MIIWAC 7- Nexus

1230 Words
NAKITA ni Nexus kung paano mag-iba ang anyo ng dalaga nang makita siya nito. Ang kaninang malambot na expression nito ay napalitan ng pagkatigas! Pero hindi niya maipagkakaila na maganda talaga ito kahit ano pa ang maging expression ng mukha nito. "Hi, miss beautipol!" wika niya muli sa babae sabay kindat ulit dito. Pero hindi niya inaasahan ang gagawin nitong paghampas ng bote sa ulo niya. "A-aray ko—putangina ko!" hiyaw niya sabay na sinapo ang ulo na tinamaan ng bote ng wine. Sandali yatang humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya at nandilim din ang paningin niya na kamuntikan pang matumba sa sahig. Sa nanlalabong paningin ay sinipat niya ang dalaga, subalit mabilis na itong tumatakbo palabas at sa tantiya niya'y lalabas ito ng Grocery store. Pa-ekis ekis siyang humabol dito. "Huli ka!" "Ahhh! Bitawan mo ako! Pakawalan mo ako!" Naabutan ni Nexus ang dalaga na binubuhat ng kaibigan niyang si Joed. Nakita niya pa ang pasimpleng pagpisil ng kaibigan sa pang-upo ng dalaga. May namuong inis sa dibdib niya kaya mabilis siyang naglakad palapit sa mga ito at walang paalam na sinuntok sa panga si Joed. "What the f**k, Nex?!" gulat na sambit ni Joed. Tinapik niya ang balikat ng kaibigan sabay hinila ang babae na hawak nito palapit sa kaniya. "Ang kay Nexus, kay Nexus." Napatawa si Joed sabay na naiiling. "Kahit kailan talaga trip mong manuntok ng pabigla. Tsk! Babalik na nga ako sa loob, saka ikaw nang bahala diyan sa magandang babae. Pagkatapos mo sa kaniya, puwedeng ipasa mo sa'kin?" nakangising saad ni Joed na malagkit ang titig kay Divina. "Bastos!" singhal ni Divina sa mukha ni Joed. "Oh, umalis ka na rito. Bastos ka raw eh," ani Nexus kay Joed na ngumingisi. "Isa ka pang bastos ka! Buhay ka pa pala? Bakit hindi ka nalang mamatay!" singhal din ng babae kay Nexus. Imbes na sagutin ni Nexus ang babae ay marahas niya itong hinila at kinaladkad papasok sa looban. Tinali niya ito sa isang istante at binusalan sa bibig. "'Yan. Ganiyan dapat. Ang sarap sa tenga, walang ingay," sabi ni Nexus sa tono ng paborito niyang artista. Itinabi niya ang dalaga doon sa mga empleyado na tinali rin nila at binusalan sa bibig. "Hmmmp!" angil ni Divina gustong magsalita pero hindi magawa. Kinindatan ni Nexus ang babae saka walang ano-anong hinalikan ang labi nito na may busal. Naramdaman niyang natigilan ang babae at nanlalaki ang mga mata nito. Ngumisi siya. "Huwag kang mag-alala, miss beautipol. Nag-toothbrush naman ako pero noong isang araw pa." Lalo pang lumapad ang pagngisi ni Nexus nang magdabog-dabog ang babae sa sahig. Natatawa niya itong iniwan bago binalikan ang kaninang ginagawa niya. "Nex, hindi ba iyan din 'yong babaeng nakita natin sa Bangko?" anang kaibigan niyang si Milo na kasalukuyang sinisimot ang lagayan ng pera sa cashier. "Siya nga. Akalain mo 'yon dito pa kami magkikita," nakangisi niyang sabi. "Ano ang gagawin mo sa kaniya? Pipilitin mo na naman siyang isama? Alam mo, si Joed, malagkit ang titig sa babaeng iyan, tingnan mo," ani Milo sabay nguso kay Joed na hindi maalis-alis ang titig sa babae. "Type niya iyan, at tiyak kong hindi titigil si Joed hangga't hindi niya natitikman 'yan." Umigting ang panga ni Nexus sa sinabi ni Milo. Sa lahat sa kanila sa grupo ay si Joed ang pinakagago pa sa gago kung sasabihin, lalo na pagdating sa isang babae. Dahil wala itong sinasanto mapa bata man o matanda basta inatake ito ng pagiging manyak nito. "Subukan niya lang galawin ang kay Nexus dahil titiyakin kong ako mismo ang puputol sa maliit niyang ari at ipapakain ko ito sa kaniya," wika niya sa tono ng pambabanta. Napangiwi si Milo sa sinabi niya. "Kadiri ka, Nex. Ikaw kaya ang pakainin ng sarili mong etits. Tsk!" "Gagawin ko talaga 'yon," seryuso niyang sabi. "Sa kaibigan mo? Eh, hindi mo naman kaano-ano ang babaeng iyan kung ikumpara sa kaibigan nating si Joed na matagal na nating nakasama. Bakit, Nex, may gusto ka ba sa babaeng iyan?" saad ni Milo. Tumawa si Nexus sa sinabi ni Milo. "Gago ka ba? Ako magkakagusto sa isang babae? Nakakalimutan mo na yatang matagal na akong naging manhid simula nang mawalan ako ng mahal sa buhay. Tsk! Hindi ang babaeng iyan ang makakapaglambot ng puso ko, Milo." Pahayag ni Nexus na tatawa-tawa pa. "Kung ganoon, bakit ganoon ka nalang kung pigilan si Joed sa gusto nitong gawin sa babae kung wala ka naman palang pagtingin?" giit ni Milo. "Simple lang. Ako ang naunang nakakita sa babae kaya akin siya. Saka ko na siya ipapasa kay Joed kapag nakuha ko na ang gusto ko sa kaniya." Naiiling si Milo sa isinagot niya. "Ibang klase ka talaga, Nex. Pasimple ka rin, eh. "Naman. Nakalimutan mo rin yata na gago rin ako," nakangisi niya sinabi na ikinatawa naman ni Milo. Pagkatapos nilang simutin ang laman ng bawat cashier ay tinawag nila ang dalawang kasama na sina Joed at Sylvester. Apat lang sila nanloob sa nasabing gusali at ang iba naman nilang kasama ay may kaniya rin raket at ang target naman ay isang Pawnshop. Magtatagpo na lang sila mamaya sa napagkasunduang lugar para sabay na silang aakyat sa bundok kung saan sila nagtatago. "Okay na ba ang lahat?" tanong ni Nexus sa mga kasamahan na pawang may bitbit na bag. "Yes, sir!" nakasaludong sabi naman ng nga ito. "Oh, edi larga na mga gago!" aniya saka magmartsa na parang sundalo. Pero sandali nga. Naalala ni Nexus ang babaeng maganda. Iniwan niya muna ang bag kay Milo saka pinuntahan ang babae. Nilapitan niya ito, at tinanggal ang busal sa bibig nito. "Ahhh!" angil ng babae sa kaniya na kamuntikan pa siyang kagatin, pero mabilis niyang pinigilan ang noo nito. "Alam mo, miss beautiful gusto kitang isama eh. Pero masyado kang maingay. Ganito na lang. Hahayaan na muna kita sa ngayon, pero kapag gusto mong sumama sa'kin, magsabi ka lang. I'm just one call away! Elats! Ang galing ko pala mag-english!" napapalakpak sa hangin na sabi ni Nexus. "At kung sasama ako sayo, saan mo naman ako dadalhin, ha? At sino ka pala para sumama ako sayo?" anang babae sa magkasunod na tanong. Napakamot sa ulo si Nexus. Maingay talaga ang babae, saka parang mega phone ang boses. "Miss beautiful, unang tanong mo sasagutin ko, ha. Dadalhin kita sa bundok. Maganda roon. Wala kang poproblemahin doon at gagawin kitang prinsesa ng mga unggoy. Pangalawa, ako si Haring gagong Nexus Crisosomo—ang siyang magdadala sayo sa bundok kapag hiniling mo." Nakangising sagot ni Nexus saka kinindatan ang babae. "Hoy, lalaki! Unang-una maganda ako para gawin mong prinsesa ng mga unggoy! Pangalawa, hindi pa nasisira ang ulo ko para sumama sa gagong tulad mo! Tse!" Nagkibit-balikat lang si Nexus. "Edi, don't. Pero dadating din ang oras na kakailanganin mo ako, miss beautiful. At kapag dumating ang araw na iyon, ito ang numero ko," sabay pasak niya ng maliit na papel sa loob ng bra ng babae na ikinalaki ng mga mata dahil sa ginawa niya. "I'm just one call away! Elats!" aniya sabay muling kindat sa babae bago ito tinalikuran. "Buwesit kang lalaki ka!" singhal sa kaniya ng babae. Alam niyang namumula ang buong mukha nito pero wala na siyang panahon na balingan pa ito. Pasipol-sipol siyang naglakad sukbit ang bag sa balikat at may pasayaw-sayaw pang nalalaman. Siya si Nexus Crisosomo. Nangunguna sa grupong thorns. Hari ng mga gago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD