Divina wish to had a wonderful morning because she and Leon is finally ended their toxic relationship—hindi naman sa gusto niya, pero parang ganoon na nga rin kasi nga toxic na ang relasyon nila. Ibig lang sabihin niyon ay dapat lang talagang itigil dahil wala naman nang patutunguhan pa ang ganoong relasyon. She had a wonderful morning kahit bigo siya since last night
but her beautiful mornings are ruined when her parents, who are waiting for her in the dining room, are eyeing her with the looks of what have you done last night?
She already felt the atmosphere that says, it's not the end.
Akala mo tapos ka na, Divina? Well, in your dreams!
"Sit down, Divina." A cold voice of Divine Gracia commanded her.
Kaagad namang sumagot si Divina sa ina na hindi sinunod ang utos nitong umupo siya. "Ma, kung pagsasabihan niyo lang ako—"
"I said, sit down." Malumanay ngunit may pagbabanta ang boses ng kaniyang mama na siyang pumutol sa anumang sasabihin niya. Sa tabi naman nito'y tahimik lang ang kaniyang papa na nagbabasa ng dyaryo.
Napabuntonghininga si Divina na naupo sa isang silya. She felt hungry while looking at the foods in the table, but surely her stomach will get full after this morning mass na ang mama niya mismo ang magle-lead imbes na ang Pari.
Imbes na kumuha ng pagkain, ay kinuha na lamang niya ang gatas na tinimpla na ng katulong nila at iyon na lang ang ininom habang nagsisimula namang mag-misa ang mama niya.
"What happened, Divina? Ano itong kumalat na balita na tinuhod mo raw si Leon dahil gusto ka lamang niyang makausap? Alam mo ba kung ano ang kahihiyang ginawa mo? Anak ng isang governor ang pinahiya mo at ngayo'y kalat na kalat na sa buong bayan pati na rin sa mga tv stations na ang anak ng isang mayor ay tinuhod ang anak ng governor na sarili niyang nobyo!" Divine angrily said to Divina.
Tila balewala na lang kay Divina ang sinabi ng mama niya. Napaikot ang mga mata niya habang kalmadong iniinom ang gatas. Alam na niya na babaliktarin ni Leon ang pangyayari kaya ano pa ang magagawa niya? Siguro malas lang siya dahil imbes na siya ang paniwalaan ng mama niya ay ang gago niyang nobyo ang mas pinaniniwalaan nito.
Nararapat lang na putulin ang ugnayan namin ni Leon! He's a jerk!
Inisang lagok niya ang gatas. Wala na siyang gana pang kumain, pupunta siya banko ngayon at magpapaalam na mag-re-resign. Ayaw na niyang magtrabaho, siguro pagtutuunan na lamang niya ng pansin ang kaniyang negosyo.
Hindi na siguro siya makikinig sa mga magulang niya pagdating kay Leon. Tiyak kasi na uutusan lang siyang balikan si Leon. Ganoon kasi ang madalas na nangyayari kapag may problema silang hinaharap ni Leon.
Humingi ka ng sorry kay Leon!
Ayusin niyo ang problema niyo ni Leon!
Ikaw ang babae kaya ikaw ang magdadala ng relasyon niyo ni Leon!
Tangina.
Puro Leon. Leon. Leon.
Pati dighay niya Leon na yata ang tunog.
Paano busog siya sa puro Leon.
Ay ewan! Naririndi na siya. She needs space.
Bigla siyang tumayo sa kinauupuan at walang pasabing tumalikod para lisanin ang dining room.
"At saan ka pupunta, ha? Hindi pa ako tapos magsalita!" Tumaas ang boses ng mama niya kaya muli siyang napahakbang pabalik at naupo sa silya na parang robot. Diretsang tingin sa mga mata nito ang binigay niya.
"Go ahead, Ma. Sabihin niyo na po sa'kin ang hindi niyo pa nasasabi. Makikinig ako, pero pagkatapos nito'y ako naman ang pakinggan niyo," seryuso niyang sambit. Nakakapagod rin pala maging mabait na anak. Iyong tipo na lahat na lang nang sasabihin ng mga ito ay sinusunod niya para lumigaya lamang ang mga ito. Kasi for her own good raw e. Pero at the end of the day ay kulang pa pala. Nakakasama lamang ng loob na imbes na tanongin muna siya kung ano ba talaga ang nangyari kagabi, ay nauna pang sumbatan siya.
Ganoon kagusto ng mga magulang niya si Leon para sa kaniya, gusto na nga ng mga ito na magpakasal sila. Mabait naman ang pamilya ni Leon, pero hindi si Leon. Kung hindi lang niya inaalala ang mama niya dahil sa may highblood ito, ay matagal na niyang iniwan si Leon simula palang nang araw na makita niyang kulay pula ang balat nito.
"Kilala mo ba ang mga lalaking sumugod kagabi sa mansion ng Alejandro?" Tanong ni Divine na bumaba ang tono ng boses pero naroon pa rin ang tigas at talim sa mga mata nito.
Umiling siya, "Hindi po."
"Mabuti kung ganoon. Ayokong lalapit ka sa mga taong iyon," Divine continue.
"Why?" walang gana niyang tanong.
Pinandidilatan siya ng mga mata ng ina pero bago pa ito makapagsalita at misahan siya'y naunahan na ito ng papa niya.
"Because those are venomous people, Divina. Delikado sila. A group of criminals. Wanted sa batas. Isang grupo ng tinik na sumisira sa lipunan natin. A thorns that is not easy to pick up." Nangunot ang noo niya sa sinabi ng ama.
"Thorns? As in, tinik?" aniya.
Muli pa itong nagpatuloy sa pagsasalita.
"Just like us; a human being, we love rose. A kind of a flower with a red petals pero may tinik na kapag natusok ka'y masusugatan ka. We remove the thorns from it so we don't suffer pain when we touched it. Sa bayan naman natin, sakit sa lipunan ang grupo ng The thorns. Marami na silang pinatay, at ninakawang mga bangko. Tirador sila ng kung ano-ano mang masasamang gawain, they are a criminal at wala lang sa kanila ang pumatay ng tao basta para sa pera. Kaya mag-ingat ka sa mga ganoong klaseng tao, Divina." Romulo explained.
Hindi naman aakalain ni Divina na ang lalaking tumulong sa kaniya kagabi ay grupo pala ng mga masasamang tao sa lipunan. She heard about it, about a group of bandits na siyang sikat ngayon sa bayan nila at siyang hina-hunting ngayon ng batas dahil sa dami na nang pininsala. Pero hindi niya aakalain na iyong lalaki na nakaharap niya kagabi ay isa pala sa miyembro ng grupong iyon. Pero bakit siya tinulungan ng lalaking iyon laban kay Leon? Bakit siya nito iniligtas?
"But he helped me, Pa." Wala sa sarili niyang sambit.
Nangunot ang noo ni Romulo at Divine.
"What do you mean?" sabay na tanong ng dalawa.
Bumuntonghininga si Divina bago sumagot sa mga ito.
"Leon is harassing me kagabi. Balak niya akong gawan ng masama, pero dumating ang sinasabi ninyong masamang tao at iniligtas ako mula kay Leon. Siguro kung hindi dumating ang lalaking iyon ay natuloy na ang maitim na balak ni Leon sa'kin." Pag-amin niya sa mga ito.
Hindi makapaniwala ang lumarawan sa itsura ng mga magulang niya, pero ang unang nakabawi ay ang mama niya na ngayon ay napalitan ang reaksyon ng galit.
"So what? At saka, sinasabi mo lang iyan dahil gusto mong makipaghiwalay sa kaniya, Divina! Leon is a good guy, at hindi niya kayang gawin ang pinagbibintang mo sa kaniya!"
Ganoon? So, nagsisinungaling siya?
"Talaga, Ma? Sasabihin mo talaga iyan?" Hindi na siya nakapagpigil pa. "Ma, I am the one who is. . . muntik nang gahasain pero siya pa rin ang pinaniniwalaan mo! Ako ang anak mo, ma, kaya ako ang paniwalaan mo hindi ang Leon na iyon!"
"Shut up, Divina! Go to him at bawiin mo ang sinabi mo! Humingi ka ng sorry sa kaniya!" Divine insisted that makes Divina smiled in bitterness.
"I won't do that—" Isang sampal ang tumama sa mukha niya na galing sa mama niya and she didn't expect it for God sake!
Ang sakit, oo!
Namanhid yata buong mukha niya sa lakas ng sampal na natanggap niya mula rito.
"Sundin mo ang sinasabi ko!" Her mom insisted again. Namilog din ang mga mata nito sa galit.
"Divine, enough." awat naman ng ama niya na tinakbo ang pagitan nila at sinapo ang kaniyang pisngi.
Lumuluhang binalingan ni Divina ang ina. Hindi siya makapaniwalang kaya siya nitong saktan dahil kay Leon. Siya na nag-iisa lang na anak, siya na masunuring anak at walang ibang ginawa kundi ang mahalin ang mga magulang. But this time? This is enough! Ayaw na niya. Desisyon naman niya ang kaniyang susundin.
"I won't do that, Ma. I'm sorry. I will also file a resignation letter today. Mauuna na po ako. Salamat sa almusal." Matapang at makahulugan niyang sinabi bago nilisan ang dining area.
Busog siya.
Sobrang busog.
Nabusog sa salita at sampal!
"Divina!"
****
"Talaga bang aalis ka na, Di?" Illinois, her friend asked. Nakanguso ito habang nakasunod ang mga tingin sa mga gamit niyang ipinapasok niya sa loob box. Ang iba naman doon ay hindi na niya magagamit kaya itatapon na lang siguro niya.
She heave a deep sigh, she turns her head to Illinois, she smile at her and she reply, "Oo, Ili. This is the best thing to do, at saka isa pa mas mabuti na rin ito para matutukan ko ang Coffee shop business ko."
"Aw. . . we will miss you, Di. Nakakalungkot naman ito, pero alam mo tama ka. Na mas mabuti nang tutukan mo ang negosyo mo kaysa magtiyaga ka pa rito. Para namang 'di ko alam ang ugali ng Leon na iyon. Masyadong toxic, saka kaloka naman kasi iyang mga magulang mo, imbes na ikaw ang paniwalaan eh, pumanig pa sila sa Leon na iyon," nakanguso pang saad ni Illinois.
"Hayaan mo na sila, kahit ganoon sila eh, mahal ko pa rin ang mga iyon. Siguro sooner or later ay mare-realize rin nina Mama at Papa na hindi talaga kami para sa isa't isa ni Leon," nasagot niya sa kaibigan.
"At dapat maging thankful sila dahil mayroon silang anak na katulad mo. Hindi lang maganda, kundi napakabait pa—"
Hindi natuloy ang pagsasalita ni Illinois nang sabay silang mapabaling sa pinto kung saang silid sila naroon ngayon. Mula kasi sa loob ng opisina niya'y nadidinig nila sa labas na parang may tumitiling kasamahan sa trabaho.
"Ano iyon?" kunot ang noong tanong ni Illinois na pareho na silang nagtinginan sa isa't isa ngayon.
Kumibit balikat naman siya, "Ewan. Tara tingnan natin?"
"Tara!" ani Illinois.
Iniwan niya ang ginagawa at hinila si Illinois sa braso palabas ng kaniyang cubicle. But when they finally get outside, they surprise at what they saw.
NEXUS is holding a shotgun while smiling devilishly as he pointed the gun to a manager of the bank. Natutuwa siyang makita na halos tinakasan na ng kulay ang mukha ng kalbong manager ng banko na ho-hold-up-in nila ngayon.
Nexus raised his eyebrows as his white teeth bared, and when the manager almost collapsed from nervousness, he laughed like a demon.
"Mang Kalbo, hold-up 'to." Isinalampak niya ang malaking bag na itim sa ibabaw ng lamesa ng manager bago ito tinutukan ng baril sa ulo. "Ilagay mo lahat ng pera diyan, kung ayaw mong sumabog 'tong panot mong ulo." Nakangisi niyang utos sa manager na ngayo'y nanginig na. Kung makautos siya ay para lamang siyang nanghihingi ng kendi sa kalbong manager. Idagdag pa na ang cool niyang tingnan, iyon bang parang napadaan lang sabay hingi ng pera na animo'y napakadali lang ng ginagawa niya.
Sa itsura niyang iyon na parang donkey na bad boy at nakangisi pa'y takot na takot na ang manager.
"Nex, naku, baka may epilepsy si Kalbo, tingnan mo at nanginig na. Baka maihi iyan sa saluwal niya." Natatawa namang sabi ng isa sa mga kasamahan niya sa thorns na si Milo.
Binubuo sila ng sampu sa grupo na kung tawagin ay The thorns. Pero pito lamang sila ang naroon sa bangko ngayon, ang tatlo ay nasa labas at naghihintay sa kanila.
"Hayaan mo siyang maihi sa saluwal niya, ang mahalaga ay pupunuin ni Mang Kalbo ang bag na ibinigay ko sa kaniya. Kaya, Mang Kalbo, umpisahan mo na at baka atakihin ako ng panginginig ng kamay at mabaril ko ang bunbunan mo! Hala, bira, pasok-pera, Mang Kalbo!" wika niya sa tono ng pananalita ng sikat na artistang si Eddie Garcia.
Ang kawawang manager ay natatarantang sinunod ang utos niya. Halos maiyak ito at hindi magkaundagaga sa pagpasok ng pera sa itim na bag. Ang ilan pang kasamahan niya'y abala rin sa pananakot sa iba pang empleyado ng bangko, ang kani-kanilang bag ay nilagyan na rin ng maraming pera.
Napakadali lamang para sa kanila na pasukin ang bangko, walang kahirap-hirap. Lahat ng bantay, tumba! Kaya heto sila at ginawang katawa-tawa ang mga empleyadong halos maihi na sa mga saluwal sa sobrang takot sa kanila.
"Alam mo, Mang Kalbo, mas masisiyahan ako kung pati ang safe box ay buksan mo rin. Gusto kong i-tour mo ako sa loob, puwede ba?" nakangising wika ni Nexus sa manager matapos nitong punuin ng pera ang bag niya.
"O-Opo," the manager replied.
"Very good, Mang Kalbo. Tara na, i-tour mo na si Haring Gago."
Tinulak ni Nexus ang manager gamit ang shotgun na hawak niya. Halos magkandarapa naman ang manager na naglakad patungo sa pinto ng safe box. Sa nanginginig nitong kamay ay kinuha nito ang susi para buksan ang paunang kandado ng safe box.
"Bilisan mo, Mang Kalbo at baka kabagin na ako kahihintay rito," bored na wika ni Nexus na naghanap pa ng sigarilyo sa bulsa pero wala siyang mahanap.
"O-Opo!" anang manager.
"Nex, ano na? Siguro tama na ito kaya tara na?" anang kaibigan niyang si Sylvester na buhat-buhat na ang sariling bag.
"Sandali na lang 'to. Ito-tour pa ako ni Mang Kalbo," kampante niyang tugon kay Sylvester. "Teka, may epiktus ka ba riyan?" Ang tinutukoy niya ay sigarilyo. Epiktus kasi ang tawag niya roon.
"Wala, eh."
Napabuntonghininga nalang siya.
Nagsalita rin si Jet na atat na atat na rin lisanin ang bangko. "Baka dumating ang mga pulis," anito.
Umikot naman ang mga mata ni Nexus, kahit kailan talaga nerbyuso 'tong mga kasamahan niya. "Chillax lang mga abnoy, mukhang nakakalimutan niyo yatang matitinik tayo, ah? Just wait for me, hindi pa ako tapos dito."
Natahimik naman ang mga kasamahan niya. Ang mga ito'y naupo na lang sa mga silya, ang iba ay nagbabantay sa entrance, at ang iba nama'y nakikipaggagohan sa mga empleyado. Tinatakot ang mga babae at lalaki, ang isa pang kasama ni Nexus na si Joed ay hinahaplos na ang hita ng isang babaeng hinila nito palabas kanina sa isang cubicle, at takot na takot na sa lalaki ngayon.
Napailing si Nexus, manyak talaga ang lalaking iyon. Hindi lang mamamatay-tao, kundi manyak pa. Napangisi siya at napailing.
"Milo," tawag niya sa isa nilang kasamahan na agad rin napabaling sa kaniya. "Pakisabihan si Joed na huwag dito. Ang loko-loko, inaatake na naman!" aniya na ikinatawa naman ni Milo. Nilapitan nito si Joed at may ibinulong sa huli na siyang ikinabaling ni Joed sa kaniya, pagkatapos ay binitawan nito ang babae.
Pero nang muling balingan ni Nexus ang babaeng binitawan ni Joed ay nangunot ang kilay niya. Napatitig siya rito nang maalala kung saan niya ito nakita nang unang beses. At nang maitama ang hinala ay malapad siyang napangiti.
"Miss beautiful. Aba'y pagtinamaan ka nga naman ng sang daang swerte." Nakangisi niyang sambit sa tonong ala Eddie Garcia habang nakatingin sa dalaga.
Nang bumaling naman ito sa kaniya at magtagpo ang kanilang mga mata ay kaagad niya itong kinindatan. Nanlaki naman ang mata ng babae.
But they all got alarmed when someone pushed the red bottom and the alarming sound echoed in the whole bank.
"Ayan na mga manoy. Tayo'y lumarga na bago pa matigok si Manoy." Aniya at tinulak ng binti ang likod ng manager dahilan upang matumba ito papasok sa loob ng safebox. Kaagad silang nagmamadaling kumilos para lumabas ng bangko. Pero bago siya tuluyang lumabas ng bangko ay nilapitan niya pa ang babae.
"Hi, Miss beautiful."
Kinindatan niya ito bago marahas na hinila at kinaladkad palabas ng banko.