MIIWAC 5- Be a good girl, Divina!

1060 Words
Divina has no words to say, to explain what happen earlier. Paano pa siya magpapaliwanag kung putak nang putak ang Mama Divine niya na animo'y naroon ito sa lugar kung saan muntikan na siyang magahasa at mapatay. "I told you, Divina, na walang magandang idudulot iyang Coffee shop mo! Nakinig ka sa'kin? Hindi! Ayan at muntikan ka nang masaktan dahil sa katigasan ng ulo mo!" nahihistreykal na bunganga sa kaniya ng ina. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Syempre, kailan pa ba nito tinanggap ang negosyo niya? Ni minsan hindi siya nito sinuportahan para doon kaya ano ang ini-expect niya na sabihin nito? Hindi nga niya maramdaman na nag-aalala ito sa kaniya ngayon. "Don't worry, Tita, Divina is fine. Ni galos ay wala siya dahil nandoon ako." She rolled her eyes. Isa pa 'tong lalaking 'to. Masyadong mayabang. Oo, nagpapasalamat siya kay Leon dahil iniligtas siya nito sa lalaking iyon. Pero hindi ibig sabihin niyon ay makikipag-ayos na siya rito. Asa pa ito! Makakuwento sa Mama niya sa ginawang panununtok sa kalaban kanina na halos wala ngang tinamaan eh, daig pa ang manok na putak nang putak. Kairita! "Salamat talaga, hijo, dahil nandoon ka. Paano nalang kung hindi ka dumating para sunduin si Divina? Malamang ano na ang nangyari sa kaniya." Napabuntonghininga si Divina nang umiyak ang kaniyang ina. "Don't worry, Tita, palagi na akong makakasama ni Divina dahil magpapakasal na kami," Leon replied. Napasinghap na binalingan ni Divina si Leon. Lumarawan sa itsura niya ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ng lalaki. Ang loko, gumawa ng sariling desisyon! "Ano'ng ibig mong sabihin, Leon?" "We're getting married, babe." "Pakasal? Nasisira na ba ang utak mo? Hindi ba't tapos na tayo—" "Ikaw lang naman ang nagsabing tapos na tayo, babe." Napabuga siya ng marahas na hangin. "Look, Divina. Sayang naman ang pinagsamahan natin kung mapupunta lang ito sa wala, hindi ba? At besides, nagkasundo na rin ang both parents natin, kaya ano pa ang inaalala mo, 'di ba, Tita?" wika ng lalaki na humingi pa ng komento ng mama niya. "Exactly, Leon. Kaya , Divina, kung ayaw mong sumama ang loob ko sayo, huwag ka nang kumontra pa. Sa lalong madaling panahon ay aasikasin na natin ang kasal niyo ni Leon. You know, hija, just be a good girl, okay. Alam mo naman na ito lang ang magpapasaya sa'min ng Papa mo kaya huwag nang matigas ang ulo, okay?" Natikom ni Divina ang bibig niya. May masasabi pa ba siya? Wala. Kung may sasabihin siya, pakikinggan ba siya? Hindi. So better keep quit na lang and endure the pain of her own. "M-magbabanyo lang po ako. Excuse me." She said at mabilis na tumakbo palayo sa Mama niya at kay Leon. Wala ang Papa niya, at alam niyang kahit nandoon ito ay wala rin naman itong gagawin. Pagkapasok niya sa loob ng banyo ay doon niya ibinuhos ang lahat ng luha niya. Napaupo siya sa sahig ng banyo at nayakap ang mga tuhod habang humahagulhol ng iyak. Ganoon lang naman ang magagawa niya, ang umiyak. Hindi siya makapagdesisyon para sa sarili niya dahil kailangan unahin palagi ang desisyon ng mga magulang niya. Wala siyang magagawa kundi ang sumunod. Kaya nang maibuhos na ang lahat ng luha ay lumabas siya ng banyo, kahit namumugto ang mga mata ay hinarap niya si Leon at ang mama niya. "Okay, Ma. I'll marry Leon for the sake of this family." Kung nakakaramdam sana ng lamig ang mga ito, siguro kanina pa gininaw sa lamig nang pagkasabi niya. Pero mukhang hindi, dahil sa sinabi niya ay labis na natuwa ang mama niya at alam niyang sa mga sandaling iyon ay nagtagumpay si Leon. "Good decision, hija! Magiging masaya ka sa piling ni Leon, at magiging masaya rin kami ng Papa mo!" puno ng saya na sabi ni Divine. Her eyes filled with joy and excitement. Kabaliktaran ng nararamdaman ni Divina ngayon. "I will make sure that you will have your best wedding ever, babe." Leon also commented. Pero tiningnan niya lang si Leon na walang anumang reaksyon. BE A GOOD GIRL, DIVINA! Iyan ang palaging utos ni Divina sa kaniyang sarili. Susundin niya ang mama niya, walang gulong mangyayari. Papakasalan niya si Leon, sasaya ang parents niya. Ganoon lang dapat. Kaya nang simulang asikasuhin ang tungkol sa kasal nila ni Leon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang maging sunod-sunuran na lang. Isang gabi, idinaos ang isang party sa bahay nila para ipaalam sa lahat ang tungkol sa kasal nila ni Leon. Nandoon siya—ang katawan niya, pero wala ang sarili niyang kaluluwa. Pakiramdam ni Divina ay isa siyang robot na sumusunod na lang bawat utos. Ultimo ang pag-ngiti niya ay utos din ng mama niya. "Ano ka ba, Divina? Ngumiti ka naman kay Vice Governor. Ang panget tingnan na parang hindi mo gustong ikasal kay Leon sa itsura mong walang kabuhay-buhay," mariing sabi ni Divine sa anak. Hindi niya alam kung ano pa ang pinoproblema ni Divina gayong okay na ang lahat, at mapapangasawa nito ay isang kilalang tao. "Kayo lang naman po ang may gusto sa kasal na 'to," sabat ni Divina. Masamang tingin ang ipinukol ni Divine sa anak. Hinawakan nito sa braso ang anak at madiin itong pinisil na ikinangiwi ni Divina. "Umayos ka, Divina. Pinag-usapan na natin 'to, hindi ba? Huwag mong uubusin ang pasensya ko, naiitindihan mo, anak?" Napipilitang tumango si Divina. "O-opo, Mama." Binitawan ni Divine ang braso ni Divina saka nito nginitian ang anak at hinaplos ang pisngi nito. "Good girl, hija. Oh, halika na. Puntahan natin ang mga pulitikong bisita ni Balae." Walang nagawa si Divina kundi ang tumango na lamang at magpatangay sa mama niya. "Ngumiti ka, hija. Iyan, ganiyan nga. Very good girl." Itatak mo na sa isipan mo, Divina na isa ka nang robot! Isang robot na magpapakasal sa isang hayop na leon. Leon na siyang sasakmal at wawasak sa isang robot! Matapos ang party ay pagod na ibinagsak ni Divina ang katawan sa kama niya. Gusto niyang magpahinga kaya ni-lock na niya ang pinto ng kuwarto at agad na tumungo sa banyo para maglinis ng katawan. Paglabas niya ng banyo ay laking gulat niya nang makita si Leon na nakaupo sa kama niya hawak ang panty niya na inaamoy pa nito! "A-anong ginagawa mo?" nautal siya at nagsimulang kabahan nang bumaling si Leon sa kaniya na ang itsura ay parang mananakmal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD