MIIWAC 24- Unang mission ni Divina

1573 Words
NAKATITIG si Zandra sa dalawang naglalampungan sa gitna ng putikan. Nakuyom niya ang sariling kamao sa tindi ng galit na nararamdaman niya. Ang walang hiya inagaw si Nexus sa'kin! Kulang na lang ay kainin ni Zandra sa tingin si Divina. Kung hindi lang dahil kay Nexus binaril na niya ang haliparot na si Divina. "Alam mo, habang tumitingin ka sa dalawang naghahalikan, bakit hindi na lang natin ituloy ang naudlot na tusukan?" malambing na anas ng boses sa tenga ni Zandra sabay dinilaan nito ang tenga niya. Napaungol si Zandra at napapikit ito. "Hmm… puwede ba iyon habang nakatanaw tayo dito sa bintana?" paungol na anas ni Zandra. "Syempre naman." Mababakas ang matinding pagnanasa sa tinig na iyon ni Joed. Hinawakan nito ang balakang ni Zandra saka ito pinatuwad sa harapan niya. "Hmm… nice view." Aniya sabay hampas sa pang upo ni Zandra na ikinaungol naman nito. "Oh!" Ibinaba ni Joed ang suot na pang ibaba ng dalaga, saka niya rin ibinaba ang kaniya. Itinutok ang alaga sa butas ni Zandra, saka pabigla itong ibinaon nang malalim. "Joed!" Zandra screams in pleasure. Lumawit ang dila sa sobrang sarap na animo'y isang palaka. Hinawakan ni Joed ang magkabilang dibdib nito saka walang habas na nilakumos iyon. Umungol si Zandra. While Joed pleasured her, she imagined him as Nexus. Pangalan ni Nexus ang sinisigaw niya. Ini-imagine ni Zandra na si Nexus ang bumabayo sa kaniya mula sa likuran—habang pinapanood niya si Nexus na nakikipaghalikan naman kay Divina. Binalot ng matinding pagnanasa ang dalawa. Lalo na si Joed na habang binabayo si Zandra ay si Divina ang nakikita niya. Walang relasyon ang dalawa. Ang tawag nila sa relasyon na mayroon sila ay f**k buddy. Nang matupok ang nagbabagang apoy na pinagsaluhan nila, at nang makapagbihis na sila pareho ay saka nila muling binalingan ang dalawa na naghahabulan na ngayon sa putikan. "Matitikman ko rin si Divina." Sambit ni Joed na nakangisi. "Magiging akin din si Nexus. At ang babaeng iyan? Papatayin ko iyan." Ani Zandra. "Huwag. Hayaan mo munang magpakasasa ako sa katawan niya, pagkatapos ko, puwede na natin siyang ilibing ng buhay." The two had a dark plan behind those dirty smiles on their faces. At sisiguraduhin nilang magtatagumpay ang planong iyon. HINDI inaasahan ni Divina na magkakaroon ng espesyal na puwang si Nexus sa puso niya. Nakumpirma niya sa pamamagitan ng halik na pinagsaluhan nila ni Nexus na may gusto nga siya sa lalaki. Kakaiba ang nararamdaman niya sa binata simula palang nang magkita sila, at ganoon nga siguro iyon dahil may gusto siya rito. "Okay ka lang ba, miss beautiful? Gusto mo ba magkape?" Napapihit paharap si Divina sa nagsalita. Si Nexus iyon. Bagong ligo at namamasa-masa pa ang matipunong dibdib. As usual naka-topless na naman ito at maong na pantalon ang suot. Napalunok si Divina at hindi naitago ang pamumula ng pisngi kay Nexus. Naalala niya rin ang halik na pinagsaluhan nila kanina, pero sa tingin ni Divina ay wala lang iyon kay Nexus. "Pang-itaas ko palang ang nakita mo pero ganiyan na kung mamula ang pisngi mo. Ano pa kaya kung ang nasa baba ko na ang makita mo?" "P-pwedeng makita?" Wala sa sariling naisambit ni Divina. Huli na para bawiin pa niya ang nasabi na. Napangisi si Nexus sabay napailing ito. Hanep din ang babaeng ito. Walang preno ang bibig kung magsalita. "Syempre hindi. May nagmamay-ari na nito." Nalungkot si Divina sa narinig. Pero hindi siya umiwas ng tingin kay Nexus. "Si Zandra ba?" aniya. Mapaklang tumawa si Nexus. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang emosyong dumaan sa itsura ni Divina. "Hindi. Si Isabel." Isabel. Iyon ang pangalan na nakatattoo sa leeg ni Nexus. Sino siya? "Ang gandang pangalan. Siguro maganda rin siya, no? Nobya mo?" Pilit na pinagsigla ni Divina ang boses kahit na kasing pait iyon ng ampalaya. Wala na pala siyang chance kay Nexus. May Isabel na kasi ito. Samantalang siya, may Leon pero hayop naman! "Asawa." "Asawa?!" gulat na bulalas ni Divina. "Oo. Asawa." "May asawa ka na?!" Hindi makapaniwalang tanong pa ni Divina. Kung ganoon. Wala na nga talaga siyang chance kay Nexus. Kawawang Divina! "Huwag na natin siyang pag-usapan. Sumama ka na lang sa'kin ngayon at hohold-up-in natin ang Marry Mart. Ikaw na ang bahala kung ano ang diskarte mo doon. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka lalabas doon na walang dalang alahas." "Sige." Pagpayag kaagad ni Divina kahit nagtatanong ang isipan kung bakit ayaw ni Nexus pag-usapan ang tungkol kay Isabel. "Saan kayo pupunta, Nex?" salubong ni Hex kay Nexus nang makita na nakabihis ito at mukhang may lalakarin. "Hohold-up-in ang Marry Mart." Diretsahang sabat ni Nexus. Mary Mart ang pangalan ng isang jewelry shop na balak pasukin ni Nexus sa Pavia, Iloilo. "Na kasama ang babaeng iyan imbes na kami dapat?" sarkastikmong wika ni Hex na halatang hindi sang-ayon sa gusto ni Nexus. Tinuro rin nito si Divina na nakatayo sa tabi ni Nexus. "Bakit, Hex? Bakit noong sinama niyo si Divina sa pangho-hold-up sa Bangko, sinama niyo ba ako? Hindi ba, hindi? Wala nga kayong pasabi." Natahimik si Hex. "Saka lakad namin 'to ni Divina. Kaya ko siya isasama dahil gusto kong malaman kung hanggang saan ang tibay ng sikmura niya. Kung kaya ba talaga niyang gawin ang ginagawa natin." Tumango nalang si Hex kay Nexus. Alam ni Hex na hindi niya mababali ang isip ni Nexus kaya hahayaan niya muna ito, sa ngayon. Si Divina na nakikinig lang ay hindi rin kumibo. So, isasama pala siya ni Nexus para subukan ang tapang niya? Well, magpapakitang-gilas siya rito. Sisiguraduhin niyang magugustuhan nito ang performance niya. PAGKARATING nila sa target na jewelry shop, hinayaan ni Nexus si Divina sa sariling diskarte nito kung paano makukuha ang mga gintong alahas. Naglakad si Divina papasok sa loob. Dahil pormal ang ayos niya at hindi siya kahinahinala na gagawa ng masama ay kaagad siyang inasikaso ng mga taong nagtatrabaho sa loob. "Ano po ang klase ng alahas ang hanap niyo, ma'am?" anang babaeng naka-uniporme kay Divina. Matamis itong nginitian ni Divina. "Kahit ano. Patingin na lang nang makapili ako." Kaagad inilabas ng babaeng staff ang mga alahas na kumikinang. May kuwintas, singsing, relos at iba pa. Pasimpleng bumaling si Divina sa labas ng shop. Nakita niya si Nexus na nakatayo sa labas at naninigarilyo. Ngumisi ito at kumindat sa kaniya sabay sulyap nito sa relo. Five minutes. Iyon ang napag-usapan nilang oras ni Nexus. Kailangan sa loob ng limang minuto o hindi matatapos ang limang minuto ay matatapos na ang misyon niya. "Ano pang mayroon kayo? Puwede ba patingin pa?" ani Divina na kunwari ay hindi nagustuhan ang unang inilabas na alahas. "Yes, ma'am." Inilabas muli ng babaeng staff ang ilang klase pang alahas. Iyon naman ay may malalaking bato. Diamond at Jade. This is it, Divina! You can do it! "Sandali ilalabas ko lang ang cheke ko." Nakangiti niyang sambit sabay bukas sa original Louis Vuitton na bag niya na hindi niya alam kung saan ninakaw ni Nexus. Tumango ang babaeng staff, ngumiti rin ito at halatang excited na. Dinukot ni Divina ang cheke—este baril. Saka mabilis na tinutok iyon sa sintido ng babaeng staff na na-shock ang itsura ngayon. "Hold up ito. Akin na iyan. Ipasok mo dito lahat." Ang natarantang staff ay mabilis sinunod ang utos niya na walang kahirap-hirap dahil sa takot na barilin niya. Hindi siya nahirapan dahil puro babae ang nasa loob at wala pang customer dahil maaga pa iyon. "Walang gagalaw sa inyo kung ayaw niyong basagin ko ang bungo ng kasama niyo," mariing utos ni Divina sa iba pang babaeng staff. Napadta ang mga ito at hindi makagalaw. "Thanks." Ani Divina sa staff matapos nitong ibuhos lahat ng alahas sa loob ng LV bag niya. Saka siya mabilis na lumabas sa shop na walang kahirap-hirap. Taas noo siyang sumalubong kay Nexus na pinatulog naman ang sekyung nakabantay sa labas gamit ang likod ng baril na inihampas nito sa batok ng sekyu. "Wow, miss beautiful. Tatlong minuto lang ah." Wika ni Nexus na napapasipol pa. Nginisian ni Divina si Nexus. "Sabi sayo eh. Kaya ko." Aniya. "Oh, ano pang hinihintay natin? Tara na!" sabi ni Nexus sabay tungo sa motorsiklo nito. "Let's go!" sambit naman ni Divina na binuntutan pa iyon ng halakhak. First mission. Passed. Sana ang mission na magugustuhan din siya ni Nexus ay maipasa ni Divina! SAMANTALA, umiiyak ang staff ng Mary Mart habang isinasalaysay kay SPO2 De Leon ang nangyaring hold-up-an. Isinalaysay nito ang itsura ng suspek. "Babae?" tanong ni De Leon. "O-opo, sir. Sa katunayan nga po ay kapag nakita ko siya ulit ay makikilala ko talaga siya. Tandang-tanda ko po ang itsura niya. Kung gusto niyo po, tingnan niyo ang CCTV." Pahayag ng babae na umiiyak. "Sige. Patingin ako ng kuha ng CCTV." Dinala si SPO2 De Leon sa monitor room. Pinanood nito ang kuha ng camera. Hindi makapaniwala si De Leon sa kaniyang nakita. Hindi niya aakalain na ang suspek ay kilalang-kilala niya. Kinuha ni De Leon ang cellphone sa bulsa nito, saka dinayal ang numero ng taong alam niyang malapit sa suspek. "Mr. Gracia, si SPO2 De Leon po ito. Kailangan niyo po pumunta sa presinto ngayon dahil nahaharap po sa kasong Robbery ang nag-iisa niyong anak na si Divina." Nang maibaba ni De Leon ang telepono ay napailing-iling ito. "Tsk. Divina what have you done? Bakit sa dinami-rami ng taong lalapitan mo bakit ang isang criminal pa?" Muli, napailing-iling si SPO2 De Leon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD