MIIWAC 10- What to do, Divina?

1322 Words
MAY isang salita nga si Nexus. Ibinalik nga nito ang kotse ni Divina matapos silang makaakyat sa hukay sa tulong na rin ng sepulturero. Divina who's driving her way home, smiling from ear to ear. Natatawa pa rin siya habang iniisip ang nangyari kanina. She's messy. Her clothes, and her face. Puno siya ng putik sa katawan but it doesn't matter, dahil minsan sa buhay niya ay nakaramdam siya ng tunay na saya. Kasiyahan habang kasama niya si Nexus, ang isang criminal s***h magnanakaw. Naghiwalay sila ni Nexus sa labasan ng sementeryo. Ewan niya kung saan ito pupunta pero ang mahalaga ngayon ay nabawi niya ang kotse. Ngayon, pauwi na siya at tiyak na magugulat ang parents niya kung bakit ganito ang itsura niya, idagdag pa na madilim na rin ngayon. Mabuti nga't may naligaw na sepulturero kanina kaya agad silang nakahingi ng tulong, dahil kung wala naku tiyak na doon sila magdamag ni Nexus hanggang sa sumikat ang araw. Nang maiparada niya ang kotse sa garahe ng bahay nila ay nagmamadali siyang lumabas doon at pumasok sa bahay nila nang dire-diretsong sa paglakad. Dalangin niya na sana ay hindi siya makita ng parents niya sa ganoong ayos dahil tiyak na marami na naman siyang maririnig na salita at kung mag-explain naman siya'y hindi naman siya papakinggan. "Divina!" The enraged voice of Divine made her stunned. Napapikit ng mga mata si Divina sabay na napahugot ng malalim na buntonghininga bago siya humarap doon sa nagsalita. Oh my goodness! Nagulat siya at the same time ay biglang nahiya sa mga taong naroon na nakatitig sa kaniya dahil sa ayos niya! Her parents, kasama si Leon at parents din nito ay naroon—nakaupo sa long sofa habang titig na titig sa kaniya! "What happened, Divina?" Romulo commented, eyeing Divina. "P-papa…" "Ano'ng ginawa mo, Divina? Bakit kasama mo ang isang miyembro ng Thorns, ha?" galit na tanong ng Mama niya. Nagulat si Divina sa tanong na iyon. Paano nalaman ng Mama niya na kasama niya si Leon? "Wondering why, Divina?" si Leon iyon. He has this look na parang nakagawa siya ng kasalanan dito base sa pinapakita nitong reaksyon ngayon. "Of course, Divina, maliit lang ang bayan na 'to. Nakakalimutan mo rin yata na kargado sa CCTV ang Pototan? Bakit, Divina, ha? Bakit ka sumama sa adik na iyon? Hindi pa ba ako sapat sayo kaya ka sumama sa lalaking iyon?" sumbat nito sa kaniya. Oh well, ito na naman. Kailangan pa ba niya mag-explain? Papakinggan ba siya kapag sinabi niya ang totoong nangyari? Eh, mukhang hindi nga yata ng mga ito alam ang nangyaring hold-up-an sa Grocery store kanina kung saan siya naroon. Napabuntonghininga si Divina. Hindi siya haharap sa mga ito na ganito ang ayos niya. She needs to take a bath first and change her clothes dahil kanina pa siya nilalamig. Sa isiping iyon ay walang salita-salita siyang naglakad at tinalikuran ang mga taong naghihintay ng sagot niya. "Divina, come back here!" Habol na tawag ng Mama niya pero hindi siya lumingon sa halip ay tumakbo siya paakyat sa pangalawang palapag ng bahay nila—sa kaniyang kuwarto. Nang makapasok si Divina sa banyo ay kaagad siyang pumailalim sa shower na hubo't hubad. Habang rumaragasang nababalot ng tubig ang kaniyang katawan ay naalala niya si Nexus. Divina smiled. Sino ang mag-aakala na napapangiti siya ng lalaking iyon? She remembered what Illinois told her kanina na may mabuting puso raw si Nexus. And she guess, tama siguro ang kaibigan niya. Dahil kung wala itong natitirang kabutihan ay malamang pinatay na siya nito at inilibing sa mismong hukay kung saan siya nahulog. "Divina!" Nag-awtomatikong bumaling ang leeg ni Divina sa pintoan ng banyo nang marinig ang sigaw ni Leon at pagkalampag nito sa pinto. "Idiot. Hindi man lang marunong mag-isip!" naiinis niyang bulong sabay na kinuha ang roba at isuot ito. Itinali niya iyon ng mahigpit sa katawan niya para siguradong walang masisilip ang hayop na fiancé niya! "Divina open this damn door!" mariing angil ni Leon na panay sa pagkalampag sa pinto. Marahas na binuksan ni Divina ang pinto saka galit na sinalubong ang umaangil na si Leon. "Ano ba, ha?! Hindi mo ba nakikita na nasa loob ako at naliligo? Ano ba ang kailangan mo sa'kin saka sino'ng nagbigay sayo ng permiso na pumasok sa silid ko?!" malakas niyang singhal sa mukha ni Leon. Hindi na kasi siya nakapagpigil pa. Sumosobra na kasi ang lalaking ito! Laking gulat ni Divina ng marahas na haklasin ni Leon ang braso niya saka ipinid siya nito ng malakas sa pader ng banyo. "Huwag na huwag mo akong sisigawan na babae ka! Alam mo matagal na akong nagtitimpi sayo kaya huwag mong ubusin ang pasensya ko!" angil ni Leon kay Divina saka malakas na sinakal si Divina. Mulagat ang mga matang napahawak si Divina sa mga braso ni Leon. Hindi siya makahinga dahil sa pagsakal nito sa kaniya. You're dead, Divina! Anang isipan niya. Mukhang mamamatay nga siya kapag natuloy ang kasal nila ng lalaking ito. Itutuloy pa ba niya? O, kailangan na niyang humindi? Divina tried to get away from Leon, subalit malakas ang lalaki. "L-Leon… p-please l-let… l-let g-go of m-me!" She's begging. "Remember this, Divina. You're mine! f*****g mine! Kapag nalaman kong nakipagkita ka ulit sa criminal na iyon I will going to make your life hell!" Pagkasabi niyon ay marahas siya nitong binitawan saka hinalikan ng mapusok sa labi. Kinagat nito ang labi niya dahilan nang pagdugo nito. Nang magsawa ito sa labi niya ay saka lang siya nito binitawan saka iniwan sa silid na iyon. Hilam ng luha ang mga mata ni Divina na napatulalang napatitig sa pintoang nilabasan ni Leon. Sasabihin niya ba sa parents niya ang ginawa ng fiancé niya? Kung gagawin niya, ano ang makukuha niyang sagot mula rito? Na kasalanan na naman niya? Hindi nga nagtagal ay pumasok ang parents niya sa kuwarto. Naabutan siyang nakaupo sa sahig at umiiyak habang putok ang labi. "Kasalanan mo ang lahat kung bakit nagawa ni Leon na saktan ka. Kung hindi ka sumama sa criminal na 'yon hindi siya magagalit sayo! Magsilbing aral sana sayo ang nangyaring 'to, Divina!" galit na sabi ni Divine sa anak. Nasasaktan siyang makita ang anak na sa ganoong ayos. Ni minsan ay hindi nila ito nagawang saktan ng asawa niya. Pero alam niyang may kasalanan ito kaya nagawa ni Leon na saktan. Hindi maitindihan ni Divine kung ano ang pumasok sa kukoti ng kaniyang anak at nakuha pang makipag-relasyon sa criminal na iyon. Is she taking drugs? Napaluha si Divine. Ni minsan ay hindi pumasok sa isipan niya na magagawang gumamit ng anak ng ipinagbabawal na gamot. Pero sa nangyayari ngayon mukhang hindi na nga tama ang pag-iisip nito. Si Leon na mismo ang nagsabi na adik ang lalaking nakasama nito. Sabi pa ni Leon ay mukhang may relasyon ang dalawa kaya ganoon nalang si Divina kay Leon. Sa itsura pa ni Divina kanina ay mukhang wala ito sa sarili at amoy yosi pa tanda na nag-yosi ito, at ang malala pa mukhang nag-drugs din. Masamang tingin ang ipinukol ni Divine sa anak na ngayoy walang patid sa pag-iyak. "Ayoko man sabihin ito pero… isa kang kahihiyan sa pamilyang ito, Divina." Parang may bikig sa lalamunan ni Divine nang sabihin niya 'yon sa pinakamamahal na anak. But she needs to. Para mahimasmasan na ito."Get ready. Gusto kong magpa-test ka." Naluluhang napatitig si Divina sa ina. "P-pa t-test? P-para po saan?" aniya. "Gusto kong malaman kung nagdo-droga ka, Divina! Dahil ayokong malagay kami nf Papa mo sa alanganin. Mayor ang Papa mo sa bayan na ito at kapag nalaman kong nagdo-droga ka, ako mismo ang magpapakulong sayo kasama ang criminal na iyon!" sigaw ni Divine saka nagmamadaling lumabas sa silid na iyon habang lumuluha. Hindi na niya kayang makita na ganoon ang anak. Samantalang napaawang naman ang labi ni Divina sa isinaad ng kaniyang Mama. Droga? Siya? Nagdo-droga siya? "O-oh God… hindi ako adik!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD