NANLALAKI ang mga matang tumatakbo si Divina sa hindi kabisadong daan na animo'y hinahabol ito ni Kamatayan. She's not ready to die! Hindi pa niya oras ngayon.
Breathing heavenly, Divina ran as fast as she could. Halos magkandarapa siya sa pagtakbo matakasan lang si Nexus—ang lalaking papatay sa kaniya.
"Hoy, miss beautiful, bumalik ka rito!"
Narinig niyang sigaw ni Nexus habang hinahabol siya nito.
"No!" Humihingal na siya pero hindi siya titigil sa pagtakbo.
Just run, Divina! Run faster!
"Miss beautiful, ano ba bumalik ka rito!" Muli pang tawag sa kaniya ni Nexus.
Pero hindi siya nakinig. Tumakbo siya nang tumakbo, at nang mapansin niya na malapit na siyang maabot ni Nexus ay mas binilisan pa niya ang pagtakbo.
"Miss beautiful huwag diya—"
Bago pa tuluyang matapos ni Nexus ang sasabihin niya't bago pa niya maabot ang babae ay tuluyan na itong nahulog sa isang hukay na walang laman.
Lumagapak si Divina sa lupa at sumubsob pa ang kaniyang mukha!
"A-aray ko! M-mama, Papa, t-tulong!" hinging saklolo ni Divina na hilam ng luha ang kaniyang mga mata. Nang tumingin siya sa itaas ay nakita niya si Nexus na nakapamewang habang naiiling na tumitingin sa kaniya. "Y-you! Kasalanan mo 'to! Dito mo na ba ako ililibing, ha?! Ano ba ang naging kasalanan ko sayo para gawin mo sa'kin 'to?!" umiiyak na panunumbat ni Divina kay Nexus.
Napailing muli si Nexus. Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ito? Ano'ng ililibing ang pinagsasabi nito?
"Miss beautiful—"
"Stop calling me that!"
"Oh, 'di huwag. Madali naman akong kausap."
Sinamaan ni Divina ng tingin ang lalaki.
Habang pasipol-sipol namang nakatitig si Nexus sa kaniya. Alam ni Nexus na medyo masama ang naging bagsak ng babae sa lupa dahil medyo malalim ang hukay. Kung suwertihin nga naman si Miss beautiful sa mismong hukay pa talaga ng ililibing na bangkay bukas ito nahulog. Kung hindi ba naman kasi siraulo ang babae eh, tumakbo nang tumakbo na hindi naman niya inaano.
"Oh, ano, iiyak ka lang ba riyan? Ayaw mo bang humingi ng tulong sa'kin? Puwede mo'ko utusang tulungan kita na iakyat dito sa taas." Nakangisi si Nexus habang hinihintay na sumagot ang babae.
"Bakit mo pa ako tutulungan kong papatayin mo rin naman ako?" asik ni Divina na patuloy sa pag-iiyak.
"Kanina sabi mo ililibing kita riyan. Ngayon naman papatayin kita. Iyan ba ang iniisip mo kaya ka tumakbo?" tanong ni Nexus sa babae.
Nagtataka pa na bumaling si Divina kay Nexus. "Bakit, hindi ba?"
Napasampal sa noo si Nexus. Kaya pala tumakbo ang dalaga dahil akala nito papatayin niya. Aba'y siraulo nga.
"Alam mo, stop calling me that," ginamit ni Nexus na pangalan sa dalaga ang sinabi nito sa kaniya kanina. "wala sa bukabularyo ko na patayin ka. Kaya halika't tutulungan kitang makaakyat dito at pagkatapos sasabihin ko sayo kung bakit kita dinala rito." Lumuhod si Nexus sa lupa saka iniabot ang kamay kay Divina.
Nang una'y nag-alinlangan pa si Divina, pero sa huli ay pinilit niya rin na abutin ang palad ni Nexus. Tumalon-talon pa siya para maabot iyon, at nang magtagpo na nga ang palad nila ng lalaki ay saglit na natigilan si Divina. Something strange happened when their hands met. It feels like a shocking electricity.
"Humanda ka na. Isa… dalawa… tatlo!" Hinila ni Nexus si Divina nang buong lakas. Subalit dahil medyo madulas ang basang lupa ay na out balance si Nexus dahilan upang mahila siya pababa ni Divina. Bumagsak siya lupa—hindi— sa ibabaw ni Divina!
"P-putangina bumagsak si Manoy!"
"Let go of me!" ani Divina na kamuntikan nang malibing sa lupa dahil sa pagbagsak sa kaniya ni Nexus.
"H-hindi ako m-makahinga!" reklamo naman ni Nexus sa laos na boses. Paano siya makakahinga eh, nakasubsob ang mukha niya sa pagitan ng dibdib ng babae.
"Bastos ka! Umalis ka sa ibabaw ko!" sigaw ni Divina na pilit tinutulak ang binata na animo'y palakang nakaubabaw sa kaniya.
Umalis nga si Nexus sa ibabaw ng babae na may ngiting sinusupil sa labi kahit na habol niya ang sariling paghinga. Hindi biro 'yong pagkahulog niya ah. Mataas din 'yon. Sumakit nga ang balakang niya.
"Mabuti nalang at malambot ang binagsakan ng mukha ko. Dahil kung hindi, naku, sira ang beauty ko!" ani Nexus na sa dibdib ni Divina nakatuon ang paningin.
"Bastos! Bastos! Bastos!" Pinaghahampas siya ng dalaga at gayon naman ang pagsangga niya rito gamit ang dalawa niyang braso.
"Tapos ka na? Ano, gusto mo pa bang malaman kung bakit kita dinala rito?" tanong ni Nexus sa babae na ikinatigil nito sa paghahampas sa kaniya.
Nanghihinang naupo si Divina sa isang tabi, yakap ang dalawang tuhod ay sumagot siya. "Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit mo ako dinala rito?"
Ngumisi si Nexus. Naupo sa lupa na ang isang tuhod ay nakataas at nakatukod doon ang siko niya, habang ang isa nama'y nakasalampak sa lupa.
Dinukot niya sa bulsa ang kaninang bagay na gusto niya sanang ilabas kaso tumakbo nga ang dalaga.
Ang epiktus at ang lighter.
"Para dito." Ipinakita niya sa dalaga ang bagay na hawak niya.
Hindi makapaniwalang napatitig si Divina sa hawak ni Nexus. "S-sigarilyo?"
Hindi sumagot si Nexus, sa halip kumuha ito ng isang epiktus sa kaha, isinalampak sa bibig saka sinindihan. Ang usok niyon ay binuga niya sa mukha ni Divina dahilan upang mapaubo ito. Saka lang siya nagsalita.
"Oo. Dinala kita rito para dito. Ang simple lang 'di ba? Pero tumakbo ka ayan tuloy dalawa tayong nasa hukay ngayon."
Divina couldn't believe it. Dahil lang sa sigarilyo kaya siya dinala ni Nexus dito? Sigarilyo pala ang ilalabas sana nito sa bulsa kanina at hindi baril o kutsilyo?
Gusto niya lang manigarilyo kasama ka! Damn Divina!
Wala sa sariling tumawa si Divina. She laugh out loud. Gusto niyang itawa ang kagagohan ni Nexus at kagagahan niya kaya sila nasa hukay na dalawa ngayon!
Ang sira ulong si Nexus ay nakitawa rin kay Divina. Tumawa rin siya nang tumawa na animo'y adik na sabog. Ginagaya niya lang ang babae. Kaya nang tumigil ito ay tumigil din siya sabay abot dito ng sigarilyo.
"H-hindi ako naninigarilyo," sambit ni Divina. Hindi talaga siya naninigarilyo dahil hindi siya marunong no'n. Baka imbes na iluwa niya ang usok ay lunukin pa niya ito.
"Sige na, subukan mo lang, don't call me like that. Madali lang naman eh, gusto mo turuan kita." Pagpupumilit ni Nexus sa dalaga.
Napaikot ang mga mata ni Divina sa itinawag sa kaniya ni Nexus. Pilosopo talaga!
"Ayoko nga. Hindi ako nanigarilyo," tanggi niya.
"Ayaw mo? Hindi ko ibabalik ang kotse mo."
Mabilis na inagaw ni Divina ang sigarilyo kay Nexus dahil sa sinabi nito. "Ikaw naman hindi na mabiro!" aniya saka hinithit ang sigarilyo. Pero dahil hindi nga siya marunong manigarilyo ay napaubo siya.
"Hindi naman kasi ganiyan. Dapat ganito, tingnan mo ako." Kinuha muli ni Nexus kay Divina ang sigarilyo saka hinithit ito. Pinakita niya kay Divina kung paano ang tamang paninigarilyo. "Kita mo? Ganiyan lang kadali. Subukan mo ulit."
Ewan ba ni Divina kung bakit bigla siyang naging sunod-sunuran kay Nexus. Nawala ang dating inis na nararamdaman niya sa magnanakaw at criminal na ito, tila ba biglang nagbago ang pakiramdam niya sa lalaki. Akalain mo 'yon, natagpuan nalang niya ang sariling tumatawa habang pabuga-buga ng usok sa hangin, at nakikitawa sa mga kagagohang biro ni Nexus.
Ni sa hinagap ay hindi niya aakalaing magkukuwentuhan sila ng lalaki habang naroon sila sa isang hukay na siyang paglilibingan ng bangkay sa susunod na araw. Madungis at prenteng nakaupo sa lupa habang bumubuga ng usok ng sigarilyo.