MIIWAC 6- Ang kawawang Divina!

1101 Words
"Hi, babe," tumayo si Leon at naglakad papalapit sa kaniya at gayon naman ang pag-atras niya, "ang bango mo, ah. Puwedeng pahalik?" anito na ang itsura ay parang wala sa sarili. Lalo pa siyang napaatras nang gahibla na lang ang layo nilang dalawa. Wala na rin siyang artisan dahil bumangga na ang likod niya sa pader. Game over, Divina! "L-lumabas k-ka sa silid k-ko ngayon din! D-dahil kung hindi—" "Kung hindi ako lalabas, Divina, ano'ng gagawin mo? Sisigaw ka? Walang makakarinig sayo dahil maingay sa baba saka tulog na rin yata ang parents mo." Ngumisi si Leon saka inamoy ang leeg ni Divina. "Bakit hindi mo na lang ako hayaan sa gusto kong gawin sayo, babe? Hmm? Total naman, ikakasal na tayo, so why don't we do our honeymoon first?" Sa narinig ay malakas na tinulak ni Divina si Leon saka malakas itong sinampal sa pisngi. "Sige, subukan mong galawin ako dahil pinapangako ko sayo na hindi matutuloy ang kasal natin! Plus, ipapakulong kitang hayop ka!" umiiyak nang bulyaw niya kay Leon. Dumilim ang anyo ni Leon, umigting ang panga at biglang tumaas ang isang palad saka sinampal siya. Tumabingi ang mukha ni Divina. Hindi siya makapaniwalang sinapo ang pisngi na sinampal ni Leon. "Ano'ng nangyayari dito, ha? Bakit umaabot sa baba ang boses mo, Divina? Ano na naman ba ang ginawa mo kay Leon?" Ang bungad na sinabi ni Divine na pumasok sa silid kasama ang asawang si Romulo. Napaiyak si Divina. Siya na naman. Palagi na lang siya! "Ma—" "I'm so sorry po, Tita, Tito, kung pinagbuhatan ko ng kamay si Divina. Siya kasi eh, gusto ko lang naman magpaalam sa kaniya na uuwi na ako, saka bilang lalaki ay gusto ko lang naman humingi ng halik sa kaniya. Pero bigla na lang niya akong minura saka sinampal. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nasampal ko rin siya." Binalingan ni Leon si Divina at nakikiusap ang boses na humingi ito ng tawad. "I'm so sorry, babe. I didn't intend to hurt you. Nadala lang ako ng emosyon ko. Ikaw naman kasi e." Napaawang ang labi ni Divina. Hindi alam kung matatawa ba o maiiyak. Sa halip na siya ang pakikinggan ng mga magulang niya ay mas pinili pa ng mga ito si Leon. "Mag-uusap tayo, Divina!" galit na sabi ng Mama niya saka ito lumabas sa silid niya para ihatid si Leon sa baba. Hawak ang kabilang pisngi na sinampal ni Leon, ay nanghihinang napaupo si Divina sa kama niya. Hindi niya inaakalang kaya siyang saktan ni Leon gayong hindi pa man sila mag-asawa. Paano pa kaya kapag mag-asawa na sila? Hindi kaya puro bugbog ang aabutin niya sa lalaki? "Ano na naman ang ginawa mo, ha, Divina? Alam mo kanina ka pa eh! Inuubos mo talaga ang pasensya kong bata ka! Akala ko ba nagkausap na tayo tungkol dito na you will treat Leon good as he does to you pero bakit ang tigas pa rin ng ulo mo, ha?! Nakakahiya na ang pinaggagawa mo—" "Talaga ba, Ma?!" Divina couldn't take it anymore but to scream loud. Sa ginawa niyang pagsigaw sa Mama niya ay malakas dumapo sa pisngi niya ang isang palad nito. Ang galit na galit na si Divine ay hindi pa nakontento sa pagsampal sa anak na parang wala nang respeto sa kaniya, kaya hinila niya ang buhok nito saka sinabunutan ang batang iniluwal at pinalaki niya na walang kasing tigas ang ulo. "How dare you shout at me, Divina! Wala kang utang na loob! Pinalaki kita't pinaaral tapos ganito ang igaganti mo sa'kin!" "M-ma… t-tama na po. N-nasasaktan a-ako–" "Talagang masasaktan ka sa'kin kapag hindi ka pa umayos na bata ka!" Marahas binitiwan ni Divine ang buhok ng anak saka ito nahahapong naupo sa kama at napahawak sa dibdib. Nang makita naman ni Divina ang itsura ng Mama niya ay kaagad siyang nag-alala rito imbes na alalahanin ang sarili niya na tila isang bruha na sabog-sabog ang buhok. "M-ma, okay ka lang po ba? Ma, sorry na po," niyakap niya ang dibdib ng Mama niya saka umiyak doon. "Ano'ng kaguluhang 'to—Divine? Mahal, okay ka lang ba?" Ang natatarantang sabi ni Romulo na siyang kakapasok lang sa kuwarto ni Divina. "T-tumaas y-yata ang altapresyon ko, Romulo d-dahil dito sa anak mo," Nakagat ni Divina ang labi nang balingan siya ng ama. "Ano na naman ba ang ginawa mo, Divina? Gusto mo ba talaga kaming patayin sa sama ng loob ng mama mo?" pagalit na sabi ni Romulo sa anak. Nakagat na lamang ni Divina ng mariin ang kaniyang labi at nanghihinang naupo sa sahig habang sinusundan ng tingin ang Mama niya na inaalalayan ng Papa niya palabas ng kaniyang silid. KINABUKASAN maagang nagising si Divina kahit ilang oras lang ang naging tulog niya nakaraang gabi. Sa dami kasi ng pumapasok sa isipan niya ay kahit anong pikit niya sa mga mata ay nanatili itong dilat. May bumubulong pa nga sa kaniya na tumakas na habang hindi pa siya tuluyang natali kay Leon. Pero hindi niya gagawin iyon. She loves her parents kaya titiisin niya ang hangga't kaya niya. Matapos niyang ipagluto ng almusal ang parents niya, ay pumunta siya sa isang Grocery store. Dala ang black sedan niyang kotse na pinag-iponan niyang bilhin ay ipinarada niya ito sa isang Parking area bago siya tumuloy sa entrance ng nasabing Grocery store. It seems quiet. Tahimik ang buong paligid ng Grocery store. Parang walang namimil or guni-guni niya lang? Siguro nga guni-guni niya lang 'yon dahil kulang siya sa tulog. Nagkibit balikat siyang kumuha ng cart saka tinulak ito patungo sa meat section. Kumuha siya ng iba't ibang klase ng karne at inilagay iyon sa cart, pagkatapos ay tumungo naman siya sa fruit area, and then sa kung saan pa siya may kailangang bilhin. Nadaanan ni Divina ang iba't ibang klase ng wine kaya doon muna siya tumigil para pumili. At habang binabasa niya ang isang label ng wine, ay nakarinig siya ng tunog ng isang boteng binuksan. Malapit lang iyon… sa gilid niya. Agad na binalingan ni Divina ang gawing iyon, at gayon na lang ang pagsinghap niya nang makita ang isang lalaki na nakatayo, may hawak na bote ng wine at kasalukuyan itong tinutungga! Tumunog pa ang lalamunan nito habang lumulunok. "Aahh! Refreshing!" anang lalaki matapos bawiin ang bibig sa labi ng bote, sabay na tumingin sa kaniya at kinindatan siya. "Hello, miss beautipol!" Divina was stunned looking at the guy who looked like a 'bad boy'—who was now smiling at her like an idiot! Hindi maaari! Ang walang modong lalaking 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD