HINDI namalayan ni Divina ang pagdaan ng mga araw habang kasama niya si Nexus. Pati ang pag-usbong ng damdamin niya para sa binata ay hindi rin niya namalayang hindi na pala ito simpleng paghanga lang, kundi ito'y pagmamahal na. Mahal niya si Nexus. Kahit sino o ano pa ito. Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat, basta isang umaga'y nagising na lamang siya na hinahanap-hanap niya ang amoy ni Nexus, maging ang presensya nito. And soon, she realized that she had fallen in love with Nexus. Ngayo'y nakatitig siya sa binata na abala sa pagkuha ng sili-sili sa palayan, siya'y nakangiti habang nakatitig dito. Pawis na pawis si Nexus, lalo na ang hubad nitong dibdib. As usual, maong na pantalon pa rin ang suot nito, at nakasuot ng sumbrero dahil medyo mataas na ang sikat ng araw sa mga s