WALANG sali-salitang iniwan ni Divine si Divina sa isang pribadong clinic pagkatapos lumabas ang resulta ng Drugtest na naglalaman ng negatibong resulta.
Negative. Hindi adik si Divina at mas lalong hindi nag-aadik!
Divina wiped away her tears. Masakit sa kalooban niya na mismong parents niya ay hindi siya pinaniniwalaan. Ano ba ang nagawa niyang mali at ganitong treatment ang ganti sa kaniya? Halos lahat nama'y sinusunod niya, pero heto pa rin siya. Palaging mali, walang nagawang tama.
Laglag mga balikat na nilisan ni Divina ang clinic saka siya nagmaneho pauwi sa bahay nila. Kung siya lang ang masusunod, ayaw sana niyang umuwi sa kanila. Mas better kung mag-hotel nalang siya pero alam niya na lalong magagalit ang Mama niya.
Sa namumugtong mga mata ay umuwi siya sa kanila saka nagkulong sa kaniyang kuwarto. Hindi siya sumabay kumain sa mga parents niya, hindi rin siya pinatawag ng mga ito. Tiniis ni Divina ang kaniyang gutom. Bahala na. Hindi pa naman siya siguro mamamatay, at kung mangyari man iyon, mas maigi na siguro iyon.
Hindi alam ni Divina kung ilang oras na siyang nagmukmok sa silid niya. Gabi na rin iyon at kumakalam na ang sikmura niya. May naririnig na siyang sipol sa bintana niya at may kumakaluskos na rin doon, pero hindi na niya binigyang pansin na tingnan ito. May katok siyang nadinig sa pinto at kasabay niyon ay narinig niya ang boses ng Mama niya.
"Divina, get ready. Nasa baba ang gagawa ng gown mo. Susukatan ka niya."
Napabuntonghininga siya bago sumagot. "O-opo, Ma."
Iyon lang ang sinabi ng Mama niya saka umalis na rin ito. Naghanda na rin siya para sa fitting. Bumaba siya at walang pakialam kung namumugto man ang mga mata na humarap sa mga ito. Sinukatan siya ng designer at mula sa gilid ng mga mata niya ay nakikita niyang panay sulyap sa kaniya ang ina.
"Kumain ka na. Hindi ka puwedeng magutom dahil malapit na ang kasal niyo ni Leon. Dapat maganda ka sa araw na iyon, anak." Nilapitan siya ng Mama niya saka hinarap siya nito. Umalis na rin ang designer at sila na lang ngayon ng parents niya ang nasa sala. "Divina, anak," napapikit ng mga mata si Divina nang banggitin ng Mama niya ang salitang iyon. "Gusto ko lang naman na malagay ka sa mabuting pamumuhay. 'Yong mapangasawa mo ang isang matinong lalaki na aalagaan ka at mamahalin. Iyon lang naman ang gusto ko, anak. Hindi iyon para sa'kin, kundi para sayo. Kaya sana maintindihan mo kami ng Papa mo at sana huwag sumama ang loob mo sa'min."
Umiyak si Divine at yumakap sa kaniyang anak. Lahat ng sinabi niya ay totoo. Lahat niyon ay para naman sa ikabubuti ni Divina. Kung sumobra siya, bahala na sana ang Diyos na siyang ipakita sa kaniya ang pagkakamali niya.
Napayakap din si Divina sa Mama niya. Naginhawaan siya nang marinig na banggitin nito ang salitang anak kaya napayakap din siya sa ina. Matagal na niya kasing hindi naririnig ang salitang iyon. Hindi na rin siya sumagot sa Mama niya, basta niyakap na lang niya ito.
Kumain siya at kahit papaano ay ginanahan naman. Sinabayan din siya ng Mama at Papa niya na hindi rin pala kumain kakaisip sa kaniya. Kaya naman ginanahan siyang kumain.
Balak ni Divina na ituloy na ang kasal, hindi dahil gusto ng parents niya, kundi dahil gusto niya sa pagkakataong iyon. Gaya nga nang sinabi ng Mama niya, para daw iyon sa ikabubuti niya.
Kaya naman nakipag-ayos na siya kay Leon. At nang maging okay na sila ng binata ay tumulong na rin sila pareho sa pag-aasikaso ng kanilang kasal.
Isang araw magkasama silang pumunta ni Leon sa Local Civil Registrar sa Iloilo City para kumuha ng marriage license. Pagkatapos niyon ay kumain sila sa labas. Sa mahabang oras na kasama ni Divina si Leon, she never felt happiness. Sumusunod lang siya rito. Ngumingiti pero hindi naman umaabot sa mga mata niya.
Kumakain sila sa isang Restaurant, panay naman sa pagdutdot sa cell phone nito si Leon, habang siya'y tahimik na kumakain. Mayamaya pa'y nagpaalam ang lalaki na magbabanyo lang.
"Wait mo ako rito, babe, magbabanyo lang ako," ani Leon.
Tumango naman si Divina. Mas okay iyon para hindi na muna niya makita kahit minuto lang ang mahangin niyang fiancé na halos hindi nga nagalaw ang mga pagkain sa plato dahil sa kaka-cellphone nito.
"Sige, dito lang ako. Hindi ako aalis," sagot niya kay Leon na sinadyang sabihin iyon sa lalaki.
Hindi nga nagtagal ay umalis si Leon sa nagmamadaling hakbang. Naiwan siyang ipinagpatuloy ang naudlot na ginagawa. Wala pa mang ilang minuto nang umalis si Leon ay naramdaman niyang naupo ulit ito sa upuan nito kanina. Agad siyang nagsalita at umangat ng tingin sa lalaki.
"Ang bilis mo naman—" Subalit laking gulat niya nang hindi si Leon ang makita niyang umupo kundi si Nexus!
"Hi, miss beautiful." Anang lalaki na ngumisi sa kaniya sabay kinuha ang mga kubyertos at kinain ang pagkain ni Leon.
Hindi makapaniwalang napatitig si Divina kay Nexus saka mabilis na bumaling sa paligid dahil baka biglang dumating si Leon.
"N-Nexus? A-anong ginagawa mo rito?"
Aba, hindi na yata siya nakaramdam ng takot sa binata ah. Hindi gaya noong una silang magkita.
"Wala. Namasyal lang ako tapos nakita kita, mag-isa habang may kasamang plato na may lamang pagkain, kaya lumapit na ako," wika ni Nexus na puno na ngayon ang bibig habang nagsasalita.
"Umalis ka na. Maabutan tayo ni Leon! Malilintikan na naman ako sa parents ko! Alam mo bang napagkamalan akong adik dahil sumama ako sayo? Kaya please, umalis ka na," pagtataboy ni Divina sa lalaki.
"At kung ayaw ko? Ano'ng gagawin mo sisigaw?" saad ni Nexus na tumigil sa pag-nguya pero bumubukol ang pisngi dahil puno iyon.
Gustong tumawa ni Divina sa itsura ni Nexus. Ang cute kasi nito kahit mukhang patay-gutom.
"H-hindi. Gusto ko lang umalis ka para wala ng gulo. Ayoko na kasing makarinig ng madaming salita. Gusto nilang pakasalan ko si Leon kaya papakasalan ko siya. Pero kapag hindi ka umalis dito at maabutan tayo ni Leon, tiyak na malilintikan na naman ako. Kaya please, Nexus, umalis ka na. Huwag ka na magpapakita sa'kin kahit kailan. Kakalimutan ko na lahat ng atraso mo sa'kin, basta umalis ka lang ngayon." Seryusong sabi ni Divina.
In her deepest heart, hindi niya iyon gustong sabihin kay Nexus dahil aminin man niya o hindi, sumasaya siya kapag nakikita niya ito kahit hindi niya ito kilala at nakasama ng matagal. Kay Nexus lang kasi siya nakaramdam na hindi siya robot.
"Papakasalan mo siya? Sigurado ka ba riyan, Ineng? Nakow! Baka gawin kang punching bag ng hayop o 'di kaya'y lapain kapag sawa na siya sayo. Kung ako sayo, ayaw ko pakasal." Komento ni Leon na pangisi-ngisi.
Sumimangot si Divina, "Wala kang pakialam kung pakasalan ko man ang hayop. Basta gagawin ko iyon para sa parents ko."
"Aba'y robot ka pala? Sunod-sunuran? Ngayon lang ako nakakita ng robot na umiiyak buong araw habang nakakulong sa kaniyang kuwarto."
Mabilis napalingon si Divina kay Nexus na nakakunot ang noo. "A-anong sinabi mo?"
Sumipol si Nexus bago nagsalita. "Ang sabi ko bakit hindi mo na sunduin sa banyo 'yong fiancé mo? Kako baka nalunod na iyon sa sabaw o 'di kaya'y naubusan na ng sabaw kaka kadyot!"
Nanlalaki ang mga mata ni Divina sa sinabi ni Nexus. Sabay wala sa sariling sinampal niya ang braso nito. "Bastos ang bibig mo! Anong kadyot—" Saglit siyang natigilan.
Napatitig siya sa mga mata ni Nexus at doo'y nakita niya na may nais itong ipaalam sa kaniya. Tumaas-baba rin ang magkabilang kilay nito.
Nasapo ni Divina ang bibig habang iniintindi ang nais ipahiwatig ni Nexus.
"S-sa banyo?" aniya.
"Yup, miss beautiful. Kung ako sayo gulatin mo nang makita mo kung paano manguluntoy 'yong sawa niya."
Sa sinabi ni Nexus ay galit na tumayo si Divina saka nagmamadaling tinungo ang restroom. Pero bago siya tuluyang makaalis ay binalingan pa niya kung saan nakaupo si Nexus, pero ang lalaki ay naglahong parang bula.
Napailing siya saka nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating sa labas ng pinto ng restroom ay tumigil siya muna saka kinuha sa bag ang cellphone. Sa pagkakataong ito, hindi na siya magrereklamo sa parents niya na walang ebidensya. This time siguro ay siya na ang paniniwalaan ng mga ito. Huwag lang talaga magkakamali si Leon!
Malalim siyang humugot-buga ng hangin bago tinulak ang pinto papasok sa loob ng male restroom. Pagpasok sa loob ay walang ibang taong naroon pero maririnig ang malalakas na banggaan ng kung ano na siyang lumilikha ng ingay, mga boses na uhaw at hirap sa pag-ungol ng malalim at may kalakasan. Binuksan ni Divina ang cellphone at sinimulang mag-record habang dahan-dahan siya sa paghakbang papalapit sa isang cubicle kung saan nanggaling ang mga ingay.
"Ohh-baby-f**k! Aahhhh, sige pa!" Ungol ng isang babaeng animo'y hirap na hirap na at parang mamamatay sa sarap.
"Yes, baby! God, so damn good!"
Nakuyom ni Divina ang kamao. Ang hayop na Leon sadyang hayop nga! Bagay na bagay ang pangalan sa katauhan!
Sa inis ni Divina ay buong lakas niyang tinadyakan ang pinto ng cubicle dahilan upang tumama sa dalawang hayok sa laman ang pinto. Nang makita siya ng mga animal—lalo na si Leon ay napamulagat ang mga mata ng hayop na pawis na pawis pa at tama nga ang sinabi ni Nexus, nanguluntoy ang maliit nitong manoy nang makita siya!
"B-babe—"
"Don't call me babe, idiot. And… yuck? Dito pa ba talaga, Leon? Hindi mo man lang dinala sa Hotel ang babae mo? How cheap is that?" diskumpyado niyang ani. Matapos makunan ng video ang namumutlang mukha ng dalawa ay agad na tumalikod si Divina saka iniwan ang dalawang natulala na.
Hindi na niya masikmurang makita ang mga hayop na iyon. Duh! Kala mo kung sinong mayabang, maliit lang din pala ang manoy! Tse!