MIIWAC 15- Ulam ni Divina

1065 Words
LUMABAS si Divina sa isang silid kung saan siya dinala ni Nexus kanina na suot ang damit ng binata. Nanghiram muna siya kay Nexus ng malaking tshirt, at dahil basa pa ang nilabhan niyang panty kanina ay wala siyang suot ngayon. Mahangin nga ang pakiramdam niya, mabuti na lang malaki sa kaniya ang damit ni Nexus kaya para itong naging bestida. Sanay naman siyang hindi nagsusuot ng panty, lalo na sa gabi kaya okay lang iyon para sa kaniya. Hinanap ni Divina si Nexus. Ito lang kasi ang alam niyang makakasundo niya, ang iba kasing kasama nito ay mukhang nakakatakot. Ewan, hindi siya komportable sa mga ito lalo na ang nagngangalang Hex. Natagpuan naman niya si Nexus na nagluluto sa kusina, nakahubad ito ng pang-itaas na damit at nakasuot lang ng pantalon na maong. Naagaw ng paningin niya ang tattoo ni Nexus mula sa likod ng batok nito papunta sa malapad nitong likod. Isang klase ng dragon ang tattoo na ito na kumalat sa buong likod niya. In fairness, bagay sa kaniya. "Ahmm… Nexus?" tawag niya sa binata. Bumaling naman si Nexus sa gawi niya. Ngumisi pa ito at napasipol nang makita ang ayos niya. "Wew. Bagay pala sayo ang damit ko? Pero siguro wala kang panty no? Alam ko, kasi nakita ko ang panty mo na nakasampay sa labas." Nanlaki ang mga mata ni Divina sa tinuran ni Nexus. Abay, masama ang tabas ng dila ng isang 'to ah! Napahawak siya tuloy sa gitnang hita niya. Baka liparin kasi iyon ng hangin at makita ni Nexus ang petchay niya. "Ang bastos talaga ng bibig mo," asik niya. "Ano ba iyang niluluto mo? Mukhang masarap ah." Tumawa si Nexus bago sumagot. "Ito ba? Naku, adobong manok ito. Sandali nalang ito at kakain na tayo." Natakam naman siya kaagad. Kanina pa kasi siya gutom. "Matagal pa ba iyan? Nagugutom na kasi ako eh," aniya. "Malapit na 'to, miss beautiful." Tumango-tango naman si Divina habang tumitingin siya sa nilulutong adobo ni Nexus. Paminsan-minsan pa'y sinusulyapan niya si Nexus, at may nakita siyang tattoo sa leeg nito. Pangalan iyon. Isabel Na curious tuloy si Divina kung sino ang Isabel na ito sa buhay ni Nexus. Pero hindi na siya nagtanong, baka sabihin nito pakialamera siya. "Nexus, okay lang ba talaga sa mga kasama mo na nandito ako?" Sa halip iyon ang naitanong niya. Binalingan naman ni Nexus si Divina. Seryoso itong tumingin sa dalaga. "Hindi nila gustong nandito ka. Saka, hindi ka naman siguro magtatagal dito?" Tila sinampal si Divina sa prangkang salita na iyon ni Nexus. Pero mas mabuti nang prangka ito kaysa naman magsinungaling pa. "G-ganoon ba. Hindi bale, hindi rin naman ako magtatagal dito. Aalis din ako sa susunod na araw kapag handa na ang papeles ko papuntang US," pagdadahilan niya. Pero alam ni Divina na dahil sa ginawa niyang pagtakas sa kasal nila ni Leon ay mahihirapan na siyang makalabas ng bansa dahil bantay-sarado na ngayon ang bawat galaw niya. Siguro ang tanging maaasahan nalang niya ngayon ay ang pera niya sa bangko. "Mabuti naman. Teka, tulungan mo muna akong ihain ito sa lamesa para makakain na tayo. Alam mo dito kasi, ako ang tagaluto dahil ang mga kasama ko ay hindi marunong magluto kaya iyong mga tamad andoon at naghihintay na ng specialty ko," wika ni Nexus. Tumalima naman si Divina. Tumulong nga siya kay Nexus sa paghahain. Siya na ang nagdala ng ulam sa lamesa. Kagat-labi pa nga siya habang ipinapatong ang pinggan na may laman na ulam dahil lahat ng paningin ay sa kaniya nakatutok. "Kayo talaga. Huwag niyo ngang tinatakot 'tong bisita natin. Huwag kayong mag-alala hindi naman siya tatagal dito kaya pakisamahan niyo na muna," ang sabi ni Nexus na inakbayan pa si Divina. "Upo na, miss beautiful." Naupo sa silya si Divina. Wala naman siyang sagot na narinig mula sa mga kasama ni Nexus, tahimik lang ang mga itong kumuha ng ulam at kanin saka kumain. Inabisuhan na rin siya ni Nexus na huwag nang pansinin ang mga taong naroon at kumain na lamang siya. "Masarap ba?" Tanong ni Nexus kay Divina. Tumango si Divina. Walang duda, masarap magluto ng adobo si Nexus. Pero nagtataka lang siya kung bakit medyo kakaiba ang karne niyon, pero hindi rin maipagkakaila na manok ito. "Masarap." Tugon niya. Ngumiti si Nexus. "Sinabi mo ba kung anong luto iyan?" saad naman ni Hex na nakangisi. "Adobo," maikling tugon ni Nexus. Kumain lang nang kumain si Divina dahil gutom na gutom talaga siya at hindi na pinansin ang dalawang lalaki kahit naririnig niya ang palitan ng salita ng mga ito. Masarap kasi talaga ang luto ni Nexus, lalong nakakaganang kumain dahil medyo spicy pa ang pagkakaluto nito. "Mabuti at hindi siya maarte katulad ko," komento naman ni Zandra na nakataas ang kabilang kilay. Napatingin dito si Divina. May pakiramdam siya na may gusto ang babaeng ito kay Nexus. Kaya siguro siya tinatarayan. Energy never lies, ika nga. "Siguro naman hindi. Kinain niya ang luto ko eh." Sabat naman ni Nexus. Hindi na nakatiis si Divina kaya't nagsalita siya kahit puno ang bibig. "Huwag kayong mag-alala hindi ako maarte sa pagkain." "Kung ganoon. Dapat sabihin mo na sa kaniya kung anong klaseng putahe ang kinakain niya ngayon," sabi ni Hex na naglalaro ang kislap ng mga mata. Doon natigilan si Divina. Bakit sa tono ng boses ni Hex eh parang may kakaiba itong pinapahiwatig? Hindi ba adobong manok ang ulam nilang ito? "Alam ko, adobong manok." Sagot niya kay Hex. Ngunit tumawa ang lalaki bagay na ikinakunot ng noo niya. "Mali ka," ani Zandra. "Maling-mali," saad ni Joed na nakangisi habang sinisipsip nito ang buto ng manok. Nagpalipat-lipat ng tingin si Divina sa mga kalalakihang nagsalita. Kunot ang noo niyang tiningnan ang ulam at ginalaw ito gamit ang tinidor. Wala namang mali sa pagkain niya. Manok iyon, sigurado siya. Si Nexus nama'y tahimik lang na kumakain at hindi pinapansin ang mga nagsasalita. Bahala silang magdadaldal basta siya ay kakain. Samantalang hindi naman nakatiis si Divina at agad nagtanong kung ano ba talagang adobo ang ulam nila. Sinagot naman siya kaagad ni Milo. "Adobong… daga at ahas. Specialty iyan ni Nexus na paboritong-paborito namin. Masarap 'di ba—" "Uwwaa!" Sumuka si Divina—sa mismong plato niya. Bumaliktad ang sikmura niya at halos ilabas niya ang lahat ng kinain maging ang bituka niya sa kaalamang hindi pala ito adobong manok, kundi adobong daga at ahas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD