HINDI napigilan ni Divina ang mapa-iyak. Literal na napahagulhol siya ng iyak pagkatapos niyang isuka lahat ng kinain niya. Lumabas siya sa bahay na iyon. Lumayo siya sa mga baliw na tawa nang tawa matapos sabihin sa kaniya na hindi manok ang kinakain niya kundi ang nakakadiring daga at ahas!
Pakiramdam ni Divina ay pinagkaisahan siya ng mundo!
Buong buhay niya, hindi niya naranasan magutom o makakain ng pagkain na hindi aayon sa sikmura niya. Pero ngayon, sa sobrang gutom na nararamdaman niya ay nagawa niyang kumain ng ganoong uri ng pagkain at kasalanan iyon ni Nexus!
Divina felt devastated.
Galit din siya kay Nexus!
Ngayon habang nakaupo siya sa harapan ng sapa na nasa likurang bahagi ng bahay ay naisip niyang bumalik nalang sa kanila kinabukasan, o hindi kaya'y mag-withdraw siya sa bangko at maghanap nalang ng ibang matitirhan. Wala siyang mapapala sa pagsama niya kay Nexus. Masisira lang ang buhay niya. Saka bakit ba siya sumama sa lalaking iyon? Bakit nga ba?
"Ah! I hate you, Nexus! I hate you!" galit niyang sigaw habang lumuluha.
Sa mga sandaling iyon ay hindi niya alam na nasa likuran pala niya si Nexus at tahimik siyang pinagmamasdan.
"Kaya ka ba galit dahil sa nakain mo? Mas mahalaga pa ba iyon sa kumakalam mong sikmura?"
Napabaling si Divina sa lalaki. Gulat ang naging reaksyon niya nang makita ang lalaki sa likuran niya na naninigarilyo habang nakatingin sa kaniya. Lalo siyang napaiyak habang galit ang mga matang nakatutok kay Nexus.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ko, hindi ba? Kaya umalis ka na. Stay away from me dahil wala kang alam sa nararamdaman ko ngayon!" Her tears burst because of pain. Pakiramdam niya ay kailangan nang ilabas lahat ng sama ng loob niyang naipon nang kay tagal.
"I'm just f*****g hungry and why can't I eat a decent food?!" sumbat niya sa lalaki. Muli ay humagulgol ng iyak si Divina.
Matiim na tinitigan ni Nexus ang babaeng umiiyak. Umigting ang magkabilang panga niya habang nilalaro ang usok palabas sa bibig.
"Ang problema kasi sa inyong mayayaman ang aarte niyo. Hindi porke dagang bukid madumi na. Hindi porke ahas madumi na. Para sabihin ko sayo, malinis akong magluto. Kung nakakadiri ang pagkain ng daga at ahas para sa inyo, sa amin palaman din iyon sa sikmura na kumukulo. Kung ayaw mong kainin huwag mo na lang pilitin at isusuka lang naman dahil sayang ang pagkain."
Natahimik si Divina. May punto si Nexus. Magkaiba sila ng estado sa buhay at wala siyang alam sa mga klase ng mga pagkain na kinakain ng mga ito. Basta na lamang siyang dumating dito at sumama kay Nexus alangan naman ipaghain siya ng letson kung daga at ahas ang nakahanda nang lutuin sa araw na ito.
Gusto niyang ipunto kay Nexus na hindi naman kasi niya alam at mas lalong hindi naman siya maarteng tao. Talagang nagulat lang siya dahil ni sa hinagap ay hindi niya inisip na kakain ng ganoong uri ng pagkain.
Sinulyapan muli ni Divina si Nexus, ngunit wala na ito sa likuran niya.
"Na offend ko ba siya? P-pero hindi ko naman kasi talaga alam na hindi manok iyon. Kasalanan niya rin dahil nagsinungaling siya sa'kin. Kung sana sinabi niya kaagad na a-ahas at d-daga iyon edi hindi ko na sana kinain, para hindi niya isipin na binabastos ko ang klase ng pagkain na meron sila." Pagkausap ni Divina sa kaniyang sarili.
Muli siyang napaiyak. Saan ba siya pupunta ngayon? Pakiramdam niya ay wala siyang kakampi.
"Pumasok ka na sa loob. Malamok diyan sayang ka kung mauubos ang dugo mo kakasipsip nila."
Isang boses ang narinig ni Divina mula sa likura niya. Mabilis siyang bumaling doon.
Isang lalaki ang nakita niya. Matangkad na lalaki na medyo may kalakihan ang katawan. Nakasuot ito ng hood jacket at pajama. Natatabunan naman ng hood ang kabuuan ng ulo nito kaya hindi niya matukoy kung kalbo ba ito o mahaba ang buhok. Aba malay niya kung kalbo pala 'to edi si Kalbo ang ipapangalan niya total hindi naman niya ito kilala.
"Ako si Milo." Pakilala pa ng lalaki sa kaniya. Wala naman itong ibang reaksyon. Plain lang ang mukha. Parang damit na plain at walang desenyo!
Saka ang ganda ng pangalan ah. Milo. Wala bang ovaltine? Napangiwi si Divina sa kaniyang naiisip.
"Okay lang ako rito, Milo. Hindi naman siguro agad-agad mauubos ang dugo ko sa lamok." Aniya saka muling bumaling sa sapa.
"Mayroon din aswang na pagala-gala rito kung gabi."
Mabilis lumikot ang mga mata ni Divina sa paligid. Maging sa sapa ay sinipat niya rin. Mahirap na baka may aswang doon at bigla na lamang siyang hilahin pababa. Wala sa sariling napatayo siya, ramdam ang mabilis na t***k ng puso dahil sa kaba.
"M-mayroon ba talagang a-aswang?" naisambit niya.
"Marami. Ang isa diyan masama na ang tingin sa akin at gusto na akong kainin. Kaya kung ako sayo, pumasok ka na bago pa tayo lapitan ng isang mabangis na asungo—aswang."
Sa sinabi ni Milo ay natatarantang tumakbo si Divina papasok sa loob ng bahay na hindi na hinintay pa si Milo.
Wala ng taong naglalaro ng baraha sa puwesto kanina. Siguro tulog na ang mga ito. Naupo si Divina sa isang silya roon, at hinintay na pumasok si Milo. Nang pumasok nga ang lalaki ay kaagad niya itong tinatong.
"Ahmm… nasaan ang mga tao rito? Tulog na ba sila?" tanong niya.
Naupo si Milo sa isa rin silya. Mayamaya pa'y may inilabas itong bagay sa loob ng jacket nito.
Baril!
Ipinatong iyon ng lalaki sa lamesa, saka gamit ang panyo ay nilinisan nito ang baril na mukha namang walang alikabok sa kintab nito.
Hindi mapigilan ni Divina ang mapalunok. Bakit naglabas ng baril si Milo? Babarilin ba siya nito?
"Sila ba ang hinahanap mo?" Alanganing tumango si Divina habang sa baril nakatutok ang paningin niya. "Umalis sila. Naghanap ng aaswangin."
"A-anong ibig mong sabihin na aaswangin?" kunot ang noo niyang tanong.
Kaswal siyang tiningnan ni Milo ng ilang sandali, kapagkuwa'y ngumisi ito bago muling nagsalita.
"Nanakawan. Naghahanap sila ng nanakawan ngayong gabi."
"Huh?" Iyon lang ang tanging nasagot niya kay Milo na muling tinuunan ng atensyon ang baril.
Nakalimutan yata niya na isang magnanakaw pala at criminal ang mga taong kasama niya. Hindi kaya nanganganib ang buhay niya sa poder ng mga ganitong klaseng tao?
Nakagat ni Divina ang pang-ibabang labi niya. Mali ba ang desisyon niya na takasan ang kasal nila ni Leon? Mali ba ang desisyon niyang sumama kay Nexus na hindi naman niya kilala?
Kaya pa ba niya o aalis na siya ngayon din?