"Bitawan mo ako!"
Malakas na sigaw ni Divina sa mukha mismo ng lalaking bigla lang siyang hinila palabas ng Bangko. Napahilamos ang lalaki sa mukha dahil sa laway niyang tumalsik doon.
"Aba'y kung hindi ka lang maganda, Ineng, kanina pa kita sinikmurahan." Anang lalaki sabay kumindat na naman sa kaniya.
Nagpumiglas siya nang pilitin siya nitong ipasok sa loob ng kotse pero nanlaban siya kaya nahirapan ito sa kaniya.
"Nex, iwanan mo na iyan. Parating na ang mga ang parak!" wika ng isang lalaki.
Sumabat naman siya habang pilit na binabawi ang braso sa lalaking tinawag na Nex. "Oo nga! Iwanan mo na ako dahil kung hindi aabutan na kayo ng parak!"
Malakas ang pagkasabi niyang iyon kaya ang lalaki halos tabunan nito ng dalawang palad ang tenga.
"Ang ingay mo. Kailangan ba kapag magsalita nakasigaw? Wala bang volume iyang boses mo na puwedeng i-set pababa?" halatadong naririndi ito sa kaniya.
Mabuti nga sayo! Hindi pa kasi siya iwanan. Ano pa ba kasi ang kailangan ng criminal na 'to sa kaniya?
"Nex, tapusin mo na siya para makaalis na tayo!"
Doon siya natigilan sa sinabi ng isang lalaki. Nagmamakaawa siyang tumingin sa lalaking hawak ang braso niya. May hawak itong baril at puwede siya nitong patayin kung gusto nito. Baka barilin nga siya nito sa bibig. Jusko huwag naman sana!
"H-huwag please. . . Maawa ka." pagmamakaawa niya sa lalaki kahit wala pa naman itong ginagawa sa kaniya.
Ang lalaking badboy ay ngumisi. Ang isang palad ay hinaplos ang pisngi niya. Nandidiri siya na natatakot. Ewan hindi niya maintindihan ang nararamdaman.
"Nex, tara na!" sumisigaw nang sabi ng isang lalaki dahil mula sa hindi kalayuan ay makikita na ang paparating na sasakyan ng mga pulis.
"Bitiwan mo na ako!" sigaw na naman niya sa mukha ng lalaki.
Narindi na naman siguro ito sa boses niya kaya marahas nga siyang binitawan. "Oh, edi, bitawan!" anito.
Tumilapon siya sa lupa at napaluhod sa lakas nang pagtulak nito sa kaniya.
"Bastos! Walang modo!" sigaw niya sa lalaki na binalingan ito at sinamaan ng tingin.
Napasipol pa ito na tila nasisiyahan sa posisyon niyang nakaluhod bago ito nagsalita.
"Oh, hindi ba sabi mo bitawan kita? Hay, naku, kayo talagang mga babae sinanay niyo ang pag-uulam ng toyo. Tsk! Diyan ka na!" saad ng lalaki sabay na maangas na sumakay sa kotse.
Napatanga na lamang siya sa sinabi ng lalaking walang modo.
Bago pa nga ito nawala sa paningin niya ay kinindatan na naman siya nito at iniwanan ng mga katagang...
"I shall return, miss beautiful!"
Buwesit na buwesit siya sa lalaki.
"Madisgrasya sana kayo!" labas ang litid ng ugat sa leeg na sigaw niya rito.
Dahil sa sinabi niya ay kamuntikan na ngang madisgrasya ang kotseng iyon nang simulang paulanan ng bala ng mga pulis. Pero dahil magaling siguro ang driver ay nagawang ilagan ang isang poste na kamuntikan nang mabangga.
*****
Pototan, Police Department
NAGKAKAGULO ang mga tao habang nagbibigay ang mga ito ng statement sa pulis tungkol sa nangyaring hold-up-an sa Bangko ng Alejandro.
Isa sa hindi magkamayaw sa pagbibigay ng salaysay ay ang manager ng bangko na si Benito Suarez na tinawag na kalbo ni Nexus.
"Tinutukan niya ako ng baril, pero umiral siguro ang bilis ng kamay ko kaya naagaw ko sa kaniya ang baril at ako naman ang nagtutok sa kaniya nito. Natakot nga siya eh. Halos maihi siya sa saluwal niya," pasikat na pahayag ni Benito na alam naman ni Divina na kabaliktaran sa totoong nangyari kanina.
Napabuntonghininga siya na napapailing habang nakaupo sa isang silya sa gilid ng lamesa ng pulis na kumukuha ng pahayag sa manager.
"Talaga ba? Oh, pagkatapos anong nangyari?" tila hindi kumbinsido na tanong ni SP02 De Leon sa manager.
"Ayon nga. Natakot siya sa ginawa ko. Akala siguro niya masisindak niya ako, e, sanay ito sa labanan. Kaya ayon, nagsitakbuhan sila palabas ng Bangko."
"Totoo ba ang sinasabi ni Mr. Suarez?" ang tanong ni SP02 De Leon sa iba pang empleyadong naroon.
"Ang totoo po niyan, Sir, eh, hindi po talaga totoo ang sinasabi ni Sir Suarez. Kitang-kita naman po kasi ang ibedensya kung sino talaga ang napaihi sa saluwal."
Pigil ni Divina ang sarili na huwag tumawa dahil sa sinabi ng kaibigang si Illinois lalo na nang magsitingin ang mga tao roon kabilang ang pulis sa pantalon ni Mr. Suarez. Hindi nga nakapagsalita ang manager nila dahil sa pagkapahiya nito. Si Illinois ba naman na walang preno ang bibig kung magsalita at walang pakialam kung tatanggalin sa puwesto sa Bangko dahil sa sinabi nito na totoo naman.
"Mukhang tama ka nga, Ma'am Oracion." Makahulugang sabi ni SP02 De Leon sa kaibigan niya.
Binalingan naman siya ng pulis at siya naman itong tinanong tungkol sa nangyari kanina.
"Ikaw, miss, namukhaan mo ba ang lalaking nakasagupa mo kanina?" seryuso nitong tanong sa kaniya.
Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. Sobrang namukhaan niya at hindi niya makakalimutan ang mukha ng walang modong lalaking iyon.
"I remember him. From head to toe. Baka gusto mo ng sketch, isasalaysay ko sayo." Diretsang pahayag niya.
"Very good. Now proceed to that table. Sila ang gumagawa ng sketch." Anito sabay na tinuro ang isang lamesa kung saan may isang pulis na naghihintay sa kaniya.
MATAPOS isalarawan ni Divina ang mukha ng walang modong lalaki ay nagpasya na rin siyang lisanin ang presinto kasama si Illinois. Pero palabas na sila ng prisinto nang makasulobong naman nila sa labas si Leon na halatang nagmamadali papasok. At nang makita siya nito ay lalo pang bumilis ang hakbang nito para salubungin siya.
"Ang ex mong walang modo andito na," bulong ni Illi sabay siko sa kaniya.
"I don't care. I just want to go to my coffee shop now," walang gana niyang sinabi at hindi pinansin ang presensya ni Leon.
Pero nagulat na lamang siya nang bigla siyang yakapin ng lalaki.
"Oh, god, Divina, babe, are you okay? Nasaktan ka ba? Sinaktan ka ba ng lalaking iyon?"
Wow, concern ha.
Ano kaya nakain nito?
Nakalapa kaya ang leon na 'to ng paborito nitong pagkain kaya bigla na lang bumait sa kaniya?
Paano iyan, hindi siya tinatablan ng kabaitan nito. Isa pa 'to sa walang modo e!
Marahas siyang kumalas sa lalaki na tila napapaso sa pagdikit ng katawan nilang dalawa.
"Uuwi na ako." Walang gana niyang turan sa lalaki. Nilagpasan na niya ito pero hinablot siya sa braso. "Ano ba? Bitawan mo ako, Leon."
"Concern na nga ako sayo tapos ganiyan ka pa. You know I came here to check on you, Divina, dahil iyon ang utos ng mama mo sa'kin. Wala akong pakialam sa perang ninakaw sa Bangko namin, marami kami noon. Ikaw ang inaalala ko. Gusto ng mama mo na magkaayos na tayo so why don't we forgive each other and move on from what happen last time? Alam mo, lasing lang ako noon kaya nakagawa ako ng bagay na ganoon, but trust me, hindi ko sinasadyang takutin ka."
I came here to check on you. . .
Forgive each other and move on. . .
Lasing lang ako.
Utos ng mama mo.
Naipikit ng mariin ni Divina ang mga mata niya sa mga salitang binitawan ni Leon na ngayon ay inaasar ang kaisipan niya.
Wow ha. Parang utang na loob pa niya sa lalaking ito na nag-alala ito sa kaniya.
Saka kung makapagsalita na pera nila ang ninakaw eh, parang kanila talaga samantalang sa mga tao iyon na nagde-deposit sa kanila as savings!
Eh, kung utusan niya rin kaya ito na lubayan na siya susunod kaya ito sa kaniya?
Walang kabuhay-buhay niyang tiningnan si Leon. Kinakapa sa sarili kung may pag-ibig pa ba siya para sa lalaki, pero sa ngayon wala siyang nakakapa. Ang tanging nararamdaman niya lang dito ay inis.
"Leon, wala na tayo. Tinapos na natin ang kung ano mang mayroon tayo kagabi sa party. Now, kung ano mang iniuutos ng mama ko sayo, huwag mo nang susundin, ha. Useless naman e, kasi wala nang aayusin pa sa'tin dahil hindi na tayo maayos pa."
With that, nilagpasan niya si Leon at tuloy-tuloy siyang naglakad patungo sa kotse niyang nakaparada.
"Divina wait!" before she finally close the door, Leon abruptly snatch her arm, very tight, "Hindi pa tayo tapos, Divina. Hindi ko tatanggapin itong pamamahiya mo sa'kin kaya humanda ka at babawi ako sayo." Ramdam niya ang pananakot sa pananalita ni Leon.
Pero hindi siya natatakot dito. Hilaw niyang nginitian si Leon saka tinanggal ang nakahawak nitong kamay sa braso niya.
"I'm always prepared, Leon." Iyon lang ang sinabi niya saka isinara na ang pinto ng kotse at pinasibad ito agad.
Pero nakarating na siya sa Plaza nang maalala niya si Illinois.
"f**k. Si Ili naiwanan ko!" nakangiwi niyang sambit nang maalala ang kaibigan. Inikot na naman niya muli ang manibela pabalik sa daan na patungo sa presinto para balikan si Illinois na ngayon ay sambakol na ang mukha habang nakatayo.
"Get in, Ili." Tawag niya sa kaibigan.
"Hay, mabuti naman at naalala mo pa ako!" nagdadabog na wika nito habang papasok sa kotse niya.
"I'm sorry kung naiwan ka. Akala ko kasi nakasunod ka na sa'kin e," sabi niya.
Inikot niya ang kotse sa daan na patungo sa Coffee shop niya sa bayan.
"Okay lang iyon. Libre mo na lang ako ng paborito kong kape sa Coffee shop mo," nakangiting sambit ni Illinois sabay kindat sa kaniya.
Dahil sa kindat ay naalala niya ang walang modong lalaki na iyon.
Buwesit na lalaki. Mahuli ka sana ng pulis!