Chapter 6 (Part III)

1058 Words
Naya’s POV After a while, an emcee went up on the stage. It seemed like the games were about to start, and my heart started to beat faster again. I felt Yanna’s tight grip on my arm. It seemed like she was also getting nervous. “Hello! Magandang umaga sa inyong lahat,” pagbati sa aming lahat ng emcee sa stage. “Is everyone here now? Are we exactly twenty thousand or are there still some who haven’t arrived yet?” Napatingin tuloy kami ni Yanna sa mga kapwa naming narito sa ibaba ng stage. Grabe, halos mapuno ata namin ang resort na ito. Mabuti na lang at malawak dito. “Sa tingin ko hindi pa rin tayo buong twenty thousand. Hindi pa rin kasi talaga maiiwasan na may biglaang emergecy sa buhay-buhay natin,” sabi ni Yanna. “Tama ka diyan. At sigurado akong ang hindi makakarating ngayong araw ay malungkot at manghihinayang.” “Sinabi mo pa.” “I just want to tell all of you that your ultimate idol, Stefano Virgo, has also just arrived here,” masayang sabi ng Emcee habang malakas ang boses. Lahat tuloy kaming mga fans ay napasigaw at napatalon. “Naya, sobrang saya ko. Alam mo bang ngayon ko lang makikita sa personal si Stefano?” “Talaga? Hindi ka pa ba nakaka-attend sa mga concert niya?” tanong ko tuloy. “Hindi pa, actually, mag-iisang taon palang niya akong tagahanga,” pag-aamin niya kaya medyo napangiwi ako. Pakiramdam ko ay parang hindi tuloy tatagal si Yanna sa palaro ni Stefano. Malakas kasi ang kutob ko na ang mga magaganap na palaro ni Stefano ay palaging may tungkol sa pagkatao niya. “Naku, sana sa isang taon na pagiging fan mo ni Stefano ay sana kinilala mo na rin siya nang lubos. Kasi alam mo, parang ang mga magaganap na laro ay puro patungkol sa kaniya,” sabi ko sa kaniya kaya nakita kong parang medyo nalungkot siya. “Ganoon ba? Pero kahit pa paano naman ay may alam na ako tungkol sa kaniya,” sabi niya. “Nung mga nakaraang buwan kasi ay wala akong inatupag kundi ang panuorin ang mga concert niya sa internet, tapos nakahabol naman ako sa mga album, magazine at mga CD’s niya, nabili ko na ‘yun at kumpleto ko agad lahat.” Sa tingin ko tuloy ay mayaman ang isang ito. Sabagay, sa mga kasuotan, accessories at makeup pa lang niya ay halatang mayaman nga siya. Sana all na lang. “Mabuti kung ganoon. May chance na palang manalo ka,” sagot ko na lang kaya napangiti na ulit siya. “And now, he’s here. Ladies and gentlemen, please welcome, Stefano Virgo!” sigaw ng emcee kaya lalong dumagundong ang hiyawan naming mga fans ni Stefano dito sa ibaba ng stage. Akala mo tuloy ay nasa isang concert kami. Kumikinang at halos tumalbog ang puso ko habang slow motion kong tinitignan ang paglalakad ni Stefano palapit sa emcee. Napakaguwapo niya lalo ngayon. Ngayon ko masasabing bagay na bagay sa kaniya ngayon ang ganiyang katawan. Ang hunk na niya ngayon. Mas lalong makalaglag panty na siya ngayon. Bagay na bagay sa kaniya ang fit na itim na t-shirt at ang jeans niyang butas-butas. “Damn, Naya. Is this for real? He’s so incredibly handsome and hot. I’m feeling so giddy, as if I could cry.” “Ang totoo niyan, he became even more handsome and hotter now, Yanna. So I can’t blame our fellow fans for their ecstatic screams right now.” Pati tuloy ako nakisigaw na rin nang malakas. Gusto ko rin ilabas ang sumasabog kong damdamin ngayong nasa malapit at nasa harap naming lahat ang idol naming si Stefano. And of course, in situations like this, we can’t act foolishly. I took out my cellphone to take some photos of him while he continuously waved and smiled at fans like me. “Okay, give me a little bit of silence so I can speak,” he said with a smile. Siyempre, kapag siya na ang nagsalita at nag-request, hindi puwedeng ‘di kami susunod. “Maraming salamat sa katahimikan ninyo. Wow, sobrang dami ninyo. Hindi ako makapaniwalang ganiyan kayo karami ngayong taon na sumali sa pa-contest ko.” Hiyawan na naman ang lahat. Pero siyempre, after ng sigawan, tahimik agad dahil nagsasalita na siya. Bago ang laro, hindi talaga mawawala ang pagpapasalamat niya sa lahat nang nag-stay at sumubaybay sa kaniya sa mahabang taon. At isa ako sa mga fan niya na halos ilang taon nang nakasuporta sa kaniya. Bago nga maging sila ni Livia ay mas una akong naging fan ni Stefano. “This will be quick, guys. In the first round happening now, it’s simple. You will just eat at the catering I prepared. While you’re in line there, the waiters will hand you papers of different colors. Later on, you will find out what those colorful papers are for.” At dahil marami-rami nga kami rito, hindi na pinagtagal pa ang pagsasalita ni Stefano sa stage. Agad-agad, pinapila na niya kami sa mga catering na nakahanda rito sa resort. At nang kami na ni Yanna ang nasa mismong harap ng catering, inabutan si Yanna ng green na paper, habang ako naman ay pula. Medyo naintriga ako sa color na ‘yun. Naalala ko, color green ang favorite color ni Stefano. “Ah, puwede bang color green na lang ang ibigay mo sa akin?” sabi ko sa waitress. “Okay, akin na ‘yang pulang papel at ito ang berde na papel,” mabait na sabi ng waitress. Nginitian ko siya at saka nagpasalamat. “Bakit ginaya mo ang kulay green na papel na binigay sa akin?” tanong tuloy ni Yanna sa akin nang maupo na kami sa lamesang nahanap namin. Nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya. “Dahil green ang favorite color ni Stefano, maaaring suwertehin tayo kapag green ang papel na hawak natin,” sagot ko sa kaniya kaya napangiti siya. “Talaga? Naku, kung ganoon, mananalo na pala agad tayo sa round na ito,” masaya niyang sabi. Habang kumakain na kami, kinakabahan tuloy lalo ako. Sana tama ako nang ginawa kanina. Na pinalit ko ang pulang papel sa kulay berde dahil yun ang favorite color ni Stefano. Para pasok na talaga agad kami ni Yanna sa first round na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD