NEXUS CRISOSOMO—pangalan ng lalaking walang modo na hindi maalis sa isipan ni Divina. Nandito na naman siya ngayon sa Pototan, Police Station, nagbibigay ng pahayag tungkol sa nangyaring hold-up-an kanina lang.
"Kailangan na talagang mahuli ang grupong Thorns. Masyado na nilang piniperwisyo ang bayan natin. Maraming Bangko at Grocery store na ang nalugi dahil sa kanila." Pahayag ni SPO2 De Leon na mababakas sa itsura ang kagustuhang huliin ang grupo.
Divina sighed, maging siya ay iyon din ang dasal, na sana nga mahuli na ang grupong iyon lalo na ang Nexus na iyon.
Matapos magbigay ng pahayag ni Divina sa presinto ay dumiretso siya sa Coffee Lovers. Binisita niya lang saglit ang mga tauhan niya't nagpahangin doon. Habang umiinom ng paborito niyang kape ay tinawagan niya ang kaibigang si Illinois para ikuwento ang nangyari ngayong araw.
"What?! Jusko, Divina! Mabuti't hindi ka sinaktan ng hayop na lalaking iyon!" Ang bulalas ni Illinois sa kabilang linya matapos ikuwento ni Divina ang tungkol kay Nexus. May lakad kasi si Illinois sa Negros at sa susunod na araw pa ito makakabalik kaya hindi nito masamahan ang kaibigan.
"Kaya nga, Ili, eh. Ginapos niya lang ako saka binusalan. Saka alam mo, Illi, iniwas niya ako doon sa kaibigan niyang manyak!"
"So, ang badboy na iyon ay may kabutihan din, ganoon?"
Hindi siya sure. Parang wala naman. Baka trip lang nito na iiwas siya sa manyak na kaibigan nito para sa sariling interes?
"I don't know, Illi. Parang mahirap paniwalaan na may kabutihan pa ang loob ng Nexus na iyon. Isa siyang criminal na walang sinasanto. Walang ibang alam gawin kundi pumatay at mang-hold-up."
Ano pa ba ang iisipin niyang maganda sa Nexus na iyon? Kilala ito bilang isang sikat na mamamatay-tao at magnanakaw, alangan naman purihin niya ito.
"Always remember, Di. Don't judge the book by its cover. Malay mo baka mabait din pala siya kaya ka pinakawalan nang dalawang beses. Saka hindi ba siya 'yong bumugbog kay Leon noon? See? May puso siya, Di!"
Napabuntonghininga si Divina. Puwede naman kasi nagkataon lang na mangyari iyon. Naalala pa niya ang sinabi ng lalaki sa kaniya kanina. Dinukot niya sa bulsa ang papel na ipinasok nito sa bra niya kanina.
"Alam mo ba, Illi, sinabi niya pa sa'kin na kung gusto ko raw sumama sa kaniya magsabi lang ako. Ang lakas ng tama niya't iniwanan pa ako ng number niya. Ano akala niya sa'kin, sira?" natatawa niyang kuwento kay Illinois habang tinitingnan ang number na nakasulat sa papel.
"Talaga, Di? Naku, kung ako sayo, Di, sasama na ako! Mas maigi na iyon kaysa makasal ako sa hayop na Leon!" Malutong na tumawa ang kaibigan niya sa kabilang linya, kapagkuwa'y nagsalita muli. "Di, joke lang 'yon, ha. Baka totohanin mo!"
Natawa na rin siya sa kalokohan ng kaibigan niya. "Loka. Hindi pa nasisira ang utak ko para gawin ang sinabi mo."
"Pero, Di, magpapakasal ka ba talaga kay Leon? Wala nang atrasan? Di, kilala mo na ang ugali ni Leon. Hindi pa nga kayo mag-asawa kung ano na ginagawa niya sayo, paano pa kaya kapag kasal na kayo? Alam mo naman na ikaw lang ang inaalala ko, Di. Para na kitang kapatid."
Alam ni Divina na nag-alalala lang sa kaniya ang kaibigang si Illinois. Ang kasiyahan lang niya ang iniisip nito, at ang pagpapakasal kay Leon ay alam nitong hindi niya ikakasaya dahil hindi niya gustong makasal sa lalaki pero gusto naman ng parents niya. Hindi na niya mahal si Leon. Simula palang nang gabing gawan siya nito ng kaharasan ay nawala nang tuluyan ang pagmamahal niya rito. Gusto niyang lumayo at iwanan ang parents niya para lang takasan ang bagay na hindi naman niya gustong gawin. Pero ano ang mangyayari kapag ginawa niya iyon? Malulungkot ang parents niya at worse baka mapahamak pa dahil sa kaniya knowing na may high blood ang Mama niya at madali itong atakihin kapag may dinadamdam. Isang beses kasi sinuway niya ito sa isang bagay na gusto nitong gawin niya, hindi siya sumunod kaya sa sobrang galit nito sa kaniya ay bigla na lamang itong natumba. Kalahating katawan nito ay na paralayzed, mabuti na lang at nagamot kaya bumalik ito sa dati.
Simula noon ay nadala na siya kaya hindi na niya sinusuway ang Mama niya. Kahit pa gumaling na ito at may maintenance ng gamot ay natatakot siyang muling suwayin ito.
"I have no other reason to quit, Illi. Walang rason para hindi ko sundin ang parents ko, alam mo iyan. Natatakot ako na kapag sumuway ako muli ay mapahamak naman sila dahil sa'kin. Ayokong magsisi sa huli, Illi. Kaya… titiisin ko na lang siguro. Magpapakasal ako kay Leon kahit ayaw ko…"
She has no choice but to choose what is right for the sake of her parents. Para sa ikakasaya nila, siya na lang ang mag-adjust even if it hurts a lot.
PAGKATAPOS nang pag-uusap nina Divina at Illinois ay nagpasya na rin si Divina na umuwi. Ito pa ang nakakabuwesit dahil magco-commute siya ngayon. Guess what? Dahil ang sasakyan niya ay tinangay ng Nexus na iyon! Hindi man lang niya napansin noong nilapitan siya nito para ipasok ang papel sa bra niya ay kasabay rin pala nang pagdukot nito ng susi na nakasabit sa sling bag niya!
He has the fastest hand, huh?
Nakakairita! Ang pinaghirapan niyang bilhin na sasakyan ay tinangay lang ng lalaking iyon!
Madilim ang mukhang naghintay ng pina-book na taxi si Divina sa gilid ng highway malapit sa Coffee Lovers. Hindi na rin niya itinuloy ang pag-grocery dahil sa nangyari kanina, sa susunod na araw na lang. She is busy checking her emails while waiting for the taxi to arrive when she senses that someone is watching her.
Napabaling si Divina sa gawing iyon—kung saan parang may tumitingin sa kaniya. And there she saw Nexus standing outside the black sedan—on her car—leaning like an idiot while smoking a cigarette!
Ang gago!
"That's my car! Give it back to me!" sigaw niya kay Nexus na tila dragon na buga nang buga ng usok sa ilong at bibig nito.
Kininditan siya ni Nexus habang hinihintay siya nitong lumapit siya. Nakasandal ito sa kotse niya na animo'y hindi natatakot na baka biglang dumating ang mga pulis.
"Give it back to me!" ani Divina kay Nexus nang tuluyan silang magharap ng lalaki.
Nexus slowly killed the cigarette by his fingertips and then he smiled to Divina widely. "Hi, miss beautiful."
Napatitig si Divina sa daliring ginamit ni Nexus pampatay sa dulo ng sigarilyo.
And then her mouth faster than her brain.
"Hindi masakit?"
Tumaas ang sulok ng labi ni Nexus sa tanong na iyon ni Divina. "Wanna try?" balik-tanong niya sa babae.
Napakurap si Divina. Hindi maintindihan kung bakit niya natanong iyon kay Nexus. Naipilig niya ang ulo.
"Give me back my car, Nexus. Pinaghirapan ko iyan bilhin kaya ibalik mo sa'kin." Hindi iyon pakiusap kundi isang utos.
"In one condition, miss beautiful." Saad ni Nexus.
Umarko ang kilay ni Divina, "What condition?"
Sumilay muli ang ngiti sa labi ni Nexus habang naglalaro sa isipan niya ang isang pakay sa dalaga.
"Sasama ka sa'kin ngayon. Pagkatapos mababawi mo ang kotse mo,"
"At kung hindi?" Nakipagtagisan ng tingin si Divina kay Nexus.
"Then, hindi mo siya mababawi sa'kin. " Nakangising sabi ni Nexus.
"But this is my car! Pinaghirapan kong bilhin 'to!" tila maiiyak na sambit ni Divina.
"Kaya paghirapan mong bawiin sa'kin. Sumama ka lang sa'kin ngayon, at pangako ko sayo na mababawi mo siya."
"Paano ako makakasiguro?" Divina asked.
"May isang salita ako, miss beautiful." Saad ni Nexus. "Ano? Laban o bawi?"
Napapikit si Divina ng mga mata.
Think twice Divina!
Baka kapag sumama ka sa kaniya bangkay ka na lang matagpuan!
But it's your car, Divina! Regalo mo iyan sa sarili mo noong birthday mo!
Go ahead, Divina! Sumama ka kay Nexus!
Divina opened her eyes. But those gossips in her brain are still insisting on what she should do.
Pero mabilis man mag-isip ng isipan niya, ay mas mabilis naman magbukas ang bunganga niya.
"Bawi! Dahil babawiin ko ang kotse ko kaya sasama ako sayo!" She finally declared.
Napasipol si Nexus sa naging pasya ni Divina at pinagbuksan ang dalaga ng pinto ng kotse. "Pasok, miss beautiful." Aniya sa boses ni Eddie Garcia.
Wala nang patumpik-tumpik na pumasok si Divina sa loob ng kotse niya. Gustong-gusto niyang bawiin ang kotse kay Nexus kaya siya sasama sa lalaki.
But later on, Divina realizes it was a big mistake to be with someone she doesn't know well, but a criminal. Huli na nang makaramdam siya ng kaba nang dalhin siya ni Nexus sa isang Cemetery.
"W-why h-here?" Her voice trembled with fear while looking at the empty place. No other people in there, but a lot of graves at alam naman niya kung ano ang laman no'n.
Ngumising-aso si Nexus kay Divina na lalong ikinatakot ng dalaga.
"Dahil ito ang paborito kong lugar, miss beautiful. Dito ko gustong gawin ang isang bagay na kasama ka." Ani Nexus saka may inilabas ito sa bulsa, pero hindi pa man niya tuluyang nailalabas ang bagay na iyon ay mabilis na siyang sinuntok sa mata ni Divina saka mabilis na tumakbo ang dalaga palayo sa kaniya.