MIIWAC 18- Inggit sa ganda ni Divina?

1332 Words
"NGITING-NGITI, ah." A sarcastic voice is coming from behind of Divina. Napalingon siya sa kung sinong nagsalita. It was Zandra. Naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Ano'ng problema niya sa'kin at ganiyan siya kung tumingin? Nginitian lang ni Divina si Zandra saka niya ibinalik ang atensyon sa hinuhugasang mga plato na pinagkainan nila kanina ni Nexus. "Nabaril si Nexus dahil sa pagnanakaw niya ng manok para may makain ka namang matinong pagkain, pero nakuha mo pang ngumiti? Wala ka bang konsensya? Oh, talagang nabusog ka lang ng sobra sa kinain mo kaya hindi ka makaramdam ng konsensya?" Natigilan si Divina sa kaniyang ginagawa at awtomatikong napatingin kay Zandra. "Ano'ng sinabi mo? N-nabaril si Nexus dahil sa pagnanakaw niya ng manok?" Iyon ang pagkakaindi niya sa sinabi ni Zandra. But why Nexus did that? Bakit nito naisipang magnakaw ng manok at nabaril pa talaga ito? Dahil ba nakonsensya ito dahil pinakain siya ng daga at ahas, o naaawa lang ito sa kaniya? "Ang hina pala ng utak nito, tsk! Palibhasa ganda lang ang meron! Oo, nabaril si Nexus dahil sayo kasi nagnakaw siya ng manok sa Supermarket kahit maraming guard ang nagbabantay. Pati kami kamuntikan nang mapahamak dahil sayo!" supladang asik ni Zandra na nakataas pa ang kilay. "H-hindi ko naman siya inutusan, ah. Wala naman akong sinabi na gawin niya iyon. Desisyon niya 'yon kaya wala akong kasalanan." Paninindigan ni Divina. Tama siya. Kung ano man ang ginawa ni Nexus ay desisyon niya iyon. Wala siyang alam doon at mas lalong wala siyang kasalanan. Pero may bahagi ng isipan niya na nagu-guilty din siya dahil kung hindi siya nagreklamo sa ulam niya ay hindi maiisipan ni Nexus na manugod sa Supermarket at hindi sana ito nabaril. Ibinalik ni Divina ang atensyon sa hinuhugasang pinggan, pero si Zandra ay naroon pa rin at masama ang tingin sa kaniya. "Bakit ka ba kasi nandito? You're not welcome here kaya umalis ka na. Sinisira mo ang samahan namin. Para kang anay na mahilig sumiksik." Galit na sabi ni Zandra. Aba! Masyado na 'tong babaeng 'to ah! Binalingan ni Divina si Zandra saka ito tiningnan nang pataas-pababa. "Alam ko. Huwag kang mag-alala hindi naman ako magtatagal dito, eh." Nginitian niya si Zandra na lalo namang ikinasimangot ng mukha nito. "Ang tagal naman. Sana bukas paggising ko wala ka na rito. Ang sakit mo kasi sa mga mata ko, eh." Asik pa ni Zandra sabay na ngumisi. Muli ay napangiti si Zandra. Amoy na amoy niya ang isang ito. Plastik. Halatang ayaw sa kaniya sa simula palang. "Huwag kang masyado magmadali dahil baka mas mauna kang mawala kaysa sa'kin." Makahulugan niyang ganti kay Zandra. Pero hindi inaasahan ni Divina na maglalabas ng baril si Zandra saka ito itinutok sa kaniya. "Watch your words, babae. Baka mauna kang mawala diyan mismo sa kinatatayuan mo ngayon." Nakangisi si Zandra habang nakatuon ang baril kay Divina. Hindi nakapagsalita si Divina. She completely stunned. Usapan lang naman, bakit may baril? "Ano'ng nangyayari dito? At bakit mo tinututukan ng baril si Divina, Zandra?" wika ni Hex na kakapasok lang sa kusina at maabutan ang mainit na tensyon sa pagitan ng dalawang babae. "Kasi naman, pinakulo ng isang 'to ang dugo ko, kuya. Hindi yata niya ako kilala at hindi niya alam ang maaari kong gawin sa kaniya dito mismo sa lungga natin," saad ni Zandra. Hindi naman nagawang magsalita ni Divina dahil sa takot na baka pumutok ang baril ni Zandra kapag nagkamali siya ng sasabihin. "Calm down, Zandra. Alam mo ang mangyayari kapag kinanti mo si Nexus. Ayokong mag-away kami kaya hayaan mo na si Divina. Total naman hindi siya magtatagal dito sa'tin. Hindi ba, Divina?" "O-oo." Sagot ni Divina. "Ganoon naman pala, eh. Kaya ibaba mo na ang baril, Zandra." Ibinaba ni Zandra ang baril saka ito binalik sa bulsa at mataray na tiningnan si Divina. "Be careful, Divina." Anito saka nag-flying kiss pa kay Divina bago umalis. Sumunod namang lumabas ng kusina si Hex. Samantalang naiwan naman si Divina na naluluha. Pagkalabas niya sa kusina at pagtungo niya sa sala kung nasaan si Nexus ay mahahalata ang pamumugto ng mga mata niya. Naabutan niya si Nexus na nahiga sa kawayan na sofa habang nakaunan ang isang braso sa ulo nito at malalim ang iniisip na nakatingin sa kisame. Nang maramdaman ni Nexus ang presensya niya ay bumaling ito sa gawi niya. "Umiyak ka ba?" kaagad na tanong ni Nexus nang mapansin ang pamumugto ng mga mata niya. Tumango siya. Hindi siya nagsinungaling. "Oo." "Bakit?" saad nito. "D-dahil…" Naalala niya ang mga sinabi ni Zandra kanina. Ayaw na niyang sabihin iyon kay Nexus baka maging dahilan pa ng pag-aawayan ng grupo. "N-na miss ko lang ang parents ko." Pagsisinungaling niya. Tumango naman si Nexus. "Matulog ka na. Gamitin mo 'yong kuwarto ko diyan sa tabi ng kusina." Sabi ni Nexus. "S-saan ka naman matutulog?" tanong niya sa lalaki. "Dito na ako sa sofa. Bigyan mo nalang ako ng isang kumot at unan," Naisip ni Divina na mahihirap si Nexus kung sa kawayan ito matutulog lalo pa't may sugat ito sa tagiliran. Lalo pa tuloy siyang nakonsensya dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit ito nabaril. "N-Nexus, kung gusto mo ako nalang diyan at doon ka na sa kuwarto mo matulog," suhestiyon niya. Ngunit napangisi si Nexus. Alam nitong delikado si Divina kapag dito ito sa labas matutulog. May kasamahan pa naman silang hayok sa laman. "Huwag na. Doon ka na sa loob. Okay na ako rito." "Pero—" "Kilala mo ba ang kasama kong si Joed? Kapag dito ka matutulog sa labas baka gapangin ka no'n. In short, manyak 'yon kaya kung ako sayo doon ako sa loob matutulog saka ilo-lock ko nang maigi ang pinto." Putol ni Nexus sa ano pamang sasabihin ni Divina. Kinilabutan si Divina sa narinig. Kaya pala simula palang namamanyakan na siya kay Joed dahil manyak nga pala talaga ito! "S-sige ikukuha na kita ng kumot at unan mo," paalam niya kay Nexus saka nagmamadali siyang tumungo sa kuwarto nito at ipagkuha ito ng unan at kumot. "Heto na." "Salamat. Pumasok ka na. At mag-lock ng pinto." Tumango si Divina. "Oo. Good night." Tango lang ang sinagot ni Nexus kay Divina. Pagpasok ni Divina sa hindi kalakihang kuwarto ni Nexus ay ni-lock niya nang maigi ang pinto. Maging ang bintana na gawa sa jelousy ay sinara niya rin at hinawi ang kurtina pasara sa bintana. Saka niya pinatay ang ilaw at nahiga sa single size bed. Amoy na amoy ni Divina ang panlalaking amoy ni Nexus. Mabuti nalang hindi mabantot ang amoy ng higaan niya, mabango iyon. Amoy ni Nexus. Ipinikit na ni Divina ang kaniyang mga mata at pinilit niyang matulog. Maraming nangyari ngayon gabi, pakiramdam niya ay matagal na agad siya sa bahay na ito dahil sa sunod-sunod na mga nangyari. SAMANTALA, dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Nexus na nakahiga. Kahit anong pilit niyang matulog ay hindi niya magawa. Iniisip niya si Divina at ang ginawa niya para sa babae. Para sa kaniya ay wala lang naman iyon, pero may bahagi sa isipan niya na natutuwa siya kapag nakikitang natututuwa rin si Divina. Nakaramdam pa ng yapak si Nexus dahilan upang mapabaling siya sa gawing iyon. At doon ay nakita niya mula sa dilim ang bulto ng isang lalaki na patungo sa kuwarto niya. Sumipol siya dahilan upang matigilan ito sa akmang pagtulak sa pinto. "Natutulog na ang bisita kaya huwag mo nang abalahin pa, Joed. Dahil kapag pinilit mo siyang pasukin diyan sa kuwarto ko, hindi ako mangingiming tadtarin ng bala iyang katawan mo." Banta ni Nexus sa lalaking natigilan. "M-maggo-goodnight lang naman ako, eh." Pagdadahilan pa nito na ikinatawa niya. "Ikuwento mo iyan sa lelong mong panot tsong." Ani Nexus sabay kuha sa baril nito saka iyon kinasa. Nagmamadali namang umatras si Joed at nagmamadaling umalis. "Etong si Joed magdadahilan pa. Akala yata sa'kin kanina lang pinanganak. Barilin ko bunbuna nito eh." Ani pa ni Nexus sa tono ng boses ni Eddie Garcia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD