Prologue

1193 Words
Naya’s POV  Today ay rest day ko. I don’t have work as a sales lady in a clothing shop. On my rest days, I just lie down on my bed while listening to Stefano’s songs. Kapag naririnig ko talaga ang mga kanta at rap niya, napapawi ang pagod ko sa anim na araw na pinapasok ko sa trabaho. Every time I see his pictures on the wall of my room, I feel like I’m floating in the air. Why couldn’t I be one of the lucky girls who became Stefano’s girlfriend? Why was I born as an ordinary person and not like Stefano, who is famous and wealthy? Kung sikat at mayaman ako, baka nagkakilala at naging close siguro kami. Life in this world is really so unfair. Bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Nakita kong pumasok dito si Ate Ayah. Umikot ang tingin niya sa wall ng silid ko at pati na rin sa mga gamit kong naririto. “What is that, Naya? Why are you wasting money on that artist? Look at it, your room is covered with pictures of Stefano Virgo. Do you earn money from that artist?” Pailing-iling siya habang nanlilisik ang tingin sa akin. Pa-english-english pa siya, ganiyan siya kapag gustong magtaray. That’s how she talks to me, always making it seem like she’s better and superior because she has a better job. “Ate Ayah, wala bang bago? Every time you enter my room, that’s what you always say. I’ve been an admirer of Stefano for a long time, and nothing will change that. Just let me be, I find happiness here,” sagot ko sa kaniya. Akala niya, siya lang ang magaling mag-english. Lalaban ako kahit madalas ay sardinas lang ang inuulam ko. “You’re so annoying! Do you really think he’ll notice you? Oh, maybe you’re dreaming that one day you’ll be together and become husband and wife?” She burst into loud laughter, a laugh that was irritating to hear, one after the other. “Well, I guess you’re always delusional about your life. Always foolish. You really won’t change. Instead of spending money on those posters, CDs, magazines, and everything else related to Stefano, it would have been better if you used it to buy beautiful clothes, makeup, and other things. Maybe then you might come close to being as beautiful as me.” “Ayan na naman tayo sa buhat-bangko mo, Ate. Oo na, maganda ka na, hindi na ako lalaban sa iyo pero, puwede bang huwag mo akong pakelaman sa mga ginagawa ko? Diyan na lang kasi talaga ako masaya kaya please, umalis ka na at may ginagawa pa ako rito,” sagot ko sa kaniya habang nakakunot ang noo. Ang ganda-ganda ng araw ko, sinisira niya. “Hey, Naya, I’m just reminding you that the bills here at home are due soon. It’s your responsibility to pay for the electricity and groceries this month. Please stop spending money on things related to Stefano for now, as I also have plans for my salary this month,” she said, and I just shook my head. “Ate, hindi puwede. Sa bills muna ako ng tubig ngayon. May pinaghahandaan din ako. Kailangan ko ng maraming pera. Malapit na ulit ang pa-contest ni Stefano. Kailangan kong manalo roon ngayong taon,” sagot ko sa kaniya kaya agad na namang umusok ang ilong niya. “Win? Why, is there money to be won there? If yes, go ahead, I’ll support you, but if not, stop it!” “Ate, kapag nanalo ako sa pa-contest niya, makaka-date ko si Stefano Virgo. Kapag nangyari ‘yun, ako na ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa dito sa Pilipinas.” “Bullsh*t! Stop your craziness over that tacky rapper. That guy is so ugly, he looks like a drug addict. Naya, I’m serious, stop with that Stefano nonsense. Pay the bills at home this month. If not, tough luck for both of us. You’ll see that I’ll end up burning all your stuff related to Stefano,” she threatened and then left me. Binagsak pa talaga niya nang malakas ang pinto ko kaya napangiwi na lang tuloy ako. Iniisip ng karamihan na ang paghanga sa mga taong tulad nila Stefano ay isang kabaliwan o kaya naman ay kawalang saysay, ngunit nagkakamali ang bawat taong nagsasabi nito, sapagkat napakaraming nabibigay na pakinabang ang mga idolo o artistang ito sa aming mga taga-hanga. Para sa kaalaman ng nakararami, ang mga idolong ito ang nagsisilbing inspirasyon sa bawat pagtahak sa tunay na buhay. Malaki ang nagagawa nito lalo na sa mga taong walang kasintahan na gaya ko. Na gaya kong galing lang din sa brokenhearted. Ang mga idolong ito ang nagtutulak sa amin upang magtrabaho ng mabuti. Oh kaya naman ay nagtutulak sa amin upang makapag-ipon ng pera. Makapag-ipon pambili ng concert tickets at mga merchandise. Yes, it may be a waste of money, but how is it any different from someone spending every week on meals for their partner? Or how is it any different from someone buying gifts for their partner? Oo, alam naming mga tagahanga na ang concerts ay para lang sa isang gabi, ngunit ano ba ang ipinagkaiba niyon sa magkasintahang todo makagastos ngunit sa huli ay naghiwalay lang din naman? Tulad na lang ni Ate Ayah na daig pa ang bakla sa pagsuntento sa boyfriend niyang wala namang silbi. She loves him dearly just because he’s good-looking and has a muscular body. As far as I know, Ate Ayah pays for her boyfriend’s gym membership to maintain his physique. Also, as far as I know, he doesn’t have a job, and it seems like Ate Ayah is the one providing him with money, which he supposedly gives to his family to pretend that he has a job. ‘Di ba? Sino ang mas tanga sa amin. Kaya ngayong may padating na bills, ako tuloy ang iniistorbo niya. Na dati naman ay siya ang bahala palagi. Sa water bill lang naman talaga ako palagi naka-assign dahil higit na mas malaki ang sinasahod niya kaysa sa akin na sales lady lang naman ng isang maliit lang din na clothing shop. Siya kasi, manager na ng isang kilalang clothing shop sa mall. Kaya mas malaki talaga ang sinasahod niya. Bahala siya, hindi ko babayaran ang mga bills na ‘yun. Hindi naman ako ang mapapagalitan dahil una’t sapul, siya talaga ang dapat magbayad niyon. Hindi na niya ako mauuto ngayon. Kapag ako pa kasi ang nagbayad ng kuryente bill at groceries namin, baka hindi na naman ako makapunta sa pa-contest ni Stefano. Jusmiyo, ilang taon na akong hindi nakakasali roon. At ilang taon na rin akong nanghihinayang at naiingit sa mga fans niya na nakaka-date niya. Itong taon na ito, malakas ang kutob ko na akin na ‘to. Na taon ko na ‘to. Na ang year na ‘to ay may malaking twist na mangyayari sa buhay ko. And when I have this kind of gut feeling, I will follow it because I know that this is where I will find happiness. See you, Stefano baby. Finally, I will get to meet you in person.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD