ang nararamdaman nila sa mismong araw ng kanilang kasal. Subalit para kay Divina, kalbaryo ang araw na ito. Walang saya at excitement kundi takot ang nararamdaman niya. Takot na makasal sa isang hayop na Leon.
Habang inaayusan si Divina ay tulala lang siyang nakatitig sa repleksyon niya sa salamin habang pinupuri naman siya ng makeup artist dahil sa taglay niyang ganda. Wearing her wedding dress na lalo pang pinatingkad ang ganda niya ay malungkot na lamang niya itong pinagmasdan sa salamin. Kung sana ay kaya niyang maging masaya, pero hindi niya magawa. Pakiramdam ni Divina ay pinagtulungan siyang ipain sa Leon ng parents niya. At wala siyang magawa kundi ang maging bihag na lamang.
"Smile, hija. Sayang ang ganda mo kung nakasimangot ka." Komento ni Divine na hinaplos ang mukha ng anak na malungkot.
Divina took a glance at her mother before speaking in a low tone of voice, "Masaya po ba kayo ngayon, Mama?"
Ngumiti si Divina. "Masaya anak. At mas lalong sasaya kapag tuluyan ka nang naging Mrs. Alejandro." Niyakap ni Divine ang anak, nagpatianod nalang din si Divina.
Iniisip nalang ni Divina na siguro ito na talaga ang kapalaran niya. Wala na siyang ligtas. Tuluyan na siyang bihag ng hayop na Leon.
Sa Simbahan ng Pototan Church idadaos ang kasalan. Maganda ang lugar, simple lang ang Simbahan pero perfect na sa mga gustong magpakasal. Gayunpaman ay walang buhay ang mga mata ni Divina na nakatanaw lang sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan niya ngayon. Sa katunayan nga'y kanina pa pumarada ang kotse sa baba ng Simbahan pero wala siyang lakas na lumabas doon. Kung hindi pa lumapit at kumatok sa bintana ang organizer ng event ay hindi pa siya lumabas sa kotseng iyon. Ngayon ay nasa labas na siya ng malaking pinto ng Simbahan. Nanginginig ang mga tuhod niya na animo'y sa pagtapak niya papasok ay isang halimaw ang nakahandang sumakmal sa kaniya.
Kapag pumasok ka, Divina, wala ka nang kawala pa!
Malalim na bumuntonghininga si Divina.
Nang tumunog ang bell at bumukas ang malaking pinto ay lalong bumadha ang kaba sa itsura ni Divina. Para siyang preso na isasalang sa silya elektrika sa sandaling iyon. Lahat ng mga taong nasa loob ng Simbahan ay nakatitig sa kaniya na nakangiti lalo na si Leon na nasa dulo na animo'y nakangisi at waging-wagi.
Dahan-dahang humakbang si Divina. Sa sobrang bagal niyang humakbang ay nakuha niya ang inis ng Mama niya. Bakit naman siya magmamadali kung doon din naman ang destinasyon niya? Wala namang ibang daan na paliko kundi diretso ang daan patungo sa hayop na Leon.
Ilang hakbang pa, Divina, tuluyan ka nang mapapasakaniya!
Lalong nilukob ng kaba si Divina. Hindi nagsisinungaling ang reaksyon ng itsura niya sa mata ng mga taong naroon ngayon. Saksi ang mga ito kung paanong ayaw niyang makasal kay Leon. Alam ni Divina na magva-viral sa balita ang itsura niya pero wala na siyang pakialam.
Nang tuluyan nga siyang nakarating kina Leon ay agad siyang pasimpleng pinagalitan ng Mama niya.
"Bakit ang bagal-bagal mong maglakad? Para kang nagbibilang ng bituin sa langit." Anang Mama niya.
Hindi kumibo si Divina. Nang yakapin siya ng parents niya ay wala siyang naramdaman at nagpatianod na lamang.
"Ang ganda-ganda mo, babe." Pamumuri ni Leon sa kaniya na abot langit ang ngiti.
Wala siyang imik na kumapit sa braso nitong nakalahad sa kaniya. Naglakad sila ni Leon patungo sa altar—sa Paring naghihintay sa kanila.
"Hindi ka ba masaya, babe? This is our wedding kaya dapat masaya ka," komento ni Leon.
Walang emosyong nagsalita si Divina, "Kasal mo lang, Leon. Kasal mo lang."
Alam ni Divina na hindi naging maganda ang tabas ng dila niya at hindi iyon nagustuhan ni Leon kaya pasimple nitong hinawakan ang braso niya nang mahigpit.
"Huwag ngayon, Divina, lalo't ini-enjoy ko ang moment na 'to."
Hindi na nagsalita pa si Divina. Pero mayroong pasya na unti-unting bumubuo sa isipan niya. Desisyon na biglang sumampal sa kaniya at sasampal sa lahat ng taong narito ngayon—lalo na kay Leon.
Hindi ako magpapapain sayo, Leon! Because I love my life!
Sa sandaling iyon unti-unting nahimasmasan si Divina. Hindi lang pala bibig niya ang mabilis kumilos kundi utak niya rin at katawan. Nag-awtomatikong bumitaw siya sa paghawak sa braso ni Leon. Ang lalaki ay nangunot ang noong tiningnan siya. Agad bumalatay ang ngisi sa labi ni Divina para kay Leon at mukhang nahuhulaan ni Leon ang klase ng ngiting iyon.
"Don't do it, Divina, I warned you!" mariing sabi ni Leon.
Ngumiti ng hilaw si Divina kay Leon bago siya nagsalita. "Hindi pa ako baliw para pakasalan ka, Leon. Kaya magpakasal kang mag-isa mo!"
Pagkasabi niyon ay hinawakan ni Divina ang laylayan ng suot niyang gown, hinubad ang kaniyang stiletto, saka mabilis na tumakbo palabas ng Simbahan.
Ang lahat ay napasinghap sa kaniyang ginawa, lalo na ang mga magulang niya na hindi makapaniwala sa kaniyang ginawa.
"Come back here, Divina!" tawag ni Divine sa anak na ikinatigil naman nito sa pagtakbo.
Binalingan ni Divina ang Mama at Papa niya na may ngiti sa kaniyang labi.
"I'm so sorry po." Iyon lang saka mabilis na siyang tumakbo palabas ng Simbahan.
Sa pagkakataong iyon ay nagawa rin magdesisyon ni Divina para sa kaniyang sarili.
Tumakbo siya pababa ng hagdan ng Simbahan habang hinahabol naman siya nina Leon at parents niya. Hanggang sa may bigla siyang narinig na sipol—sipol ng lalaking pamilyar sa pandinig niya.
Nexus!
Nakita niya si Nexus na nakaprenteng nakaupo sa lumang motor nito at naninigarilyo.
"Hi, miss beautiful. Baka gusto mong sumakay na bago ka pa mahuli ng hayop at tuluyang malapa." Sabi ni Nexus.
Walang pag-aalinlangan na sumakay nga si Divina sa likuran ng sasakyan ni Nexus.
"Divina, huwag!" sigaw ng Papa niya.
"Comeback here, Divina!" ani naman ni Divine na lumuluha na.
Habang kuyom naman ni Nexus ang kaniyang kamao habang matalim na nakatingin sa dalawa.
Nang umandar ang motorsiklo ay mahigpit na kumapit si Divina sa bewang ni Nexus.
Thank God!
Iyan ang naiusal ni Divina nang mabilis na rumangkada ang motorsiklo ni Nexus palayo sa Simbahan at tanging usok nalang ang iniwan sa mga taong naroon.