Naya’s POV
“Done!”
Finally, I have successfully registered online for those joining Stefano’s contest. I am definitely joining his contest now. Nothing can stop me.
Pinatay ko na ang laptop at pagkatapos ay lumabas na sa kuwarto ko para kumain na ng tanghalian. Nadatnan kong gayak na gayak na naman si Ate Ayah. Sa itsura palang niya, alam na alam ko na agad ang pinaplano niya.
“Saan ka na naman pupunta, Ayah? Akala ko ba ay wala kang lakad ngayong araw?” tanong sa kaniya ni Mama Laya nang makitang nagpapahid siya ng sunblock sa katawan. Alam na alam na rin kasi ni mama kapag may lakad ito. Hindi kasi umaalis si Ate Ayah nang hindi nagpapahid ng sunblock. Ganoon niya pinapahalagahan ang balat niya. Kaya nga ang kinis-kinis at ang ganda ng balat niya kasi ang dami niyang pinagpapapahid sa balat niya.
“May biglaang lakad po kasi. Nag-ayang kumain sa labas ang mga ka-workmate ko,” sagot niya. Napairap ako. She’s always a liar. When were her co-workers supposed to invite her? As far as I know, she doesn’t get along with anyone at work because of her nasty attitude. Sigurado ako na ang boyfriend na naman niya ang imi-meet niya ngayon. Wala na naman sigurong pera ang tangang Ralph na ‘yun kaya ang ate ko ang binubugilgil niya ngayon. Ang tanga ko namang ate, uto-uto. Ang tapang-tapang at ang tali-talino dito sa bahay pero pagdating sa labas at sa ibang tao, bobo siya.
“Mama, magpapaalam na nga rin pala ako sa ‘yo,” sabi ko naman kaya sabay napatingin sa akin sina Mama at Ate Ayah. Naiinis ako kay Ate Ayah kaya iinisin ko rin siya. Sa sasabihin ko, tiyak na puputak na naman ang bibig nitong maldita kong kapatid.
“Ano naman ‘yan, Naya?” tanong ni mama. Si Ate, nag-aabang lang din sa kung anong sasabihin ko.
Huminga ako ng malalim at saka ako nagsalita. “A-attend po ako ng pa-contest ni Stefano ngayong taon. Nakapag-register na ako kanina kaya pumayag man kayo o hindi, tutuloy na ako rito,” sabi ko kaya nakita kong nanlaki ang mga mata ni Ate Ayah sa akin. Si mama naman nakangiti lang dahil support lang niya ako palagi pagdating kay Stefano. Alam na alam kasi ni mama kung gaano ko ka-idol si Stefano.Tinignan ko si Ate Ayah. Umusok agad ang ilong nito dahil sa mga narinig sa akin.
“Bakit naman kita hindi papayagan e, kung diyan ka masaya, support lang ako,” sagot ni mama. “At sana, manalo ka diyan nang maka-date mo na ‘yang idol mo,” dagdag pa niya. The best mama talaga si mama sa lahat ng mama sa buong mundo. Kaya mahal na mahal ko siya kasi grabe rin ‘yung pagmamahal at pag-support niya sa kahit na anong gusto kong gawin sa buhay ko.
“Mama naman e, kinukunsinte mo pa ‘yang si Naya. Nagsasayang lang ng pera ‘yan sa Stefano na ‘yun. Kung sa bayaring bahay na lang niya nilalaan ang mga pera niya, nakatulong pa ‘yan,” kontra naman agad ni ate sa akin. Sabi na e, hindi puwedeng wala siyang sasabihin. Hindi puwedeng hindi siya kokontra sa akin pagdating sa Stefano ko. Bakit ba kasi hindi siya ma-attract kay Stefano e, sobrang guwapo kaya nun. Ang hot-hot pa niya kapag kakanta. Laglag talaga ang panty ko kapag naririnig ko nang kumakanta siya.
“Puwede ba, ate. Minsan lang ako gumanito, huwag ka nang epal diyan,” sagot ko sa kaniya.
“Oo nga naman, hayaan mo na siya, Ayah. Minsan na nga lang um-attend sa ganiyan ang kapatid mo, kokontrahin mo pa,” sang-ayon sa akin ni mama kaya napangiti ako.
“Palagi na lang ganito. You always favor your youngest child. While I, from a young age, you’ve been strict with me and often, my desires were not granted. ‘Yang si Naya, from a young age, you give her everything she wants. You spoil her too much, habang ako, wala, hindi ko ramdam na parang special ako sa pamilyang ‘to.” Dapat bigyan ng trophy si ate. Palagi siyang may dramang ganito. Napaka-artista ng mga datingan niya.
“Ayan na naman tayo, Ayah. Kapag napapagbigyan si Naya, palaging ganiyang ang sinasabi mo. Pare-pareho naman kayong mahalaga sa akin. Pare-pareho ko naman kayong mahal. Sadyang noong ikaw pa lang ang anak ko, wala pa akong ibubuga. Wala pa tayong masyadong pera noon kaya ‘yung mga gusto mo, hindi ko maibigay. Matalino ka anak, kaya dapat maintindihan mo ‘yan,” sabi ni mama sa kaniya pero umirap lang siya. Tuloy-alis na ito sa bahay at talaga nagdabog pa siya nang pagsara ng pinto. Bastos din talaga. Kung sino pa talaga ‘yung mga matatalino, sila pa ‘yung asal bobo kung minsan.
Kung bibigyan ko ng trademark si Ate Ayah. Siya na ata ang reyna nang pagdadabog ng pinto. Kapag galit siya, hindi puwedeng walang pinto na sasara nang malakas.
Nagtatakbo tuloy agad ako sa kuwarto ko. Mabilis akong nagpalit ng damit. At pagkatapos ay dali-dali akong lumabas. Tinanong pa nga ako ni mama kung saan ako pupunta pero, hindi ko na siya nasagot dahil naisip kong sundan ngayon si Ate Ayah, kaya kailangan kong magmadali.
I caught up with Ate Ayah at the corner of our street. She was still walking while carrying an umbrella. I hid to avoid her seeing me. Pagdating sa paradahan ng tricycle ay sumakay na siya. Pag-alis niya, sumakay din agad ako ng tricycle para hindi siya mawala sa paningin ko.
“Kuya, sundan po natin ang tricycle na ‘yun,” sabi ko agad sa driver habang nakaturo sa sinasakyan ngayon ni Ate Ayah.
I won’t let her defeat me. Since she always bullies me, I will find a way to fight back. I’m tired of always being obedient to her. I’m tired of her constant shouting at me. Maybe once I find a way to scare her, she’ll stop being mean to me. Para rin hindi na niya ako pakelaman sa mga gusto kong gawin sa buhay ko, lalo na kapag patungkol sa Stefano ko.
Lumiko ang tricycle niya papunta sa kalye nila Ralph. Tama nga ang hinala ko, hindi ang mga ka-workmate niya ang ka-meet niya ngayon, kundi ang boyfriend niyang siraulo. Bumaba na siya sa harap ng bahay niyon kaya bumaba na rin ako. Nagtago ako sa isang malaking puno. Sakto lang ang layo nito sa bahay nila Ralph.
Ano naman kayang katangahan ang gagawin niya dito?