Naya’s POV
“Tao po!” sigaw ni ate sa may gate. ‘Yung boses niya, ibang-iba rito kaysa sa boses niya kapag nasa bahay. Iba talaga ang nagagawa ng lalaki sa babae. Sabi nga nila, mas nagiging mainam ang isang tao kapag sa ibang pamilya nakaharap. Nagiging iba ang ugali at mood nito pagdating sa lalaking ito.
Habang naghihintay ako dito, may nakita akong poster ni Stefano. Napangiti ako kasi napakaguwapo niya sa picture na ito. Gusto ko sanang kunin ‘yung poster, kaya lang baka may sumita ako. Mamaya na lang siguro kapag natapos na ako sa mission ko sa ate ko. Hindi puwedeng ‘di ko makukuha ang poster na ‘yan. Maganda kasing i-display ang guwapong picture niya sa wall ng kuwarto ko.
Maya maya ay lumabas na ang isang ginang. Ina ito ni Ralph. Itsura palang, halatang mukha ng pera. Nakakainis talaga.
“Naku, tamang-tama ang dating mo, ija,” sabi ng ginang na ‘yun at nagmamadali pa itong pagbuksan ng gate si Ate Ayah. Parang tanga kasi ang OA nung ginang na ‘yon. Niyakap niya si ate na para bang close na close sila. Pagkatapos, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at saka ko sila kinuhanan ng video. Gusto kong ipakita ito kay mama at papa para makita niya kung gaano kabait sa ibang tao ang anak nilang palaging dragon sa bahay. Kontra siya palagi sa akin, puwes, sige, gagawa ako ng paraan para ako naman ang kumontra sa kaligayahan niya.
Kapag pa naman tungkol kay Stefano ang pinagbabawalan niya sa akin, mas lalo akong naiinis. Ngayong may panglaban na ako sa kaniya, ewan ko na lang kung mapakelaman pa niya ako sa mga gusto kong gawin sa buhay ko.
“Bakit po? May problema po ba, nanay?” tanong ni Ate Ayah. Ang galang-galang niya sa ibang tao. Akala mo ay sobrang bait. Napapailing tuloy ako. Ang sarap tadyakan ni ate sa inaasta niya ngayon.
“Ayah, nasira kasi itong cellphone ko. Nailaglag ko kanina. Nakakahiya man pero, gusto kong humingi sana ng pampagawa sa ‘yo dahil wala pang sahod si Ralph ngayon. Ayos lang ba na sa iyo muna ako humingi ng perang pampagawa nito?” Napanganga ako sa sinabi ng ina ni Ralph sa ate ko. Halatang pineperahan na lang nila si Ate. Ang tanga lang. Sobrang tanga. Paano niya natatanggap ang ganoong kaplastikan? Halata namang pineperahan lang siya nitong mag-inang ‘yan. Nakakabuwisit talaga.
Ralph’s mother seems to be money-minded. They both deceive my gullible sister. It’s pitiful. At home, she acts all tough, but in front of other people, she just acts foolishly. There, my attention-seeking sister took money from her wallet. It’s clearly seen in my video that she handed Ralph’s mother several one-thousand peso bills. That woman was so delighted, hugging and kissing my sister’s cheek. I think she practically gave that rude woman almost the equivalent of our grocery budget. It’s so infuriating.
Pagkabigay ng pera sa kaniya ni ate ay tuloy-alis na ito. Malamang sa malamang ay sa sugalan na ang punta nito at hindi talaga sa pagawaan ng cellphone. Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha ni Ate Ayah nang magpakawala na naman siya ng malaking pera. Sa puntong ‘yun ay naglakad na ako palapit sa kaniya.
Nagulat tuloy siya nang makita ako. Napako siya sa kinakatayuan niya ngayon.
“Wow. You’re such an angel to other people, Ate Ayah. Is that for real? You gave so much money to Ralph’s mother, huh? I can’t understand you, Ate Ayah. You can’t even buy a single dress or a pair of shoes for mama, but when it comes to that woman, you’re giving her almost the equivalent of our grocery budget. Who’s the more foolish between us now?” Napapailing ako. Hindi ko na siya kayang tignan dahil sa pagkagulat niya. Wala siyang masabi. Pahiyang-pahiya siya ngayon kaya tinalikuran ko na agad siya at ayokong nakikitang mukhang tanga siya. Kahit masungit siya, mahal ko pa rin naman ang babaeng ito.
“Naya, sandali lang.” For the first time, kalmado niyang binanggit ang pangalan ko. At for the first time din ay nagtagalog na siya.
“Ano?!” sigaw ko sa kaniya. Ako naman ang magpapakamaldita ngayon. Ano naman ang magpapaka-dragon mode. Akala niya siya lang ang may kayang magalit, ako rin. Sinasabihan niya akong tanga sa mga binibili at sinasayang kong pera kay Stefano, pero mas masahol naman pala siya.
“H-huwag mong sabihin ito sa atin,” sabi niya.
“Para kang bakla sa ginagawa mo. Pera ang pinapagana mo para mahalin ka ni Ralph na halata namang hindi ka siniseryoso,” sabi ko kaya tumakbo siya palapit sa akin para sampalin ako.
Tinanggap ko ang pagsampal niya. Kasi sasampalin ko rin siya, e. Minsan lang mangyari ito kaya susulitin ko na. Ayon, nang sampalin ko siya ay halos matabingi ang mukha niya. “That’s a wake-up call for you! Ralph doesn’t love you. That family is just using you for money. Mama is right. You’re smart, so why can’t you understand everything that’s happening around you?”
“Hindi ninyo ako naiintindihan, Naya. Hindi ako tanga. Alam ko ang lahat nang mga nakikita mo sa paligid ko. Sadyang wala lang ako magawa sa ngayon,” sagot niya kaya natameme ako.
“Ewan ko sa iyo. Basta ako, hindi na ako papayag na api-apihin mo pa ako sa bahay. Subukan mo pa akong sigawan at utus-utusan, makakarating talaga kay mama at papa ang pagiging tanga mo rito,” warning ko sa kaniya at saka ko na siya tinalikuran nang tuluyan.
She remained silent, but as I walked away from her, I couldn’t help but feel tears welling up. Not tears of anger towards her, but tears of pity for her. She’s beautiful and intelligent, but she’s being deceived by that family. Despite my anger towards her, I still don’t want to see my sister being taken advantage of. I’d rather endure her hurting me and shouting at me than see her being fooled by others.
Habang wala pa ang pa-contest ni Stefano, itong si Ralph muna ang aatupagin ko. Titignan ko at aalamin kung bakit ganoon na lang ang pagiging tanga sa kaniya ni Ate. Pakiramdam ko kasi ay may nangyayari na hindi ko alam. Aalamin ko ang dahilan kung bakit under na under niya ang tigreng ate ko. Humanda siya.