MIIWAC 25- Presinto

1003 Words
SA PRESINTO ang mag-asawang Divine at Romulo Gracia kaharap si SPO2 De Leon. Nang tawagan ni Reymart De Leon ang mag-asawa kanina ay mabilis pa sa alas kwatro na dumating ang mga ito. "I-I can't believe this… no that's not my daughter!" pa histreykal na wika ni Divine na hindi pa rin makapaniwala matapos panoorin ang tv monitor kung saan makikita si Divina na nang-hold up sa isang jewelry shop. Ang malala pa'y kasama nito ang isang sikat na kawatan at mamamatay-tao sa bayan nila. Ang lalaking nagturo sa anak nila ng kabalastugan. Dahil sa lalaking iyon ay hindi natuloy ang kasal ni Divina at Leon! Nabuhay muli ang galit sa dibdib ni Divine. Sira na talaga ang utak ng ana niya. Ano'ng pumasok sa isipan ng anak niya at nagawa nitong mang-hold up? Nasaan na ang professionalism nito? Nasira na rin ba ang utak ng anak niya dahil sa droga? Nakuyom ni Divine ang kaniyang kamao. That Nexus! Ang lalaking iyon! Kasalanan nito kung bakit nagkaganoon si Divina. Pagbabayarin niya ng malaki ang lalaking iyon kapag nahuli ito ng otoridad! Ipapabitay niya ito! Hindi siya papayag na ikulong lang ang criminal na iyon kapag tuluyan itong mahuli. "Honey, calm down. Baka imbes na tayo ang mag-alaala sa anak natin mabalikdan pa ang sitwasyon kapag hindi ka kumalma. Imbes na kay Divina lang ako mag-alala maging sayo na rin kapag hindi ka umayos." Suyo ni Romulo sa asawa. Nag-aalala rin si Romulo para sa kaniyang anak. Hindi rin siya makapaniwala sa nagawa nito. Pero naniniwala si Romulo na napipilitan lang ang kaniyang anak. Kilala niya si Divina bilang isang mabuting anak. Wala itong ibang ginawa kundi ang sundin sila, lalo na si Divine. Hindi na nga ito makapagdesisyon para sa sarili nito dahil madalas sila ang sinusunod. Malungkot na napabuntonghininga si Romulo. Alam niya na kaya nag-rebelde si Divina dahil din sa kanila ng asawa niya. Maging siya ay hindi rin sang-ayon sa mga gustong ipagawa ni Divine sa kanilang anak, pero dahil ayaw niyang masaktan si Divine, hindi na lamang niya sinusuway ang gusto nito. Masakit makita na sinasaktan nito ang anak nila sa mismong harapan niya, pero wala siyang magawa kundi ang yumuko para hindi na lang makita. "How, Romulo? Tell me how? Nakita mo ba ang ginawa ng suwail mong anak? Gumawa siya ng isang bagay na hindi ko lubos akalain na magagawa niya! She's a professional and not a criminal for God's sake!" Umiyak ang si Divine. Hindi nito malaman kung ano ang gagawin. "Sira na ang ulo niya at kasalanan ito ng criminal na iyon!" Niyakap ni Romulo ang asawa nito. "Tahan na, honey. Don't stress yourself. Pasasaan at mahahanap din ni Divina ang sarili niya. Masasabi niyang mali ang mga ginagawa niya at maiisip na bumalik na sa atin." "Hindi ko na alam, Romulo. Hindi ko na alam. Wala na sa katinuan ang ating anak," umiiyak na sabi ni Divine. Si Reymart De Leon na nakikinig sa usapan ng mag-asawa ay sumabat. "Huwag po kayong mag-alala. Hindi magtatagal ay matatagpuan ko rin ang lungga ng thorns at hindi magtatagal ay matutugis din natin sila. Sa ngayon mayroon na akong lead kung saan sila lumulungga. Ihahanda ko lang ang mga kasamahan ko para sa pagsugod." Pahayag ni Reymart. Totoo iyon. May lead na sila kung saan nagtatago ang grupo. Mayroon kasing nakapagsabi na may nakakita sa isa sa mga thorns na kasama si Divina. Isang sepulturero. "Sana nga mahuli niyo sila. Masyado nang kumakalat ang mga tinik nila at kung saan-saan na nanghahasik. Sinisira nila ang buong Pototan. Aksyunan niyo ito. Mga pulis pa naman kayo." Wika ni Divine. Tumango na lamang si Reymart. "And please, bawiin niyo ang anak kong si Divina. Kailangan niyo siyang ibalik sa'min. Hinihintay na siya ni Leon," dagdag pa ni Divine. Malaking kahihiyan ang ginawa ng anak nila pero willing pa rin si Leon na tanggapin si Divine at willing pa rin ito ituloy ang naudlot na kasalan. "I will. Anyway Mr. and Mrs Gracia. Mayroon ba kayong balita sa kaibigan ng anak niyo na si Illinois Porques? Nawawala siya two days na. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy ng pamilya nito kung saan siya nagpunta. Hindi ba siya nasagi sa inyo para hanapin si Divina?" Umiling ang mag-asawa, at sumagot naman si Divine. "Hindi siya naligaw sa bahay. Pero nagkita kami sa Alejandro's Bank 2 days ago bago siya nawala. Sinabi niya na magre-resign na siya sa trabaho dahil pupunta siya ng U.S. After that, hindi ko na siya nakita pa." "Baka naglayas siya o nagtanan na?" ani naman ni Romulo. "Sa tingin ko'y hindi. May mas malalim na dahilan kung bakit biglang nawala ang dalaga. Hindi kaya kinidnap siya?" saad ni Reymart. "Maaari. Baka ang grupong thorns din ang may kagagawan. Walang duda dahil mga criminal sila." Galit na sabi ni Divine. Maya-maya pa'y humahangos na pumasok ang isang pulis. "Sir, mayroong natagpuang bangkay ng isang babae sa ilalim ng tulay ng bagong tindahan. Nakagapos ito at may tape sa bibig. Ipinasok din ito sa loob ng sako." Napayakap si Divine sa asawang si Romulo. Samantala kaagad naman tumayo si Reymart para puntahan ang nasabing tulay sa bagong tindahan ng Pototan. Dahil gusto rin makita ng mag-asawa ang bangkay ng babae, ay sumakay rin sila sa patrol. Pqgkarating sa nasabing lugar, sumamang bumaba sa ilog ang mag-asawa kay Reymart. At doo'y nakita nila ang kalunos-lunos na sinapit ng kawawang babae na wala ng buhay. Nakagapos ito sa kamay at paa. Nang pihitin ito ng isang pulis paharap, doo'y halos masuka si Divine nang makita na sunog pala ang mukha nito na animo'y sinadyang sunugin ng kung sino mang hayop. Sa ayos pa ng babae ay tila pinagsamantalahan pa ito bago namatay. Ang nakakapanghilabot pa ay tila kilala ni Divine kung sino ang babaeng biktima. "Oh…my…god, Romulo!" Napayakap si Divine sa asawa. "Huwag naman sana, honey. Sana mali tayo ng iniisip na si Illinois iyan." Maluha-luhang saad ni Romulo. Sana nga hindi si Illi ang biktimang ito. Sana nga hindi.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD