MIIWAC 21- Target

1414 Words
NAKABITIN sa ere ang benteng lata ng sardinas mula sa ilalim ng isang punongkahoy. Nakahilera ang mga ito na siyang pagpapractice-sang babarilin ni Nexus. Nakatayo lang si Nexus malayo sa kinaroroonan ng punong kahoy. Tanging pantalon lang na maong ang suot niya, at ang pawisan niyang dibdib ay kitang-kita. Hawak ni Nexus ang paborito niyang baril na pinangalanan niyang Isabel. Pumuwesto siya at tinutok ang baril sa mga tatarget-in na lata. Subalit bago pa man niya makalabit ang gatilyo ay lumapit sa kaniya si Divina. Alam na ni Nexus kung ano ang kailangan ni Divina—ang tungkol ito sa gustong pagsali ng dalaga sa kanilang grupo. Hindi literal na sasali, pero sa gusto nitong mangyari na magsanay kung paano gumamit ng baril at sasama sa mga lakad nila ay parang ganoon na nga ang mangyayari. "Nexus, sige na naman oh. Turuan mo na ako humawak ng baril." Pang-gigiit pa nito. "Hahawak lang ba? Oh, sige, ito hawakan mo. Hawak lang ha, huwag ipuputok." Pilosopong saad niya na ikinasimangot ng mukha ni Divina. "Oh, ngayon ayaw mo? Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hindi puwede? Ang kulit mo talaga," ani Nexus. Muli siyang pumuwesto at inihanda ang baril sa target. "Ayaw mo? Edi kay Hex ako magpapaturo!" naiinis na sabi ni Divina saka ito nagdadabog papunta kay Hex na nag-e-ensayo rin sa kabilang bakuran. "Oy, ikaw ang bahala ikaw rin ang kawawa." Pagkasabi niyon ay sinimulang barilin ni Nexus ang mga lata. Sampung lata ang una niyang tinarget, lahat sapul at walang mintis. "Ganiyan nga. Tama. Ngayon tingnan mo lang ng mabuti ang target. Oo, ganiyan nga." Napabaling si Nexus sa kabilang bahagi ng bakuran nang marinig ang boses na iyon ni Hex. Naningkit ang mga mata niya nang makita si Hex na nakayakap na sa likuran ni Divina. Ang babae ay tinuturuan nito kung paano humawak ng baril. Napahigpit ang paghawak ni Nexus sa baril saka walang anu-anong galit na pinagbabaril ang mga natirang lata. "Aaahhh!" gigil na gigil niyang sigaw na walang awang tinadtad ng bala ang mga lata. Ang ingay na nilikha niya ay ikinalingon naman nina Divina at Hex. Napangisi si Hex sapagkat alam niya kung bakit nagkaganoon si Nexus. Pero agad rin nagbago ang reaksyon niya at napalitan ito ng paniningkit ng mga mata. "Focus, Divina." Utos ni Hex kay Divina. Sumunod naman ang babae sa sinabi niya. Samantala, wala ng lata na nakabitin sa ere, pero patuloy pa rin sa pagbaril si Nexus. Puro hangin na ang sumasalo sa mga bala niya. "Sayang ang bala, Nex." Komento ni Milo na nakangising nakatitig kay Nexus. "Wala kang pakialam." Maikling tugon ni Nexus na madilim ang anyo. "Mayroon. Dahil hindi ka naman ganiyan dati," saad ni Milo. Hindi inaasahan ni Milo ang biglang pagbaling sa kaniya ni Nexus sabay tutok nito ng baril sa kaniya. "Kung barilin kaya kita?" seryuso niyang sabi kay Milo. Napakamot si Milo sa batok nito saka hilaw na napangiti. "Alam kong gagawin mo pero sana huwag." "Oh, 'di huwag." Pagkasabi ni Nexus ay nilagpasan niya si Milo. Nagmamadali itong pumasok sa loob ng bahay, paglabas nito ay may damit na itong suot saka sumakay ito sa motorsiklo at pinaharurot iyon. "Anong nangyari doon?" komento ni Divina na nakasunod ang paningin sa papalayong motorsiklo. "Sa target ituon ang paningin huwag sa abnoy." Sagot naman ni Hex. ISANG sikat na Bangko na naman ang target ng grupong thorns na located sa Pototan, Iloilo. Sa pagkakataong iyon ay sumama si Divina na hindi alam ni Nexus. Ang lalaki kasi ay hindi umuwi ng araw na umalis ito, walang nakakaalam kung saan ito nagpunta—dalawang araw na ang nakakalipas, kaya nagpasya si Hex na isama na ang dalaga dahil nagpupumilit ito. Divina wore a facemask so her face was invisible, she also wore a jacket and black leggings. Suot din niya ang sapatos na napipilitang ibigay ni Zandra. Magkahalo ang kaba at excitement na nararamdaman ni Divina. Hindi niya mawari kung kakayanin niya ba ang kagagahang pinasok niya. Gusto niyang subukan kaya siya narito ngayon sa kotse kasama ng grupo ng mga criminal. Alam niyang mali ito, pero mas mali ang bumalik sa dating buhay niya na wala namang silbi sa mga magulang niya. Kung pagrerebelde ang tawag sa ginagawa niyang ito, ay bahala na ang Diyos humusga sa kaniya. Gusto niyang mabuhay, kaya kakapit siya sa patalim. "Nakahanda ka na ba, Divina?" untag ni Hex sa babaeng nakatulala. Napangisi si Hex, kaya siya pumayag na isama si Divina dahil may binabalak siya. Napakurap naman si Divina sabay baling niya kay Hex. "O-oo—" "Dinadaga yata siya, kuya." Nakangising komento naman ni Zandra. "Naku, hindi! K-kaya ko nga eh. Handa na ako!" pagtutugpo ni Divina sa sarili niya kahit na alam niyang kinakabahan siya ngayon. Lalong napangisi sina Hex at Zandra. Samantala sina Milo at Alexis ay napapailing—alam ang plano ng magkapatid. "Nasaan pala ang ibang kasama niyo?" ani Divina. Ang tinutukoy ay sina Sylvester, Ramon, Joed, Jet, and Vern. Except kay Nexus na hindi niya alam kung saang lupalop na ng mundo nagpunta. "Ah, sila ba? Nasa kabilang van sila. Kasama namin silang magbabantay dito sa labas. Kaming mga kalalakihan ang lookout." Paliwanag ni Hex sabay siko nito sa kapatid na si Zandra. "At ako naman ang makakasama mong papasok sa loob," saad ni Zandra. Naguguluhang napatitig si Divina sa mga ito. Sila lookout? Kami ni Zandra ang papasok? As in kami lang? "Hindi ko naiintindihan. A-anong ibig niyong sabihin?" naguguluhang sabi ni Divina. Natatawa siyang tiningnan ni Zandra bago ito sumagot. "Ang hina mo talaga. Tara, sumama ka sa'kin para malaman mo kung ano ang ibig naming sabihin." Bumukas ang van, at hinila ni Zandra si Divina pababa. Nagkandarapang sumunod si Divina kay Zandra, bago pa man makahuma si Divina ay narinig niya ang sunod-sunod na putukan ng baril, ilang security guard ang nakita niyang tinamaan ng bala ng baril at wala nang malay. Kinilabutan si Divina, hindi niya inaasahang mangyari iyon. O, ganoon lang talaga iyon? Namalayan ni Divina ang sarili na nakatayo sa likuran ni Zandra habang nandoon sila sa harapan ng teller at tinutukan ng baril ni Zandra ang isang empleyado sabay deklara ng hold-up. "Ano, Divina, dinadaga ka na ba? Tutunganga ka nalang ba riyan? Hindi mo ba dadamputin ang mga perang iyan?" makahulugang sabi sa kaniya ni Zandra. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi nakahuma si Divina. Sumunod nga siya sa sinabi ni Zandra pero para siyang wala sa sarili. Nanginginig ang kamay niyang kinukuha ang perang inilabas ng empleyado saka ito ipinasak sa loob ng malaking bag. Hanggang sa tumunog ang isang alert sound. Natatarantang binuhat ni Divina ang bag saka niya binalingan si Zandra, subalit napamulagat ang kaniyang mga mata nang hindi na niya makita ang babae. Hinanap niya ito sa paligid, pero wala na ito, parang iniwan na siya. "M-maawa na po kayo sa'min." Nanginginig na boses ang narinig ni Divina kaya napabaling siya rito. Isang babaeng empleyada ang umiiyak ngayon sa harapan niya. Wala sa sariling napaatras si Divina. Tumakbo siya palabas ng Bangko dala pa rin ang bag na naglalaman ng pera. Subalit pagkalabas niya ng Bangko, naabutan na lamang niya ang papalayong van. Iniwan nila ako! Oo, sinadya nila! Nabitawan ni Divina ang bag at nanlulumong napaluhod sa semento. Ano'ng na ang gagawin niya ngayon? Halatang pinahamak siya nina Hex at Zandra. Ngayon mukhang makukulong siya dahil kaagad siyang nagtiwala sa mga ito. "No… no… no…" Kapag nahuli siya ng mga pulis, tiyak mahuhuli na rin siya ni Leon. Hindi puwede! Narinig ni Divina ang serena ng police na paparating na. Napaiyak siya. Hindi niya rin magawang tumayo at tumakbo man lang palayo. Para siyang sinemento sa kinaroroonan niya ngayon. Hanggang sa biglang may humablot sa bewang niya at isakay siya nito nang pasalya sa upuan ng motorsiklo. "Putangina mo, Divina!" Noon na lamang nahimasmasan si Divina nang mapagtanto niyang si Nexus ang nagsakay sa kaniya sa motor at kasalukuyan nang papalayo ang motorsiklo sa Bangko. Sa bilis nang pagpapatakbo ni Nexus sa motor nito ay kamuntikan pang mahulog si Divina subalit maagap siyang yumakap sa bewang ni Nexus nang buong higpit. For the second time, Nexus saved her life. Noong una sa kasal, ngayon sa pangho-hold-up na muntikan na siyang mahuli ng mga pulis. Lalong humigpit ang yakap niya kay Nexus habang isinubsob naman niya ang mukha sa likuran nito saka siya umiyak nang umiyak. Hindi niya alam na siya pala mismo ang target at hindi ang Bangko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD