PUTANGINA.
Salitang paulit-ulit na binibigkas ni Nexus. Nakakarindi itong pakinggan, masakit din sa tenga, pero mas masasaktan talaga si Divina kapag naubos ang pasensya niya!
"Ang lakas ng loob mong sumama sa kanila samantala hindi mo kilala kung anong klaseng tao sila!" Galit na baling ni Nexus kay Divina. Nakaupo ang babae sa ibabaw ng isang nitso habang umiiyak ito, siya nama'y nakatayo at kanina pa gustong sumabog.
Naisipan ni Nexus na dito muna dumiretso sa Igang, Cemetery dahil alam niyang hindi sila susundan ng mga parak doon.
"K-kagaya mo? H-hindi ko rin alam kung… kung anong klaseng tao ka." Divina tried to wipe her tears, but they kept streaming down to her face. "Pareho lang kayo lahat."
"Mabuti at alam mo." Sa pagkakataong iyon ay bumaba ang tono ng boses ni Nexus. Lumakad siya at nilapitan si Divina. Nang nakatayo na siya sa harapan nito ay muli siyang nagsalita. "Kaya mas mabuting bumalik ka na sa inyo dahil mapapahamak ka lang sa poder namin. Tama ka, hindi mo alam kung anong klaseng tao kami kaya nararapat lang na bumalik ka na sa inyo."
Napaangat ang ulo si Divina saka sinalubong niya ng tingin ang mga mata ni Nexus. Nakita niya ang kaseryusuhan sa klase ng titig nito. Naiintindihan naman ni Divina na tinataboy na siya ni Nexus, pero bakit nasasaktan siya? Bakit tila ayaw niyang umalis? Dahil ba sa ayaw niyang magpakasal kay Leon kaya ganoon nalang niya kagustong manatili kay Nexus.
"Nexus, alam mo namang—"
"Umuwi ka nalang sa inyo. Gusto mo ako mismo maghahatid sayo." Tumalikod si Nexus, kapagkuwa'y inilabas ang sigarilyo, sinindihan ito saka hinithit. Binuga niya ang usok, pinagmasdan itong maglaho at dalhin ng hangin kung saan, bago siya muling nagsalita. "Nang una, gusto kitang tulungan. Hindi ko alam kung bakit. Kaya mga kita dinala rito. Pero ngayon, nagsisisi ako. Alam mo kung bakit?"
Naluluhang sumagot si Divina, "B-bakit?"
Humarap si Nexus kay Divina saka pinagkatitigan ang babaeng umiiyak. Ngumisi siya. "Dahil matigas ang ulo mo. Saka ayoko na ako ang magiging dahilan ng kamatayan mo. Ayokong mapahamak ka dahil kargo de konsensya kita habambuhay. At isa pa, ayaw ng mga kasama ko sayo at ayokong masira kami dahil sayo. Kaya umuwi ka na sa inyo."
Tuloy-tuloy na pumatak ang mga luha ni Divina at hindi naman siya magkamayaw sa pagpahid nito.
"S-sila lang naman ang m-may ayaw sa'kin, hindi ba?" ani niya. Wala naman kasing sinabi si Nexus na ayaw nito sa kaniya.
Malalim na bumuntonghininga si Nexus.
"Ayaw ko rin sayo kasi ang tigas ng ulo mo at sumama-sama ka pa sa grupo ko."
"Edi sayo ako sasama! Sige na, Nexus oh. Hayaan mo lang akong manatili sa inyo." Pakiusap ni Divina. Atat na siya, oo. Iyon lang kasi ang naiisip niyang gawin ngayon.
"Nagpaturo ka pa kung paano magbaril—kay Hex. Sumama ka pa sa kanila sa pangho-hold-up, kamuntikan ka pang mahuli ng mga pulis. Kaya ayaw ko sayo." Saad pa ni Nexus na panay ang hugot-buga ng usok.
"Eh, kasi ayaw mo akong turuan eh, kaya sa kaniya na ako nagpaturo! Tapos ngayon susumbatan mo ako? Nexus, naman! Alam mo namang wala akong mapupuntahan eh. Lahat iniwan ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sa kagustuhan kong takasan si Leon, heto ako ngayon. Basang sisiw. Palaboy. Walang silbi. Kaya sabihin mo nga sa'kin, kung ikaw ang nasa lugar ko, may silbi pa kaya ang tingin mo sa sarili mo?" Bumuhos ang mga luha ni Divina. Napahagulhol siya ng iyak. Lahat nang sinabi niya ay kagagawan ng sama ng loob niya.
Sa dami pa ng sinabi niya, tanging sipol lang ang isinagot ni Nexus sa kaniya. Hindi rin ito nagsalita, sa halip nagsindi lang ulit ito ng sigarilyo at naglaro ng usok.
"Nakakainis ka naman eh! Ang dami-dami ng sinabi ko ganiyan lang gagawin mo? Ganoon ka ba ka walang puso, ha? Bingi ka ba? O nagbibingi-bingihan lang? Wala ka bang sasabihin o ipagtutulakan mo pa rin akong bumalik doon sa hayop kong fiancé? Ano ba, magsalita ka naman!"
Halos lumabas na ang litid ng ugat ni Divina sa leeg sa kakasalita pero walang sinagot si Nexus. Naglinis lang ito ng tenga gamit ang hinliliit nito.
Suko na si Divina. Hindi na siya nagsalita pa, pero umiyak siya nang umiyak. Habang sipol naman nang sipol si Nexus.
"A-ayokong u-umuwi… ayoko ko!" parang bata na maktol niya na nagdadabog pa sa ibabaw ng nitso.
"Kapag iyang bangkay hindi nakapagpigil, naku, patay kang bata ka." Komento ni Nexus sa ibang tono ng pananalita.
Tumigil naman sa pagdadabog si Divina saka binalingan niya ang inuupuang nitso na mababakas sa itsura ang takot. Habang natatawa naman si Nexus sa inakto ng dalaga.
MATAGAL namayani ang katahimikan sa pagitan nina Nexus at Divina. Si Nexus na naubos na ang laman ng isang paketeng sigarilyo ay nakahiga sa nitso at nakatitig sa papadilim ng kalangitan, at si Divina na namumugto na ang mga mata ay nakaupo pa rin yakap ang dalawang tuhod.
Sumasakit na ang ulo ni Divina sa kakaisip kung saan siya pupunta ngayon.
Uuwi ba o hindi?
Hindi o uuwi ba?
Ay, ewan!
Hindi naman porque ayaw umuwi ni Divina sa kanila ay hindi na niya mahal ang parents niya. Mahal niya ang mga ito, pero mahal niya rin ang sarili niya. Hindi naman siguro masama kung mas pipiliin niya ang sarili, hindi ba?
"N-Nexus?" tawag niya sa lalaki na ikinalingon naman nito sa kaniya. "A-ano ang maaari kong gawin para lang pumayag ka na manatili ako sa inyo?" seryuso niyang tanong kay Nexus. Ganoon siya ka atat na hindi na umuwi sa kanila at sumama na lang kay Nexus.
"Alam ko namang sila lang ang may ayaw sa'kin. Dahil kung ayaw mo sa'kin sa simula palang hindi mo na ako tutulungan. Naiisip ko nga minsan na siguro may… gusto ka sa'kin eh." Biro lang ni Divina ang huling salitang iyon. Gusto niyang patawanin si Nexus. Tumawa nga ang lalaki pagkatapos nitong mapaubo. Natawa na rin siya.
"Hindi ko alam na makapal pala ang mukha mo, miss beautiful." Komento ni Nexus na naiiling.
"Oh, kita mo? Miss beautiful pa nga ang tawag mo sa'kin e. Ibig sabihin, nagagandahan ka sa'kin. Gusto mo nga ako!" Giit pa ni Divina.
"Maganda ka naman talaga ah. Pero hindi kita gusto."
Natigilan si Divina saka napatingin kay Nexus. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit biglang kumabog ang dibdib niya. Oo kumakabog na talaga ito noon pa dahil buhay siya, pero this time, kakaiba ang kabog nito.
"Oh, bakit hindi ka makakibo? Ganoon ba ka lakas ng dating ko para mapatulala ka ng ganiyan?" nakangising turan ni Nexus kay Divina.
Napakurap-kurap si Divina sabay iwas ng tingin kay Nexus.
"Kung sasagutin ko ba ang tanong mo, gagawin mo ba?" untag ni Nexus.
"S-sagutin mo muna," ani Divina. Hindi niya magawang tumitig kay Nexus. Ewan ba kung bakit! Pero sa huli bumaling din siya kay Nexus dahil pisting yawa ang leeg niya! Nagsalubong tuloy ang mga mata nila.
Nagtitigan sila nang matagal ni Nexus. Wala sa sariling nakagat ni Divina ang kaniyang labi. Looking at Nexus, Divina realized everything about him. Biglang naging guwapo sa paningin niya si Nexus. Kahit magulo ang may kahabaan nitong buhok ay bagay pa rin itong tingnan. Napansin niya rin ang malalagong kilay nito, ang nagpipilantik nitong pilik-mata, at ang kulay brown na brown nitong mga mata, idagdag pa ang matangos nitong ilong at maninipis at mamula-mulang labi kahit naninigarilyo pa ito at nakakaubos yata ng sampung pakete sa isang araw.
Hindi pa naidadagdag ni Divina ang laki ng katawan ni Nexus, saka kapag naghubad ito ay grabe namang pandesal ang mayroon ito, plus ang tangkad pang tao!
Oh my yummy!
Nakagat pa lalo ni Divina ang kaniyang labi. Bakit naman siya biglang nag-iisip ng ganoon? Bigla yata siya nagkaroon ng imaginary friend sa utak at nakikita niya mula roon na naghahabulan sila ni Nexus—dito mismo sa sementeryo!
Buwesit!
Hindi lang iyon. Bigla rin siyang nag-imagine na naghalikan sila, tapos hahabulin na naman siya nito. Tatakbo siya. Hahabulin pa rin ni Nexus, pero sa sandaling iyon, may dala na itong palakol!
Mama ko!
Loka-loka na yata siya!
"Okay ka lang ba? Ganiyan ba ako ka asim para umasim ng ganiyan ang mukha mo?" ani Nexus sa dalaga na inamoy-amoy pa ang kaniyang sarili. Hindi naman siya mabaho ah? Amoy sigarilyo lang.
"H-huh?" wala sa sariling sambit ni Divina.
"Huh. Huh. Huh. Malala ka na." Sabi naman ni Nexus. "Ang sabi ko, nakahanda ka bang ibigay ang buhay mo sa'kin kapalit nang pagpayag ko sayo na sumama ka sa'min?"
"Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhan si Divina. Ano ba ang pinupunto ni Nexus? Anong ibigay ang buhay na sinasabi nito?
"Handa ka bang mamatay para sa akin?"
"Syempre hindi! Ayoko pa mamatay no!"
"Umuwi ka na sa inyo."
"Nexus!"
Bumaba na ng nitso si Nexus saka tinungo ang motorsiklo nito. Babalik na siya sa lungga nila at iiwan niya si Divina. Bahala ito sa buhay nito.
"Nexus, ipaintindi mo muna sa'kin dahil hindi ko masyadong maintindihan." Pamimilit ni Divina kay Nexus na hinawakan ang braso ng binata na akma sanang bubuhayin ang makina ng motorsiklo.
Napatitig si Nexus sa kamay ni Divina. Napabunghininga ito bago sumagot.
"Kapag nasa poder kita dapat nakahanda kang mamatay dahil unang-una sa lahat alam mo kung anong buhay at ikinabubuhay ang mayroon ang grupo ko. Para walang sisihan sa huli kapag may nangyaring masama sayo. Para hindi mapunta sa'kin ang sisi at hindi ko aakuin ang konsensya. Kaya ang tanong ko, handa ka bang mamatay para sa'kin?"
Inintindi ng mabuti ni Divina ang sinabi ni Nexus ng ilang ulit. Matagal siyang hindi nakasagot dahil gusto niya munang pag-isipan nang maigi ang lahat. At mukhang ipinanganak namang mahina ang pasensya ni Nexus kaya pinaandar nito ang motorsiklo bagay na ikinataranta naman ni Divina.
"Nexus, sandali!"
Subalit nilamon lang ng ingay ng motor ang boses ni Divina. Humanda na sa pagtakbo si Nexus at iiwanan na ang hindi siguradong si Divina, pero malakas na sumigaw si Divina.
"Oo na, Nexus! Nakahanda akong mamatay para sayo! Buong puso kong pasya ito at hinding-hindi ako magsisisi kahit na kailan!"
Napangisi naman si Nexus, kapagkuwa'y napasipol ito. Binalingan nito si Divina at nginitian.
"Ganoon naman pala eh. Oh, ano pang hinihintay mo? Sakay na't dadalhin kita sa aking palasyo!"
"Palasyo raw. Sira-sira naman palasyo mo eh!" natatawang sabi ni Divina na sumakay na sa likuran ni Nexus. Sa wakas hindi na siya nito pipiliting umuwi sa kanila.
"Sira-sira nga, pupunuin naman natin ng maraming bata!" kantiyaw ni Nexus sabay na humalakhak.
"Ano?!"
"Wala. Kako bingi ka!"
Hinampas nalang ni Divina ang balikat ni Nexus.