MIIWAC 23- Pagsibol

1621 Words
MASAYANG nag-iinuman ang thorns. Sa isang pabilog na lamesa ang pinalilibutan nila. Sina Hex, Zandra, Joed, Sylvester, Ramon, Jet, Alexis, Vern at si Milo na tahimik lang sa isang tabi. Malutong na tumawa si Hex, "Hahaha! Hindi ko akalain na sa ganda niyang iyon ay uto-uto pala siya! Hahahaha!" Sinundan din ng tawa ni Zandra na may kasamang hampas sa katabing si Joed, "Oo nga, hahaha! Nakita mo ba ang itsura niya kanina, Kuya? Para siyang damong nalanta! Hahaha!" Sumabat naman si Joed na mula sa ilalim ng lamesa ay sinusundot-sundot ng daliri ang bukana ng p********e ni Zandra. "Kung binigay niyo na lang sana siya sa'kin, malamang nakaraos na ako ngayon." Anito saka diretsahang ipinasok ang daliri sa p********e ni Zandra. "Oh!" impit na napaungol si Zandra sabay napahawak sa balikat ni Joed. Pigil na pigil nito ang sarili dahil may posibilidad na mapansin sila ng Kuya Hex niya. "Kumusta na kaya siya ngayon? Nag-himas rehas na ba siya? O, baka naman sinundo na siya ni Leon. Hahaha!" ani Hex na tatawa-tawa. They were laughing their ass off when the door suddenly opened and Nexus entered with an evil look. Ang nagulat na si Hex ang unang nagsalita na halatang kabado na baka narinig ni Nexus ang usapan nila. "Nex—oh s**t!" Hindi natapos ni Hex ang sasabihin ng biglang nasa harapan na siya si Nexus at malakas siya nitong sinuntok sa panga. "Putangina mo gago ka!" Inambahan ng ilang magkasunod na suntok ni Nexus si Hex. Bumulagta ito sa sahig. Sinunod ni Nexus suntukin ang ilan pang mga kalalakihan. "What the f**k—Nex wala kaming kinalama—oh!" Isa-isang tumilapon ang mga kalalakihan nang ambahan ni Nexus ng suntok at sipa ang mga ito. Nang bumulagta na ang lahat—maliban kay Zandra na nagtatago sa ilalim ng lamesa, ay saka na lamang nagsalita si Nexus. "Tandaan niyo ito. Walang gagalaw kay Miss beautiful. Kapag kinanti niyo ako, pasensyahan tayo." Walang umimik. Lahat natahimik habang napapahimas sa bawat parte ng katawan na tinamaan ng kamao ni Nexus. Saka na lang din pumasok si Divina sa eksena, at walang emosyong naglakad diretso papasok sa kuwarto ni Nexus. KINABUKASAN maagang gumising si Divina. Tamang-tama ang oras na iyon dahil gising na rin si Nexus at kasalukuyan itong nagluluto ng almusal. "Good morning, Nexus!" masayang bungad ni Divina kay Nexus sabay akbay sa balikat nito at baling sa nilulutong sinangag ni Nexus. "Sarap niyan ah!" Hindi pinansin ni Nexus ang pagkalapit ng katawan nila ni Divina, sa halip ay pinagpatuloy niya ang ginagawang pagluluto. "Mas masarap 'to kapag na prito ko na ang toyo." Lalong natakam si Divina. Naka-akbay pa rin siya kay Nexus at ewan ba niya kung bakit hindi na siya nakakaramdam ng pagkailang sa lalaki. Naroong titigil ang paligid sa pagitan nila at bigla silang magtitigan, saka magtatawanan. Isa lang ang naiisip ni Divina, ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong happiness na hindi niya naramdaman sa normal niyang buhay. Hindi nga nagtagal ay nag-aalmusal na ang dalawa. Hindi rin nagtagal ay sumabay sa kanilang almusal ang ilan pang tao sa bahay. Hindi pinapansin ni Nexus ang grupo. Sa tuwing magsasalita si Hex ay iniiwasan na kaagad niya ito. Gusto niyang ipaalam sa mga ito na galit pa rin siya. Noong nasa labas na si Nexus at naninigarilyo ay nilapitan ito ni Hex. "Nex. Hindi ako hihingi ng sorry sa nangyari. Ginawa ko lang iyon para makabalik na sa dati niyang buhay si Divina dahil sinisira niya lang tayo. Hindi mo ba naiisip na maaaring look out siya? O 'di kaya'y may dahilan kung bakit siya sumama sayo? Paano kung nagmamatyag lang pala siya sa grupo? Para alamin kung saan talaga tayo lumulungga? Pagkatapos ay isusuplong sa pulis? Oh, edi napahamak tayo." "Alam mo naman, Nex, na mainit tayo sa batas at dahil atat silang hulihin tayo ay gagawa sila ng paraan para mahuli tayo. At ano'ng malay natin kung si Divina ay pinadala lang para alamin ang trabaho at kung saan tayo lumulungga?" Walang emosyong binalingan ni Nexus si Hex. "Hindi niya gagawin iyon. Alam mo kung bakit? Dahil may tiwala ako sa kaniya. Saka imposible 'yang sinasabi mo. Nakita mo na ngang tumakas 'yong tao sa kasal niya eh. Kaka-sip mo iyan kaya malala ang utak mo." Napangiwi si Hex at napakamot sa ulo nito. "Tiwala? Hindi ba't diyan ka muntikan nang mamatay, Nex? Dahil sa tiwala na iyan ay ipinahamak ka ni Isa—" Sinuntok ni Nexus si Hex sa bunganga. "Huwag mong dungisan ang pangalan niya. Isa pa talaga at mabibiyak iyang nguso mo." Banta niya kay Hex. "Ganito nalang. Huwag niyo lang pakialaman ang babae okay na tayong lahat. Pero kapag may ginawa na naman kayong kabalastugan, hindi ako mangingiming balewalain ang grupo." Panghahamon ni Nexus. Napailing-iling si Hex na hindi makapaniwalang napatitig kay Nexus. "Ipagpapalit mo kami? Ang grupong ito para sa babaeng iyan?" mapaklang tumawa si Hex. "Nex, alam kong hindi ka magkakaganiyan kung wala kang nararamdaman sa babae, pero ito ang tandaan mo. Oras na ipahamak tayo ng babaeng iyan, ako mismo ang papatay sa kaniya at… sayo." Tumalikod si Hex at iniwan si Nexus na nakangisi lang. "Oh, Nex, tuturuan mo na ba ako?" nakangiti namang bungad ni Divina kay Nexus. Excited na siyang turuan ni Nexus magbaril. "Oo. Tara doon tayo," ani Nexus sabay turo sa paborito niyang pinagpapraktisan. "Ganito. Hawakan mo ng ganiyan." Hindi maintindihan ni Divina ang sarili kung bakit imbes na sa ta-target-in siya titingin ay sa halip sa labi ni Nexus habang ito'y nagsasalita. Tug. Tug. Tug. Ang ingay ng puso niya! Ang bilis pang tumibok. Hindi ba siya aatakehin nito? Nakayakap lang naman si Nexus sa kaniya. Nakadikit ang dibdib nito sa likod niya habang ang dalawang braso nito ay nakayakap sa kaniya para turuan siya sa tamang pagtutok ng baril sa target. "Ngayon iputok mo, miss beautiful." Utos ni Nexus. Pero wala sa target ang tingin ni Divina, kundi sa mukha ni Nexus. Kulang nalang ay mabali na ang leeg niya kakalingon kay Nexus. "Puwede bang ikaw na ang magpaputok sa'kin?" tila naaning na sambit ni Divina. Nangunot ang noo ni Nexus. Napatingin din siya sa babae at doo'y nagtagpo ang kanilang mga mata. Napangiwi si Nexus sabay hawak sa leeg ni Divina, hinawakan niya ang leeg nito at pinihit upang itutok sa dapat na tututukan. "Iyan. Diyan ka tumingin at huwag sa'kin. Tsk!" Sa latang nakasabit sa kahoy na nga nakatutok ang tingin ni Divina, pero ang sistema naman niya ay ukupado ng presensya ni Nexus. Pinutok nga niya ang baril pero ni isa ay wala siyang tinamaan. "Wow. Hanep. Galing." Sarkastikmong komento ni Nexus kay Divina. "Marami kang tinamaang hangin, miss beautiful." "Nexus naman eh!" napasimangot si Divina. "Turuan mo pa ako. Sige na!" ungot niya pa. "Sige. Pero ayusin mo na ha." "Oo!" This time ay sumeryuso na si Divina kahit nasa sistema niya pa rin si Nexus. Hindi nagtagal ay nakatama siya ng isang lata, hanggang sa naging dalawa ito, hanggang sa lahat ay nasapol niya. Sa sobrang saya ni Divina ay wala sa sariling niyakap niya si Nexus at hinalikan ito sa pisngi ng ilang ulit. Natuod si Nexus sa kinatatayuan niya, samantala natigilan naman si Divina nang ma realize ang ginawa niya. "Pasensya ka na, Nexus ha. Sobrang saya ko lang talaga. Saka ano… mukhang crush na yata kita eh!" Natutop ni Divina ang bibig. What the heck is happening to me?! Oh my god! Tatakbo pa sana siya palayo kay Nexus sa sobrang kahihiyan nang pigilan siya nito sa braso. Nakaarko ang ngisi sa labi ni Nexus at nagniningning ang mga mata nito na animo'y nagpipigil na tumawa. Hanggang sa tumawa na nga ito nang malakas. "Hahaha! Pasensya na, miss beautiful, pero hindi kita type!" Tumawa pa si Nexus na ikinasimangot naman ni Divina. Malakas na hinampas ni Divina sa balikat si Nexus dahil sa inis niya. "Hindi ko sinabing mag-crush back ka. Masyadong defensive!" Inirapan niya si Nexus. Inakbayan naman siya ni Nexus na hindi niya inaasahan kaya lalong tumibok ng mabilis ang puso niya. "Manghuli nalang tayo ng palakang bukid, sama ka?" saad ni Nexus. Walang paligoy-liguy na tumango si Divina. Syempre makakasama niya si Nexus kaya sino'ng may ayaw? "Oo ba! Gusto mo barilin ko pa eh!" mayabang na sabi ni Divina. "Huhulihin hindi babarilin. Tara na nga. Magdala ka ng sako." Wika pa ni Nexus na agad namang sinunod ni Divina. Hindi nagtagal ay masaya nang nakikipaghabulan sina Divina at Nexus sa palakang bukid sa taniman ng palay na maputik. May pagkakataon na hinahabol ni Nexus ng pantakot na palaka si Divina, tatakbo naman ang dalaga at sa huli ay mabubuwal sila sa putikan at magtatawanan. Magbabatuhan ng putik, magtatawanan na naman ulit. "Aray!" sigaw ni Divina sabay takip sa kabilang mata na pinasukan ng putik. Umalalay naman agad si Nexus. Sinuri niya ang mata ni Divina at hinipan ito. "Masakit pa ba?" tanong niya sa dalaga. "Hindi na." Tila tumigil bigla ang paligid. Nagtitigan ang dalawa. Hanggang sa bumaba ang parehong tingin sa bawat labi ng isa't isa. Parehong napalunok. Parehong natakam na tikman iyon. Hanggang sa unti-unting lumapit ang mukha ni Nexus kay Divina. Tila inantok kaagad si Divina kaya napapikit siya. At sa isang iglap lang ay nagtagpo ang labi nila. Ang eksenang iyon ay kitang-kita ni Hex. Nayukom ni Hex ang kamao. Hindi ito maaari. Hindi puwedeng mahulog si Nexus kay Divina. Kailangan niyang gumawa ng paraan para paalisin ang babaeng ito. Ang babaeng ito na siyang sisira na naman sa utak ni Nexus, at kapag nasira ang utak ni Nexus ay iiwanan ang grupo para piliin ang babae. At kapag nangyari iyon ay mapipilitan na naman siyang gumawa ng bagay na muling ikakalugmok ni Nexus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD