Nakailang sipat na si Divina sa salamin upang siguraduhing maganda siya at walang dumi sa kaniyang mukha, habang nakikinig sa isa sa paborito niyang kanta ni Britney Spears na Criminal gamit ang earpods niya. She likes the song. Paborito nga niya ito. Pero hindi niya gusto ang kuwento sa kanta which is umibig ang babae sa isang criminal.
Well, kung siya 'yon, she would never commit to in love with that kind of person. Why? Dahil malalagot siya sa parents niya! Salitang criminal palang e, wala na. She heaves a deep sigh bago muling sinipat ang sarili sa salamin.
Ngayong gabi kasi ay anibersaryo ng Alejandro's Bank— ang bangko kung saan siya nagtatrabaho bilang isang accountant. Gaganapin ang party sa mansion mismo ng may-ari ng bangko na si Governor Samuel Alejandro. As usual, maraming bisita ang dumalo. Kaya nga umalis siya muna sa karamihan at nagtago sa restroom na ito dahil pakiramdam niya'y hindi siya makahinga sa labas.
Bumuntonghininga si Divina. Kung siya lamang ang masusunod ay mas pipiliin niyang matulog sa kuwarto niya kaysa ang pumunta sa party na 'to, pero wala siyang magagawa dahil sa kagustuhan na rin ng mga magulang niya. Kailangan niya raw um-attend dahil nobyo niya ang anak ni Governor—si Leon.
Nararapat lamang daw na naroon ang presensya niya bilang pagsuporta na rin sa pamilya Alejandro. Muli ay napabuntonghininga si Divina sa loob ng comfort room ng pamilya Alejandro habang nakatitig ito sa sariling repleksyon sa salamin.
Mayamaya pa'y bumukas ang pintoan at pumasok ang tatlong babae na halata pang kinikilig ang mga ito. Nang makita siya ng mga babae ay tumaas ang kilay nila. Kumibit-balikat siya habang niligpit naman niya ang mga gamit at ipinasok sa loob ng bag niya. Handa na siyang humakbang palabas ng banyo nang biglang magsalita ang isang babae na blonde ang kulay ng buhok.
"Wait." anito na hinawakan pa siya sa braso na siyang ikinataas naman ng kilay niya. "Hindi ba't babae ka rin ni Leon?" tanong nito sa kaniya.
Tumaas ang kilay niya.
Babae?
Gusto niyang tumawa pero pinigilan niya ang sarili, sa halip ay tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya.
"Correction, I'm his girlfriend." Matapang niyang sagot sa babae.
She has no time for these three bitches kaya pinili na lamang niyang lumabas ng banyo at hindi na pinakinggan ang sinasabi ng babae.
"Where have you been, huh? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" Ang galit na boses na iyon ay mula kay Leon na sinugod pa siya at hinaklit sa braso. Name into attitude. Bagay na bagay. Palagi na lang yata ito galit sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawang masama rito. Red flag para sa kaniya si Leon. Yes. Matagal na niyang alam but she still trying her best to work out their relationships. Baka kasi magbago pa naman ito.
Pero magbabago pa nga ba?
Pinilit niyang tanggalin ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa braso niya dahil mahigpit iyon at nasasaktan siya, sabay baling niya sa paligid sa isiping baka may makakita sa ginagawa ni Leon sa kaniya at magawan pa sila ng issue. Hindi naman maganda iyon dahil parehong nasa politiko ang pamilya nila. Hangga't maaari ay ayaw niyang magkaroon ng chismis sa pagitan nila ni Leon lalo na kung tungkol sa pananakit nito sa kaniya.
Napangiwi pa siyang sumagot kay Leon, "Sa banyo lang ako galing. Nag-retouch lang ako." Sagot niya sa binata na matapos bawiin ang braso ay agad pa itong sinipat kung humulma na naman ba ang palad nito roon.
"Why you need to retouch a many times, huh? Bakit may pinapagandahan ka pa bang iba?" galit na naman nitong bintang sa kaniya.
She rolled her eyes. Palagi na lang. Palagi na lang siyang pinagbibintangan na nagpapaganda para sa ibang lalaki. Kung tutuusin nga ay ito ang babaero at hindi makontento sa isang babae. Pa-victim pa! May nobya na pero kung makatingin sa ibang babae eh, daig pa ang mapipigti ang leeg kakalingon. Naiinis na siya sa lalaking ito, kaya nga wala na siyang gana rito at mas lalong ayaw na sana niyang um-attend sa party'ing 'to dahil gusto na niyang makipag-break kay Leon sapagkat sakal na sakal na siya sa lalaking 'to! She can't take it anymore kasi. Mahal niya ito pero siguro tama na?
She gave him a straight look in the eyes even though she felt hurt deep inside.
"Hindi ko kailangan magpaganda para sa ibang lalaki, Leon. Nagpapaganda ako para sayo. . . para hindi ka na lumingon pa sa ibang babae na kala mo eh, mababali na ang leeg mo kakalingon sa tuwing may dadaan na maganda at seksi." Matapang niyang sumbat kay Leon.
Wala na siyang sasabihin pa kay Leon na namula na ang buong mukha.
Akmang tatalikuran niya ito pero napangiwi siya at natigilan sa paghakbang nang mabilis nitong hinablot ang braso niya, sabay sinalampak siya nito sa pader ng hallway.
"Ang lakas na ng loob mong sagot-sagutin ako, huh! Ano bang ipinagmamalaki mo, huh? Ang papa mong mayor? Baka nakakalimutan mong hindi siya magiging mayor kung hindi dahil sa daddy ko? At baka nakakalimutan mo rin na nagtatrabaho ka sa banko namin, anytime ay puwede kitang tanggalin!" pananakot nito sa kaniya.
Oh, really? Nakalimutan yata ni Leon kung sino at ano siya.
Mapaklang natawa si Divina sa naging banta sa kaniya ni Leon. Sa tuwing mag-aaway na lang sila ay ganito palagi ang sinasabi nito sa kaniya. Na sinusumbatan siya sa tulong na ibinigay ng Daddy nito sa Papa niya kaya ito naging mayor. She rolled her eyes again. Tama lang talaga siguro na hiwalayan na niya ito.
Napaka-red flag!
Baka pati ipambili niya ng sanitary pads niya'y isumbat pa nito sa kaniya kapag naging asawa niya ito.
"Naging mayor ang papa ko dahil binoto siya ng mga tao, kung tinulungan man siya ng daddy mo, bonus nalang iyon. At saka hindi ko utang na loob sayo na nakapasok ako sa bangko na pagmamay-ari niyo, I work hard para makapasa hindi basta na lamang binigyan ng puwesto! At nakakalimutan mo yata na ikaw itong nagpumilit sa'kin na huwag ituloy ang pagpunta ko sa America para diyan sa trabahong sinusumbat mo sa'kin ngayon!"
Naipikit niya ng mariin ang mga mata bago muling nagsalita, "Alam, mo, Leon, ang toxic na ng relasyong ito, nobyo pa lang kita pero ganito na ang nararanasan ko sayo. Paano pa kaya kung maging mag-asawa na tayo?" matapang niyang asik sa lalaki na ngayon ay umiigting pa ang magkabilang panga na tila gusto siyang sakmalin sa leeg.
Akmang hahaklitin na naman nito ang braso niya nang agad siyang umatras para hindi nito maabot. Lalo pang umangil si Leon sa kaniya na para ngang hayop na leon.
Ngumisi ito at tiningnan siya pataas at baba. "At sinong nagsabi sayo na magiging mag-asawa tayo, huh? Siguro, in your dreams, Divina." Mapanuyang sambit nito.
Ay, ganoon?
Guwapo ka?
Guwapo nga hayop naman pag-uugali!
Sa galit at inis na nararamdaman ni Divina ay lumipad ang malutong niyang sampal sa pisngi ni Leon. Tumabingi ang ulo nito at humulma ang palad niya sa pisngi ng lalaki. May iilang babae pa na kakalabas lang ng banyo ang napasinghap sa nasaksihang eksena, ito ang mga babaeng nakasagutan niya kanina sa banyo.
"Sa tingin mo ba magpapakasal din ako sayo, Leon?" mapakla siyang tumawa. "Well, in your dreams too! Sinayang ko lang ang dalawang taon ko sayo." Tiningnan niya rin ito mula ulo hanggang paa."Mapula ka pa sa kulay pula. Diyan ka na!" Agad na tumalikod si Divina at hindi na napigilan ang luhang kanina pa gustong sumungaw sa mga mata niya. Tumatakbo siya sa hallway palabas ng venue habang pinapahid iyon. Mayroon pa siyang nabanggang bulto ng tao pero dahil sa nanlalabong mga mata ay hindi na ito binigyang pansin o humingi man lang ng paumanhin.
Mahal naman niya si Leon, pero sobra na ito sa panlalait nito sa kaniya. Para bang sobrang baba ng tingin nito sa kaniya samantalang may kaya naman sila sa buhay kahit hindi pa naging mayor ang papa niya. Kung yaman lang din naman ang pag-uusapan ay hindi naman sila nalalayo kina Leon, ang pinagkaiba lamang nila ay mayabang ang pamilya ni Leon at kabaliktaran naman sila. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangan pang magtrabaho dahil may sarili naman siyang negosyo at iyon ay Coffee shop na may iilan na rin branches sa bayan nila. Pero dahil sayang naman kung hindi niya magagamit ang pinag-aralan niya ay nagpasya siyang magtrabaho.
May kapatid ang Papa niya sa America na may ari ng isang malaking company at balak sana siyang bigyan ng puwesto doon pero balak niyang sa susunod na taon na lang siya aalis. That time ay kilala na sa bayan nila ang Alejandro's Bank. Nagpasya siyang mag-apply ng trabaho rito dahil isa sa pangarap niya ay makapagtrabaho bilang isang accountant ng banko. Palipas oras lang naman sana ang nais niya hanggang sa nakilala niya si Leon. Nalaman niyang anak ito ng may-ari ng pinagtatrabahuhan niya. Niligawan siya nito. Nahulog naman ang loob niya sa binata kaya sinagot niya ito. Hanggang sa i-give up niya ang trabaho abroad para dito dahil iyon ang hinihiling nito sa kaniya.
Noong una'y mabait naman si Leon, pero hindi naglaon ay lumabas ang tunay na kulay nito. Lalo na noong nanalo ang ama nito sa pagka-gobernador sa siyudad nila dito sa Iloilo. Para siyang nagnobyo ng kuting na nakahanda siyang lapain anumang oras.
Kaya tama na, tapos na, dahil ubos na siya. She wiped her tears. Tangina. Hindi deserve ni Leon ang mga luha niya.
Nakasalubong pa niya ang mga magulang habang palabas siya ng hallway, at nagulat ang mga ito nang makita siyang namumugto ang mga mata.
"Divina, hija, saan ka pupunta hindi pa tapos ang party," wika ng Mommy Divine niya na hinawakan pa siya sa braso. Nakasunod naman sa likuran nito ang ama niyang si Mayor Romulo na mababakas din ang pag-aalala sa itsura. Si Romulo na mayor ng bayan ng Pototan, Iloilo.
"I gotta go, Ma, Dad. Mauuna na po akong umuwi," walang gana niyang sagot na pinahid pa ang luhang muling dumadaloy sa pisngi niya. Gusto niya sanang sabihin sa mga magulang na tapos na sila ni Leon, pero hindi bale na lang, hindi rin naman sasang-ayon ang mga ito.
"No, hija. Mamaya na. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Balae, just wait a moment hindi pa tapos ang party. Diyan ka lang, maupo ka riyan." Utos sa kaniya ng ina na tinuro pa ang isang silya.
Sabi na eh, wala rin mangyayari kung sasabihin niya rito na tapos na sila ni Leon, balae ba naman ang tawag sa Daddy ni Leon.
Mariin siyang tumanggi at napabuntonghininga. "Ma, please, I need air to breath. Kaya please, hayaan niyo na po akong umuwi sa bahay. Excuse me po." She turned her back to them.
"Divina!"
But she heard nothing. She continue walking as she reached the main gate of the mansion. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng gate nang bigla na namang may humablot sa braso niya, at kasabay naman nito'y may ilang kalalakihan naman ang pumasok sa entrance ng gate na nakipagbangayan pa sa security guard.
"Bawal kayo rito!" Narinig niyang sita ng security sa mga kalalakihang pumasok.
Samantala naagaw naman ni Leon ang atensyon niya nang magsalita ito sa galit na tono.
"Where do you think you're going, huh? Akala mo ba ganoon na lang kabilis para iwanan mo ako, well, in your dreams—" She shouted his face off sabay dinuro ang dibdib nito.
"f**k you, Leon! f**k you a hundred times!"
But Leon abruptly kissed her lips. Nang una ay nanigas siya at hindi nakahuma , pero sa huli ay nagpumiglas siya at pilit tinutulak ang lalaki pero kulang pa rin ang lakas niya para mabitawan siya nito. Nawala na yata sa isipan ng lalaki na may mga tao sa paligid na nakatingin sa kahayupang ginagawa nito sa kaniya. Isinandal pa siya nito sa isang pole bar ng malaking tent, at ang isang kamay nito ay pumulupot sa bewang niya.
Nanginig ang kalamnan niya nang maramdamang hinahaplos nito ang bewang niya pababa sa kaniyang hita na naka-expose dahil sa dress niyang suot na may slit doon pababa sa mahaba niyang biyas.
"L-Let m-me go–" she pleaded.
Subalit hayok na hayok na si Leon sa kaniya at tila naging bingi na ito.
Wala na yatang hiya na natitira sa katawan nito at pati yata sa harapan ng mga tao ay nakahanda siyang pagsamantalahan. Akala ni Divina ay katapusan na ng gabi niya, pero bigla na lamang may humablot kay Leon at kaagad itong pinaulanan ng magkasunod na suntok at tadyak ng isang lalaki na nakasuot ng itim na leather jacket.
Napaatras naman siya habang yakap-yakap ang kaniyang sarili. She can't utter a word, napatulala na lang siyang nakatingin kay Leon na gumugulong na ngayon sa lupa habang tinatadyakan pa ng lalaki.
Hanggang sa nagsidatingan ang mga security guard at inawat ang lalaking bumubugbog kay Leon.
"f**k you! Pagbabayaran mo 'to!" singhal ni Leon sa lalaking hawak na ngayon ng mga sekyu sa magkabilang braso.
Pasipol-sipol ang lalaking nambugbog kay Leon. Parang wala lang dito na hawak ito ng mga sekyu. Parang sanay sa gulo.
Pinagmasdan ni Divina ang mukha lalaki, and in that moment, the guy is also looking at her. Their eyes met and an unfamiliar feelings soothed her being. Pero nang kindatan siya ng lalaki ay bigla siyang napangiwi.
Yay!
"Hi, miss beautiful!" anito na muli na naman siyang kinindatan, at ang magkabilang kilay nito'y tumaas-baba pa. Cool na cool ang dating nito. Pero bad boy ang pormahan.
"Hulihin niyo iyan! Ikulong niyo!" Ang galit na si Leon ang nagsalita.
Binalingan ni Divina si Leon, at masamang tingin ang ipinukol niya rito. Tingin na may kasamang kasuklam-suklam at pandidiri.
Dinuro niya si Leon sabay na nagsalita.
"Siya ang hulihin niyo dahil kamuntikan na niya akong gahasain!"
Nagpalipat-lipat naman ng tingin ang mga security sa kaniya at kay Leon. Hindi ng mga ito alam kung sino ang susundin. Ang anak ba ng Governor o anak ng Mayor.
Samantala ang lalaki namang tumulong sa kaniya ay pasipol-sipol lang sa isang tabi habang nakapamulsa ito. Porma palang nito'y masasabi na ni Divina na barumbado ito. Butas-butas ang maong na pantalon na suot nito na pinaresan ng sandong itim sa loob ng leather jacket, at naka itim na boots. Mayroon rin bandana na nakapalibot sa noo nito, at may nakasabit pang sungglasses. Napangiwi siyang umiwas ng tingin sa lalaki na panay ang kindat sa kaniya. Ibinaling niya ang tingin kay Leon.
"Ayaw niyong hulihin? Sige, paisa na lang ako!" wika ni Divina sabay na nilapitan niya si Leon at malakas itong tinuhod bago nilagpasan.
Narinig pa niya na napahiyaw si Leon, samantalang lalo namang lumakas ang pagsipol ng misteryusong lalaki na para bang inaasar nito si Leon.
At hindi lamang iyon, narinig din niya ang pag-utos ng ama ni Leon sa mga tauhan nito na palabasin sa mansion ang hindi welcome na mga bisita na tinawag nilang 'The thorns'.