MIIWAC 4- Coffee Lovers

1109 Words
Coffee Lovers, Pototan Divina is happy to serve a cappuccino with a dash of cinnamon in a top of it, to her best friend, Illinois. "Here is your fav coffee, Illi." Inilapag niya sa lamesa ang tasa, and of course hindi rin puwedeng wala siyang kape. Ang paborito naman niya ay brewed coffee. Mas black, mas masarap. Naupo na rin siya sa silya katabi ni Illi. At ang maganda pa sa Coffee shop niya ay may maganda itong view mula sa mataas na palapag ng naturang gusali, kung saan sila naroon ngayon. Nasa isang two-seater na lamesa sila, may malambot na upuan at nakaharap sila sa view kung saan makikita ang kalawakan ng Pototan. Talagang binili niya ang isang lote na malapit sa market at plaza at doon ay pinatayuan ito ng Coffee shop. Naisip niya kasi na mabenta ito kapag napapagitnaan ng dalawang lugar na madalas puntahan ng mga tao, at hindi nga siya nagkamali dahil bumenta nga ang Coffee shop niya at araw-araw marami siyang costumer. In iloilo, may limang branches na siya ng Coffee lovers and soon balak na rin niyang pasukin ang Manila. Nakakatuwa lang dahil naging paborito nang tambayan ng mga estudyante ang Coffee lovers. Hindi para um-absent sa eskuwela, kundi para mag-reserch at gumawa ng mga assignments. Hindi lang din mga estudyante ang tumatambay dito kundi maging mga businessmen din na minsan ay doon pa nagse-set ng meetings. She is proud for herself dahil nakaya niyang ipatayo ang ilang branches ng Coffee lovers na hindi kinailangan ng tulong ng mga magulang niya. Hindi rin naman kasi ang mga iyon interesado sa napili niyang negosyo. Ang gusto ng mga ito ay magpakasal na siya kay Leon at magpatayo ng negosyo na hindi tulad nitong Coffee lovers. Divina heaved a deep sigh, and then she takes a sip of her favorite coffee. "Malalim yata ang iniisip mo, Di. Okay ka lang ba? Tungkol ba ito sa nangyari sa inyo ni Leon kanina?" tanong ni Illinois sa kaibigan nang makitang tulala ito. Sighed, Divina replied, "Medyo. Illi, Leon and I, already broke up. Pero sina Mama at Papa gusto pa rin balikan ko si Leon. At ito namang si Leon na kasing pula ng kulay ang dugo ko ay pabibo rin. Hindi niya yata naiintindihan ang salitang break na kami." "Exactly, my friend. Hindi lang ulol iyang ex mo, kundi obob din! Alam mo kung ako ikaw, sinapak ko na iyan, day! Dagdagan pa ng parents mo na nasilaw na yata sa mga regalo ng Leon na iyan. Kaloka sila!" iritadong saad ni IIli. Alam ni Divina na naiinis na si Illi sa parents niya, pero sino ba siya para mainis din sa parents niya? Oo nakakaramdam siya ng inis, pero mas nananaig ang respeto at pagmamahal niya para sa mga ito. Kaya nga hindi niya kayang suwayin ang mga utos nito sa kaniya kahit pa ang iba doon ay hindi na maganda para sa kaniya. For your own good nga kasi, Di. "Illi, do me a favor please," she holds Illi's hand, "huwag mong kasuklaman ang parents ko. Huwag ka magtanim ng inis o galit sa kanila, please. Para sa'kin na lang, Ili." Napaawang ang labi ni Illinois. Hindi ito makapaniwala sa hinihiling ni Divina sa kaniya. Hindi yata niya kakayaning ibigay ang favor na hinihingi nito. Ang hirap naman kasing hindi mainis sa mga taong ginagamit lang ang kaibigan niya, lalo na ang parents nito na tila hinahain si Divina sa isang Leon. Hindi niya kaya ang favor ni Divina. Hindi siya Diyos, hindi rin siya demonyo, pero parang nasa number two siya! "But, Di—" "Please, Illi. Do this for me, as your friend. I know you can, para sa ano pa na mag-best friend tayo," pakikiusap ni Divina sa kaibigan. In the end, napabuntonghininga na lang si Illinois. She can't say no to her best friend, but she can say, yes. "Sige na nga!" "Oh, thank you, Illi!" Niyakap ni Divina ang kaibigan nang buong higpit. Gumanti rin si Illi at tinapik-tapik ang balikat ng kaibigan. "But promise me na kapag sagad na sagad ka na sa kanila ay mas piliin mong piliin ang sarili mo. Huwag mong hahayaang maging robot na sunod-sunuran, my friend," ang payo ni Illi kay Divina. Ngumiti si Divina saka tumango. "Oo, Illi. Salamat." Pagkatapos nang madramang usapan nilang mag-kaibigan ay nagpaalam na si Illinois kay Divina na mauuna na itong umuwi. Sa Pavia pa kasi umuuwi ang kaibigan niya at katulad niya ay may business din ito, which is Beauty cosmetics naman ang sa kaibigan niya. Matapos niyang ihatid ang kaibigan sa parking lot ay pumasya na siyang bumalik sa Coffee lovers para gawin ang kaniyang trabaho. Nag-check siya ng benta ngayong araw, tumulong sa inventory at saka tumulong din sa pag-prepare ng coffee ng mga costumers. It was dark already when she decided to go home. It's past 8 o clock but the store still opened. Alas diyes pa kasi nagsasara ang Coffee lovers dahil request na rin iyon ng mga costumer niya. Ganoong oras kasi ay maraming tumatambay para gumawa ng kanilang assignments o mag-research. Pero hanggang 10 lang ang palugit niya dahil mas mahalaga pa rin sa kaniya ang mga empleyado na makapagpahinga rin ng sapat. She's heading to a parking lot when someone grabbed her waist and pulled her into the dark. "Aahh! Bitawan mo ako!" Gumawa siya ng ingay. Sumigaw siya, nagpumiglas din. Pero ang humila sa kaniya sa dilim ay tinakpan ang kaniyang bibig. At ang nakakagulat pa doon ay ang ginamit na pang takip ng sinoman ay ang sarili nitong bibig! God! Nakipag-halikan siya sa hindi niya nakikita o supposedly, demonyo! A terrible feelings soothed in her whole body. Buong lakas siyang lumaban, but still, mas malakas ang humahawak sa kaniya. Hindi lang iyon, isang patalim din ang tinutok nito sa tiyan niya. Wala siyang magawa kundi ang maiyak na lang. Sinubukan naman niyang magpumiglas, pero hindi talaga kayang kumalas. Nilalamon na siya takot at kaba, pero may pag-asa pa bang makatakas siya? Katapusan na ba niya? Kung ngayong gabi matatapos ang buhay niya, paano na ang maiiwan niya? Her best friend, Illinois. Her parents. The Coffee lovers. Saka wala na ba siyang pag-asa magkaroon ng sariling pamilya? Sariling pamilya? Wala ka ngang boyfriend! Lalo siyang napaiyak. Hanggang sa makakita siya ng isang sasakyang paparating sa parking lot. Ang liwanag ng ilaw nito ay dumiretsong tumama sa kanila ng kasama niyang demonyo, at sa mga sandaling iyon ay alam niyang ligtas na siya, siguro? Leon! Siguro nga ligtas na siya mula sa demonyong may hawak sa kaniya dahil ang driver ng kotse ay walang iba kundi, si Leon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD