ISANG bundok ang Barangay Panuran—kung saan malayo ito sa bayan ng Janiuay sa Iloilo. Gayunpaman ay sagana ang Panuran sa ma-berdeng kagubatan, at may iba't iba rin na falls ang makikita rito. Isa rin sa sagana sa Panuran ay ang ube, saging, kape, at kamoteng kahoy, at gabi. Bihira ang bigas dito, madalas sanay ang mga tao na kumain ng mga nabanggit na pagkain. Subalit sa layo ng lalakbayin mo paakyat sa bundok ay talaga namang nakakangawit ito ng dila at nakakapudpod ng tuhod. Kapag nga umakyat ka na sa mataas na parte ng lupa ay nagmimistulang langgam ang mga taong naka sunod sayo sa ibaba. Pero gayunpaman, worth it ang iyong pagod kapag nakarating ka na sa iyong destinasyon. Ngayo'y nakaupo si Divina sa isang silya habang nakasipsip siya sa straw ng softdrinks na kaniyang iniinom ay n